Chapter 11 - Ask her
Elaine's POV
"Suitor?" Lady smirked. "Oh well," she looked at this guy beside me. "Good luck to you! sana ay hindi ka magsisi sa pinili mo." Lady laughed like a witch and winked at me before she walked away.
Napairap na lang din ako. As if naman na manliligaw ko talaga ang lalaki'ng 'to na bigla na lang sumulpot.
"What are you doing here?" I immediately faced this transferee.
"H-ha?" Kumunot ang noo ko sa pagkautal niya. "Napadaan lang ako." Tumawa siya nang mahina. "Tapos narinig ko 'yung babae na 'yon na ang taray manalita, akala mo naman maganda."
I smiled a bit because of what he said. "Stephen, right?" I remembered his name.
Tumango lang siya at hindi ko maiwasan na mapatitig sa kaniya dahil para siyang kinakabahan. "Ikaw si Elaine, 'diba?"
My lips parted in shock. "What?!" I don't allow anyone to call me Elaine, maliban lang sa pamilya ko. "How did you know my name?"
Nanlaki ang mga mata niya at umiwas ng tingin. "U-uh, a-ano. S-sa mga kaklase natin." Napakamot siya sa batok niya. "Oo, sa kanila ko narinig." Hindi siya makatingin sa'kin.
"But no one calls me 'Elaine' in school." I crossed my arms over my chest. Wary on his little gestures.
"Oh?!" Gulat niyang sabi. At namumutla na siya ngayon.
"Are you a stalker?" I asked.
"Ha?! Hindi ah!" Umiwas siya ng tingin sa'kin at hindi na mapakali. "A-ano kasi--"
"My name is Jelaine, not Elaine." Ayoko na magtagal sa usapan na 'to. "Call me Jel, instead."
Baka nagkamali lang siya ng rinig sa pangalan ko. Naglakad na ako paalis pero napahinto ako nang maisip ko na niligtas niya ako sa pag aapi ni Lady sa'kin kanina.
"Come with me," I moved my head a bit. "I'll treat you."
Nang makapasok ako sa cafeteria, wala na masyadong tao. Napapatingin ako sa likod ko at nakasunod naman sa'kin si Stephen.
"What should I call you?" I asked him. Ang tahimik niya kasi. Napataas ang kilay ko dahil nagulat siya sa tanong ko. May nakakagulat ba roon?
"S-stephen.. Tep!" He almost yelled! "Call me Tep for short."
Tumango na lang ako. Ang bibo niya sumagot. How did I end up with this guy alone? Yeah, I asked him to come with me but where are Natalia and Renalyn?! They were supposedly here in the cafeteria!
"May hinahanap ka?" I jumped in shock. "Ay sorry, magugulatin." Tumawa siya.
I rolled my eyes. "What do you want?" Tanong ko habang nakatingin sa mga pagkain.
"Kahit ano na lang." I looked at him.
Kung ano ang binili ko para sa akin ay ganoon na rin ang binili ko sa kaniya. Kahit ano na lang daw, e. Edi sige.
And take note, first time ko mang libre. Never ko nilibre si Nat o Ren, mayaman na sila! Hindi nila kailangan ng libre.
Don't get me wrong. Hindi ko iniisip na hindi afford ni Stephen ang mga foods dito dahil hindi naman siya makakapasok dito kung wala siyang pera.
"Scholar ka?" Ako palagi ang nagtatanong. Nakakahiya naman sa katahimikan niya.
Napahinto siya sa tanong ko. "Hindi." Wala sa sarili na sagot niya. Tumango lang ako. Rich siguro ang isang 'to.
"Alright," umupo na ako sa pinakakomportable na upuan. Tatabi sana siya sa'kin pero mas pinili na lang niya na maupo sa harapan ko.
I like the sensitivity, huh.
"Salamat pala sa pagkain ah," tinuro niya 'yung food.
"Welcome," tipid na sagot ko at kumain na.
Tahimik lang kaming dalawa habang nakain. Nahuhuli ko siya na patingin-tingin sa'kin kaya medyo naiilang ako.
"Uhm, Elaine este Jel, may itatanong lang ako." He suddenly said.
"What is it?" I reached for my bottled water.
"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?"
Muntik ko na matapon sa sarili ko 'yung tubig na laman ng bote na hawak ko dahil sa gulat. Why would he asked that?!
Napatingin ako sa kaniya at parang kinabahan din siya dahil muntik na ako matapunan. Inis ko siyang tinignan kaya mas nanlaki ang mga mata niya.
"Why are you asking?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kakapasok niya pa lang sa school na 'to-- school ko ay ganiyan na ang tanong niya. Seriously?
"Curious lang," napaiwas siya ng tingin. "Kung ayaw mo naman sagutin, okay lang." He smiled.
Sasagot sana ako nang marinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko. Si Natalia at Renalyn! Lumingon agad ako sa kanila para paupuin sila rito pero nagulat lang sila nang makita nila ako.
"Come here," I said to both of them.
Nakanganga lang sila habang nakatingin sa'kin at nakatingin kay Stephen. What's wrong?
"Oh!" Napaform ng 'o' ang bibig ni Ren. "Nat, 'diba may bibilhin pa tayo sa labas?" Mabilis na tumango si Natalia.
"Uh, Jel," sabi ni Nat sabay tingin kay Stephen. "May bibilhin lang kami ni Ren, sa classroom na lang tayo magkita, bye!"
"Hey!" I shouted but they waved their hands and ran away. "Ugh! Those brats!"
"Bestfriends mo?" Stephen asked.
"Yah, kinda." I'm not sure. Kasi kung bestfriend ko talaga sila ay sasamahan nila ako rito!
"May nanliligaw ba sa'yo?" He asked again.
Lahat ng lalaki dito sa school ay ayaw na manligaw sa'kin dahil sa nabalitaan nila sa mga naging fiancé ko.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil siya naman ang nagsasalita ngayon pero parang may something sa mga tanong niya.
I sighed. "Okay. What's with your random questions?"
"Ha? Wala lang. Gusto lang kita makilala," mabilis niyang sabi.
Natigilan ako at gulat na nakatingin sa kaniya. Seryoso ba siya? Gusto niya ako makilala?
"What for?" Uminom ako ng tubig. Hinintay niya muna ako makainom ng tubig bago siya sumagot.
"Friends." He casually said.
"Friends, huh? What a nice idea." I sarcastically said.
I already know this kind of move!
"Ang nice 'diba?" He smirked. "Friends.." He repeated. "Pero pwede rin na more than friends."
I knew it. He's hitting on me.
"I'm not interested," I stood up and was about to walk but he suddenly speak.
"Maybe you are not interested, Elaine," Stephen said. "But I am interested in you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro