Kabanata 9
Kabanata 9
"Arrisea, my main girl!"
Niyakap ako nang mahigpit ni Franny. Agad ko naman binalik ang kanyang yakap at nagtatawanan kaming humiwalay sa isa't isa. May suot siyang shades kahit wala namang araw at may mga paper bag pa sa kanyang mga kamay.
Akala mo naman wala siya sa klase ngayon, mukha siyang tita from abroad.
"Kamusta ka naman? Miss niyo ako?" Kumindat pa si Franny.
"Oo naman Francisco, ikaw pa ba?" Ngumiti ako. "Pasalubong ko?"
Ngumiwi siya nang tawagin ko siya sa biological name niya. Franny or Francisco Lacson is my gay friend. Siya rin ang nagpumilit sa akin na subukan ang UJD bilang school sa senior highschool, may sariling business ang pamilya nila kaya naman nagagawa niya ang kung ano man ang trip niya sa buhay.
"Ganda sa Cebu, girl! Maswerte si Ate sa mapapangasawa niya." Halakhak ni Franny sabay lapag ng mga paperbags sa ibabaw ng desk namin.
Although he acts like a girl, he doesn't mind being labelled as he or male. Minsan nga ay nalilito na rin siya sa gender identity niya, kaya naman daw niya kasing landiin ang lahat.
"Ayan, dried mangoes kasing dry mo." Abot niya saakin ng isang kahon puno ng mga nakabalot na dried mangoes.
I didn't hesitate to reach for it. Mas masarap talaga kapag buraot na galing sa kaibigan ang pagkain. Araw-araw ko lang naman siyang pinadalhan ng mensahe na huwag niya kaming kalimutan na dalhan ng pasalubong.
"Wala ka raw kalandian ngayon?" Pambungad ni Franny habang nakataas ang kilay.
Umiling ako. Binuksan ko ang isang balot ng dried mangoes at pinapak ito.
"Meron pero nilalandi ko lang hindi nagpapa-landi." Mabulunan ka sana ngayon, Adren.
Franny frowned and asked.
"Ano strand?"
"ABM, sis."
Lumukot ang mukha niya. "Magi sis, strand ng mga magaling humawak ng pera pero hindi ng relasyon."
I laughed. Hindi naman siguro lahat. It's funny how a strand can be generalized just because of one person or a few people from the strand. Para na siyang course sa college kung tutuusin.
"Naku sis, ako na bahala sa lahat. Magaling ako magluto ng giniling pero mas magaling ako gumiling." I wiggled my eyebrows.
Tumawa si Franny. "Ang bibig mo talaga, Arrisea! Hindi mapigil!"
Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase kaya naman kumunot ang noo ko nang mapagtantuan na wala pa pala si Suzy.
Baka late?
A few minutes later, nakatanggap ako ng text kay Suzette. Anong oras na at tumunog na rin ang bell para sa homeroom. Mukhang dehado na siya kung sakali.
Suzette:
Nandiyan na si Ma'am?
Arrisea:
Late ka na, 'te.
Suzette:
Hindi ako late kung hindi ako papasok ;)
Arrisea:
Sige, zero ka kay bhoucxs Reynes. Meron tayong quiz.
Suzette:
Second subject na ako papasok.
Pakopya na lang ng notes sa first subject. Labyu!
Matapos ang klase ay dumiretso kami sa isa pa naming kaibigan na si Camisha na naligaw sa GAS. Gusto niya kasi talaga na sa academic track ang kanyang strand kaya naman sa GAS siya napadpad ngayon dahil hindi siya makapili sa tatlo pang academic track na STEM, ABM at HUMSS.
Pangalawang subject na pumasok si Suzy, traffic daw kaya siya nahuli sa klase. I mentally rolled my eyes because that's not true. Isang tawid lang ang bahay nila Suzy. Walking distance na nga lang ito.
Franny scolded Suzette. "Pasalamat ka absent 'yung first subject natin, Suzy."
Suzette clicked her tongue. "Alam ko kasing absent siya kaya di na ako pumasok. Advance ako mag-isip, inunahan ko na."
Nakarinig kami ng mahinang mga hikbi. Natanaw namin ang isang babae na magisang nakaupo sa isang bench malapit sa building ng GAS. Pinupunasan niya ang mga mata niya habang nanginginig ang kanyang mga balikat.
"Camisha?"
Her stance reminded me of my friend. Payat at medyo hindi kasi ito tuwid tuwing umuupo. She looked to us and we confirmed that she was indeed our friend.
Nakita naming umiiyak si Camisha habang papalapit sa amin. Nagulat kami at agad na sinalubong siya.
"Mukha ba kaming sibuyas, girl? Nakakaiyak ba kami? Bakit ka umiiyak?" Franny immediately went towards Camisha. Hinawakan niya ito sa magkabilaang braso.
"Ganyan mo ba ka-miss si Franny? Nag-bakasyon lang siya, di naman namatay! Ayan o, alive na alive." Dagdag ni Suzette, concern on her face.
"Sino aabangan sa kanto? Sabihin mo na," I was rubbing her back.
Sa aming apat, si Camisha ang pinakamabait. Siya rin kasi ang pinaka-bata kaya naman halos baby ang tingin namin sa kanya.
She was hesitating to tell us her problem. Kaya naman lalo kong hinagod ang kanyang likod. I didn't want to pressure her to tell us about her problems but the way she was crying, it looked serious.
"Sino nagpaiyak sa'yo?" Franny asked, nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay.
"W-wala," she continously denied. "Okay lang talaga ako."
"Sabihin mo na," pamimilit ko pero umiling lang siya.
"Sabihin mo na kasi," I asked impatiently.
"Wala nga —"
"Sabihin mo na nga kasi!" singhal ko sa kanya kaya naman agad siyang napabalikwas.
"S-sinabihan kasi akong wa-walang pangarap! Porke't nasa G-GAS ako!" humihikbi niyang saad.
My mouth immediately curved into a grimace.
That made sense, kaya naman pala ganito na lamang ang iyak ng kaibigan ko. Someone is attacking her choice of strand. Someone is attacking her dream. Someone is actually attacking her choice.
Grabe, parang mga hindi pa tinutubuan ng mga buhok sa iba't ibang parte ng kanilang katawan. Sobrang immature na atakehin ang isang tao dahil lang sa pinili nilang tatahakin na landas.
Napaawang ang bibig ko. Sensitibo si Camisha sa ganitong bagay dahil kahit sarili niyang magulang ay kinukwestiyon ang kinuha niyang strand. Hindi ba pwedeng gusto niya lang mapag-aralan ang lahat? Ang alam ko sa GAS, pinag-aaralan nila ang specialized subjects ng tatlo pang academic track.
"Magi 'yon, sis! Ako nga wala rin pangarap pero nasa TVL naman ako." Franny commented, trying to lift up the mood.
"Sino nagsabi?" tanong ko.
"Okay na nga -"
"Sinong nagsabi?!"
"Si Bhena ng STEM!" sumbong ni Camisha.
That's it. Agad akong pumunta sa direksyon ng building ng STEM kasama si Franny, Suzette at Camisha. Nakakuyom ang aking mga kamay.
"A-arrisea! Huwag na! Okay lang ako," sigaw ni Camisha at pinipigilan kami. She was wiping her tears away.
Nilingon ko siya at umiling. Matapang pa rin na tinatahak ang landas papunta sa building ng STEM.
I hate people who prey on the weak just because they know they can easily get away with it.
"Pwes ako hindi! Sino sila para mangmaliit ng kapwa?!" I shouted back. "Higante ba 'yang mga 'yan? Ano sila? Si Goliath? Bwisit! Edi tayo si David!"
Ano ba tingin nila sa strand nila? Bakit ganito na lamang nila tratuhin ang mga tulad namin na galing sa TVL? Nag-aaral din naman kami tulad nila, pareho lang kami halos ng tuition, at hindi naman namin pinakikialaman ang strand nila.
Kung nahihirapan sila sa strand nila, bakit kailangan i-kumpara ang mga ginagawa nila sa ginagawa namin? Hindi naman kami pareho ng mga specialized subjects. Kung madali lang talaga ang ginagawa namin para sa kanila — totoo ba? Totoo bang madali lang? Kung hindi naman nila ginagawa sa araw-araw nilang klase?
"Ako rin! Galit din ako kasi ako lang pwedeng mang-away kay Camisha!" Suzette was stomping her feet as she march with me towards the STEM Building.
"Galit din ako kasi kararating ko lang mapapa-away kaagad ako."Stressed was evident on Franny's face.
Nakarating kami sa hallway ng STEM building. The bulletin board was full of science, math, and technology related terms. Meron akong nakitang sticky note na may nakalagay na 'P6 ikaw ang aming pro5 <3' at hindi ko ito naintindihan kaya hindi ako natawa.
May ilang mga estudyante na napalingon sa'min. They gave way when they notice my blazing eyes trying to find the grade eleven rooms. Lumingon kay Camisha na mukhang naiiyak muli.
"Anong section no'n? Three ba?" mahinahon na tanong ko kay Camisha.
"Oo. Pero okay na nga kasi---''
I immediately scanned every room number and saw the huge three on the side of the door in the last part of the hallway. I went there, preparing for the worst case possible. Hindi ko makalma ang galit sa aking sistema.
Malakas akong kumatok sa pinto ng STEM 3. Agad naman itong binuksan ng hindi pamilyar na lalaki.
"Ay chicks!" gulat na bungad nung lalaki.
Sa sobrang galit ko ay napagbuntungan ko siya dahil nagawa pa niyang humarang sa aking harapan.
"Ilabas niyo si Bhena o kayo ang ilalabas ko?!"
Nagulat naman 'yung lalaki sa akin, but he pointed towards a girl who was busy flirting with a guy in the back. I look closely to the face of the girl and my lips parted when I noticed she was the one who called me a vile name.
Bhena pala pangalan ng babaitang 'to.
Hinimas-himas ni Suzette ang braso ko na para bang makikipag-boxing ako.
"Ubusin mo buhok niyan, Arrisea! Si Franny 'yung sisigaw kapag may teacher!"
Lumapit ako kay Bhena at doon sa lalaking kalandian niya. Napatingin sa akin 'yung lalaki at nahulog ito sa kanyang upuan. Si Bhena naman ay natulala sa akin. I placed my hand on my hips while raising an eyebrow at her.
"Hi bhie," I smiled, my teeth were showing. Umupo ako sa desk niya at pinagmasdan siya nang mabuti. Gusto ko ipakita kung gaano ako nanggigigil sa kanya.
"Arrisea?! Anong ginagawa mo rito?!" She panicked.
Ah, she knows me. Lalo lamang nakumpirma nito ang inakala ko kanina. She's attacking my friend because of me.
"Bhie, anong sinabi mo sa kaibigan ko? Wala siyang pangarap?"
Her expression immediately changed into mockery. Tiningnan niya pa si Camisha bago bumaling ng tingin sa akin. She had a look of triumph on her face.
Bhena laughed evilly.
"Totoo naman 'di ba? Undecided? Sabihin mo lang wala siyang kaya sa STEM, HUMSS at ABM! Hindi siya papasa kaya nag-GAS siya!"
Bumuntong hininga ako. Iba talaga ang taas ng tingin ng iba sa academic track — kahit sila mismo ay nagsisiraan kahit nasa iisang track na lang sila. Para namang hindi kami pare-parehong kumakayod para makapagtapos, sobrang baba ng tingin nila sa ibang strand at track.
"Ganito kasi 'yan, Bhie. Baka di ka aware pero required sila kuhanin 'yung mga specialized niyo, bhie. Ibig sabihin kung ano man 'yung pinag-aaralan niyo o ginagawa niyo, halos ganun din gagawin nila." I explained, trying to calm myself down.
"So? Mas madali pa rin ang mga specialized subjects nila kumpara sa'min," she sneered.
Imbis na gatungan ang sinabi niya ay minabuti ko na lamang depensahan ang sinabi niya tungkol sa strand ni Camisha. Ang kulit din nito e, halos pareho nga lang ang kinukuha ni Camisha sa strand nila!
"In fact nga bhie, ang hirap sa kanila dahil specialized ng tatlong academic strands 'yung kukuhanin nila. Gets mo na ba, bhie?"
Tumayo siya at naghalukipkip habang mataray na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. May ngisi sa kanyang labi na tila ba minamaliit ako.
"Bakit naman ako makikinig sa'yo? TVL ka lang naman? Cookery pa! Luto-luto lang tapos may grades ka na!"
Napahilot ako sa sentido ko bago siya kinaladkad papunta sa Biology Lab nila sa building ng STEM. Mabuti na lang dahil mahilig kami mag-gala ni Suzette sa iba't ibang building kaya alam namin ang bawat sikot ng bawat building.
"Halika rito!"
"Aray! Ano ba!" reklamo niya habang iniinda ang sakit ng kuko ko na nakabaon sa braso niya.
I looked around until I saw what I was looking for. Ang mga naka-display na plastic organs ang agad kong namataan nang huminto kami sa harap ng kwartong ito.
We stopped infront of their Biology Laboratory. Agad kong hinila ang mukha niya sa harapan ng isang figurine ng utak.
"Ayan ginagamit 'yan, ha? Hindi lang dini-display! Baka kasi nakakalimutan mo na gamitin!" Singhal ko sa kanya.
Agad niya ako sinabunutan at nakaladkad niya ako palabas ng building nila. I was surprised at how she attacked me aggressively. Agad ko siyang hinaltak para gumanti pero hindi ko namalayan na halos nasa labas na pala kami.
Some people even cheered for me being beaten heavily, hindi ko mahagilap sina Suzy dahil halos matakpan na niya ang paningin ko sa higpit nang hawak niya sa aking buhok. I can't open my eyes because I was wincing.
"Akala mo makukuha mo na lahat porke't maganda ka! Walang hiya ka, Arrisea!"
Ano namang kinalaman ng mukha ko rito?!
"Alam kong maganda ako, hindi ko naman tinatanggi!" I spat out and she glowered at me. Mas masakit na ang bawat hatak niya sa buhok ko.
Masakit na ang anit ko sa pagkakasabunot niya. Hindi ako makaganti dahil may mga tumutulong sa kanya na kaibigan niya 'yata sa STEM. Napatumba niya ako, my lips were bleeding and my cheeks were getting red from the slaps she was giving me.
Hindi ako makaganti dahil sunod-sunod ang bawat atake niya. Parang ako 'yung robot sa larong Tekken na hindi pwedeng lumaban pabalik.
"Ang tapang mong pumunta rito! Malandi ka! Porke't maganda ka lang akala mo lahat ay makukuha mo? Ito bagay sa'yo!" Nakangisi niyang sabi habang nasa ibabaw ko siya at pinagsasampal niya ako.
Ouch. Medyo masakit.
I heard drastic footsteps coming into our way. Ang mga nagtitiliang mga estudyante ay tumahimik dahil sa biglang pagdating ng isang tao.
"What is going on?" A Professor came. Tumigil si Bhena at agad na tumayo.
"Siya po ang nagsimula!" turo sa akin ni Bhie. Unti-unti rin naman akong tumayo kahit hindi ko maramdaman ang mukha ko sa sobrang hapdi.
I groaned upon noticing the wounds that were bleeding. Ayoko pa naman sa mga gamot na nilalagay sa sugat! Ang sakit kaya! I looked around just to see a clear sight, nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang makitang wala ang mga kaibigan ko.
Buti na lang wala 'yung tatlo, ayokong madamay sila.
Some of those who were watching even sided with Bhena. Syempre nga naman, ka-strand nila ito. I was not from them and I'm even from TVL - 'yung strand na halos maliitin nila porke't mas marami silang math na subjects.
"Totoo po 'yun!"
"Si Arrisea nag-simula!"
"Arrisea, basagulera!"
The shouting from her friends made me rolled my eyes. Sarap nilang bigyan ng high five sa mukha. Tinaas ko ang dalawa kong kamay bilang pagsuko.
I lost hope when no one tried to defy their claims, ang iba ay nag patay malisya na lamang dahil sa takot na madamay. Sa POD siguro ako mapupunta ngayon. This is actually considered a major offense. Hindi ko alam paano ko ito ipapaliwanag kay Mama. Pero pinagsisisihan ko ba? Hindi. Kailan pa naging mali ang ipaglaban ang sarili mo?
A cold voice suddenly broke the silence.
"I beg to differ po, they attacked Arrisea first."
Nanghihina na ako pero nagawa ko pang tumingin sa kanya.
He was there in his usual stance, eyes as cold as winter and his hands on his pockets. Unti-unti siyang lumapit sa direksyon namin. Sa hindi ko malamang dahilan ay mukha siyang galing sa isang telenovela at siya 'yung bidang lalaki na magliligtas sa akin gamit ng kanyang pera.
I snickered at the thought. Hindi bagay sa akin ang maging isang San Chai. Ayoko naman na araw-araw akong gagawing alila dahil lang sa pag-ibig.
Adren was looking at me. Agad siyang bumuntong hininga.
His attention went to the Professor and he cleared his throat. Ang maamo niyang mukha ang siyang nagdala ng buong pahayag niya.
"I'm a bystander po so I have no reason to lie unlike those who were clearly helping this girl beat her up." Adren explained briefly as his gaze went towards Bhena who had her chin upwards. Mataas talaga ang tingin nitong babaitang ito.
"Still, Hijo..." the Professor looked hesitant. Napangisi ako, I bet this is a Professor from the STEM strand.
Mahirap nga naman kung tatalikuran niya ang sarili niyang mga estudyante. This is a huge pressure for him. Sino ba naman si Adren para kampihan niya kumpara sa umpukan ng mga STEM students na nanonood sa kanya ngayon?
Adren touch his lips before pursing it.
He gave a small smile and extended his hand.
"I'm Adonis Renoir Reverio po pala, if this will be written in the Prefect of Disipline."
The Professor widen his eyes. "Reverio ba kamo? Adren? The heir of the Reverios?"
Adren only smiled as response to the claims. Natauhan ang Professor at agad na bumaling sa direksyon nina Bhena.
Parang may pinihit na switch sa Professor dahil agad na nawala ang pagdadalawang isip sa kanyang mukha.
"Don't worry, Hijo. I'll handle this and make sure that whoever hurt the girl will be responsible." Tumikhim pa 'yung Professor bago niya bigyan nang masamang tingin ang grupo nila Bhie.
Tumingin ako kay Adren. Umawang ang labi ko dahil sa nangyari. He only had to say his name and everything turns around.
He tilted his head and smiled at me. "Samahan na kita sa clinic?"
Tumango naman ako. Ilang beses pa akong kumurap bago niya nilapitan upang tulungan na maglakad. My face was full of bruises and I could still feel how Bhena pulled my hair. Nahihiya man ako tinanggap ko ang alok ni Adren na pumunta ng clinic.
"Iba talaga kapag maganda..." I heard someone whispered as they walk past us. Hindi ko na lamang ito pinansin. I have just dodge a fight, ayoko na may humabol pa dahil dehado talaga ako.
Naglakad kami ni Adren palayo sa building ng STEM. From my peripheral view, I can see the Professor yelling at Bhena. I felt guilty, ako naman kasi talaga ang nag-simula ng gulo. Pero kapag naalala ko ang mga sinabi niya kay Camisha, I can't help but think she deserved that scolding.
Malayo na kami sa building ng STEM nang may sumigaw ng pangalan ko.
"Arrisea!"
My friends immediately went to me. Agad na kinapkap ni Franny ang mukha ko at tiningnan naman ni Camisha at Suzette ang mga sugat na natamo ko. They were inspecting my entire body. Lumayo naman si Adren at kita ko kung paano siya nagbigay ng distansya para sa mga kaibigan ko.
"Ready na kami makipag-sabunutan e!" sabi ni Suzy, nagaalala ang tono.
"Sus, kapag gano'n huwag na kayo makisali! Madadamay kayo!" sabi ko sa kanila.
"Sorry, Arrisea..." naiiyak na naman si Camisha. Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.
It's not her fault. It is never her fault. I wonder why people tend to feel like they were the ones who have caused the reason why they are oppressed? Ganito na lamang ba talaga ang buhay?
"Baliw! Kapag gano'n dapat di pinapalagpas kasi masasanay sila."
"Arrisea.." seryosong tumingin sa akin si Franny at hinila ako palapit sa kanya, it made me wince because he was holding some of the scratches I had. "Reresbak na dapat kami kaso pinigilan kami nung pogi na 'yon."
Franny pointed at Adren who was looking at us. The way he stares, as if he's trying to identify us. Para bang inaalam niya ang mga pagkatao namin. Napalunok ako ng sarili kong laway.
I wanted to thank him. Alam ko naman na kanina ay siguradong hindi ako ang kakampihan. Pero dahil sa kanya, he was able to turn the tables around.
"Punta lang kami sa clinic," paalam ko sa kanila.
"Boyfriend mo?" Nanglalaki ang mga mata ni Franny. "Jackpot ka, main girl!"
I shrugged my shoulders.
"Nilalandi ko nga, ayaw magpa-landi."
Franny excitedly clapped his hands. Halos kumikinang ang mga mata dahil sa aking isinawalat.
"Landiin mo, huwag ka papayag na hindi ka malalahian! Kailangan ng mundo ng mga magagandang nilalang!"
"Franny!" saway ko.
Nagulat ako dahil tinulak ako ni Franny sa direksyon ni Adren.
Parang tanga! Kitang kakagaling ko lang sa bakbakan! Mukhang dito pa 'yata ako mababalian ng buto.
"Go pokers!"
Napakagat ako ng labi habang naglalakad sa direksyon ni Adren. He was only staring at me. Sabay kaming naglakad papunta sa clinic. He was walking leisurely while I follow his lead.
"You have lively friends." He commented while we were walking towards the clinic.
"Gio's lively too." Balik ko sa kanya.
He shrugged. "Gio isn't the type to get into fights. He's the peace maker."
I chortled because of that. Si Gio nga 'yung mukhang masasapak sa gitna ng away dahil umaawat siya. I don't know, he just looks like that type of guy.
Tumigil ako sa paglalakad at hinawakan siya sa braso. He stopped because of my sudden movement. Nakita ko na wala pa rin bakas ng kahit anong emosyon sa mukha niya.
"Why did you help me?"
Bumaling siya sa akin ng tingin. His eyes pierced through me as he wiped the blood on my lips using his thumb. Tinitigan niya ito bago pinunas sa kanyang panyo.
"What do you think?"
I pretended to think and pointed towards upwards like there's a lightbulb.
"Crush mo ako?"
"Your confidence is topnotch," he shook his head. "but why would I like someone who keeps on getting into fights?"
Ngumuso naman ako.
"Edi bakit?" I straight forwardly asked him. "Bakit mo ako tinulungan?"
He didn't look like someone who would just help without any reason. Kung ito pa siguro ang Adren na kilala ko noon, baka meron pang pagasa pero dahil alam ko na ang tunay niyang kulay - it was impossible that he would just help me because he's charitable.
"I don't know..." he averted his gaze as his steps were getting ahead compare to mine. "And I don't know wanna know why."
❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro