Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

Kabanata 6

Uncrush ko na lang kaya si Adren?

Hindi ko mapigilan ang ngumuso dahil ilang linggo na ang lumipas, but guess what? Hindi pa rin niya ako ina-accept sa facebook. Ayaw ba niya ng auto liker? Kung gusto niya, heart ko pa lahat ng pictures niya kahit 'yung pinaka-unang profile picture na ginamit niya e.

"Nakakainis na siya," masama ang tingin ko sa profile niya. "Accept na nga lang gagawin, hindi pa niya magawa."

His profile was only his silhouette and the moon as his background. It was an artificial moon though, siguro ay nasa planetarium siya nito. I wanted to like his profile but the only option was share.

Sobrang pribado naman niya. I decided to give up and turned my attention to Suzy who was looking infront of the mirror.

"Sino ba kasi 'yan? Panibagong sasaktan mo? Di ka naman marunong ng commitment." Ani Suzette.

Naglalagay ng liptint si Suzette sa kanyang labi sa comfort room ng ABM building. Mas maganda raw kasi ang lighting ng CR nila kumpara sa comfort room ng TVL building. Mas maliit din kasi ang building namin kung tutuusin.

"Adren," I answered dryly. "Hindi pa rin ako ina-accept sa facebook."

"Baka ayaw ka maging friend," Suzy says, fixing her hair in the side. She craned her neck to face me. "Baka gusto more than friends."

Umirap ako sa kakornihan niya. Ayoko naman umasa sa haka-haka ni Suzy. Although if that was true, baka kiligin pa ako.

Sabay kaming lumabas ni Suzette nang matapos na siya. Mabuti na lang dahil wala kaming nakasalubong na ABM dahil baka panibagong issue na naman. Masyado kasing batas 'tong si Suzette dahil ayaw niyang naglalagay ng liptint sa madilim na lugar.

"Arrisea?"

Nilingon ko ang tumawag saakin. Nadismaya lang ako dahil hindi ko naman pala kilala 'yung tumawag. Lumapit sa akin 'yung lalaki na malaki ang ngisi sa labi at kaagad naglahad ng kamay.

"Hi! Ako nga pala si----"

"Tinanong ko?" Mataray kong tugon.

He was caught off guard. Hindi ko maiwasan na umirap dahil sa ngiting binigay niya.

Mahirap kasi sa ganitong klaseng lalaki, kapag pinakitaan mo ng kabaitan iisipin nilang nagbibigay ka ng motibo. Ang kikitid lang ng utak, parang inaalikabok.

Rumihistro sa mukha niya ang naramdaman niya sa sinabi ko, mukhang offended siya dahil bahagyang kumunot ang noo niya.

"Arrisea, I added you on facebook. Pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako ina-accept. Gusto lang sana kitang makilala pa," he even smirked at me.

"Hindi kita gustong makilala," mariin kong sabi.

"Arrisea, hindi mo ba ako pwede pagbigyan?" hinawakan niya ako sa braso, nasaktan ako sa higpit nang pagkakahatak niya.

Marahas ko itong tinanggal sa pagkakahawak niya.

"Alam mo? I-ligo mo 'yan, libog lang 'yan." Ngumiwi ako sa kanya saka siya iniwan doon. Hinhintay lang ako ni Suzette sa gilid.

She was laughing as we walk towards the exit of the ABM building. I was annoyed, kaya naman lukot ang aking noo habang inaasar ako ni Suzy.

"Dami namang lalaki sa buhay mo, Arri. Araw-araw ka na lang napapa-away dahil sa kagandahan mo. Hirap talaga maging maganda, ano?" katyaw ni Suzette habang naglalakad kami pabalik sa TVL Building.

It's a fucking curse.

Tinititigan ko ang repleksyon ko sa salamin na bintana ng isang classroom sa ABM building. My foreign features does make me stand out among others. Still, it's just my appearance, it will change when time comes. There's nothing special about it. They say the world favors those who are beautiful - I'll say the world is just unfair. Hindi porke't maganda ka ay nasa iyo na ang lahat...

Hindi mo nga alam kung sino talaga ang nagmamahal sa'yo nang totoo.

I always wanted to be grateful because I had the looks, pero marami naman itong kaakibat na panghuhusga. I would have preferred to be just lowkey, 'yung bang sakto lang. Hindi ganito na halos habulin nga ng lalaki pero mukha lang naman ang gusto sa'yo.

The sudden realization made me think that maybe I was just cocky. Hindi ko namalayan na ginagawa ko na lang na trophy boyfriend si Adren sa isipan ko.

In order to not make myself a hypocrite, I decided to cut the ideas off.

Sumilip ako sa cellphone ko at naisipan na i-cancel ang facebook request ko kay Adren. Suzette was right, siguro nga ay naghahanap na naman ako ng kalandian pero ayoko naman matali sa iisang tao. Commitment doesn't exist in my vocabulary.

I sighed as I saw that the setting went to default. I already cancelled it, hanggang dito na nga lang talaga 'yata ang pantasya ko.

Pero makakahanap pa naman ako. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo. That's a fact and a truth that I shouldn't forget. Hindi siya kawalan.

I held my chin up as I confidently put a smile on my face.

Madali talaga akong mag-sawa sa lalaki.

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

"Sigurado ka ba? Pwede ka naman mag-focus muna sa eskwelahan mo," nag-aalala ang tono ni Mama habang nilalapag sa hapagkainan ang niluto niyang sinigang na baboy para sa'min.

I nodded without hesitation as I fixed my little brother's way of seating.

Meron kasing nag-alok sa akin ng isang side job, si Aling Juanita. Dati kasi ay naglilinis siya sa mga Fuentes kaso ay napilitan siyang umalis dahil sa edad niya at gusto na siyang pauwiin sa probinsya ng kanyang mga kamag-anak. She offered me the job, para may kapalit siya sakaling aalis siya sa kanyang trabaho.

"Sayang kasi, Ma. Maglilinis lang naman ako tuwing Sabado at Linggo sa mga Fuentes, hindi naman talaga madadamay ang schedule sa eskwelahan ko," sagot ko kay Mama habang nilalagyan ng pagkain ang plato si Archer.

Inosenteng nakatitig sa akin si Archer kaya naman nginitian ko ang bunso namin. Binalik niya sa akin ang ngiti kaya kitang-kita ko ang mga patubong mga ngipin niya.

"Ayaw mo ba mag-kolehiyo?"

Natigilan ako sa tanong ni Mama.

Tumingin ako sa kanya at kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. She was worried about this? Ilang beses ko na itong sinabi sa kanya.

"Pwede naman, anak. Meron namang two years course lang 'di ba? Pero kung 'yung apat na taon----"

I immediately stopped her.

"Ma! Si Arya na lang muna, mas gusto ko mag-trabaho para magkaroon ng experience. Pwede pa naman ako mag-aral ulit kung gusto ko," agap ko.

"Pasensya na, Arrisea ha." Her eyes went misty as she put the food on our table.

Nanikip ang aking dibdib nang makita ang mga kamay ni Mama na halatang pudpod na sa gawain. Still, she was thinking of us. Kahit gaano na siya kapagod ay kami pa rin ang nasa isip niya.

It made me feel sad that up until now I still can't repay everything she has given to me.

Bumalik ang atensyon ko kay Archer kahit na ang nasa isip ko ay si Mama at kung paano ko mapapadali kahit kakaunti ang aming sitwasyon.

Alam kong hindi perpektong tao ang Mama ko, maaaring hindi maganda ang tingin sa kanya ng tao. Pero para saamin na mga anak niya, isa siyang perpektong ina. Gagawin namin ang lahat para balang araw maibalik namin lahat ng sakripisyo niya para saamin.

"Arya? Halika na, kakain na." anyaya ni Mama kay Arya na kararating lang at may hawak na make up kit.

Nagmano siya kay Mama bago bumaling saakin at may inabot na sobre. Bakas sa mukha niya ang pagod at antok. Nakita ko na meron pang mga kolorete sa kanyang mga kamay, maaaring dahil tinitingnan niya ang shade nito.

Ngumiti lang siya kay Mama at pumunta na sa aking direksyon.

Bumulong siya saakin. "Ate, pakilagay sa wallet ni Mama mamaya baka kasi makaligtaan ko ulit."

Tumango naman ako at sinundan lamang siya nang tingin habang papaakyat siya ng aming kwarto.

Sa pagod dahil sa eskwelahan at trabaho ay madalas natutulog na kaagad si Arya pagkatapos kumain. Hindi na nga siya sumasama sa mga kaibigan niya dahil sa mga racket niya. Sa malapit na parlor lang din siya madalas rumaraket.

Bumuntong hininga na lamang ako. Gusto ko rin talaga makatulong dahil panganay pa naman ako. She really deserves more than this. I can't wait to give her a more comfortable life.

Kailan ko kaya sila mabibigyan nang mas maayos na pamumuhay?

I sighed to myself and look at my little brother who was beaming at me. Nginitian ko na lamang din siya.

Kinabukasan, pumunta na ako sa mga Fuentes. Medyo may kaya ang pamilya na ito dahil parehong maganda ang posisyon sa kilalang kompanya ang Ama at Ina sa kanilang tahanan. Nawawalan na nga sila ng oras maglinis ng bahay nila dahil puro na sila trabaho. Isang chalet bungalow ang kanilang bahay.

"Arrisea, kung maaari lahat linisin mo pero huwag na 'yung master's bedroom," bilin ni Mrs.Fuentes.

Bumaling siya sa kanyang anak na tahimik lang sa isang sulok at may kinakalikot sa kanyang cellphone.

"Lulia, si Arrisea..." pakilala sa akin ni Mrs.Fuentes sa kanyang anak. Ngumiti nang tipid sa akin si Lulia nang lumingon siya sa akin.

Namana niya ang kaputian ng kanyang ina at ang itim na itim na buhok nito. Pero mas mataray tingnan si Mrs. Fuentes dahil maamo ang mukha ni Lulia. Ngumiti ako pabalik.

Umalis din kaagad si Mrs. Fuentes kaya naman nagsimula na akong maglinis. Nagsimula ako sa pangalawang palapag hanggang pababa, wala naman masyadong dumi dahil halos puro alikabok lang ang nalinis ko.

Malamang maarte lang si Mrs.Fuentes pero may karapatan naman siyang maging maarte dahil sinuswelduhan niya ako.

Nagpupunas ako ng pawis matapos ko mag-mop sa dining area nila. I was thirsty but shy to ask if I could have a glass of water. Siguro ay hihintayin ko na lang matapos ang trabaho ko at meron namang mga palamig sa labas ng subdivision na ito.

"Arrisea..." nagulat ako kay Lulia dahil bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

"Hello," binigyan ko siya ng ngiti.

Inabutan niya ako ng juice na kanina pa pala niya hawak, isa itong pineapple juice.

"Mag-pahinga ka na, kanina ka pa nag-lilinis." Inalok niya ako ng juice at tinanggap ko naman dahil nauuhaw na rin ako kanina pa. Nahihiya lang ako humingi ng tubig.

"Salamat, Lulia."

"Wala 'yon," umiling-iling siya.

Matapos ko mag-mop, niyaya ako ni Lulia makipag-kwentuhan. She wasn't that talkative but she had a lot of stories to tell, nagulat nga ako dahil pareho kaming sa UJD nag-aaral.

"Talaga? Anong strand mo?" tanong ko at uminom sa pineapple juice na binigay niya sa akin.

"ABM," muntik ko na mabuga 'yung juice.

Nasamid ako kaya naman hinagod-hagod ni Lulia ang likod ko.

"S-section?" umuubo kong tanong.

"2," patuloy lang siya sa pag-hagod ng likod ko.

Napapikit ako nang mariin. Halos dalawang linggo na magmula nang tinigilan ko na si Adren. Nakakahiya kung isa si Lulia sa mga alam kung paano ko pinagkalat na patay na patay ako kay Adonis Renoir. Mabuti na lang dahil nasa ibang section siya.

"Ikaw ba, Arrisea? Anong strand ka?"

"TVL Cookery," sagot ko at nakita ko na medyo umawang ang bibig niya.

She stopped moving her hand on my back. Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang ang tingin saakin ay puno ng tanong.

"Madali lang ba ginagawa niyo roon?"

Oh.

Madalas na tanong sa'min ito. The academic tracks look down on us because apparently we don't really study — we just cook. Madalas ganyan ang katwiran nila kung bakit ang baba ng tingin nila sa'kin. I was only a pretty face, at hindi raw ako matalino.

Hanimal.

Binubuo pa lamang ang art at sports track pero pakiramdam ko ay matitikman din nila ang hagupit ng ibang mga mapangmatang mga taga-academic tracks na para bang hindi kami kumukuha ng core subjects nila. Akala ba nila sila lang nahihirapan sa general mathematics? Hampas ko sa kanila 'yung graphing notebook namin na puro equations din!

Lulia was snooping over me. Ayoko naman maging balahura sa isasagot sa kanya kaya pinilit ko na lang ang sarili ko na ngumiti para mawala ang tensyon sa aming dalawa.

"More on practical kami kasi 'yun ang pinaka-specialized subjects namin," sagot ko sa tanong niya.

Marami kaming subjects na halos sa skills kami binibigyan ng grade. Halos kailangan nga namin balansehin ang skills at intellect namin pagdating dito.

Tumango-tango lang siya at nginitian ako. There was something on her smile but I couldn't just pinpoint what it is.

"Sana maging kaibigan kita, Arrisea."

Tumango ako at ngumisi sa kanya.

"Oo naman!"

Wala naman akong problema roon. Mukha naman mabait si Lulia.

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

"Himala, wala kang baon?" nagtaas ng kilay si Suzette sa akin.

"Bibili lang ako ng tubig dahil ayaw mo akong pahiramin ng tumbler mo," umirap ako sa kanya.

Ayaw niya kasi magpahiram ng tumbler para sana sa drinking fountain na lang ako kukuha ng tubig. Ayaw niya raw dahil sa laway ko, akala mo naman hindi nakikipag-laplapan sa iba.

Pumila kami sa isang snack bar para bumili ng tubig. Hindi ko makita kung magkano kaya balak ko sanang sa tindera na lang mismo magtanong mamaya.

"Ano sa'yo?" tanong nung tindera nang ako na ang bibili.

"Tubig po," I could feel the dryness in my throat. Ang tagal kasi mamili nung mga nasa harap ko kanina.

She went to the beverage refrigerator to get a bottled water. Para akong uhaw na uhaw nang iabot niya sa akin ito. I was thirsty so I decided to drink before paying.

I let out a sigh of relief after the water made me feel refresh. Lumingon ako sa tindera upang itanong kung magkano ito.

"Ate, magkano?"

"Fifty pesos po," sabi nung tindera sa cafeteria.

Nanglaki ang mga mata ko at umawang ang mga labi.

Napatingin ako sa bottled water na hawak ko.

Hanimal! Isang gallon ba 'yung binili ko? Fifty pesos para sa maliit na tubig na 'to? Sampung piso lang 'yata dala kong pera!

"Suzette, pahiram muna ng fourty pesos. Naiwan ko wallet ko," pasuyo ko kay Suzette. Nilabas ni Suzette ang wallet niya kaso wala na itong laman.

"Coin purse lang dala ko 'te! Wait, akyat lang ako tapos ako na magbabayad nung tubig mo," she said, guilt was on her face. Dapat kasi pinahiram mo na lang ako ng tumbler e!

Agad na tumakbo si Suzette para kuhanin 'yung pera niya sa classroom namin. Medyo malayo pa naman ang TVL building!

"Miss? Fifty pesos?" naubusan na 'yata ng pasensya 'yung tindera. Ang susungit pa naman ng mga ito, akala mo palaging delayed ang dalaw!

Nakakahiya kasi ang haba ng pila!

Ibalik ko na lang kaya? Pero wala ng laman! Hanimal na 'yan!

May one, two, three ba rito? Nakakahiya na kasi talaga dahil halos minamata na ako ng tindera at ng mga nakasunod sa pila. I wasn't prepared for this!

Nagitla ako nang may nag-abot ng pera sa tindera. A five hundred peso bill.

I don't even have to turn to know who he is, his mere slender fingers can already make me froze on the spot.

Hindi ko alam kung papaano pero tuwing nandiyan siya, palagi akong kinakabahan. Nastatwa ako sa posisyon ko at hindi agad nakapagsalita.

Hindi ko pinapansin si Adren kahit halos nasa tabi ko lang siya.

"Arrisea..." he called, his voice sounded so sweet in my ears. Pakiramdam ko nilalandi ako nito pero pakiramdam ko lang naman e.

Hindi mo na siya crush, Arri. Hindi mo na siya crush.

I close down my eyes and avoided his way. Kaya mo 'yan, Arri. All you have to do is walk away and make the throbbing of your heart stop. Kailangan kalmado ka lang. Chill.

"Arri!" Gio jogged his way to our direction. "Nandito ka pala?"

Lumingon ako kay Gio na ngumingisi sa akin. I was gritting my teeth in annoyance as I shook my head to him.

Huwag kang lalapit para di rin lumapit 'yang kasama mo!

"Ako nag-palapit sa kanya rito, ayos ba?" he mouthed, even giving me a thumbs up.

Bumagsak ang panga ko sa sinabi niya. My lips twisted into a grimace.

Sana ayos ka lang, Gio.

I gulped and decided to ignore them. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I was too stunned to move even an inch.

"Grabe naman 'yan, Arri. Hindi mo ba kami na-miss?" Gio said, teasingly.

I heard footsteps near me. Habang papalapit ito ay lalo lamang bumibilis ang tibok ng puso ko. This isn't suppose to be like this, it was suppose to be the other way around! Siya dapat itong apektado sa akin!

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Damn it! Damn them!

Hindi ko mapigilan ang lumingon sa kanila. I just wanted to tell them to go off or mind their own business. I was good at this, ilang lalaki na ba ang napalayo ko sa akin? I can't even count them on my hands.

"I miss you, Arrisea." Ngumiti nang nakakaloko si Adren sa akin.

I blinked. A few times. Until all I can heard was imaginary wedding bells in my head.

He playfully chuckled as he was walking near me. Ako naman ay nanatiling tulala sa kanya.

"Hindi mo ba ako na-miss?"

I looked at Adren and saw him smiling at me.

Putangina talaga.

Natutunaw na ako sa boses pa lang niya tapos sasabihan niya ako nang ganyan? Nasaan naman ang hustisya roon?

Tumatawa silang dalawa ni Gio bago umalis. Iniwan nila ako roon na tulala.

Nilagpasan na nila ako pero ang epekto niya ay nandito pa rin sa puso ko. He didn't even do anything but just told me he miss me.

Tapos parang tanga lang kasi naniwala naman ako.

"Miss, sukli nung syota mo." Hagikgik nung tindera, kanina pa 'yata kami pinapanood.

I went back to my reality as I look at the change that the lady on the counter put on my hand.

Iniwan niya pa sa akin 'yung sukli! Hanimal talaga silang dalawa!

Umalis na ako roon at nakasalubong si Suzette na pawisan habang dala-dala ang wallet. Tumatakbo kasi ito papunta sa akin.

"Hala, Arri..." hinihingal siya. "Okay na ba? Paano mo nabayaran?"

She looks worried so I gave her a thumbs up and nodded my head.

"Oo, pakibalik na lang 'yung sukli sa kaibigan ni Gio."

Inabot ko sa kanya 'yung sukli ni Adren pero di niya tinanggap.

She looked at me with confusion on her eyes. Agad akong nagtaas ng kilay sa kanya.

"Crush mo 'yon, 'di ba?"

"Hindi na!" pagtanggi ko.

My sudden reaction made me blush. What the hell? Bakit ganito ang epekto niya sa akin?

Upon seeing my crimson cheeks, Suzy can't help but burst in laughter. Pabiro ko naman siyang pinalo sa braso.

"Sige nga, balik mo nga 'yung sukli niya sa kanya." She teased.

I groaned as I look at the change on my hand. Magkano rin ito at nakahihiya kung ibubulsa ko.

Paano ko iu-uncrush kung sila mismo binabalik 'yung feelings ko sa kanya?

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro