Kabanata 26
Kabanata 26
"Arrisea, tumawag ang Papa mo..." puno ng pagaalala na sambit ni Mama, inabot sa akin ang telepono habang nasa lababo ako at naghuhugas ng pinggan.
Pinunasan ko ang kamay ko gamit ng isang maliit na towel at kinuha ang telepono mula sa kanya.
Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago tanggapin ang tawag.
"Arrisea," baritono at matigas nitong tawag sa pangalan ko. "Bakit mo sinaktan si Tatiana?"
I could never feel any love for him. Noon pa man ay wala akong nararamdaman para sa kanya kahit alam kong tunay na galing ako sa dugo niya.
Parang may nakabarang bato sa lalamunan ko. Hindi naman ako si darna. Nanlalamig na naman ang pakiramdam ko. Kung alam ko lang na anak pala ng asawa niya si Tatiana, kailan man ay hindi ko ito papansinin o lalapitan.
"Hindi ko siya sinaktan, aksidente ang nangyari sa kanya at hindi rin ako ang gumawa sa kanya no'n -"
"You and your excuses! Hindi mo ba alam na ang nanay ni Tatiana ang nagpapa-aral sa'yo?!"
"Bakit? Sinabi ko bang pag-aralin niya ako? Hindi ba't responsibilidad mo 'yon?" asik ko sa kanya.
"Ganyan ba ang natututunan mo sa mama mo? Ganyan ka ba niya pinalaki? Ang maging bastos at ingrata?"
"Hindi, ikaw ang nagturo sa akin maging bastos at ingrata dahil sa'yo lang naman ako ganito." I scoffed at him.
Binura ko na sa isip ko ang mga mapapait na alaala ko sa ibang bansa. Hindi ako tumagal doon dahil sa pangaalipustang ginawa sa akin ng asawa niya.
"Hanggang hindi ka napapatawad ni Tatiana ay hindi ko babayaran ang tuition mo," pagbabanta niya sa akin.
"Natakot naman ako," I sarcastically remarked.
Nakalimutan 'yata ng lalaking ito na bayad na ang buong taon ko. If he's referring to college, huwag siyang magalala dahil wala akong balak mag-kolehiyo muna.
"Ang tapang mo talaga, ah." Tumawa siya sa kabilang linya. "Totoo nga? Ginagatasan mo ang panganay ng mga Reverio?"
To hear those words from my own father destroyed the last ounce of respect I had for him.
"No..."
"Manang-mana ka sa Mama mo! Mga mukhang pera! Mga ganid!" he growled through the other line.
"Back to you po," I casually answered back. Mukhang natigalgal siya sa kabilang linya. "Tapos ka na ba? Nagsasayang lang tayo ng load dito."
Binabaan niya ako ng telepono. Did it hurt? Yes. Pero sanay na ako at wala na sa akin 'yon. Wala na akong enerhiya para sa mga taong sarado ang utak, they don't matter to me anyway. Ang pamilya ko, mga kaibigan ko at si Adren na lang ang tanging gusto ko pakinggan, only their opinions matter to me.
⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅
Ang mga natitirang araw bago sumapit ang kaarawan namin ay ginawa kong masaya. It was probably my only way to conceal the pain I was feeling.
"Aksidente lang pala 'yon e."
"Akala ko pa naman sinadya."
"Tinulungan pa nga raw nung babae sa TVL 'yung nalaglag."
Hindi ko na nilingon ang mga bulungan na narinig ko. Ang alam ko lang, si Etienne ang may pakana kung bakit lumubog ang isyu ni Tatiana.
I knew he had to pull some of his strings. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala pa akong kakayanan na ma-resolba ang sarili kong mga problema.
Pero naisip ko, wala naman talaga akong kakayahan. I am still young and I don't have the ability to resolve it with just a snap of a finger. Hindi tulad nila, they have the power because they have the money. Iba pala talaga kapag may pera ka. Pinamukha lang sa akin na iba talaga ang mundo namin ni Adren.
It was idealistic of me to have Adren. Masyado akong umasa na baka nga kaya ko siyang ipaglaban. Akala ko kasi ay madali lang na hindi magpa-api, pero nakalimutan ko na halos lahat ng nasa paligid ko ay alipin ng salapi.
We were at the bonanza area with Gio. Nakatambay lang kami rito ngayon dahil ayaw pa namin umuwi. Pero ang totoo ay gusto ko lang lubusin 'yung oras na magkasama pa kami.
"Iniisip ko kung bakit ganito ang langit? Nilayo ako sayo..." Sinilip ko si Adren na seryosong nagsusulat sa columnar pad niya. Napalingon tuloy siya saakin, a puzzled look on his face.
"Ha?"
"Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo..." pagpapatuloy ko sabay pikit ng mga mata.
"Arri, are you okay?" nagaalalang tanong ni Adren at tinigil ang sinusulat niya.
"Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to, kung ikaw ay alaala na lang...paano na ako?"
"Anong ginagawa mo?" Halakhak ni Gio habang naka-pangalumbaba. "Alam ko steps niyan, gusto mo sayawin ko?"
Nilagay ko 'yong kabilang headphone ko sa tenga ni Adren.
"Pakinggan mo 'yan, alaala na lang ang title. Maganda sobra."
"Ang jeje naman, Arrisea." Puna ni Gio at ngumiwi."Lakas maka-broken pero going strong naman kayo."
"Baka mausog mo." I laughed yet deep inside I know the truth.
"Badtrip ako kay Etienne." Ngumuso si Gio nang ibahin ang topic. "Ano naman kung may grey eyes siya? Sus, contact lens lang katapat no'n."
"Bakit ba ang init ng ulo mo kay Etienne?" tanong ko kay Gio. Magmula kanina ay puro na siya rant kay Etienne.
"Crush ng crush niya." Adren chuckled, he was writing again on his columnar pad. Para 'yata sa accounting nila ito.
"Nakakainis na nga e. Nagkagusto na siya sa HUMSS tapos ngayon sa STEM naman, kailan naman po sa ABM? Sabihin niya lang, ako na dadayo." Seryosong sambit ni Gio.
"Gwapo nga si Etienne..." I muttered upon guessing why the girl would like Etienne and Adren immediately furrowed his eyebrows.
"Ipapatumba mo ba si Etienne, Gio? I'm willing to help as your friend." Adren offered, glancing at Gio.
"Kaibigan mo rin si Etienne." Paalala ko.
Adren shrugged. "Wala akong kaibigan na gwapo."
Gio scrunched his nose and sarcastically retorted. "Wow, salamat na lang sa lahat p're. Ramdam ko ang buong pusong suporta mo sa akin."
I laughed at the two who were bickering with each other. I'll miss them and I'll miss this.
Sobra.
I realized that sometimes we take things for granted because it's almost there everyday. Kaya naman kapag nawala na ito ay labis nating pinagsisisihan na hindi natin ito iningatan o pinaramdam sa kanila kung gaano sila kahalaga.
"Hello." Malamig na saad ni Etienne na biglang sumulpot sa gitna namin ni Adren.
Namutla si Gio na para bang nakakita ng multo, lalo na nang bumaling ng tingin sa kanya si Etienne.
"Hello," plastikadong ngiti ni Gio. "Gwapo mo."
"I don't do guys, sorry." Ngumiti rin si Etienne pero halatang inaasar niya lang si Gio.
"Ganda ng tie mo po, sarap higpitan." Gio muttered upon noticing that Etienne was wearing a tie. They probably had a roleplay for contemporary arts or whatever.
Ngumisi lang si Etienne at nilipat naman ang atensyon niya papunta saamin.
"Malapit na ang birthday niyo ah." Etienne looked at me with hidden meaning. Napalunok ako bago inatras ang aking tingin sa kanya.
"Yeah? I don't plan on having a party though." Adren shifted his gaze on me. "Anong plano mo sa debut mo? Do you want me to be the one to organize it?"
"No. Uh, ayoko ng party rin."
Which is true. Kahit naman noon ay ayoko talaga dahil magastos at para lang 'yon sa mga gusto talagang i-welcome ang adulthood. Sa akin kasi paano ako matutuwa kung pwede na akong makulong kapag may ginawa akong kalokohan?
"Really? Then what are your plans?" tanong ni Adren, unsatisfied with my answer.
Ngumisi si Etienne nang mapansin na wala akong masabi. Para bang may nakabarang kung ano sa aking lalamunan at nahihirapan akong gumawa ng dahilan.
"Hey, what about a trip to Subic?" Etienne suggested. "A trip for two."
"A-ah, tama. Mas gusto ko 'yung ganun." Tumango ako. "Gusto ko sa Subic."
Adren smiled at me and immediately nodded his head. "Okay, we'll get tickets for Subic."
"Gusto ko sana land travel..." para mas matagal pa kitang makasama.
"Okay." Adren once again bobbed his head as he checks his phone.
Etienne leaned towards my ear to whisper. "I did my part, so do yours."
Of course, I have to do it too. Pero hindi naman madaling saktan 'yung taong mahal mo. It was easier to break your own heart than to break someone you really love.
I licked my lips as I smiled at Adren. "Let's go to Subic, tayong dalawa lang."
October 8 is on tuesday so we decided to plan our trip on the weekends of that week. Dalawang araw na kaming dalawa lang, o siguro kasama ang driver niya.
Nang makaalis si Etienne ay agad na umirap si Gio, he's obviously pissed off because of him.
"Di naman niya kasalanan na crush siya nung crush mo." Pangaalaska ko.
"Yun na 'yon? Gwapo na 'yon sa paningin niyo? Hindi naman sa magmamayabang pero sabi ng Mama ko ay gwapo ako. Sabi rin ni Mama hindi raw gwapo 'yung Etienne na 'yon." Ngumuso si Gio na para bang batang nagsusumbong.
Adren whispered to me. "Hindi naman kilala ni Tita Glory si Etienne."
"Inaano ka ba ni Etienne, Gio?" Halakhak ko at hinawakan ang kamay ni Adren. He intertwined his fingers into mine.
"Problema ko nga 'yun e. Wala siyang ginagawa pero naging crush siya? Sana all? Edi kung ganun sana naging statue na lang ako para naging crush niya rin ako 'di ba? Walang katarungan, gusto ko magpa-Tulfo." He huffed.
We only laughed at Gio. The remaining days should be happy yet I couldn't take the loneliness out of my heart.
⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅
Gio:
Enjoy the trip! Walang bata pagbalik ha! Ilang araw kong pinagdasal na babalik kayong walang bata sa sinapupunan mo.
I rolled my eyes. Pinatay ko na ang cellphone ko at tiningnan ko si Adren na nakatingin lang sa akin.
"Grabe naman po sa titig," asar ko sa kanya.
"I'm just scared..."
"Na?"
"You know, that you'll disappear from my sight." He rested his head on my shoulder. "It scares me to think you'll leave me if I messed up."
"H-hindi 'no. Sino naman nagsabi sa'yo ng mga ganyan?"
"Si Etienne."
Nagtiim bagang ako dahil sa binanggit niyang pangalan.
Isa kang malaking gee ey gee o, Etienne.
"Naku, huwag mo na lang pansinin 'yon." I dismissed his thought.
Maraming magagandang lugar sa Subic. We narrowed three places to visit because two days are not enough to visit every good place in Subic.
Nang makarating kami sa isang hotel ay pinagpilitan ko na sa iisang kwarto na lang kami.
"I already reserved two junior suites." Kumunot ang noo ni Adren.
"Gusto ko ng isa lang."
"Dalawa na nga 'yung naka-reserve para sa atin."
"Isa na nga lang," I insisted.
Nakita ko ang bahagyang pagbuntong hininga niya. "Hindi ko kaya ng...isa lang."
"Arte mo naman." Umirap ako sa kanya. "Kahit sa couch na ako matulog kung ayaw mo ng may katabi!"
"Arrisea, it's not that..." he run his fingers through his hair. Nakita ko pa ang pagkagat niya sa ibabang labi niya.
He look frustrated.
"Sabihin mo lang ayaw mo talaga ako katabi. Okay lang, sanay na ako." Nagtatampo kong saad.
"Fuck."Adren cussed.
"Ano 'yon? Minumura mo ba ako, Adren?" I arched an eyebrow.
"Are you seriously asking me that?" naiinis na tanong niya.
Bakit 'to naiinis? Parang tanga?
"Di ka na nga tatabihan 'di ba? Ano pa bang problema mo?"
"Arri, it's not like that. I just..." he pursed his lips on frustration. "Nevermind."
Nagkibit balikat na lang ako sa inaakto niya. Kinuha ko ang susi nung isang kwarto at dinala na ang bag ko. Bahala siya sa buhay niya. Ang lakas ng trip e. Ayaw na lang sabihin na ayaw akong katabi!
❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro