Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Kabanata 4

"Ma'am, promise! Kaya ko naman maging matino! Kahit isang araw lang."

Naguusap kami ni Ma'am Reynes na teacher ko sa English for Academics and Professional Purposes sa faculty nila. Malapit na kasi mag-Teacher's week kaya naghahanap siya ng student teacher.

She looks at me with a teasing smile. Ako naman ay nagpapa-cute lamang para mukhang kaawa-awa sa kanya. I don't usually use my puppy eyes but I'll probably need it today just for her to give me the student teacher role.

"Bakit ba gustong-gusto mo maging student teacher? Wala naman akong duda na kaya mo pero bakit?" tumatawa si Ma'am Reynes. Kahit 'yung mga teacher sa loob ay tinatawanan ako.

Sobra-sobra na kaya 'yung panguuto ko sa kanya! Dinalhan ko pa nga siya ng lunch!

Ngumuso ako. Isang beses kasi ay nakita ko ang schedule ni Ma'am Reynes, meron siyang klase sa ABM 1. Sakto pang double period siya sa araw na magtuturo ang student teacher niya.

Syempre, papalagpasin ko ba 'yung pagkakataon na landiin si Adren?

"Ma'am, nakasalalay ang future ko rito!" I said, almost pleading. Hagikgik lang ang tinugon ni Ma'am Reynes bago buksan ang isang drawer ng kanyang table.

"Sige, Arrisea. I'll send you the PPTs you'll use and also the lessons. Don't disappoint me, anak." Ngumiti si Ma'am Reynes.

Malawak ang ngiti ko nang tanggapin ang flashdrive na inabot niya sa akin. Agad akong pumunta sa Main Library para tingnan ang laman nung flashdrive.

I took down notes and created a quiz for the lesson we'll tackle. Pudpod ako sa pag-aaral para lang hindi ako mapahiya sa harap ni Adren. Hindi ako sobrang talino pero bawi naman sa kasipagan.

Minsan, kapag sinasapian ako ng kasipagan. Hindi naman kasi talaga masyadong mahalaga sa akin ang grado ko sa school. May buhay pa ako sa labas ng eskwelahan kaya minsan lang talaga ako magsipag sa pag-aaral.

Hindi naman ako bumabagsak kaya wala namang kaso ito sa Mama ko.

Dumating ang araw na pinakahihintay ko. I was ready for this day. Hindi talaga ako papayag na may mas maganda sa akin sa room nila.

I asked my little sister, Arya, to make me look presentable. Busangot ang kanyang mukha dahil maaga ko siyang ginising para lang ayusan ako. Sa huli ay hindi naman siya nakapag-reklamo pa.

Tinulungan ako ni Arya sa paglagay ng make up sa mukha ko. It was a smokey fox eye look, mahilig kasi siya manood ng mga tutorials tapos nags-sideline siya sa mga birthdays, pageants o sa mga parlor.

"Ate, pwede rin kaya ako sa school mo next year?" she was applying a tint on my lips.

"Oo naman, sa tingin ko naman ay nagtatrabaho na ako no'n para may pangtustos na tayo sa pag-aaral mo," I answered after she close the lid of the tint.

The tuition of University of Jeanne D'Arc is no joke. Nakakapagaral lang ako ngayon dito dahil ang Papa ko ang gumagastos pagdating sa pag-aaral ko. Hanggang senior high lang muna ang balak kong tapusin, edi sa magandang school na para mas mapadali ako sa paghahanap ng trabaho.

I don't want to accept any money from him anymore. Kahit pa sabihin na responsibilidad naman niya ang bigyan kami ng pera, I just don't want to be a burden for him and his family. Masaya na ako sa kami lang nila Mama ang nagtataguyod sa pamilya namin.

I looked at the mirror in front of me, visualizing my face as I look closely.

Siguro ang yaman na maituturing namin sa pamilya ay 'yung mga mukha namin. Medyo hawig ko si Arya pero mas maamo lang ang mukha niya. Ilang beses na rin may sumubok lumigaw sa kanya pero palagi niya itong tinatanggihan. Si Archer, ang bunso namin ay wala pang tatlong taon kaya naman hindi makapag-trabaho si Mama ng regular dahil binabantayan niya ito.

Isang violet long sleeves polo shirt at pencil skirt ang sinuot ko. Nagsuot din ako ng takong na kulay itim. Nag-plantsa pa ako ng buhok kahit maikli naman ito. It added maturity on my look.

Nagsimula ang araw ko na may mga naliligaw na mata na naman sa akin. Nasa STEM building ako dahil ito ang unang klase ni Mrs. Reynes.

Pumasok na ako sa room ng STEM 1 para magsimula. Wala si Mrs. Reynes dahil may pinuntahang seminar. It will just be me who will look over the other STEM students. They greeted me and I motion for them to seat down, hindi pa ako nakakapagsimula nang may lumapit sa akin.

"Hi, you look so pretty." May sumulpot na babae sa gilid ko. Iba ang nararamdaman ko sa kanya. She was praising me but her eyes were criticizing my outfit.

"Thanks," ngumisi ako sa kanya.

"Pero, I think you applied too much make up? Pwede ba 'yan?"

"Si Czanne hindi tanggap na may mas maganda sa kanya," may sumipol sa gilid na lalaki.

She shrugged her shoulders off and defended herself. "Hindi ah, I'm just curious."

Kinuha ko ang kamay niya at pinahid sa mukha ko. She seems shock at first.

"See it for yourself. Walang masyadong chalk 'di ba? Thanks for reminding me I'm so pretty that I always look like I wear full make up on." Kumindat ako sa kanya.

She seems to be one of those who are strict with uniform codes. Hindi ko naman siya masisisi. I like breaking some rules though.

Nagsimula na ako magturo para sa STEM 1. I also gave them a quick quiz to know if they learned something. May isang tanong doon na sinadya kong gawing mahirap kaya naman halos 9 out of 10 ang mga scores nila. May nagiisang naka-10 out of 10 though.

"Aracosa, Sarathiel?" tawag ko dahil balak ko sana purihin.

Kaso nakita kong nakasandal siya sa pader at nakatalukbong ang hoodie niya sa kanya.

"Ma'am, tulog po. Huwag niyo raw siya istorbohin." Halakhak nung katabi niya.

Seryoso 'yon?

Hindi ko na lang tuloy pinuri dahil baka magising pa. Kung sino man siya, saludo ako sa pagiging Einstein niya. Ang pressure lang sa magiging syota no'n kasi sobrang talino.

Ilang klase pa ang pinuntahan ko bago ako humantong sa ABM 1. Nag-retouch nga muna ako bago pumasok sa room nila dahil after recess naman ang schedule namin.

Halos wala ang mga estudyante nang pumasok ako. Malamang ay nasa Main Caf pa para kumain.

Alam din siguro nila na mga student teacher lang ang magtuturo ngayon. Kaya naman hindi sila nagmamadali.

"Gago, maganda raw 'yung ST sa EAPP." A guy muttered and stopped when he saw me. Agad naman nanglaki ang mga mata niya.

Nabigla siya sa presensya ko pero nginitian ko lang siya habang inaayos ko 'yung PPT na gagamitin ko sa pagtuturo.

"Saan dito 'yung saksakan?" tanong ko sa grupo ng kalalakihan na pumasok.

"Ikaw po."

"Ha?" Ngumiti ako at umaktong di ko narinig. I didn't want to ruin my mood, nasa klase ako ng crush ko.

"Saksakan ka po ng ganda." Hagikgik nung isang lalaki. Siniko-siko tuloy siya nung mga kasama niya.

Saksakin kita, gusto mo?

Pinilit ko na kumalma kasi sayang ang retouch kung papatulan ko. Hindi naman talaga ako nabastos o ano.

"Ang aga naman niyan, Arrisea." nagulat ako sa taong nasa pintuan.

I immediately beam upon seeing the familiar boyish grin on his face. Muntikan ko pa ngang mayakap ito!

"Ulol, Gio! ABM 1 ka? Bakit parang di halata?"

Of course, I was kidding. Nasa TVL 1 din naman ako kahit di ako gaano katalino. Sakto lang talaga 'yung utak ko, tamang nagaaral lang tuwing may quiz kinabukasan.

He clicked his tongue."For all I know, inalam mo talaga kung ano 'yung klase ko kasi kaklase ko si Adonis."

I trapped some air into my mouth as I suppress a smile.

Batuhin ko kaya 'to ng whiteboard eraser? Binubuking ako e.

"Saan 'yung saksakan dito, Giongina?" tanong ko sa kanya. Umawang ang bibig niya bago nagtaas ng kilay.

"The plug's under the table, Miss Cabrera."

A cold voice vibrated in my ears, making me jump a bit. Nilingon ko ito at nakita ang pinakahihintay ko sa lahat.

Nagulat ako dahil nasa likod lang pala si Adren ni Gio.

I can feel my heart jumping out of it's ribcage. Sobrang excited 'yata ako na makita siya dahil hindi ko napigilan ang sarili ko tumili.

"Adren!" I giggled. "Nandito ka pala?" patay malisya lang tayo, girl.

Best Actress goes to Arrisea Cabrera. Sabi ko na dapat nag-audition ako sa PBB Teens e.

He smiled at me.

"It's nice seeing you," his tone didn't have a hint of enthusiasm. It was obviously fake.

Mas mukha pang totoo 'yung mga binibentang branded items kuno sa mga bangketa. Hindi ko maiwasan isipin kung bakit kailangan niyang gawin itong peke.

"Excuse me," he walk passed me and sat down on his chair. Pakiramdam ko ay hindi siya natutuwang nandito ako.

"He's just like that," Gio tapped me on my shoulders and offered a friendly smile. "Huwag mo na lang masyadong dibdibin."

"Oo na, ako na walang dibdib." I snickered. Gio widened his eyes and decided to put both of his hands up.

"Wala akong sinasabi," he chuckled. "Just don't take it seriously, gano'n lang talaga 'yung kaibigan ko."

I nodded my head and went to the teacher's table to start the class. I asked for their attention as I announce my agenda for today.

"Hello class, I'll start the class after everyone is already on their assigned seats."

I wrote EAPP and prepared myself for the lesson. Hindi ako dinapuan ng kahit anong hiya sa ibang klase pero ngayon ay halos maubos na ang chalk dahil lamang sa nagiging pasmado ang mga kamay ko. I close my eyes to remember what I'm suppose to tackle in EAPP.

EAPP is more on formal writing for academic context and right usage of grammar.

I turned my attention to the whole class, Nakatingin lang sila lahat sa akin. They were listening attentively, this is probably one of the perks when you're handling a higher section or a pilot section.

I smiled at them. "Today, class. I'll be your hot teacher but you can't fuck me and I'm not on pornhub."

I decided to throw that ice breaker. Hindi naman ito bastos dahil hindi naman ito nakahubad. Kidding aside, I should really filter my mouth.

Nagulat silang lahat pero sabay-sabay silang nagtawanan. Si Gio naman ay nakayuko lang at nakahawak sa tyan, nagpipigil ng tawa.

Si Adren naman ay nakahalukipkip at salubong ang kilay.

He looked at me and I can't still figure him out. When he notice that I was staring at him for too long, he gave his infamous fake smile.

I swallowed hard before trying to divert my eyes to the board. A fake smile, huh? I tried to look at him again, baka namamalikmata lamang ako.

Still, a fake smile was plastered on his face. There's no even hint of any emotion.

Ngumisi lang ako sa kanya, nag-puyat ako sa computer shop para lang makasigurado na hindi niya ako makakalimutan pagkatapos ng araw na ito.

"So, let's start the lesson? Shall we?"

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro