Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4 - The first encounter

Stephen's POV

"Vrinth University,"

Mangha na sabi ni Liam habang pinagmamasdan ang pagkalake-lakeng school na 'to na nasa harapan namin ngayon.

Itong Vrinth University ay sobrang laki! Private school 'to e. Pang mayayaman. Samantala ang school na pinapasukan namin ni Liam ay okay lang, sakto lang, public school. Hindi lang mahihirap o mga walang kaya sa buhay ang nandoon sa school namin, marami ring barumbado.

"Gusto ko makapasok diyan." sabi nya habang tulala pa rin sa Vhrint University.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya. Ang imposible naman na makapasok siya o ako diyan, hindi namin afford 'yan.

"Syempre, maraming maganda diyan." ngumisi siya.

"Gago, akala ko naman may pangarap ka sa buhay." iiling-iling na sabi ko.

"Tanga, may pangarap ako." nabigla ako sa pagseseryoso ng boses niya. "Pangarap ko mangbabae sa loob ng Vrinth University!"

"Hindi ka talaga makakapasok diyan kung ganiyan ang hangarin mo!" sabi ko sabay turo sa malaking school na 'to.

Tumawa nang malakas si Liam at mahina akong tinulak-- *BEEEEEP*

Nagtaasan ang mga balihibo ko. Muntik na ako masagasaan!

"Hoy!" sigaw ni Liam doon sa tao sa loob ng kotse. Umikot pa siya para makatapat siya roon sa pintuan ng driver. "Nasa gilid lang kami ah! Gusto niyo ba patayin ang kapatid ko?!"

Hindi ko alam kung aawatin ko ba siya o ano. Nagawa niya pa akong tawagin na kapatid niya kahit galit na siya.

Pero tama siya, nasa gilid kami ng daan at hindi naman kami tanga para sa gitna kami pumwesto. Etong driver ang tatanga-tanga. Tinted pa ang salamin nila kaya hindi namin makita kung ano ang itsura nung mga tao na nasa loob.

"Hoy!" pinalo na ni Liam 'yung salamin nung driver. Aawatin ko na sana siya nang makita ko ang suot kong rubber shoes na tanggal na ang sintas.

Umupo ako para matali ito, napansin ko na pasira na rin pala itong sapatos ko. Ang dumi-dumi. Ang gusgusin. Hay.

Nakarinig ako nang kalampag ng pinto ng sasakyan habang tinatali ko ang sintas ko. Nakarinig ako ng yapak ng paa na palapit sa'kin mula sa likod, mas binilisan ko ang pagsintas ko dahil inayos ko na rin pati ang kabilang sapatos ko.

"Huwag kasi kayo paharang-harang sa daanan." napahinto ako dahil sa babae na nagsalita.

Paa niya lang ang nakikita ko. Medyo nakatalikod ito sa'kin. May takong ang school shoes niya. May suot na mahabang medyas na hanggang baba ng tuhod at maikling palda na kulay violet. Pero napatingin ako sa kanang paa niya na medyo nakaharap sa'kin, may suot na Anklet.

a m g

Small letters. 'yan ang nakalagay na letra roon sa Anklet na nakasabit sa paa nung babae. Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil nagandahan ako sa anklet niya. Masyadong girly 'yung itsura pero ang ganda.

Bumalik lang ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Liam. Napatayo ako at napatingin doon sa babaeng naglalakad na palayo, may kasama pa siya na dalawang babae. Naka ponytail siya at nakatalikod na kaya hindi ko nakita ang itsura. Puting longsleeves ang pantaas na uniform nila at naka tuck-in 'yon sa maikling palda nila.

"Tsk! Mga mayayaman talaga! Akala mo madadaan lahat sa pera!" bulaslas niya.

"Ha? Bakit? Anong ginawa sa'yo?" wala sa sarili na sabi ko habang nakatingin doon sa mga babae.

Napalingon ako sa kaniya na parang galit na siya. "Oh, bakit?"

"Seryoso ka ba? Tinatanong mo kung ano ginawa sa'kin?" hindi makapaniwala na sabi niya. "May nagawa sila pero sa'yo! hindi sa'kin! Wala lang naman sa'kin kung inalukan nila ako ng pera e--"

"Ano? Ano? Pera?! Inalukan ka ng pera?!" nanlalaki ang mga mata mo.

"Oo," sagot niya sabay iwas ng tingin.

"Tinanggap mo?" mas lumapit ako sa kaniya.

Tumingin muna siya sa'kin sabay ngisi. "Syempre naman!" at tumawa na siya. Napahilamos ako ng mukha. "Sayang kaya! Pera na nga nalapit sa'tin e! 'Wag ka na maarte diyan!"

"Magkano?" nanghihina na tanong ko. Pakiramdam ko tuloy ay naapakan ang pagkatao namin.

"500 pesos." tinaas-baba niya ang kilay niya.

"Bakit ka inalok?" parang gusto ko na siya suntukin. Bakit niya tinanggap?!

"Hindi raw kasi ako tumatahimik e." napakamot siya sa ulo. Napapikit ako ng mariin. Pigilan niyo ako! Pigilan niyo ako na masuntok itong kasama ko!

"Ge, bahala ka." nauna na ako maglakad, gusto ko siya iwanan!

"Uy! Tep! Eto naman! Pang Jolibee na rin 'to kay Sarah, oh!" napahinto ako sa sinabi niya.

Kinuha ko sa kamay niya 'yung 500. "Akin na 'to, ibabalik ko."

"HA?! BAKIT MO IBABALIK?!"

"Hindi nababayaran ng pera ang buhay natin. Tandaan mo 'yan." seryoso na sabi ko.

Natuwa na ako sa kaniya kanina na sinigaw-sigawan niya 'yung muntik na makasagasa sa'kin tapos 'yun pala titiklop din pagdating sa pera. Tao nga naman.

Pagkarating namin sa bahay, nakita ko si Sarah na tulog at pinagpapawisan.

"Bakit hindi 'to nagamit ng electric fan?" bubuksan ko na sana ang maliit na electric fan namin pero medyo umungol si Sarah.

Lumapit ako sa kaniya at nang mahawakan ko siya, nabigla ako dahil ang init niya! Napahawak ako sa noo niya. Nilalagnat siya!

"Ma!!" sigaw ko pero naalala ko na wala pala si mama, naglalabada ngayon. "Liam!!"

Mabilis rumespunde si Liam. Natataranta na ako sa paghahanap ng gamot. May nakita ako na gamot para sa lagnat, nakakita ako ng Tempra at nang dinampot ko 'yon, nainis lang ako.

"Putek! Walang laman!" inis kong tinapon sa kung saan 'yung Tempre na wala namang kwenta dahil walang laman.

Hinanap ko 'yung lagayan namin ng pera. May isang libo ako kahapon kay boss. Halos mapaluhod na lang ako nang maalala ko na sinabi sa'kin kanina ni mama na pinambayad niya na sa utang 'yung isang libo na nakuha ko.

Wala na kaming pera.

Kinapa ko ang bulsa ko.

'yung 500 pesos.

"Liam,"

"Oh?"

Huminga ako nang malalim. "Kailangan ko yata lunukin ang pride ko ngayon." sabi ko habang nakatalikod sa kaniya. Alam kong nagtataka na siya ngayon.

Hindi pala naapakan ang pagkatao namin ngayon, matutulungan pala kami nito.

Nagkamali ako.

Nilabas ko 'yung 500 pesos sa bulsa ko at hinarap ko sa kaniya. "Salamat dahil tinanggap mo 'to."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro