Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7


Kabanata 7

"Ang ganda ng buhok mo, Arrisea."

Sinusuklay ni Suzette ang buhok ko gamit ng mga daliri niya. Namamangha siya habang tinitingnan ang kulay ng buhok ko, makintab kasi ito at lumalabas ang natural na kulay kapag naaarawan.

"Bakit ayaw mong pahabain?" tanong ni Suzette.

"Sayang sa shampoo," sagot ko. Nakakatipid kaya ang pagkakaroon ng maikling buhok!

Binatukan naman niya ako. Agad akong napahawak sa ulo ko at bumaling sa kanya.

"Aray naman!"

"Sayang ang ganda mo kasi di mo inaalagaan! Kung nasa akin lang ang mukha mo, matagal ko na sigurong naging syota lahat ng crush ko! Sabay-sabay pa silang lahat." Ngumuso si Suzette.

Her eyes darted towards a direction. Agad niya akong pinaghahampas na para bang meron siyang nakitang hindi dapat niya nakita. Umiilag naman ako sa bawat hampas niya dahil volleyball player itong si Suzy, baka masobrahan siya at tumilapon ako.

"Bakit ba?"

"Look!"

She pointed using her lips the direction where her eyes were glued at. Umawang ang labi ko nang makita ko kung sino ang mga ito.

Tumili siya bigla at dinuro ang isang direksyon. Agad naman akong napalingon dito at nakita si Gio, Adren at isang babae na hindi masyadong pamilyar ang mukha saakin. She was wearing a high ponytail and she looks neat.

Suzy's eyes squinted at the sight.

"Hala, sino 'yon? May girlfriend ba si Gio?"

Sinipat ko ang tinutukoy niya. Mukhang matino 'yung babae kaya naman parang lugi siya kay Gio kung sakali. Maganda siya pero mukhang mataray.

The girl and Gio were laughing, nakasunod lamang sa kanila si Adren na nakangiti. He was listening to them with such a serene face. Para talaga siyang baby — baby ko. Sobrang lambot niya kasi tingnan, parang hindi makabasag pinggan.

"Crush mo oh..." mahinang sambit ni Suzy habang sinisiko ako.

No, di ko na siya crush. Wala na akong feelings sa kanya. In my mind, praktisado ko na ang sagot ko tuwing sasabihin ito sa akin. Pero sa hindi ko malaman na dahilan, hirap na hirap ang labi kong banggitin ang mga ito.

"May ibabalik lang ako saglit," tumayo ako galing sa pagkakaupo at pumunta sa direksyon nila.

"Go sis!" Suzy cheered and I just rolled my eyes at her.

Nauuna maglakad si Gio at 'yung babae na kasama nila. Mabagal kasi maglakad si Adren kaya naman nagitla ako nang bigla siyang lumingon sa akin. Naramdaman niya siguro na sinusundan ko siya.

One of his hand was on his pocket. Napatigalgal ako nang tuluyan siyang lumingon sa akin. He didn't look surprise rather he looks like he was anticipating me.

"Hi Arrisea," he greeted wryly.

Humugot ako nang malalim na hininga.

I can do this. Give him the money and just go. Ito lang din siguro ang dahilan kung bakit pati sa bahay ay siya ang naiisip ko. I have convince myself, dahil lang ito sa sukli na hindi ko pa naibabalik sa kanya.

Kinuha ko sa wallet ko ang five hundred pesos na tinabi ko upang ibalik sa kanya.

"Salamat pero hindi ako tumatanaw ng utang na loob," mariin kong sabi sa kanya at inabot ang five hundred pesos sa kanya.

Nanatili lang siyang nakatingin sa pera na nasa kamay ko. A crease appeared on his forehead, he only tilted his head to the side with a look of confusion on his face.

Bakit naman siya mao-offend kung ibabalik ko ang sukli niya? Actually, buo nga ang ibabalik ko sa kanya! Kahit labag sa loob kong bayaran ang fifty pesos na bottled water na 'yon!

"You can keep it," mahinang sabi niya.

I sighed as I handed him the money forcefully but he only stared at it with disdain in his eyes.

Parang nandidiri.

Umiba ang ihip ng hangin at nairita ako sa kung paano niya ito tingnan. Pakiramdam ko porke't hindi ito kasing bago o kasing lutong ng pera galing sa bangko ay ganito na lamang niya ito tratuhin.

In a small voice, I told him what he needs to know.

"Binabalik ko lang kung ano 'yung sa'yo."

No need to freaking judge where I got the money. Sa huli ay pera pa rin naman 'yan, kahit pa gusot, marumi, nangingitim na, bago, malutong, o makintab — pera pa rin naman 'yan. Hindi naman nawala ang halaga niyan.

Hindi ako mayaman kaya alam ko ang halaga ng pera. Hindi naman sa kanya ang pera na 'to, galing ito sa mga magulang niya. Hindi dapat siya nagsasayang ng pera lalo na kung kani-kanino lang.

Hind niya ako pinansin at tinalikuran na ako. The way his steps were hastily moving away from me only made my head boiled more.

"Adren!" hinabol ko siya dahil ayaw niya pa rin kuhanin 'yung pera.

I figured that following him around would make him feel that I don't need his money. Wala akong ginawa upang makuha ang pera na ito, therefore I don't think I should claim it.

"It's yours, Arrisea. Kung ayaw mo, pamigay mo na lang sa iba."

The coldness of his tone contrasts his angelic image in my head. Hindi ko makita ang kanyang ekspresyon kung kaya't hindi ko makumpirma kung totoo nga ba ang hinala kong masyadong malamig ang kanyang pakikitungo.

"Hindi ka ba naaawa sa parents mo? Nagpapakahirap sila sa trabaho para rito! Kuhanin mo na," pamimilit ko.

Naaawa kasi ako sa mga magulang niya, mahirap ang kumita ng pera. Hindi naman madaling mag-trabaho 'no. Kahit na mayaman pa siya, he still needs to value the effort his parents make for him to live a good life.

Natigilan si Adren sa paglalakad at lumingon sa akin. His face hardened before averting his gaze to change into his pretentious smile. My heart almost skip a beat. Akala ko ay galit siya. That was probably just my mind playing games with me.

Ngumiti naman ako at inabot ang five hundred pesos sa kanya. Tinanggap naman niya ito habang nakangiti.

Siguro ay napagtantuan na niya 'yung punto ko. He probably knows how much his parents do their best to provide all his needs.

He looked around and saw a passerby walking. Agad niya itong hinarang at nginitian. Tumigil naman ito para batiin si Adren.

"Adren, dude!" the guy greeted and even grinned.

"Hello, can you do me a favor?" tanong ni Adren sa mababang tono. "Pwede mo bang gastusin ito para sa akin? I'll really appreciate it."

"Are you sure? But no problem, dude." Halos kuminang ang mata nung lalaki na kausap ni Adren. Ako naman ay nanatili lamang nakaawang ang bibig dahil sa ginawa niya.

Wow.

Inabot ni Adren 'yung pera sa lalaki at agad naman itong umalis na matapos makuha 'yung pera. Hindi ko mapigilan na titigan nang masama ang nasa harap ko ngayon.

"Thank you, Arrisea. Let's just hope that he spends it well more than you would have spent it." Ngumiti siya sa akin bago niya ako iwanan na tulala roon.

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

I decided to talk to Gio. Adren's behavior is definitely not how I perceive him to be. Literal na nasa loob ang kanyang kulo. Pero ayoko naman sana pangunahan kaya minabuti ko na lumapit sa kilala kong close niyang kaibigan.

'Yun nga lang, kailangan ko pang kulitin ang isang ito upang maglabas ng mga alam niya tungkol sa kanyang kaibigan.

"Nakita mo na ba magalit si Adren?"

Umiling si Gio. "Hindi pa."

"Mabigla?"

His eyes squinted and he looked at me like it was a ridiculous question.

"Hindi?"

"Tumatawa naman siya 'di ba?"

He shrugged.

"Minsan."

Napasabunot ako sa sarili kong buhok habang magkaharap kami ni Gio sa Student Lounge, tambayan kapag free time o kaya uwian. Aircon kasi rito at pwede ka maki-WiFi pero bukas lang tuwing hapon kapag tapos na ang klase. May mga kainan din dito kaso mga franchise na stalls. Parang Bonanza area pero indoor.

I let out a long breath before resuming my questions. Seryoso akong bumaling kay Gio na nakakunot ang noo sa akin.

"Mabait naman si Adren 'di ba?"

Despite the lack of emotions, my first impression for him was kind. Tinulungan niya ako kahit hindi niya ako kilala at kahit mataray ako sa kanya nung una, he was never rude and didn't really talk back.

Pero maaaring palabas lang ang lahat ng 'yon. Maybe he was like that to all of us because this side of him wasn't supposed to be known.

"Oo? Teka nga," kumunot ang noo ni Gio. "Para mo namang sinasabi na wala akong kwentang kaibigan!"

Ngumiwi ako. "Ngayon mo lang na-realize?"

I slouched down on the chair and rested my head on the metallic part of it.

Wala rin siyang masyadong alam kay Adren! I even had to drag him here to interrogate him! Tapos pareho pala kaming walang alam sa kanya?

Gio caught my attention when he decided to open up something about Adren.

"Ang alam ko lang galing siya sa mayamang angkan," he shrugged. "Vieux riche."

"Ano?" my eyes narrowed upon hearing the unfamiliar word.

"Old rich," Gio explained. "Alam mo 'yung mga angkan na minana lang 'yung yaman nila? That type."

"Tapos?"

"He's very elusive, Arrisea." His shoulders lifted in a shrug, his expression turning into a serious one.

"Kahit ako minsan iniiwan niya sa ere, bigla-bigla na lang siyang nawawala. Ang scary nga e. Pero di naman siya ghoster, promise." Bumalik na naman sa pagiging tarantado ang mukha ni Gio.

I bit the insides of my cheeks. Nakakainis dahil lalo lang ako naging curious sa kanya. It was supposed to be just a crush, pero lalo lamang lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

I was growing frustrated with my feelings. Hindi naman ako ganito sa iba, I rarely even have time for love. Madalas ay pang-fling o past time lang talaga ito. Pero iba itong si Adren, iba ang epekto niya sa akin. Kahit na halos wala siyang pakialam sa pera ng magulang niya. That asshole! Isang linggo na grocery na rin ang five hundred!

Dapat nga ma-turn off na ako e! We clearly have different mindsets, pero hindi ko mapigilan isipin kung bakit siya ganun. I was like a freaking mouse, caught in his trap. Wala na akong maisip kung hindi siya.

I just wanted to know, why did he act like that? Bakit ang laking issue sa kanya ng pera? Did I really offend him just because I decided to give it back?

Then one day, I was walking with Suzette to the ABM Building. Pupunta na naman kami sa favorite comfort room niya dahil maglalagay na naman siya ng liptint.

"Magpalipat ka na lang kaya sa ABM!" singhal ko. May CR naman sa building namin, gusto niya talaga rito!

"Ayoko maraming math! Gusto ko talaga maging chef! Aanuhin ko ang mga numero? Rekado ba 'yon sa mga lulutuin ko?" Suzette was dancing in the hallway, not minding the people who keep glancing at us.

I became conscious because of it. Kami na nga lang ang dumadayo para sa banyo, kami pa ang maingay at mukhang sagabal sa kanilang klase! It's really embarassing!

Ang ingay ni Suzette, nasa building kami ng ABM! Nandito pa naman si —

"I like you, Adren!"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Nauna na si Suzette sa comfort room dahil pinuntahan ko pa kung saan nanggaling ang boses na 'yon.

I leisurely check out where the voice came from. My heart was throbbing because of the emotions I'm currently feeling right now. Halu-halo na sila sa aking tiyan.

I saw Adren and an unfamiliar girl who was bowing at him. May hawak itong box at nakalahad kay Adren 'yung box. Mukhang ginawan siya ng explosion box nung babae.

I scoffed when I saw the design of the explosion box. Halatang mga mamahalin na materials at stationery ang ginamit upang magawa ito.

Ang gastos naman, girl.

Nagkanlong ako sa isang gilid upang hindi maging masyadong halata sa kanilang paningin.

I looked like someone snooping on them. Nakita ko ang bahagyang paglapit ni Adren sa babae, he slowly reached for the explosion box. The way he was holding it, masyadong mahigpit.

"Thank you," tinanggap ni Adren 'yung box. He was smiling.

Kinikilig na lumakad paalis 'yung babae. Adren only stood there while looking at the box he was holding.

Para akong nabunutan ng tinik sa puso. I even sighed because this is a confirmation that he might just be misunderstood. Siguro ay offended lang talaga siya noong sinauli ko ang pera niya.

See? He's kind. He probably just don't know the value of money since he's rich.

Pero naestatwa ako sa kinatatayuan ko at namanhid nang makita ang sunod niyang ginawa.

Sinuri niya 'yung box at binuksan. Marami itong laman na mga letters, pictures, at mga kung anu-anong abubot na tungkol 'yata sa kanya. Tiningnan niya ito isa-isa pero walang bakas ng kahit anong masayang emosyon sa kanyang mukha. He even looks angry and hurt.

He examined the box as his expression darkened. He went towards the trashbin and I just knew he's about to throw it away.

This ungrateful jerk!

I strode towards him while gritting my teeth.

"Alam mo bang ilang puno ang pinutol para magawa niya 'yan? Ilang octopus ang kinuhanan ng ink para ma-print 'yan at ilang kanin ang ginamit niya para madikit lahat ng 'yan?" I stopped him even before he can do what he wanted to do. I was shaking in anger as I held on his wrist.

Hindi ko nga alam kung tama ba lahat ng sinabi ko! Malay ko ba kung saan gawa ang ink at glue! Basta dapat hindi niya sayangin ang gawa nung babaing 'yon!

Adren looked at me with his lips parted, confusion written on his face. He pointed towards the side of the trashbin, at agad naman akong natauhan. There was a row of lockers for storage. Unti-unting nalaglag ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

"Ilalagay ko lang sana sa tuktok dahil ayoko ipasok sa classroom," malamig niyang tugon. I cleared my throat.

"Akala ko itatapon mo..."

"If you weren't there, I could have done that." His tone was freezing cold. Kaya naman agad akong lumingon sa kanya.

"Itatapon mo talaga?!" I asked in disbelief. I knew it from his expression! Pero bakit hindi niya ginawa? At bakit gagawin niya pala dapat 'yon?

"The girl has a boyfriend, Arri." He mumbled. "Isn't this cheating? How would you feel if your boyfriend creates an explosion box for another girl?"

"Pwede mo naman i-tabi?"

"This is an evidence of cheating. I don't really want to be intertwined with any scandals in the future, hindi ko lang tinapon dahil nandiyan ka."

I widened my eyes. "Bakit? Mukha ba akong guardian angel? Don't worry, hindi kita isusumbong sa langit."

"No, you might rat me out." He smiled, making it forcefully reach his eyes. "I don't know you well and even if I do know you..."

He raked his eyes all over me making my heart beat race rapidly.

"I can't trust you that easily, sorry."

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro