Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2 - Stephen

Stephen's POV

"Kapatid! Wala ka bang alam na raket ngayon? Kailangan na kailangan ko na talaga ng pera."

Anak ng tokwa! ang aga-aga, pera na agad ang pinoproblema nitong lalaki na 'to!

Inis akong bumangon sa pagkakahiga ko.

"Liam, istorbo ka talaga kahit kailan!" sigaw ko sa kaniya. "Natutulog pa 'yung tao, e!"

"Sensya na, pre, kailangan na kailangan lang talaga."

Oo na, oo na.

Lahat naman ng tao kailangan ng pera araw-araw..

Hindi ko rin siya masisisi. Kahit naman ako ay kailangan ko rin.

Kaasar lang! Nakaka-entertain pa naman ang panaginip ko. Nasa isang lugar ako na maganda ang view, Boracay ata ang napaginipan ko. Hindi pa ako nakakapunta doon eh. At marami akong hawak na pera habang kasama ang ugok na 'to!

"Tep? Ano? May alam ka ba?" inip na tanong sa'kin ni Liam.

"Ilan kidney mo?" kumuha ako ng tshirt sa aparador ko sabay sinuot ito.

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Tol, wala akong panahon makipagbiruan ah." banta niya.

"Ha? Hindi naman ako nakikipag biruan, tinatanong kita."

Iniisip nito? Mukha ba akong nakikipag biruan? Ang ayos ayos ng tanong ko.

"Tangina mo naman," nanghihina na sabi niya. "Malamang, dalawa!"

Ngumisi ako. "Benta mo 'yung isa."

"Gago, wala ka talagang kwenta kausap." umirap siya at galit na lumabas sa kwarto ko.

Kitam? Siya ang unang nangbulabog pero sa huli siya pa ang galit.

"Tep!! Halika nga rito!" rinig kong tawag sa'kin ni mama.

Dali-dali akong lumabas sa kwarto ko. Natataranta talaga ako sa tuwing sumisigaw si mama.

"Nandiyan na po!" halos mahulog na ako sa hagdan sa kamamadali bumaba.

"Ano 'tong sinusumbong sa'kin ni Liam?! Wala ka raw kwenta kausap?!"

Hindi pa ako nakakalapit sa kanila pero 'yun na ang narinig ko.

Sinamaan ko ng tingin si Liam na ngayon ay nakangisi at ngumunguya pa! Tangina, suntukin ko kaya siya diyan? Makita niya.

"Ma, hanggang ngayon ba naman naniniwala ka pa rin sa mga pinagsasabi nitong ugok na 'to?" sabi ko habang nakaturo kay Liam.

"Mahal ako ni nanay, e." ngiting-ngiti na sabi ni gago. "Diba po, nanay?"

Lumapit naman sa kaniya si mama at pinisil ang pisngi. Grabe! Ako ang anak ni mama pero mas pumapanig pa siya sa Liam na 'to.

"Lumayas ka," utos ko kay Liam. "Aray!" Napangiwi ako nang maramdaman ko ang hampas sa'kin ni mama.

Humagalpak naman sa tawa itong si Liam. Potek.

"Tsk, akin na nga 'yung pandesal, paabot ako." pakiusap ko kay Liam.

Nginitian niya pa ako. 'Yung nakakaasar na ngiti sabay bigay sa'kin ng pagkain. Tsk. Kahit kailan talaga.

Matapos namin mag almusal, pumunta na agad ako sa pinagtatrabahuhan ko. Sayang nga lang hindi ko maipasok dito si Liam dahil wala ng slot para sa kaniya. Masyado na maraming tauhan dito.

Ano ako? Kargador sa umaga, estudyante naman sa hapon at araw-araw gwapo.

"Salamat, boss!" masayang sabi ko pagkaabot sa'kin ng 250 pesos.

Ayos na 'to! 'Yung 50 baon ko sa school, 'yung isa pang 50 ay baon naman ni Sarah, kapatid kong elementary. 'Yung 100 naman ay ibibigay ko kay mama, pang dagdag sa pambili ng gamot niya.

Kung itatanong mo kung nasaan 'yung isa pang 50 pesos? Wala na. Nasa alkantya ko na.

Bilang panganay, kailangan kong kumayod. Hindi sapat ang kinikita ni mama sa paglalabada niya. Lalo na at ang mahal ng mga gamot niya.

Matagal na patay si papa. 3 years old pa lang si Sarah nawala na siya. Habang ako, 11 years old palang. Kargador din si papa, mas malaki nga lang ang kinikita niya kaysa sa'kin dahil noon, maghapon siyang nagtatrabaho. E, ako, kalahating araw lang.

Ayaw kasi ako patigilin ni mama sa pag aaral. Ayaw niya na may tumigil sa'min.

"Tep!!" halos mabingi na ako sa sigaw ni Liam!

"Ano na naman?!"

"Sungit mo naman, kapatid!" take note, hindi ko siya kapatid. Si Sarah lang ang kapatid ko. "May iaabot lang ako."

Inabot niya sa'kin ang isang gutay-gutay na white envelope.

"Ano gagawin ko rito?" tinaas ko 'yung envelope.

"Buksan mo, tanga."

WOW! Natanga pa ako.

Tsk. Binuksan ko na lang para matahimik na siya. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"SAAN MO NAKUHA 'TO?!" sigaw ko sa kaniya habang hawak ang envelope na may laman na limang libo.

"Ipon ko nung nakaraang buwan 'yan." sagot niya sabay upo sa upuan na gawa sa kahoy.

"O, edi good." inabot ko sa kaniya 'yung evelope pero nagulat ako dahil hindi niya kinukuha. "Nangangalay na ako."

Humagalpak siya sa tawa. Anong nakakatawa roon? May nakakatawa ba?

"Binibigay ko nga sa'yo tapos ibabalik mo sa'kin? Labo mo!"

Natigilan ako sa sinabi niya.

Ano raw? Binibigay niya sa'kin 'to?!

"Liam," hinarap ko siya nang mabuti. "Umamin ka nga sa'kin, bading ka ba?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "HA? tarantado ka ba?" humagalpak siya sa tawa. "Para 'yan sa gamot ni nanay, bobo nito!" napakamot siya sa ulo niya. "Diyan ka na nga!"

Hindi ako nakagalaw.

'Para 'yan sa gamot ni nanay'

Napangiti na lang ako. Mahal na mahal talaga ni Liam si nanay. Halos si mama na rin kasi ang nagpalaki sa kaniya. Paano, araw-araw nandito sa bahay namin para makikain! Pero okay lang, wala naman kasi siyang kasama sa buhay. Siya lang mag isa. Kaya halos lahat ng kinikita niya, napupunta rin sa'min.

Oo hindi ko kapatid si Liam pero parang kapatid ko na siya. Wala pa si Sarah, kasama ko na siya. Inabandona kasi siya ng mga magulang niya. Tsk. Ang sasama ng ugali.

Kinabukasan, ganoon ulit. Trabaho sa umaga, aral sa hapon.

Pero may bad news.

"Pasensya ka na, Tep. Kailangan lang talaga namin mag bawas ng kargador ngayon." tinapik ni boss ang balikat ko. Napayuko na lang ako.

Inabutan niya ako ng isang libo. Tulong niya na rin daw sa pamilya ko dahil tinanggalan niya na ako ng trabaho ngayon.

Tsk. Paano na 'yan? Wala na akong panggastos para sa mga popormahan ko'ng babae? Ay wala pala akong panahon sa ganon.

Ang mas nakakainis, paano na ang gamot ngayon ni mama at baon namin ni Sarah?! Ayoko naman umasa kay Liam. Nakakahiya na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro