Kabanata 24
TG// mention of child abuse
Kabanata 24
Sinugod si Tatiana sa hospital na malapit sa UJD. Kumakalabog ang puso ko habang sinusundan ng tingin si Tatiana na nilalagay sa isang stretcher upang ipasok sa ambulansya.
"I.." Karl trailed off. "Tinulak mo ba siya? Ako ba ang nakatulak? Anong nangyari?!"
Tumalim ang tingin ko sa kanya. Masasapak ko na ang isang ito!
Mabilis ang pangyayari. Walang nakatitiyak kung paano pero humandusay na lamang si Tatiana sa dulo ng hagdanan, lahat ng mga mata'y sa akin nakatuon na para bang hindi na kailangan pang imbestigahan dahil nahuli na sa akto ang suspek.
It felt sickening.
Wala akong ginawa sa kanya.
Bakit kailangan umabot sa ganito?
I texted Adren, siya lang kasi ang alam kong makakapagpakalma sa akin sa sitwasyon na ito. He immediately replied that he'll meet me.
Nang maabutan ako ni Adren ay agad niyang kinapa ang aking mukha. His eyes travelled around my body, checking if there was any bruises.
"Okay lang ako." Napalunok ako habang tinatanggal ang kamay niya sa akin.
"What happened?"
"Nalaglag si Tatiana sa hagdanan."
"It's an accident..." Hinawakan ni Adren ang mukha ko. "Don't blame yourself too much."
Still, I was there.
Kinakain ako ng guilt kahit alam ko namang hindi ko siya tinulak. Alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan pero hindi ko maiwasan ang sisihin ang sarili ko na hindi ko napigilan ang pagkalaglag ni Tati sa hagdan.
Balisa ako nang tumungo sa kanyang kwarto sa hospital. It took days before we were allowed to see her. Medyo nanginginig ako nang makita ko si Tatiana na nakaupo at nakasandal sa pader. She looks at me and smiled. Bakas sa kanyang mukha ang panlulumo sa kanyang sitwasyon ngayon.
I was alone when I visited her. Ayokong kasama si Adren o kahit sino. I wanted to talk to her alone.
"Tati..." Humugot ako nang malalim na hininga. "Kamusta ka na?"
"Mukha ba akong okay sa'yo, Ate?" she started sobbing."The doctor said I couldn't use both of my feet now."
Lalong lumalim ang guilt sa aking dibdib. Halos tuliro na nga ako dahil nasaktan siya, ngayon pa na hindi na niya magagamit ang mga paa niya?
I know, it wasn't my fault yet I felt responsible for not saving her in time.
"Sorry for hearing that..."
"Totoo ba, Ate? Are you really sorry?" she started sobbing harder. "How could you push me! You, of all people!"
"Hindi kita tinulak! Maniwala ka sa akin..."
"Ate..." lumalandas ang luha sa kanyang mukha. "Bakit ka nagsisinungaling? Bakit mo 'to ginawa?"
"Aksidente 'yon..." umawang ang labi ko. "Hindi ko...wala akong..."
"Ang sama mo." Umiling-iling siya. "Bakit ang sama mo, Ate Arri? H-hindi na k-kita kilala! A-ayoko na makita k-kahit kailan ang mukha mo."
"Sorry. Naiintindihan ko..." nilunok ko ang bumabara sa aking lalamunan. "Aalis na ako, Tati. Sana gumaling ka."
"Ate..." patuloy lang siya sa pagiyak. "Totoo bang gusto mong tumulong saakin?"
Umamo ang kanyang mukha. Napuno na naman ng simpatya ang aking puso para sa kanya.
"Sa paraan na kakayanin ko, Tati."
Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mukha."Kapag ba sinabi kong ipaubaya mo saakin si Kuya Adren..."
Sumilay ang isang malungkot na ngiti sa kanyang labi.
"Gagawin mo?"
"Tati..." mahinahon ko siyang hinawakan sa mga kamay. "Ganyan ba kalakas ang pagkakahulog mo na nawalan ka na ng utak?"
"Ate, hindi ka ba naaawa saakin? Ganyan na ba katigas ang puso mo?"
Kinagat ko ang pangibabang labi ko bago tumawa. "Nawalan ka lang ng control sa paa, mukha bang wheelchair si Adren sa'yo?"
It was stupid of me to feel sorry for her. In the end, ang mahalaga lang sa kanya ay makuha si Adren. The thought sent shivers to my spine. Sobrang babaw ng kaya niyang gawin para lang mapansin siya nito.
Kaya niyang tiisin na nawalan siya ng mga paa para lang kay Adren? Ano bang panggagayuma ang ginawa ni Adren sa kanya?
Lumakas ng kanyang iyak at nagmaktol siya na parang bata. "Wala ka talagang konsensya! Hindi mo man lang iniisip ang sitwasyon ko!"
Bumuntong hininga ako. "Sana ay makita mong hindi ganyan ang paraan para lang makuha mo ang gusto mo."
"Who are you?"
Napalingon ako sa kung saan galing ang boses, it was a woman who resembled someone I used to be scare of. Masama ang kanyang tingin sa akin. Napaigtad ako nang makita siyang muli.
Bakit siya nandito?
"Mom...." namamaos na tawag ni Tatiana sa babaing nasa harap ko ngayon.
I stood still, para akong binuhusan ng malamig na tubig. My fists balled upon hearing her say that.
"Is this your friend, Tatiana?" matigas niyang tanong, her voice makes me tremble. Hindi pa rin ito nagbabago. It was still the same voice that made me choose poverty than being with them in the US.
"She's Arrisea...." Tatiana gulped, trying to calm herself from crying.
"Arrisea?" nanglaki ang mga mata nung babae. "You're that snake's daughter? The one who ran away? O parehas lang kayo ng pangalan?"
Pinilit kong ngumisi.
This woman is my stepmother, the one who forced me to learn english to communicate with her. Ang babaing pinatulog ako sa bahay ng kanyang aso, dahil hindi ako pwedeng sumama sa mga anak niya. The one who claimed they were the legitimate family when she was the one who stole my father from us.
Ang ganda naman ng reunion namin.
"Kaya naman pala ganyan si Tatiana, ikaw pala ang ina..." nauumay kong saad.
Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Ikaw ba ang may gawa nito sa kanya? Did you push my daughter?!" nanggagalaiti niyang hiyaw.
"Hindi —"
"Ate! Bakit ba tinatanggi mo pa?!" Tatiana cried out. "Wala ka bang konsensya?"
"Is this your way of revenge? Anak ko ang ginantihan mo?" nagaalab ang galit sa kanyang mga mata, her hand grabbed my arm harshly.
Para akong binalik sa nakaraan nang gawin niya 'yon. I remember the way her nails dug into my skin and how her fingers grab a fistful of my hair whenever she wants to.
"Bitawan mo ako," matamang sambit ko. "Wala akong ginawa sa anak mo."
"Bakit ako maniniwala sa'yo? You came from a liar. Hindi ba't hanggang ngayon ay nabubuhay ka lang naman sa limos galing sa asawa ko?"
This is one of the reasons why I never wanted to accept his money. Pero responsibilidad niya 'yon. Hindi nga dapat ito hinihingi sa kanya. Kaya bakit matatawag niya itong limos? Her husband did it on his own accord.
Nanginginig ako sa galit, kapag hindi ko napigilan ang sarili ko ay baka masaktan ko siya. Hindi ko ito pwedeng gawin dahil alam kong maaaring baliktarin niya ako.
I knew her too well.
Marahas ko na sinara ang pinto. Para tuloy itong padabog at napatingin ang iilang nurse at mga pasyente sa pwesto ko. Agad akong umalis bago pa magkaroon ulit ng bulungan.
Umalis na ako bago pa man ako mahabol ng babaing 'yon. She is Tatiana's mother. Nawala ang natitirang awa ko para sa kanya. Nawala ang simpatya at hiniling ko na sana nga ako na lang ang nagtulak sa kanya sa hagdanan, baka mapawi ang galit ko sa kanyang ina.
I feel sorry for her but it doesn't mean I'm stupid to fall for her tricks, twice.
⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅
"Anong sabi mo?" I asked, in disbelief.
"Tati wants to get interviewed." Tsismis ni Franny. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya..."
Gusto raw ni Tatiana na magpa-interview para sa mga tabloids, ayan ang tsismis ngayong araw na ito. Agad na nagtaas ako ng kilay nang marinig ang balita galing kay Franny.
"Ang sabi lang ay gusto niya raw ang ilabas ang katotohanan." Franny was biting his fingernails. "Hindi kaya sisihin ka niya? Ang laki pa naman ng galit sa'yo ng batang 'yon!"
"Batang pasaway." Umiling-iling ako. "Rawwstarr."
"Ikaw, nagawa mo pang magbiro!" Kinurot ako ni Franny sa pisngi. "Hindi ka ba natatakot?"
"Hindi na rin naman maganda tingin sa akin ng tao e. At saka, may patunay naman ako na hindi ako ang tumulak sa kanya. Nandoon si Karl at kaya niyang patunayan na aksidente 'yon."
My phone vibrated in the middle of our conversation. Agad na napako ang tingin ko rito nang makita ang pangalan ni Etienne. I decided to answer his call.
"Hey, Ate Arri." He greeted. "Let's talk."
Sa paraan ng pagtawag niya sa akin ay parang alam ko na tungkol ito kay Tatiana. He sounded like he was disgusted to talked about it. Nahihimigan ko sa tono niya ang iritasyon.
Nakipagkita ako sa isang malapit na study hub sa kanya.
As usual, dala niya ang kanyang laptop na may naka imprintang EIJE sa likod nito. Mukhang galing pa mismo sa kanilang kompanya. Nangangamoy pulubi na tuloy ako dahil sa magarang gamit nito.
"Kuya Adren asked me to check the CCTVs but someone already tampered it with another video. Nawawala ang original copy sa posisyon kung saan makikita kung sino tumulak." He rested his chin on his palm as he was scrolling in his laptop.
Naririnig ko ang bawat pagtipa at pag-click niya rito. His eyes were also moving fast as he was checking something on his laptop. Hindi ko tuloy maiwasan ang mamangha.
Etienne was wearing glasses. Hindi ko alam na malabo pala ang mata niya o dahil ba ito sa kulay nito? His eyes were colored in the shade of grey. Ang unique lang. Napatingin saakin si Etienne at umirap sa kawalan.
"I'm wearing glasses because my eyes are sensitive to light. Hindi ako pwedeng magbabad sa mga gadgets." He said, shrugging. "Although, I have to."
That's ironic, a tech geek who can't use gadgets often.
He was cracking his fingers while his sight was still on his laptop.
"I'm trying to get into the tabloid's drafts. Hinahanap ko ang laman ng mga sinabi ni Tatiana. Oh, here's the folder..."
"Anong ginawa mo?" hindi ko mapigilan ang magtanong.
"I went through their system? Ang cheap nung tabloid na pinuntahan ni Tatiana." Kumunot ang noo niya at umawang ang labi.
"She's planning to involve the Reverios into this."
Nanglaki ang mga mata ko. "Ano? Anong sabi niya?"
Etienne touched his lips as a smirk appeared on his face. "Apparently, the current girlfriend of the potential CEO in line has caused a disturbance in their school by pushing an innocent girl on the stairs because of jealousy."
"Paano?" I bit my lip. "Hindi naman madadamay si Adren 'di ba? Siya pa rin ang tiga-pagmana?"
I know how much this matters to Adren. No'ng naguusap sila ng kanyang Lolo, it was always about the company and making sure he was the one who will be appointed as the next CEO. Hinihintay na lamang siyang maka-graduate ng kolehiyo.
"On the contrary, Arrisea." Etienne's tone turned serious, walang bahid ng pagiging pilyo niya. "This changes everything."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Unlike how you view it, companies or corporations are not controlled by the CEO itself. Meron pa ring board of directors, they also have the say on who should be the next in line for the CEO position. As of now, Adren's chance is fairly high considering that he has the support of his Grandpa."
His gaze shifted on me as he gave sly smile. "However, a stain on his reputation could mean that their trust could also falter. It also doesn't help that his beloved parents would do anything to put the company into their hands."
"Hindi naman si Adren ang gumawa no'n! Sumabit lang ang pangalan niya, I didn't even do it!" Giit ko.
"As long as there's no evidence..." Etienne yawned and stretched his arms,"there's no crime. It's the same as you don't have the evidence to prove your innocence. Do you think Karl would say he did it? I bet not and even if he did, Tati's words will still be superior as long as the footage of the CCTV can't be retrieved."
Kung ako lang sana ay wala namang problema. Pero kung damay si Adren ay ibang usapan na 'yon. He was studying for his company. It was probably his dream to be able to manage it.
Paano na?
My stomach feels like rock hard. Para bang may nakain ako na hindi ko gusto at hanggang ngayon ay nalalasahan ko pa rin. It felt like I couldn't do anything about it.
Bigla ko rin naalala ang mga kaso na siya mismo ang naga-asikaso para sa akin. He did have clean reputation, at nadudumihan ko lang 'yon. My heart was slowly shrinking, pinanghihinaan ako ng loob dahil naisip ko na simula't sapul ay puro gulo lang ang dala ko sa kanya.
Kadalasan, ano bang ginagawa ng mga babaing nasa telenobela kapag ganito? Hindi ba pinaglalaban nila ang mahal nila? I would have done that, if only this wasn't Tatiana's mother we're talking about. At kung hindi lang kinabukasan ni Adren ang nakasalalay.
Sometimes in life, we really have battles that we can't win. At sa simula pa lamang ay alam mong talo ka na. My practicality wins over me. We're still too young, at kahit alam naman naming mahal namin ang isa't-isa — meron kaming mga responsibilidad na hindi pwedeng iwan.
"Baka kailangan ko munang iwan si Adren," my throat constricted. "Akala ko kaya ko siyang ipaglaban, pero iniisip ko pa lang na baka kailangan niyang sumugal dahil sa akin..."
The mere thought of him going through hardship is already making me feel like a shitty person. Hindi bale na ako na ang masama, as long as he doesn't have to go through hell with me. Lalo na at nasa Pilipinas pala ang demonyitang 'yon.
"Wow, you have the same birthday."
Umangat ang tingin ko kay Etienne na may bahid ng pagkamangha ang mukha.
"Don't you think it's the best birthday gift for him? To make sure he's still the CEO in line?"
His tone was dripping with sarcasm. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang pananaw niya sa akin. He looked like he was disappointed with me.
"Can you help me make a decision?"
"As a friend or as an outsider?" He raises a brow.
"As an outsider," sagot ko.
"Leave him for now, Arri. As long as you're associated with him, hindi ka titigilan ni Tati. It's also a way to divert this potential rumor." He clasped his hands together. "I mean, it's still your choice. Hindi naman ako kasama sa relasyon niyo."
See? Kahit umikot pa kami ay iisa lang naman ang direksyon na tatahakin namin. Leaving him for now will guarantee that he would gain his spot as the CEO of his company. A bad reputation can cost him everthing. Alam ko 'yon, dahil hindi rin naman ako malinis sa mata ng ibang tao.
Ginatungan niya pa. "You know that Alfred is the only link Adren has from the Reverios. The other Reverios would love to see him succumb to the lowest."
At kahit alam ko naman ang pinakamadaling gawin, I still wanted to be with him. I love Adren and leaving him would break me entirely.
"Hindi ba pwedeng sabihin na lang ang katotohanan?" I was beginning to lose hope.
Alam ko naman na wala akong kasalanan. Maybe, we can just rely on the truth to speak for itself?
I don't wanna lose Adren...
"The question is, who's telling the truth?" Etienne arched an eyebrow. "Pwedeng ikaw, pwedeng si Tatiana, pwedeng kung sinong poncio pilato ang nakakita. In court, you could twist the truth as long as you know what's your version of truth is."
Sa kaibuturan ng puso ko ay alam ko ang sagot ngunit iba naman ang gustong lumabas sa bibig ko.
"K-kaya mo bang paikutin ang katotohanan?" Sa takot na boses ay pinilit kong magtunog matapang.
What if our plans fail? At kinailangan ko pang iwan si Adren? Hindi ba parang sumusugal lang kami sa wala?
"As long as you follow what I say." A playful grin registered on his lips. "Our truth will be the truth itself."
Hindi 'yata ako makakakanta ng happy birthday sa kaarawan namin ni Adren.
"October 8. Pareho naming birthday 'yon?"
"Yeah."
"Isang buwan pa..." I was trembling at the thought of it.
"You have a month then. Hindi pa makakalabas ng hospital si Tatiana kaya hindi pa siya gaano makakagawa ng kilos, I could also hide the drafts for the tabloids for a month."
A month.
To literally just say I love you everyday.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Para bang pasan ko na pati problema ng iba. Pero dapat ko rin ipagpalagay na bata pa kami. Marami pang pwedeng mangyari. Hindi naman dapat na hanggang dito na lang kami.
If it means Adren will achieve his dreams, then so be it. Pinanganak siya sa mundong ito para maging CEO, hindi para maging kasintahan ko lang.
"Salamat..."
Etienne smirked. "My pleasure."
❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro