Chapter 7 - Drunk
Cindy's POV
"Kuya Jorome, are you sure about this?"
Ilang linggo na naghahanap ni kuya Jorome ng mga lalaki na pwede manligaw kay Elaine. Nililikom niya ang mga ito at kung sino ang magustuhan niya, 'yun ang iha-hire niya.
"Yes, eto na lang ang nakikita kong paraan para magtino si Elaine."
"Hindi kaya baka masakal na siya sa'tin kapag tinuloy mo pa 'to?" nag aalala na sabi ko.
"Hindi siya masasakal. Hindi niya naman malalaman na sa atin nanggaling ang magiging manliligaw niya."
Right. Hindi naman malalaman ni Elaine na bayad namin ang panliligaw na gagawin sa kaniya.
Hindi na kasi umuubra ang mga mayayaman na lalaki sa kaniya dahil alam niyang diretyso itong ieengaged sa kaniya. Sinusubukan ngayon ni kuya Jorome ang hindi mayaman para walang lusot si Elaine. Kaso..
"But, what if.. ma-fall si Elaine?"
"Then, good. Babalik na siya sa dati." masayang sabi ni kuya Jorome. "Ayaw mo ba nun?"
Umiling ako. "Hindi naman sa ganoon kuya.. baka lang kasi kapag nasaktan siya ulit--"
"Tignan nalang natin." sabi niya. "Last na 'to. Kapag hindi pa rin gumana, titigil na tayo."
I nodded. "Piliin mo 'yung pinakatama para sa kapatid natin." I trust him.
"Woah, woah! What's going on here?" umalingawngaw ang boses ni kuya Charles dito sa loob ng mansyon.
"Elaine," simpleng sagot ni Kuya Jorome.
"Hay, pambihirang bata talaga 'yun, oh! Nakita ko sila ni Natalia na magkasama kanina. Isasabay ko na sana siya pauwi rito kaso sabi may party pa raw sila na pupuntahan." Iiling-iling na sabi ni kuya Charles.
"Party?! Party na naman?! Kakaparty niya lang kahapon ah?" irita na sabi ko.
"That's why.. kailangan natin ng manliligaw for her.." mahinahon na paliwanag ni kuya Jorome. "Para mabantayan siya at mailayo sa mga ganiyang bagay.."
"May nahanap ka na ba, kuya?" chill na tanong ni kuya Charles kay kuya Jorome habang nakahilata sa sofa.
"I think.. meron nang pumasa sa standard ko." nakangisi na sabi ni kuya Jorome. "Kikilatisin na lang."
"Sino ba 'yan? Siguraduhin mo kuya na matinong lalaki 'yan ah!" dinuro ko siya.
Kapag hindi matino ang lalaki na 'yon, ako na mismo ang makakalaban ni kuya Jorome!
Lumingon siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay. "Kaya nga kikilatisin, diba?"
Okay..
"Ano name?" kuya Charles asked.
"Wait lang ah, tawagan ko lang si Elaine." I excused myself.
Kinuha ko ang telepono ng bahay at agad siyang dinial.
*On phone*
"What do you need?!" pasigaw na sabi ni Elaine. Sobrang ingay sa kabilang linya!
"Nasa party ka na naman?!"
"Yeah, why?!"
"Umuwi ka bago mag eight o'clock ng gabi!" I commanded.
"Okay!" she laughed.
Kumunot ang noo ko dahil tumawa siya.
"Umuwi ka before 8, ha!" pag uulit ko.
"Okay!! I'll go home before 10 o'clock! Good night!"
"ELAINE--"
She ended the call.
THAT BRAT!!
Napasabunot ako sa buhok ko sa inis! Kung hindi lang ako nangako kay mommy at daddy na hindi sasaktan physically si Elaine, malamang ay sinugod ko na siya ngayon kung nasaan man siya at kinaladkad pauwi rito sa mansyon!
Tiis lang, Cindy.. tiis lang. Habaan mo pa ang pasensiya mo.
"Kuya Jorome!" I shouted. "Sunduin mo si Elaine bago mag eight o'clock!"
Naha-highblood ako!
Sinubukan na namin i-grounded noon si Elaine pero nakakatakas talaga siya. At mas lumala siya kaya tinigil namin.
"Saan ko susunduin?"
Napatigil ako. Arghh!! Nakalimutan ko tanungin si Elaine!!
"Sa bahay raw nila Renalyn," Kuya Charles joined the conversation.
Lumapit ako sa kaniya at parang nabuhayan ako. "Paano mo nalaman? Tinawagan mo?"
Kunot noo siyang tumingin sa'kin. "Diba nga, nakasalubong ko siya kanina."
Bonak. Oo nga pala.
"Good, kuya, sunduin mo ah." pumasok na ako sa malaking kwarto ko na halos wala naman masyadong gamit.
Puro lang furnitures ang makikita rito. Ang laki laki nga ng kwarto ko pero ako lang mag isa rito. Malungkot.
Pagpatak ng 8 o'clock, bigla akong nakarinig ng ingay sa living room namin. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at nakita ko si Elaine sa baba na nakasuot ng black FITTED dress, kumikinang kininang pa 'to. Hindi sumasang-ayon ang adult dress na suot nito sa edad niya na disi-sais lang.
"YOU DON'T NEED TO FETCH ME, KUYA!" her voiced echoed in the mansion. Napapatingin tuloy sa kaniya ang ilang maids namin na napapadaan.
"Elaine!" nagagalit ako. Parang gusto ko na lang mag-teleport simula rito papunta sa baba, ang haba-haba naman kasi nitong hagdanan! "Huwag mo sigiwan ang kuya Jorome mo!"
"WHATEVER!" she's drunk. "PALAGI NIYO NA LANG AKO PINAPAGALITAN, PALAGI NIYO NA LANG AKO KINOKONTROL. ANO BA ANG AKALA NIYO SA'KIN, ROBOT?!"
"Stop, Vrinth Jelaine!" kuya Charles said. "I'm warning you," Naabala pa yata siya sa paglalaro niya sa cellphone niya kanina.
"SO WHAT?" lumingon si Elaine kay kuya Charles na medyo gumegewang pa siya. "TATANGGALAN NIYO AKO NG CARD? GO!" ginesture niya pa ang kamay niya na parang pinapalayas kami. "I DON'T CARE, ASSHOLES!"
*PAK!*
"CINDY!"
Nangingilid ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan na mapagbuhatan ng kamay si Elaine.
Hinawakan ni kuya Jorome at kuya Charles ang magkabilang kamay ko, pinipigilan ako na baka masampal ko ulit siya.
"E-elaine.. No.." Nagsisi agad ako sa ginawa ko nang biglang may luha na tumulo sa mata ni Elaine pero agad niya rin pinunasan. "No, no, don't cry.. I'm sorry!" iling ako nang iling.
Hindi ko na alam kung umiiyak pa ba siya dahil nakaharang na ang luha sa mga mata ko. Hahawakan ko sana si Elaine pero lumayo siya sa'kin na parang pinandidirihan niya ako.
"Our parents.. NEVER slapped me." mariin na sabi ni Elaine bago siya tumakbo paakyat sa kwarto niya.
"Elaine!" rinig kong tawag ni kuya Jorome atsaka ako humagulhol.
"Kuya Jo, puntahan ko lang si Elaine, dito ka muna kay Cinds."
Pagkaakyat na pagkaakyat ni kuya Charles, tumakbo ako kay kuya Jorome.
"K-kuya.. Hindi k-ko sinasadya. Hindi ko 'yun sinasadya!" hinawakan ko ang mga kamay niya.
Napayuko lang si Kuya Jorome at niyakap ako. "Cindy.. kumalma ka, kausapin mo nalang si Elaine bukas, okay?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro