Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

Kabanata 3

Pawisan ako habang pasakay ng jeep. Anong oras na ako ginising ni Arya kaya naman nagmamadali akong kumilos kanina. Akala niya raw wala akong pasok dahil nagpuyat ako kagabi - hindi ba pwedeng nag-cramming lang ako dahil test namin kinabukasan?

Pagkaupo ko ay kaagad akong nagpunas ng pawis dahil ayoko namang pumasok na mukhang dugyot.

Pansin ko naman ang matalas na tingin ng babae sa harap ko. Noong una ay akala ko baka namamalik mata lang ako pero nang maramdaman ko ang malagkit na titig ng katabi niyang lalaki sa akin - mukhang alam ko na kung bakit.

Bumuntong hininga ako at pinili na lamang ipilig ang ulo sa kabilang dako upang hindi magtama ang mga paningin namin.

Please lang, ayoko ng gulo. May exam pa ako mamaya. Hindi pa ako nga ako nakakapag-review sa Personal Development!

"Ano ba," naririnig ko 'yung babae. "Titig na titig ka ah, kulang na lang tanungin mo pangalan niya."

Nahihimigan ko ang selos sa boses nung babae. Umiling-iling tuloy ako habang nilalabas ang notebook ko sa PersDev.

I decided to review a bit but the way she was staring daggers at me made me stop. Grabe naman tungkol sa pagpapakatao ang binabasa ko pero mukhang makagagawa ako ng kasalanan dahil sa talas ng tingin ng babae na ito sa akin?

Kung magj-jowa ka, huwag 'yung hahayaan kang mag-selos sa mga ganitong klaseng bagay. Kung sa harap mo nga nagagawang mag-hanap ng iba, paano pa kaya kapag nakatalikod ka?

When I saw the landmark for UJD, hindi ko napigilan ang sarili ko na sumigaw.

"UJD lang po, Manong!"

Pumara na ako nang makarating ang jeep sa babaan ng UJD. Ayoko kasi talagang mapaaway nang ganito kaaga tapos may exam pa ako na iniisip.

Bakit puro mura masagot ko sa test paper mamaya.

I was walking hastily because there's only a few minutes left. Kapag ganito kasi ay madalas gusto kong nakikinig sa mga kaklase ko na nagrereview rin. Nagkakaroon din kasi ako ng insights sa kanila kapag ganoon.

"Miss," nagulat ako nang sinundan pala ako nung babae kanina na nasa jeep.

She was even brave enough to pull me on my arm. Ramdam ko ang gigil niya sa akin dahil sa diin ng kuko niya sa paghatak ng aking braso.

"Po?" medyo inis na bumaling ako sa kanya. Late na ako, 'te. Ayoko magkaroon ng minus sa conduct.

I also retrieved my arm from her. My eyes immediately darted daggers at her because of her behavior.

Mababa na nga conduct ko tapos mababawasan pa? Goodluck naman sa good moral 'di ba?

Her eyes went from my head to my feet. Isang ngising nakakaasar ang iginawad niya sa akin. She even cross her arm across her chest.

"Alam ko na maganda ka pero sana huwag mo naman landiin jowa ko," pangaakusa niya sa akin. "Aanuhin mo ang ganda mo kung basura ka naman sa ugali?"

Her accusations earned her a frown from me. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na paranoid lang siya at late na ako sa klase ko! Ano idadahilan ko sa late permit? May praning na pumigil sa akin sa pagpasok sa klase?

"Wala akong pakialam sa syota mo." I said curtly as I was about to move forward to the gate. The girl still didn't give up and pulled me again! Sa sobrang inis ko ay marahas na ang pagkakatanggal ko sa paghawak niya sa akin.

I saw her boyfriend traipsing towards us. Nanglalaki ang mga mata habang unti-unti akong natatanaw. Bumaling muna ng tingin sa akin 'yung lalaki bago niya hawakan sa braso 'yung babaing pinagsasabihan ako.

"Tara na kasi, huwag mo na siya awayin..." pangsusuyo niya sa jowa niya pero ang tingin ay nasa akin pa rin.

"Malandi e!" the girl hollered, gritting her teeth in annoyance. "Kung gusto mo ng jowa, maghanap ka!"

"Excuse me? Kailan ko po nilandi jowa niyo? Hindi ko nga po kayo kilala," maayos na untag ko.

Hindi rin naman kagwapuhan 'yung jowa niya. Ang pogi pogi ni Adren tapos ipagpapalit ko lang sa pagmumukhang ganyan tapos hindi pa marunong makuntento sa isa? Huwag na lang, salamat na lang.

I almost rolled my eyes. Wala akong issue sa itsura kung okay naman ang ugali pero may mga tao talagang hindi gifted sa parehong bagay e.

Ang aga naman niya gustong makipag-away. Wala sa schedule ko, at late na nga talaga ako sa klase. Kairita siya! Kapag di ko pa naabutan ang exam namin sa PersDev, ituturok ko talaga siya sa ibabaw ng Maslow's hierarchy of needs!

"Sa jeep, beh. Kanina ka pa niya tinitingnan, hindi ka ba makaramdam?" Tinaasan niya pa ako ng kilay, there's a taunting look on her face. "Sinasadya mo 'yata na mapatingin siya sa'yo."

My mouth formed a grimace.

Praning ba 'to? Anong gagawin ko kung tinitingnan ako ng syota niya? Itatago ko ang mukha ko? Buburahin ko saglit para mawala? Bakit hindi niya takpan ang mga mata nung jowa niya?

I cackled at her. "Ano gagawin ko, 'te? Mukha ko maga-adjust sa mata ng boyfriend mo?"

"Aba, malandi ka talaga 'no! Ang kagandahan ginagamit sa magandang paraan, hindi sa panglalandi! Porke't maganda ka-"

"Thank you! Alam ko, maganda ako. Sana ikaw rin!" I smiled at her tauntingly and her eyes glowered in anger.

She was about to attack me when her boyfriend stopped her from getting near me. Ako naman ay napaigtad at nagtaas ng kilay. Nakakairita talaga, isasampal ko sa kanya 'tong notebook ko sa personal development kapag bumagsak ako! Gusto ko na umalis pero nakakabuo na sila ng eksena.

"Tama na, Hon!"

"Huwag mo ako pigilan, isa ka pa! Ilang months na tayo tapos nagagandahan ka pa sa iba?!" nanggagalaiti siya sa galit habang dinuduro ako.

"Ano?! Masaya ka ba na nakakasira ka ng relasyon?!"

Teka nga, putangina! Ano bang ginawa ko?!

I widened my eyes and immediately raise both of my hands mockingly.

"Sorry na, 'te. Sa susunod huwag ka magalala ibabalot ko buong mukha ko, okay na?"

May pasok pa ako, baka naman! Wala na akong oras makipag-plastikan sa immature na 'to!

May mga dumadaang estudyante ng UJD na napapatingin sa dako namin. Ang ilan sa kanila ay nakiki-tsismis sa pangyayari. I even hear some of them gossiping around us.

"Si Arrisea ng TVL? Ganda kasi niyan e."

"Si Arrisea pa hinamon niya. Ilang beses na 'yan inaaway dahil sa mga jowa nilang hindi nila matali-tali."

"Kahit naman siguro ako kung papapiliin, si Arrisea na e. Mukha pa lang, wagi ka na."

Lalo lamang tuloy namula sa galit 'yung babae. Umamba pa siyang sasampalin ako kaya naman umatras ako. Natisod tuloy siya.

She went down, face first. Naawa naman ako kaya naman ay tutulungan ko siya nang hawiin niya ang kamay ko at halos maiyak na siya sa inis nang unti-unti siyang tumayo.

"Hoy! Ano?! Ang kapal mo talaga!" duro niya sa akin.

She was fuming mad at me. Ako naman ay hindi alam kung tatakbo na ba dahil late na talaga ako o papatulan siya dahil baka isipin na naman niya ay hindi ko siya pinapansin. She wants attention too much. Tulala lang 'yung jowa niya at hindi pinipigilan 'yung babae. Takot din siguro siyang masaktan nito nang pisikal.

I can't help but give her a piece of my mind. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ito dapat pag-awayan. Lalo na hindi niya dapat ako awayin dahil hindi naman ako ang nangligaw o ang karelasyon niya! I wasn't committed to her, why attack me?

"Sa susunod kasi tanggalin mo 'yung mata ng jowa mo! Bakit ba ako inaaway mo? Hindi 'yung jowa mong di makuntento sa isa?"

Bakit ba ang hilig manisi ng mga babae sa kapwa nila babae? Hindi ba pwedeng 'yung mga jowa muna nila 'yung awayin nila?!

The girl almost grab my hair until a car horned at us. A black BMW was in front of us, making her stop from her sudden attack.

The car's door opened and it revealed Adren looking over us. Wala na naman siyang emosyon pero lumapit siya sa direksyon namin. It immediately gave me an idea.

Nang makalapit sa akin si Adren, I immediately went for his collar as I reach for his ear.

"Remember the prize?" I whispered in his ears. Nakita ko naman ang bahagyang paglukot ng kanyang mukha at ang pagkunot ng kanyang noo.

"Here?" he was hesitating as he move away from me. I immediately simpered because of his sudden movement. I decided to give him a quick smack on the side of his lips, making it look like I was really kissing him.

Halata sa mukha niya 'yung gulat nang magkalayo kaming dalawa. Nanglalaki ang mga mata niya, his lips were also parted.

Gumuhit ang isang ngiti sa aking labi habang hawak-hawak ko ito. I licked my lips as I turned my attention the the couple who has their mouths gaping at us.

"Babe, sa tingin mo ba ipagpapalit kita sa lalaking 'to?" I feigned innocence.

Adren looks confused, kaya agad ko siyang pinandilatan ng mga mata.

Shit lang, Adren. Kumagat ka kahit ngayon lang!

"Babe..." Adren looks hesitate but immediately gave a fake smile. "I have my guards with me, do you want me to guide them to the police station?"

This time, he was the one who made me feel hesitant.

Pota, bakit may guards?! Anak ba 'to ng pulitiko?!

Nagulat ako nang may mga bumaba na mga naka-black na lalaki para puntahan si Adren. They looked like the ones who are rented expensively. Malalaki ang kanilang katawan at meron pa talagang mga lapel. I thought this was only a movie thing and never in my life did I imagine I'll experience it first hand. Umakyat ang kaba sa dibdib ko nang maalala kung anong oras na.

May exam pa ako sa personal development. Ayoko naman mapunta pa ito sa police station!

"Sir..." napatingin ang mga men in black sa mag-jowang hindi makagalaw ngayon sa takot.

Adren looked at his phone and his eyes landed on the couple who were frozen on their spot. He smiled at them, but it didn't ease their situation rather it only made it worst. Lalo lamang silang kinabahan.

"Kindly escort them to the police station. Harrassment."

"P-paano mo nasabing harrassment?" kahit takot ay nagawa pa rin magsalita nung babae.

"CCTVs." Adren nonchalantly pointed towards the cameras around us that obviously caught everything on tape.

Oh, pwede kaya kumuha ng kopya? I would really want to see how I kiss Adren.

Bumalik ang tingin ko sa babae at sa lalaki. They were as white as a ghost now, halos mangisay sa takot 'yung babae.

"Huwag na, babe." Naaawa rin naman ako sa babae. Nagawa lang naman niya 'yon dahil sa selos.

Hindi naman ako sobrang sama. Slight lang.

Tumingin sa akin si Adren, he was stifling a laugh. I only frowned at him until I remembered something.

Na-realize ko na masyado na palang ganap na ganap ang pagtawag ko sa kanya ng babe.

Bakit ba? Sa babe rin naman ang kakahantungan namin.

"S-sorry..." natigalgal 'yung babae. Halos maestatwa siya sa harap ni Adren, panay ang titig niya rito.

I can't help but sneered at her. Tingnan mo? Pati rin pala siya, mahilig tumingin sa iba! Pareho sila ng jowa niya.

"Hon!" galit na hinatak nung lalaki 'yung babae nang maramdaman na matagal na itong nakatitig kay Adren.

Hindi ko masisisi 'yung babae, para naman kasi talagang si Adonis si Adren. Mahirap makalimutan ang itsura nito lalo na kung boyfriend mo ay tulad ng boyfriend niya na hindi magawang bigyan siya ng tamang atensyon.

Sa huli, umalis na lang 'yung mag-jowa. They were escorted by Adren's guards. Maraming salamat dahil sa inyo mukhang bibingo na talaga ako sa tardy.

"Thanks," I sincerely told Adren as I looked at him. "Sorry sa kiss kung biglaan at hindi ko na natanong kung gusto mo rin. Pero masarap ba? Survey lang."

He blinked a few times before chortling. Akala ba niya nagbibiro ako?

"You're crazy, Arri." Umiling-iling si Adren. "It's okay, just please don't do it again. Lalo na sa harap ng school. People can see it and may think of something inappropriate."

He decided to offer me one of his fake smiles. Hindi ko ito nasuklian dahil nauumay talaga ako sa ngiting ginagawad niya para sa akin.

The smirk on my face vanished as I watch him slowly walking away from me. It seems like he already knows that I'm interested in him, pero mukhang wala siyang pakialam dito. I also notice how he forces himself to smile at everything.

Kailan ko kaya siya makikitang ngumiti nang totoo?

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro