Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1- Siblings

Cindy's POV

"What now?"

Parang gusto ko na umiyak habang nagtatanong sa dalawa ko'ng kapatid na lalaki kung anong pwede naming gawin kay Elaine.

Napailing si kuya Charles habang si kuya Jorome naman ay tulala.

"Hindi ko na rin alam ang gagawin kay Elaine." napahilamos ng mukha si kuya Jorome.

Si Elaine. Ang bunso naming kapatid.

Dating masayahin, masunurin, mabait na bata, sweet at higit sa lahat mapagmahal.

Pero dati lang 'yon. Ngayon, lahat ng 'yan, kabaliktaran na.

"Palala na siya nang palala." napahawak ako sa kamay ni kuya Charles. "Ano? Wala na tayong gagawin? Susuko na ba tayo?!" hindi ko na napigilan ang pag iyak ko.

Sobrang nag aalala na ako kay Elaine. Kung dati ay ayaw niya na gumagala siya, ngayon naman ay naging party girl na siya! Araw-araw na siyang late umuuwi, puro gala na lang ang inatupag.

Napabuntong-hininga si kuya Jorome. "Paano kung i-ano na lang ulit natin siya.. uhm.. i-engage?"

"Kuya, alam naman natin na hindi na uubra 'yan." tamad na sabi ni Kuya Charles kay kuya Jorome.

Apat kaming magkakapatid. Si kuya Jorome ang panganay, pangalawa si kuya Charles, pangatlo ako at ang bunso ay si Elaine na nagrerebelde na.

"Try natin ulit--"

"Para ano?" hindi ko na pinatapos si kuya Jorome. "Para ipahamak niya na naman ang magiging finacé niya kung sakali?"

"True." comment ni kuya Charles. "Nakailang kuha na tayo ng lalaki na pwede i-engage kay Elaine, pero anong nangyari? Lahat sila, pinahamak lang ni Elaine."

Naalala ko na naman ang mga panahon na literal niya talagang pinapahamak ang mga nagiging fiancé niya.

Kunware isusurprise niya sa date nila, 'yun pala ipapahamak na. Ang pinakamalupet noon ay 'yung huling fiancé niya na dinala niya sa China, sabi niya bakasyon lang daw sila roon pero iba ang ginawa niya.

Isang araw sila naglibot sa China, at nandito kaming mga kapatid niya sa Pilipinas. Akala ko ay nag eenjoy na talaga si Elaine roon kasama ang finacé niya pero kinabukasan nun, nagising ako na nandito na siya sa bahay.

*flashback*

May nakita ako na isang babae na nakaupo sa high chair sa kusina namin. "Elaine?"

Akala ko namamalikmata ako dahil kakagising ko lang.

"Oh, ate Cinds." napadilat ako lalo nang makita ko na si Elaine nga ito! "Breakfast." alok niya sa'kin.

Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya.

"Akala ko ba sa Saturday pa ang balik niyo ng fiancé mo? Wednesday pa lang ngayon ah? Tyaka 'diba, kararating niyo lang doon kahapon? Bakit nandito ka kaagad?" sunod-sunod na tanong ko.

"Na-bored ako roon, e. Edi umuwi ako." walang emosyon na sagot sa'kin ni Elaine.

"Si James nasaan?" si James ang fiancé niya.

"Nandoon." kumunot ang noo ko sa sagot niya. Na-gets niya naman na parang nagtatanong ako. "Sa China."

"WHAT?! SINO KASAMA NIYA ROON?" napatayo na ako sa gulat.

"Chill, ate." tinaasan niya ako ng kilay. "I don't know."

"Ha?! Anong hindi mo alam?!" gusto ko na siya kurutin!

"Hey, Cinds! Ang aga aga sumisigaw ka diyan-- ELAINE?!" nanlalaking mga mata na sabi ni kuya Charles nang makita niya na nandito na si Elaine.

"Good morning, kuya Charles." walang gana na sabi ni Elaine. "Tulog ulit ako ha, inaantok pa ako e. Bye!"

Nakanganga lang si kuya Charles habang pinagmamasdan si Elaine na nilagpasan na siya at papunta na sa kwarto niya.

"Pigilan mo 'yun, kuya!" tinulak-tulak ko siya.

"H-ha? B-bakit?"

Napatigil ako sa pagtulak sa kaniya nang marinig ko na nag ring ang telepono ng bahay namin.

"Ako na," volunteer ni kuya Charles. Lumayo siya sa'kin para makipag usap doon sa tumawag.

Kumuha na ako ng sandwich at kinagatan 'yon. Pakiramdam ko ay nastress ako sa ginawa ni Elaine. Kukuha na sana ako ng tubig ng bigla na lang ako napatalon sa gulat sa sigaw ni kuya Charles.

"ANO?!" sigaw niya over the phone. "BAKIT KA--- okay.." kinalma niya ang sarili niya, napahawak pa siya noo niya. Kumunot ang noo ko at lumapit ako. "Magpapadala kami ng tao diyan, don't worry we will talk to HER." matigas na sabi ni kuya Charles pero bakas sa kaniya na galit siya.

"Kuya--"

"ELAINE!!!" sigaw ni kuya Charles at mukhang susugurin si Elaine sa kwarto nito.

"Kuya!" hinabol ko siya at hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. "Anong--"

"'YANG MAGALING NATING KAPATID, INIWAN SI JAMES SA CHINA! AT WALA MAN LANG DAW PASABI!" napanganga ako, ibig sabihin ay si James ang tumawag kay kuya.

"Sabi rin sa'kin ni Elaine na iniwan niya roon si James."

"ANO?!" sigaw niya na naman at napahilamos siya ng mukha. "BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SA'KIN--"

"HEY! BAKIT BA KAYO NAG SISIGAWAN?!" biglang lumabas si Elaine sa kwarto niya.

"Ikaw!" tinuro ni kuya Charles si Elaine. "Bakit ka umuwi rito na hindi kasama si James?!" sinusubukan ni kuya kumalma pero galit talaga siya.

Matalim kong tinignan si Elaine. Umirap lang siya.

"E, ayoko siya kasama e." tamad na sagot niya. "Ano?"

Hindi makapaniwala si kuya Charles sa ginawa ni Elaine. Kung nandito lang si kuya Jorome, mas lagot si Elaine. Pasalamat siya at wala 'yon.

"Anyway.." parang hindi pinapagalitan 'to si Elaine kung makapagsalita. "Alis lang ako, may party ako na pupuntahan--"

"No." mariin na sabi ni kuya. "Hindi ka aalis--"

"Whatever. Bye!" dire-diretsyo na lumabas si Elaine.

Kunot noo akong lumingon kay kuya Charles na ngayon ay malalim na humihinga.

"Kuya Charles, sabihin mo nga sa'kin, kanino ba nagmana 'yan si Elaine?!" inis na sabi ko.

Lahat kaming magkakapatid ay matino, dati. Siya lang ang naging pasaway bigla.

*end of flashback*

"I have a great idea." nakangising sabi ni kuya Jorome habang hinihimas-himas ang labi niya.

"Ano 'yon?" para akong nabuhayan.

"Akong bahala." mukha siyang nag e-evil smile ngayon.

Nagkatinginan kami ni kuya Charles. Nagkibit-balikat siya dahil hindi niya rin alam.

Lumapit siya sa amin at binulong ang plano niya.

Hindi ko mapigilan na umasa na magtagumpay na siya ngayon sa gagawin niya kay Elaine.

"Sana mag work 'yan." sabi ko.

"It will work." Kuya Jorome said proudly. "I am sure."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro