Chapter 5 - Enemy
Elaine's POV
"Duh! As if naman na papatulan pa nila tayo." Natalia rolled her eyes. "And I saw naman na inabutan ni kuya Joey ng money 'yung boy na nagsisigaw."
"Eh, kahit na! They are like.. uhm, squatter people!" react ni Renalyn. "Ang scary 'no. Baka later niyan bigla na lang nila tayo batuhin ng rocks."
"Stop being so paranoid, Ren, will you?" nagpapaka-stress siya roon sa lalaki na muntik na namin mabangga kanina.
Oh, scratch that.
Muntik mabangga ng DRIVER ko. Si kuya Joey. Wala kaming kinalaman na mga girls doon.
"Jel, next time make sure na your driver ay one hundred percent awake!" panggigigil ni Nat.
"Okay, girls. Enough na, please? Nakakarindi na. Nandito na tayo sa 5th floor tapos 'yan pa rin ang pinag uusapan niyo."
"Ugh! Ren, Samahan mo nga ako sa C.R." sabi ni Nat. "I think I need some retouch!"
"Kararating lang natin retouch na naman?!" i'm tired na. "Nag retouch na kayo sa car kanina 'diba?" These two girls, really!
"Ako rin, na-stress ako! Feeling ko ang bruha ko na! Let's go, Natty!" hinila ni Ren si Natalia.
I rolled my eyes. Hindi ako ganiyan kaarte. Natatawa na lang ako na naiinis sa kaartehan nilang dalawa pero okay lang. Sila lang naman ang kaibigan ko.
Susunod na sana ako kay Ren at Nat nang may biglang bumangga sa'kin at may naramdaman ako na tubig na dumaloy sa longsleeves ko.
"Oops, I'm sorry." Napapikit ako ng mariin at dahan-dahan tinignan ang uniform ko.
"WHAT THE F*CK IS YOUR PROBLEM AGAIN, LADY?!" My voice echoed in the hallway.
"I said I'm sorry.." nakangisi na sabi ni Lady sa'kin. Mas lalong nag init ang ulo ko nang makita ko ang kilay niya. Sobrang kapal!
"Nakakailan ka na, Lady." nagtitimpi kong sabi. "Pagsisisihan mo na 'to."
Tumalikod ako sa kaniya at sa apat na babae na kasama niya. I even heard them laughed when I turned around and walked away.
No one knows that I am the heir of this Vrinth fcking University.
"OMYGHAD! WHAT HAPPENED TO YOU?!" Ren and Nat shouted in chorus.
Except of these two girls in front of me.
"Lady bullied you again?!" Pag aalburoto ni Nat. "Jel naman! How many times have I told you to kick her out of YOUR school! Makakasira lang siya ng image! Gosh!"
"Pang ilan na ba 'to?" tanong ko habang pinupunasan ko ang mantsya na nasa uniform ko. Color violet ito, hindi ko alam kung ano ang tinapon niya sa'kin.
Oo, TINAPON. Sinadya niya 'yon. Siya lang naman ang may lakas loob na mang-bully sa'kin sa school na 'to. Hindi niya alam, may ari ng school ang binubully niya.
"Mga pang sampu na 'yan." inis na sabi ni Ren. "Bakit ba kasi hindi mo pa siya isumbong kay kuya Jorome?!" si kuya Jorome ang humahawak nitong school ngayon habang bata pa ako.
"Wala akong proweba." simpleng sagot ko.
Right. Wala akong pruweba na si Lady ang nagtapon nito dahil wala naman ibang tao kanina sa hallway kundi kami lang at ang mga alipores niya.
"Hindi maniniwala si kuya sa sabi-sabi lang. Kailangan ng proof like photos, videos, voice clip, etchetera." Dagdag ko. "Anything na pwede gawing pang laban."
Nakita ko si Nat na napakamot sa ulo niya habang si Ren ay nakatingala na parang may iniisip siya.
"Why don't you takutin one of her friends?" masiglang sabi ni Ren. "Like kuha ka ng sikreto nila and then ibunyag mo! Kapag hindi siya nakipag tulungan sa'yo, doon mo ibunyag."
"Brilliant!" pag sang-ayon ni Nat kay Ren. Napailing na lang ako.
"I won't do dirty works." nagpalit na ako ng uniform. Mabuti na lang at meron akong extra sa locker ko. "Mas magiging kumplikado lang ang lahat."
Kapag ginawa ko 'yon, pwede magsumbong 'yung kaibigan ni Lady na tinakot ko siya. Baka mamaya niyan naka voice record na pala ang usapan namin at hindi ako aware. I have trust issues.
Matapos ang klase namin. Nadaan ko si Lady na pangiti-ngiti pa sa'kin. Tsk. May araw ka rin sa'kin babae ka!
"Nat! Saan ka na naman pupunta? Hindi na natin pwede iwan mag isa si Jel!" rinig kong bulong ni Ren kay Nat.
"Ha? Why?"
"Stupid. Para kapag may ginawa na naman si Lady sa kaniya, nandito tayo! Kukuhanan natin ng picture!"
Hindi ko alam pero parang nanghihina ako sa mga pinagsasabi nito ni Renalyn! Imbis na awatin, ay pipicture muna. Galing :)
"Bakit parang napagod ako ngayong araw kahit wala naman tayong masyadong ginawa." huminga nang malalim si Renalyn.
Tapos na ang klase namin. Mabuti na lang at hindi ko na nakita si Lady. Tsk. Nakakaumay na ang pagmumukha niya.
"Let's relax then.." nagkatinginan kami at napangiti sa isa't-isa.
"PARTY!!" we yelled in excitement.
Madalas kami mag party sa bahay ni Renalyn. Wala kasi ang parents nito. Palaging nasa ibang bansa.
"Lorence!" agad niyakap ni Renalyn ang boyfriend niya na taga ibang section.
Nagkatinginan kami ni Nat at pareho kaming napairap. Hindi pa rin kami sanay na loyal si Renalyn sa isang lalaki.
"You two, do your job!" sabi ni Ren sa'min ni Nat sabay kapit sa braso ng jowa niya.
Ganiyan kami lagi. Si Ren, siya ang bahala na mag ayos sa bahay nila habang kami naman ni Nat ay mag iinvite ng mga pwedeng makiparty sa'min.
Tama lang din na mag party ngayon dahil nakakastress ang ginawa sa'kin ni Lady. Kumunot ang noo ko nang maisip ko 'yung lalaki na muntik namin masagasaan kanina. Arggh!! Isa pang nakakastress 'yun!
"I'm gonna go, girls! See you later!!" bibo na sabi sa'min Renalyn.
Napatingin ako kay Nat dahil nalaglag niya ang libro na hawak niya. Hinayaan ko lang siya. Isang libro lang 'yon. Kaya niya na pulitin mag isa 'yon.
"Uhm, Jel?" napayuko ako para tignan siya. Nakatitig lang siya sa paa ko kaya napatingin din ako sa paa ko. Hindi naman ako nakaapak ng tae, ah? "You s-still wearing the anklet.."
I blinked twice. "Don't mind it." then I walked to take her gaze off my anklet.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro