Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8 - Transferee

Elaine's POV

I opened my eyes. Ang bigat ng pakiramdam ko. Nahihilo ako. Agad akong napatingin sa paligid at nareliaze ko na nandito na ako sa kwarto ko.

"Nasa party ako kagabi ah?!" Gulat na sabi ko sa sarili ko. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla na naman itong sumakit. Wala akong maaalala!!

Ang naaalala ko lang ay nag iinuman kami ni Natalia habang si Ren ay nag tutwerk na sa gitna ng bahay nila sa sobrang kalasingan.

Agad akong tumayo, medyo nahilo pa ako. Napansin ko na suot ko pa rin ang black fitted dress na gamit ko kagabi sa party. Kumunot ang noo ko sa kakaisip kung paano ako nakauwi.

Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko. "OMYGHAD! I'M LATE!" dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo ko, natumba pa ako dahil nahihilo ako. I am 30 minutes late!

Nawala ang sakit ng ulo ko nang maligo ako. Hays. Ligo lang pala ang katapat! Nagmadali ako mag suot ng uniform, shoes, medyas, earrings at hinablot ang bag ko na nakapatong sa study table ko.

Lalabas na sana ako pero naramdaman ko na may kulang sa suot ko. Luminga-linga ako sa paligid at iniisip kung ano ang kulang. Natataranta na ako!

"The anklet!" 'yan ang kulang.

Dumiretsyo ako sa side mini cabinet ng kama ko at pero hindi ko mahanap 'yung anklet! Gosh! Wala rin naman sa paa ko pagkagising ko! Omyghad! "Sh*t! Where's my fcking anklet?!" Lumuhod na ako. Naikalat ko na ang mga gamit na laman ng cabinet ko pero hindi ko pa rin makita.

I decided to stand up when I saw the clock. 15 minutes na lang ay absent na ako sa first subject.

"Good job, Elaine!" Inis na sabi ko sa sarili ko at tumakbo na palabas sa kwarto. Hinayaan ko na lang ang mga naiwan at nakakalat na gamit sa sahig ng kwarto ko. May maids naman kami. Bahala na sila roon at kapag may nawala, lagot sila sa'kin.

"Yaya! Paayos ng kwarto ko!" Sabi ko habang tumatakbo pababa sa mahabang hagdan na 'to.

"Sige po, ma'am!" Sagot niya.

"Pahanap na rin po ng anklet ko!" I shouted. Tuluyan na akong nakababa at patakbo na sana papunta sa main door pero narinig ko ang boses ni kuya Jorome.

"Saan ka pupunta?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya.

"School," taas kilay na sagot ko habang nakaturo sa suot kong complete uniform.

"Hindi ka papasok," mariin na sabi niya.

"What?! Why?!"

"Mag sorry ka muna kay kuya Charles mo at ate Cindy mo." Seryoso na sabi ni kuya Jorome. Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Ha??" I reacted in disbelief. "May nagawa ba ako? Wala naman akong ginawa-- OH!" Napahawak ako sa bibig ko nang may pumasok sa utak ko na mga scenarios.

"YOU DON'T NEED TO FETCH ME, KUYA!"

"Elaine!" I saw ate Cindy. "Huwag mo sigiwan ang kuya Jorome mo!"

"WHATEVER!" I shouted. "PALAGI NIYO NA LANG AKO PINAPAGALITAN, PALAGI NIYO NA LANG AKO KINOKONTROL. ANO BA ANG AKALA NIYO SA'KIN, ROBOT?!"

"Stop, Vrinth Jelaine!" kuya Charles said. "I'm warning you,"

"SO WHAT? TATANGGALAN NIYO AKO NG CARD? GO!" I'm drunk. "I DON'T CARE, ASSHOLES!"

*PAK!* Ate Cindy slapped me.

"CINDY!"

"E-elaine.. No.. No, no, don't cry.. I'm sorry!" Ate Cindy begged.

"Our parents.. NEVER slapped me." Then I run upstairs.

"Omyghad.." napahawak ako sa bibig ko at bigla na lang ako napaiyak. Nanginig bigla ang kamay ko. "Ate Cindy.. slapped me?!" Hindi ako makapaniwala.

"Elaine--" aambang hahawakan ako ni kuya Jo.

"No! Don't touch me! I will not apologize." Lalabas na sana ako pero humarang si Kuya Jo sa pintuan.

"You will," he's mad.

"But I was drunk that time! Baka nakakalimutan niyo na nangako kayo kay dad and mom na hindi ako sasaktan PHYSICALLY!" I heard a footsteps coming near to us. "And ano ginawa niyo? Ano ginawa ni ate Cindy?!"

"Elaine," I heard ate Cindy's voice behind me. "I'm sorry." I immediately faced her. She was about to cry.

"You can go now, no need to say sorry. It was my fault." Sabi ni ate Cindy habang nakayuko. "I'm sorry for what I did." At tumalikod siya.

"Cindy naman--" naputol ang sasabihin ni Kuya nang magsalita ulit si ate Cindy.

"Elaine was drunk, hindi niya alam ang ginagawa niya at ang mga lumalabas sa bibig niya last night. So, let her go," sabi niya habang nakatalikod sa'min ni Kuya Jorome.

Pinunasan ko ang luha ko at tuluyan na akong lumabas ng bahay. At ngayon, absent na talaga ako sa first subject namin. Lutang ako habang nasa byahe, paulit-ulit pumapasok sa utak ko 'yung sampal ni ate Cindy.

"Omygosh, bakit ngayon ka lang?" Natalia asked.

"Hangover," tipid kong sagot at umupo na sa tabi nila.

"Sakto kalalabas lang ni Mr. Bartolome. And guess what? May sinabi si Sir Barts na magkakaroon DAW tayo ng new classmate came from public school!" Chika ni Renalyn.

I nodded. Wala naman akong pakialam sa ganiyan. Kung gusto nila mag aral sa eskwelahan na 'to, edi go. Huwag lang nila ako gagalitin.

"Kailan nga ulit ang dating nun? Nabanggit 'yun ni sir Barts kanina, diba?" Nat asked.

"Ah, yes, next week." Ren answered. Nasa gitna nila ako at nag uusap sila. "And it's a boy!"

Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba loyal ka na kay Lorence?" Tsk. Sinasabi ko na nga ba, may tinatago pa ring landi ang isang 'to.

"Duh! Iniinform ko lang kayo! Hindi ko naman sinabi na lalandiin ko ang transferee na galing sa public." Ren rolled her eyes. "Pero depende kapag gwapo." Humalakhak siya.

"The fck?" Nat reacted. "Jel, bakit pala bigla na ka lang sinundo kagabi ni kuya Jo? Wala na tuloy ako kasama mag inom kagabi!" Reklamo niya.

"Emergency," I lied. Ayoko na alalahanin.

"Sayang, hindi mo nakita kagabi si Ren na tumalon sa pool dahil sobrang lasing!" Humagalpak si Natalia sa tawa.

Nahinto ang pagtawa niya nang bigla pumasok si sir Barts.

"Class, ngayon na pala ang dating ng bago niyong classmate." Sir Barts said. Tumingon siya pinto, napatingin din kami. "Come in," he gestured his hand.

Then a simple but handsome guy shyly walked in front.

Suddenly, all girls here giggled.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro