Chapter 10 - Suitor
Stephen's POV
"Ako naman si Liam Valiente," mabuti at nakahabol pa itong kapatid ko. "Magkaibigan kami ni Stephen, bata pa lang magkasama na kami. Ayun, sana makasundo namin kayo." Ngumiti siya at ngumiti rin ang iba rito.
Nilibot ko pa ang paningin ko, 'yung iba ay mukhang okay naman pala. Masayahin lang siguro sila kaya nila ako tinawanan kanina, siguro kasi ay pinanganak sila sa ospital talaga. Pero napako ang tingin ko sa isang babae na naka poker face lang.
'Stephen, ito ang tandaan mo, naka poker face palagi si Elaine.'
Naalala ko ang sinabi ni Kuya Jo sa'kin. Nagtagal pa kami sa bahay niya para lang idescribe sa'kin si Elaine, pinakita pa nito ang litrato ni Elaine at sinabi ang mga dapat kong gawin sa kaniya. Mga bawal at mga limitasyon.
Nagulat ako nang lumingon siya sa'kin at nagtama ang tingin namin. Agad akong kinabahan, napaiwas tuloy ako ng tingin at kunware na kinausap si Liam.
"Nakakakaba 'no?" Sabi ko kay Liam.
"Oo, pre. Hindi naman siguro ako nananaginip 'diba?" Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na nandito na siya sa loob ng Vrinth Univeristy na pinapantasya niya lang nung nakaraan.
"Hindi." Sagot ko.
Sa totoo lang, naiihi na ako sa kaba. Nararamdaman ko na may mga nakatingin sa'min.
"Tep, tutal nandito na rin tayo sa Vrinth University, hanapin natin 'yung muntik na makasagasa sayo." Bulong sa'kin ni Liam.
Kumunot ang noo ko. "Paano mo hahanapin? Alam mo ba itsura nila?"
Bigla siyang nanlumo. "Hindi nga, e. Sabay-sabay kasi sila lumabas non, tapos 'yung driver hinarangan ako tapos kinausap. Hindi ko na tuloy nakita 'yung itsura nung dalawang babae na magkasabay bumaba."
"Dalawang babae? Bakit sa'kin isa lang ang nakita ko?" Naalala ko na naman tuloy 'yung anklet na suot nung babae.
"Ha? Ewan ko? Baka tatlo sila? 'Yung isa bumaba sa side mo tapos 'yung dalawa, sa side namin nung tangang driver."
"Tsk. Mahihirapan tayo hanapin sila, ang daming estudyante rito sa Vrinth University. Ano? Iisa-isahin mo ba 'yung mga babae rito at tatanungin sila tungkol sa muntik na masagasaan ng driver nila habang nakasakay sila sa back seat?"
"Ssshhh! Quiet!" Napalingon kami ni Liam sa babae na sumigaw. Si Elaine. "Napaka iingay!" Irita na sabi niya.
"Woah.." mahinang react ni Liam. "Tep, siya ba 'yung sinasabi mo--"
Siniko ko siya. "Itikom mo nga bibig mo," baka may makarinig pa sa amin, e.
Kapag may nakarinig sa'min at nagsumbong doon sa Elaine na 'yon, aba sayang naman ang pera, baka maging bato pa.
Naging komportable ako sa sumunod na subject. Puro english speaking sila rito kaya nakaka nosebleed! Akala ko ay hindi sila marunong mag tagalog, e. Hanggang sa nag recess na.
"Hello! Saang school kayo galing?" Tanong nung lalaki na may suot na salamin sa mata, mukhang mabait at friendly ang isang 'to.
"Diyan lang," ngumiti ako. "Hindi na importante 'yon." Ayoko na may makuha sila na impormasyon. Bilin din sa'kin ni kuya Jo na huwag ako magbibigay ng mga pribadong impormasyon tungkol sa amin ni Liam.
Mukhang naintindihan naman nung lalaki, tumatang-tango siya. "Ako nga pala si Wesley," inabot niya ang kamay niya. "Wesley Diamante,"
Nagkatinginan agad kami ni Liam. Seryoso? May apelyido pala na Diamante? Hahaha! Surname palang mayaman na!
Inabot naman namin 'yung kamay niya at nakipag shake hands. Nag usap pa kami ng kung ano-ano habang nakain. Ayoko muna lumabas pero dahil lumabas si Elaine, lalabas na rin ako.
"Saan ang canteen niyo rito?" Tanong ko kay Wesley.
"Uh, you mean, cafeteria?"
Okay. Cafeteria, ayaw ng canteen. Sige.
"Oo basta 'yung bilihan ng pagkain." Biglang tumawa si Liam sa tabi ko. Baliw na.
"Oh, sorry." Natawa siya at napakamot sa ulo niya. "Tara samahan ko kayo." Alok niya, pumayag naman kami ni Liam. Sinuggest niya pa na ililibot niya raw kami sa buong school nila mamayang lunch.
"Pwede ka na maging tourist guide," siniko ko si Liam dahil sa sinabi niya.
"What?" Inosente na tanong ni Wesley. Mabuti na lang at hindi niya narinig! Baka ma-offend, e.
Habang naglalakad kami, hindi ko alam kung nasaan na kami pero ang dami naming dinadaanan! "Nasaan ba talaga 'yung cafeteria na 'yon?"
"Malapit na," nakangiting sabi ni Wesley. "Malayo lang talaga ang building natin sa cafeteria."
Napangisi ako. Mukhang maraming alam ang isang 'to. Subukan ko kaya magtanong..
"Close ba kayo ni.. Elaine?" Kinakabahan na tanong ko. Nagkatinginan pa kami ni Liam.
Kumunot ang noo ni Wesley kaya mas lalo akong kinabahan! "Elaine? You mean our classmate?" Tumango lang ako. "It's Jelaine, not Elaine. We're not close, may pagkamatapobre kasi 'yun."
Oo nga pala. 'Vrinth Jelaine Flores' 'yan daw ang buong pangalan ni Elaine. Sa kaniya pa talaga pinangalan ang school na 'to. Ay mali, bago pa siya nabuhay ay nag eexist na ang Vrinth University galing sa mga ninuno nila at pinangalan kay Elaine 'yung Vrinth.
Sinabi rin sa'kin ni kuya Jo na walang nakakaalam dito na si Elaine ang tagapagmana ng school na 'to. Hindi rin nilalagay sa ID ni Elaine ang pangalan niya na 'Vrinth' pinapatanggal daw kasi ni Elaine, ayaw niya na may ibang makaalam. Kaya ang naiiwan na lang ay Jelaine Flores.
Papasok pa lang sana kami sa canteen este sa cafeteria, may nakita ako na dalawang babae na nag uusap sa hindi kalayuan dito. Naningkit ang mga mata ko nang mapansin kong si Elaine 'yung isa. Nakakunot ang noo nito at nakayukom ang mga kamay..
"Wait lang, Liam at Wesley, mauna na kayo pumasok. May gagawin lang ako." Aangal pa sana si Wesley pero sinenyasan ko si Liam na siya na bahala roon.
Dahan-dahan akong lumapit kay Elaine at sa babae na kausap niya pero nagtatago ako. Tandaan, chismoso ako.
"Ha! Sa tingin mo ba matatakot mo ako, Jelaine? In your dream, bitch!"
Napatakip ako sa bibig ko. Grabe naman 'yon! Parang ganito 'yung mga napapanood ko sa mga teleserye, ah.
"Pasalamat ka, Lady. Hindi ako gumaganti."
Woah.. may kaaway pala itong liligawan ko? Aba, aba. Lagot sa'kin 'tong Lady na 'to.
"Excuse me," Napagdesisyunan ko na magpakita na. Nagulat silang dalawa. "Bakit mo 'to inaaway?" Tanong ko roon sa Lady ang pangalan at tinuro si Elaine.
"Oh," tinignan ako nung babae mula ulo hanggang paa. "You got yourself a NEW boyfriend now, Jelaine." Nakangisi na sabi ni Lady. Para siyang spoiled brat na bata.
Gulat ang itsura ni Elaine sabay tingin sa'kin. Nagulat ako dahil ngumisi siya.
"So, what?" Umirap lang 'yung Lady. "For your information, he's NOT my boyfriend." Sabi ni Elaine sabay tingin sa'kin. "He is my suitor.."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro