Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23


Kabanata 23

Nang bumalik si Suzette sa school ay para bang hindi nag-exist ang pekeng nude picture niya. Para ba itong nabura sa mundo. Hindi ko alam kung paano pero nagpapasalamat na lang din ako na hindi lumaki ang butas na ginawa nila Pamela at Luis. I heard they got expelled and Tita Susan filed charges against them. Suzette refuses to talk and make amends with the both of them too.

Tinulungan ni Adren si Tita Susan sa pagaasikaso ng mga isasampang kaso sa kanila. Nakikipag-areglo ang kampo nila Pamela at Luis pero hindi ito pinapansin ni Tita at Suzy.

Kahit sino naman 'yata sa posisyon ni Suzette ay hindi masisikmura na patawarin sila kung hindi naman totoo ang hinihingi nilang kapatawaran.

It made me realized that some people can easily apologize even if they don't really regret what they've done. Para bang ginagamit lang nilang basahan bilang pampunas ng kanilang dumi ang paghingi ng kapatawaran.

"Ah sh—" nabitawan ko 'yung frying pan dahil dumapo sa akin ang baga ng apoy. Agad na lumapit sa akin si Zyair na may dalang bowl na may lamang yelo.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Napaso lang." My hand was swollen and red. Hinipan-hipan ko ito.

"Punta ka sa clinic," ani Zyair habang inaayos ang mga sangkap sa harapan namin.

I clicked my tongue. "Malayo sa bituka."

Nilubog ko ang kamay ko sa bowl na may yelo na binigay ni Zyair.

"Hays, dapat kasi nag-TVL na lang tayo para luto-luto lang. Ang hirap maging ABM! Puro na lang tayo balance!"

Pagpaparinig nung isang estudyante na dumaan sa laboratory namin. Tumawa naman ang mga kasamahan niya. Napalingon kami ni Zyair sa kanila at sabay na bumuntong hininga.

"Baka may mahampas ako ng nagbabagang frying pan." I said as I was shaking my hand to get rid of the water from the ice.

Naningkit naman ang mga mata ni Zyair. "Nakalimutan 'yata nilang nagaaral tayo ng iba't ibang uri ng kutsilyo."

Nagkatinginan kami ni Zyair at tumawa na lang. I know, it's hard to change someone's perspective of things, lalo na kung naging norm na ito para sa kanila. Just because it's your belief, it doesn't mean others would easily accept it.

You are not obligated to accept their opinions as much as they're not obligated to accept yours. It's a tough choice to live a life where you need to constantly remind yourself of your own worth rather than how the world perceived you to be.

But that's how you should live your life. You are the one that controls the flow of it, don't let anyone tell you how it should be.

The norm of discriminating someone's strand will only stop if only you'll show them the worth of your dreams. Hindi ito TVL lang. Hindi ito luto-luto lang. It is more than that, it is more than what meets the eyes.

Matapos ang mga klase ko ay dumiretso ako kay Adren sa kanilang building. Pawisan ako at medyo magulo ang buhok dahil ang daming activities na tinapos namin sa isang araw. Kaya naman kung marunong lang ng time management, hindi naman kailangan palaging perpekto ang kalalabasan ng gawain.

Kaya ka nga nag-aaral para matuto. Hindi para magmarunong.

"Bakit ka nandito?" Sinalubong ako ni Lulia, may bahid ng inis ang kanyang tono. Nakataas ang kanyang kilay at minamata ako.

May kasama siyang lalaki na masama rin ang titig sa akin. Sino naman 'to?

"Pupuntahan ko boyfriend ko, bakit?" maarteng balik ko ng tanong.

Her nostrils flared up and anger was evident in her eyes. "Hanggang ngayon ay ilusyunada ka pa rin!"

"Hindi kami magkamukha ng pinsan mo, baliw!" I fired back.

Di hamak na mas maganda naman ako sa paslit na 'yon! Siya si Snow White pero nalason na pati utak niya kaya grabe na lang sa pagbubuo ng sarili niyang ilusyon.

"Adren broke her heart because of you. Hindi mo alam ang nangyari kay Tatiana dahil sa ginawa mo." Paratang saakin nung lalaki. "She's suffering because of you! Dapat lang malaman ng lahat na malandi ka!"

Sa lakas ng kanyang boses ay napapatingin ang iba pang estudyante galing sa strand nila sa dako namin. Puno ng panghuhusga ang kanilang mga mata at ang iba ay nagsisimula na magbulungan na parang mga bubuyog.

"Malandi ka!" Tinulak ako nung lalaki. "Malandi!"

"Ano ba!"

Marahas niya akong tinulak hanggang sa matumba ako. Ramdam ko ang hapdi ng aking likod dahil sa pagkatumba. Tatayo na sana ako nang bigla niya akong tadyakan sa mukha. The impact made my vision turned to blur. Inulit niya pa ito nang inulit.

Nang inulit.

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

"Arri..."

Hindi ko maramdaman ang mukha ko sa sobrang pamamaga. Halos magkulay ube ang aking mukha dahil sa mga natamo kong pasa galing sa pagsipa sa akin.

"Anong pangalan?" may malamig na tono akong narinig.

I can't see anything, only pure white and the blankness that surrounds it.

"Karl Golez, apparently Tatiana's current boyfriend or feeling boyfriend? Secret on 'yata. Oh look, his parents works for your company." Someone chuckles. "Look at his fucking bio!Siya raw ang badboy sa goodgirl ni Tatiana— the fuck, ang baduy."

"Etienne, seryoso ako."

"Sorry, Kuya Adren. I already sent you an email of his data."

"Adren?" tawag ko at naramdaman ko na may kumilos upang lumapit sa akin.

The cold tone turned gentle. "Arri..."

"Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Mama."

"I already informed her." Hinawakan ni Adren ang kamay ko. "I'm so sorry, I wasn't there..."

"Okay lang! Natural naman ako na maganda, babalik din ito!" Biro ko sa kanya, kahit hindi ko siya makita o maaninag man lang.

Nanginginig ang kamay ko dahil hindi ko magalaw ang mukha ko.

The face that I hated the most was also the best value I had. Hindi naman ako tanga para hindi 'yon maramdaman.

Hindi naman siguro ako nagustuhan ni Adren dahil lang sa itsura ko. Nakaramdam ako ng punyal sa aking puso, para itong nakabara at hindi matanggal. I hope, it's because I'm Arrisea, not because of this face.

"We'll file an assault case against him, okay?" hinalikan niya ako sa aking noo. He looked sullen as he examined me.

"Ang dami namang kaso na inaasikaso ng lawyer niyo..." biro ko, kahit sa totoo lang ay hindi ko matanggap na puro gulo lang ang ambag ko sa buhay niya.

"We can just do it the dirty way, let them be as poor as rats..." he said coldly as his face darkened.

"Masama 'yon, Adren. Hindi maganda sa business niyo..." Awat ko sa kanya.

Ayokong gamitin niya ang mga koneksyon niya sa masamang paraan dahil sa akin. Ayoko naman na mahila siya pababa. It's the least that I would want to happen.

Wala pa naman kaming masyadong courses tungkol sa business maliban sa entrepreneurship dahil next semester pa namin 'yon kukunin. I know that the reputation of a business or corporation can affect their whole sales. Reputation is an asset for a company.

"Not every business is good, Arri." Sarkastikong sagot ni Adren. "What do you think business ethics is for?"

"Pero..."

"Etienne, make sure it's already done by tomorrow."

"Atat ka po? Wala nga akong sweldo rito." Reklamo ni Etienne pero nadinig ko ang pagtitipa niya sa isang keyboard.

"Rest, okay?" Hinalikan ako sa noo ni Adren. "I'll handle everything."

Hinilig ko ang ulo ko sa unan. Unti-unting pinikit ang mga mata hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

Isang linggo akong nagpahinga pero gumagawa pa rin ng requirements para sa school. Tinutulungan ako ni Adren habang pinapagaling ang mga sugat na natamo ko sa pambubugbog sa akin nung Karl.

"Aray ha." Umiwas ako nang hawakan ni Adren ang mukha ko.

"Stay still, Arri." Nililinis niya gamit ng bulak 'yung iilang sugat na nasa gilid ng mukha ko.

"Kamusta 'yung Karl?"

"Expelled, yours is the latest case of his bullying. Marami na rin siyang naging biktima bukod sa'yo." Adren answered, gently tracing my face using a cotton."I also informed our HR department that some of our employees allowed their son to assault someone in their school."

"I heard he also got robbed. Nabugbog din siya noong isang araw..."

Malalim ang titig ko kay Adren at pinagaaralan ang ekspresyon niyang nakangiti. Umiling-iling ako at bumuntong hininga.

"Wala kang kinalaman?"

"Why would I robbed him, Arri? I don't need the money." Inosenteng sagot niya.

"Kung para lang sa akin, iwasan mo 'yan ha."

Tumikhim siya at tumingin sa akin na para bang hindi niya alam ang sinasabi ko. Akala naman niya hindi ko nakikita 'yung sungay niya.

Umirap ako sa kanya pero sumilay ang ngiti sa aking labi.

It was nice for someone to look after me. Nasanay ako na palaging ako ang nagtatanggol pero ngayon na nandiyan si Adren para sa akin ay halos panatag na ako palagi.

Looking back, It was probably the calm before the storm.

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

Paalis na sana ako ng library dahil tapos na ang meeting namin sa PR2. Nakasalubong ko si Tatiana na mahigpit na hinahawakan ni Karl sa mga braso. Sakto kasing malapit sila sa hagdanan papunta sa groundfloor.

"Ginawa ko lahat para sa'yo, Tati! Sabi mo siraan ko ang mukha niya! Ginawa ko 'yon para sa'yo!"

"That's not enough!" Sigaw pabalik ni Tati, her eyes are beginning to form tears. "Hindi pa rin siya hinihiwalayan ni Adren!"

"Ano?! Hihiwalayan mo na ako dahil mahirap na kami?! Pera lang ba talaga ang inaasam mo sa tao, ha?!"

Umiling-iling si Tati habang umiiyak."Ayoko sa'yo! Ayoko sa'yo! Umalis ka na rito!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. I shouldn't be seeing this! Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na umawat sa kanila. Agad akong sumaklolo sa kanila at pumagitna.

Nilayo ko si Tati kay Karl at marahas na tinulak si Karl. Loko ka! Kulang pa 'yan sa mga natamo ko dahil sa'yo!

Kahit ayaw ko sa pagkatao nito, I can't see her being harmed. Natuto na ako sa nangyari kay Suzy. Kahit ngayon lang ay ayokong maging hipokrito.

"Karl, hindi ka na estudyante rito. Ipapadampot kita sa security kung hindi ka aalis nang kusa." Matapang na saad ko.

"Akin si Tatiana!" Marahas niyang pilit na inaagaw si Tatiana na nilagay ko sa likod ko.

"Isaksak ko pa siya sa lalamunan mo e! Pero wala kang karapatan manakit ng babae! O kahit sino!" Singhal ko at pinilipit ang kanyang braso na pilit inaabot si Tatiana na nasa likod ko.

Sa sobrang paghahabol ng kamay niya kay Tatiana ay hindi niya ito sinasadyang naitulak ang katawan nito. Agad kaming napalingon sa kanyang direksyon.

"Tati!" Pareho naming sigaw nang unti-unting gumulong si Tatiana sa hagdanan.

Malakas ang tunog ng kanyang pagkakahulog. The continous sound of pounding was heard by a lot of people. Lahat ay napatingin sa dako ni Tatiana paakyat sa akin.

Kumakalabog ang puso ko sa kaba. Lalo na nang dumiin at dumilim ang bawat tingin ng mga tao sa akin.

She was behind me...

From this angle...

It looks like I pushed her...

"Ate Arri..." naghihingalong saad ni Tati habang ang mga mata ay nakatingin sa akin. Tumutulo ang dugo mula sa kanyang ulo papunta sa kanyang mukha.

"Bakit mo a-ako tinulak?"

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro