Chapter 9 - Meet him
Stephen's POV
"Ligawan mo lang ang kapatid ko. 'Yun lang." Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Trabaho ba talaga 'yan o inuutusan mo lang ako?"
Manliligaw? Trabaho ba 'yon?!
"Trabaho." Lumingon siya sa'kin at pinatong ang siko sa hita niya, pinagsaklop ang mga daliri. "Manliligaw ka lang at pera ang kapalit."
Napanganga ako. Sersoyo ba 'tong lalaki na 'to? Sabog yata 'to, e!
"Diba dapat ang panliligaw ay kusang loob?" Kunot noo na tanong ko. "Wow, kakaiba na talaga ang paraan ng panliligaw sa panahon ngayon." Iiling-iling na sabi ko. Mukhang sapilitan na sa panahon na 'to.
"Ayaw mo ba? Okay lang naman." Bigla siyang tumayo kaya nataranta ako.
"Saglit!" Pagpigil ko, "Hindi pa tayo tapos mag usap. Hindi kasi ako nalilinawan sa sinasabi mong trabaho."
Huminga nang malalim 'yung lalaki at umupo ulit sa tabi ko. "Magpapakilala muna ako sa'yo tutal ako naman ang magpapasweldo sa'yo." Tumango lang ako. "Vryle Jorome Flores," inabot niya 'yung kamay niya. "Call me Kuya Jo."
"Kuya Jo," paguulit ko at nakipag shake hands ako sa kaniya. "Stephen Favelino,"
"Stephen.." ngumisi siya. "Ganito kasi 'yon. May kapatid ako na kailangan ng manliligaw." Hindi ko naiwasan na tumaas ang kilay ko.
"Uhm, wala po bang nagkakagusto sa kaniya? No offense, ha!"
Tumingin lang siya sa'kin at tumawa. "Meron, marami." Mukha siyang seryoso. "Pero hindi lahat tumatagal sa kaniya, lahat binabusted niya." Nahihirapan na sabi niya.
Alam kong wala akong karapatan na magtanong pero nagtanong na ako. "Kung ganoon naman po pala, bakit hindi niyo na lang po hayaan 'yung kapatid mo? Baka naman ayaw lang mag boyfriend,"
Nagulat ako nang ngumisi siya. "Alam mo, sa lahat ng lalaki na nakuha ko para manligaw kay Elaine at ang kapalit ay pera, ikaw lang ang maraming sinasabi at kumento."
"Ay pasensiya na po." Chismoso lang talaga ako.
"Ayos lang, kailangan mo rin naman malaman ang mga bagay tungkol sa kaniya." Napatagil ako nang ma-realize ko na may binanggit siyang pangalan kanina.
"Elaine po ba ang pangalan ng kapatid mo?" Tumango lang siya.
"Pero mamaya na natin pag usapan 'yan. Eto kasi ang issue, nakailang fiancé na si Elaine pero lahat pinagtripan niya lang kaya walang tumagal sa kaniya." Kinilabutan ako bigla. "Wala siyang pakialam kung mayaman ang mga 'yon, kung ayaw niya, ayaw niya." Lumingon siya sa'kin. "Kaya naghahanap ako ngayon na pwedeng manligaw kay Elaine at babayaran ko. Gagawin ko ang lahat, bumalik lang ang dating Elaine. 'Yung masayahin at punong-puno ng pagmamahal. At sa tingin ko, eto lang ang paraan. Hindi ko naman kasi mapipilit 'yung mga lalaki na mapera na ligawan si Elaine dahil alam kong susuko agad sila."
Ang dami na palang sinasabi ni Kuya Jo, feeling ko tuloy kilala ko na si Elaine. Kung sino man siya, nakakaawa siya.
"Sumama ka sa'kin," bigla siyang tumayo.
"Saan po?"
"Sa bahay,"
Dinala ako sa bahay nina Kuya Jo, sobrang ganda. Mansyon! Napakalaking bahay pero.. walang tao? Ano ba naman 'yan!
"Ikaw lang ba rito?" Hindi makapaniwala na tanong ko.
"Hindi ito ang totoong bahay namin, isa lang 'to sa mga bahay namin."
WOW. YAYAMANIN.
"E-edi marami kayong bahay?!" Halos pasigaw na sabi ko.
Grabe! Kami nga iisa lang ang bahay, maliit pa at isa lang ang kwarto. Samantalang ito, sobrang laki. Ang daming kwarto. Kasya na ang tatlo o apat na pamilya rito.
"Oo at bibigyan din kita ng bahay," gulat akong napatingin kay kuya Jo, "Kung papayag ka na ligawan si Elaine."
"Opo! Opo! Payag na ako!" Sayang 'to! Napakalaking oportunidad!
"Sigurado ka?" Uminom siya ng tubig at inalok din ako. "Kahit mahirapan ka? Maraming kundisyon, hindi madali." Nilapag niya 'yung baso. "Tandaan mo, walang madali na trabaho."
Natigilan ako. Napaisip saglit. Gaano ba kahirap ligawan ang Elaine na 'yon?
"Isa lang ang goal mo, ang paamuhin si Elaine. At kung sakali man na mahulog siya sa'yo, saluhin mo."
"Ha? Paano kung hindi ko siya magustuhan?" Ang unfair naman nun sa kaniya! One sided kung nagkataon.
"Magugustuhan mo siya," ngumiti siya nang malawak. "Maraming nagkakandarapa sa kaniya noong matino pa siya, 'yun nga lang, walang makaporma sa kaniya dahil may boyfriend siya."
"May boyfriend siya?!" Jusko! Ano ba 'tong pinasok ko!
"Dati." Mariin na sagot niya. "Ex niya na 'yun ngayon."
"Ano pong nangyari sa kanila?" Chismoso ako.
Ngumisi siya. "Alamin mo," nagkibit balikat.
Napakurap ako. "Ibig sabihin, sisimulan ko na ang panliligaw sa kaniya para alamin ko? Kailan? Tyaka paano?"
"Next week. Simple lang, nag aaral ka diba? Lilipat ka ng school."
"HA?!" Hindi pwede 'yun! "Ayoko naman po nun! Maiiwan ko si Liam mag isa."
"Sino si Liam?"
"Kaibigan ko po pero halos kapatid ko na rin." Napayuko ako.
"Edi isasama natin siya," cool na sabi niya.
"T-talaga po?!" Parang sobra na 'to. "Okay lang sainyo? Paano po 'yung gastos? Sigurado po ako na private school ang kapatid niyo," nilibot ko ang paningin ko mansyon na 'to. "Baka maubos po ang pera niyo dahil sa tuition fee na babayaran niyo para sa amin ni Liam."
Napatingin ako kay Kuya Jo nang bahagya siyang tumawa. "Huwag ka mag aalala," tinapik niya ang balikat ko. "Pamilya namin ang may ari nung school na papasukan mo at ako ang kasalukuyan na may hawak doon."
"Wow, big time!" Natatawa na sabi ko. Nahiya rin ako agad. "Ano po pangalan ng school niyo?"
"Vrinth University,"
"VRINTH UNIVERSITY?!"
Hindi ko akalain na makakaapak ang isang dukha na katulad ko sa Vrinth University.
"Come in," pinapasok ako nito ni sir Bartolome sa bago kong classroom.
Dapat talaga ay next week pa ang lipat ko pero ewan ko ba kay kuya Jo at bigla na lang ako tinawagan nang maaga at pinadala sa bahay namin itong uniform ko, pati bagong sapatos. Nagtaka pa si Liam at mama dahil hindi ko pa nasasabi sa kanila. Dapat kasi ay next week ko rin sasabihin. Biglaan na lang ang lahat. Nagmamadali pa si Kuya Jo na pumunta ako rito sa school at nandito sa classroom na 'to si Elaine.
"Introduce yourself," nakangiting sabi ni sir.
Kinakabahan ako. "Uh, ako si Stephen Favelino, eighteen years old at pinanganak ako sa bahay namin. 'Yun lang."
Nakarinig ako nang ilang tawanan. Mukhang hindi ako mahihirapan makihalubilo sakanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro