Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

Warning: read at your own risk. Brief mention of sexual acts and suicide attempt

Kabanata 22

After class, I immediately went to the Medical Center where Suzy is currently admitted. Ang sabi ni Tita Susan ay naglaslas daw si Suzette.

She fortunately survived despite of the blood loss. Halos tuliro ako habang hinahanap ang room number niya.

When I was infront of her room. Pinihit ko ang pinto upang buksan ito. Franny and Camisha was already there. Pinapakain nila si Suzy na ang tingin lang ay nasa pader. She wasn't speaking to them.

"Masarap 'to, Suzy. Nagpaluto talaga ako kay Mama ng paborito mo." Ani Camisha habang hinihipan ang sabaw ng sinigang na nakalagay sa isang tupperware.

"Suzy, gusto mo ba manood ng vlog ni Mila Angeles? May bago siyang upload!" Anyaya ni Franny at pinapakita ang kanyang cellphone.

Suzette was there yet she acts like she's already lifeless. Hindi kumikibo at tulala lang. Nalaglag ni Camisha 'yung hawak niyang kutsara, agad siyang umalis para palitan ito. Franny hides his phone when he noticed that Suzy isn't interested.

"Hey." Adren came right after me. Kasunod ko lamang siya dahil dumaan muna siya sa bilihan ng mga prutas.

Tumingin muna siya sa akin at binigyan ako ng tipid na ngiti. I couldn't smile back. I still feel numb from everything. Dumalo siya kaagad kay Suzy.

"Suzy, we already called and informed the authorities about it. The school administration will also put action towards it. They may face expulsion and it will affect their records." Adren explained.

"The p-picture?" tanong ni Suzy.

"Etienne said that the picture only circulated in our strand. Hindi pa raw talaga kumakalat," sagot ko. Thank goodness the pictures didn't reach the internet yet, because once it's there — it's there forever.

"Kakalat din 'yon..." Suzy smiled bitterly.

I gulped. "Etienne made...he did something to solve it. Wala na 'yung picture."

Suzy looks up to me. Kahit may duda sa kanyang mga mata, she asked me. "How sure?"

"Etienne is the successor to EIJE. The company that focuses on advance technology and is currently the number one IT firm in our country." Adren sighed."Mayabang si Etienne, but he sure has the right to be boastful."

When I couldn't make up my mind, Etienne offered a solution. He told me that he'll hack every gadgets in the vicinity of the TVL building. He deleted every copy of Suzette's fake nude and replaced it with a warning that a fake virus has entered their gadgets. He was constantly rolling his eyes whenever he see something on their gadgets though.

Etienne had an innate talent for hacking. Iba ang level ng talino niya kumpara sa amin, he was just beyond what we can comprehend. Kaya tulad ni Adren no'ng una, I cannot read him well.

Pwede naman daw itong i-handle ng mga nasa cybercrime kaso baka mas kumalat pa ang isyu dahil mas malawak ang mga hahawak nito. Kaya naman si Etienne na ang sumalo ng paglilinis ng pagkalat ng fake nude.

Humugot ako nang malalim na hininga bago ito pinakawalan din.

I didn't post the scandal.

Wala sa akin ang desisyon. Kahit dito man lang, gusto ko pigilan ang sarili ko na maging taliwas sa aking paniniwala.

Galit na galit ako sa ginawa nila at kung gagayahin ko ito dahil gusto ko lang gumanti, what makes me different from the people that I hate? From the act that I despised? Pinapatunayan lang nito na isa akong hipokrita.

"I'm sorry..." yumuko si Suzette. "Pagod na talaga ako. Matagal na kasi akong nagtitiis e. Alam kong mali ang ginawa ko...pero 'yun lang 'yung nakita kong paraan para mawala 'yung sakit e."

My heart sank at her statement.

Bakit ganito ang mga tao? They will push someone at their edge where the only solution to end their pain is to end their life...

Ang lungkot.

Parang ang lungkot naman mabuhay kung gano'n.

"Suzy, take a rest." Ngumiti ako sa kanya at hinimas-himas ang kanyang braso. "Nandito lang kami, okay?"

Tumango siya at nagbigay ng ngiti kahit bakas sa kanyang mukha ang pait ng nararanasan niya.

I clenched my fist. She'll be fine.

I know it's a process but I also know Suzy will move on from this. Just like a wound, little by little, it will heal itself. It may leave a scar, but it will also be a constant reminder that you went through the darkness yet you still found the light at the end of it all.

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

"Can we talk to Suzette?"

Kanina pa ako hinihintay ni Pamela sa labas ng classroom namin. Ngayon na break time lang siya nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ako. Suzy is still recovering and she's advised to take some rest before going back to school.

"Anong paguusapan niyo? Kung paano gumawa ng fake nude?" Sarkastikong tanong ko at nagtaas ng kilay.

"I just want to apologize..."

"Sure! Para hindi na kayo mapatalsik sa school! Let's forgive and forget." I smiled.

"R-right?" she smiled back.

Nalaglag ang ngiti ko. "No. You have to face the consequences of your action."

"Sobra naman 'yata ang pagtanggal sa amin sa school!" She hollered.

"Sobra rin naman 'yata na gawan niyo siya ng fake nude at ipagkalat ito para lang takutin siya," asik ko sa kanya.

"Malandi naman kasi talaga siya! She deserved it!" histerikal niyang sigaw.

"Bobo ka rin naman talaga, and you deserve it." Utas ko.

Nakakalungkot lang na may mga tao talagang hindi dinadalaw ng konsensiya nila. May mga tao na hindi nakikita ang ginagawa nilang mali, ang kaya lang nila ay punahin ang maling nagawa ng kapwa nila.

Pinigilan niya akong umalis, marahas niyang hinila ang aking braso upang humarap ako sa kanya.

"Nakakalimutan mo 'yata na nasa akin pa ang picture? Kayang-kaya ko ulit ipagkalat 'yon! She should be thankful I only sent it to one of your classmates!"

I laughed at her. Sinabayan ko pa ito ng palakpak sa mabagal na paraan.

"Alam mo ba? Bakit kaya si Suzy ang pinagiinitan mo? She's a victim too. At saka, akala mo naman si Adonis 'yang si kikiam boy."

"Kikiam boy?" panguulit niya.

"Oo, napanood ko 'yung movie niyo. Grabe, 'yun na 'yon? Ang galing mo ngang umacting e. Isipin mo kasing liit lang naman ng kikiam 'yung—" tumigil na ako nang makita ko siyang namumula. I didn't really watch it, pero mukha ngang umaakto lang siyang nagugustuhan kahit di naman niya talaga naramdaman.

I wanted her to know that I also have something in my sleeves. Alam ko sa paraan na ito lang siya titigil. Ganun naman talaga ang tao, titigil lang kapag baho na nila ang ilalabas. Ngumisi ako sa kanya at tinapik-tapik siya sa kanyang pisngi.

"Fake lang 'yung hawak mo, pero 'yung nasa akin? Parang alam naman natin kung totoo 'yon o hindi."

Natigalgal siya sa kanyang kinatatayuan. Iniwan ko na si Pamela roon.

I don't want to waste my time on her anymore.

Sa korte na lang siguro sila maghaharap. May mga nakapatong na kaso para sa kanila. They will have to face the consequences of their filthy actions. Hindi man nila mararanasan ang nangyari kay Suzy, mas matindi naman ang presinto na magiging tahanan nila upang pagsisihan ang pangyayari.

Pumunta na ako sa rooftop. Adren was already there and this time, he was the one who prepared the meals.

Umawang ang labi ko nang makita ang set up na ginawa niya. Parang picnic ito pero japanese cuisine ang mga pagkain dahil nakalagay pa ito sa mga itim na box. I huffed, ang yabang! Di naman niya luto.

Sorry naman kung hanggang tupperware lang ang afford ko, ha? Hiyang-hiya ako sa'yo, Adren!

"Ano 'to?" tinuro ko 'yung parang bilog na kanin na may palaman. "Sushi?"

"California Maki," sagot ni Adren at sinubuan ako gamit ng chopsticks niya.

Hindi kasi ako marunong gumamit no'n. Kaya sinusubuan na lang niya ako. Pero 'yung iba ay ginagamitan ko na lamang ng tinidor or kutsara. Trip lang talaga ni Adren na subuan ako.

Habang kumakain kami ay tumunog ang cellphone ko. It was Cristyl, a friend who is part of the cheerleading squad here in UJD. Nagyayaya siya manood ng laro ng basketball. Hindi naman talaga kami mahilig sa basketball, sa basketball players baka pwede pa.

"Nood tayo ng basketball, maghanap tayo ng mga pogi—" natigilan ako nang ma-realize ko na si Adren nga pala kausap ko.

Sobrang lutang ko dahil akala ko si Cristyl ang kausap ko ngayon! I was supposed to just type that! It was supposed to be just a joke!

Adren scoffs at me. "Wow, fronstabbing ba tawag dito?"

"Sorry na, joke lang 'yon."

"Okay lang, I'll text anyone in my phone and date them."

Tumawa lang ako sa kanya. "Wala ka namang number sa phone mo bukod sa akin!"

Nakita ko ang pagkaroon ng yupi sa kanyang noo. A smug smirk was plastered on my lips.

"I have Tatiana's."

Nawala ang ngiti ko sa labi. Bigla akong natahimik at tiningnan si Adren sa mga mata. A deafening silence erupted between the two of us. Adren was only looking at me with curiosity.

He laughs. "Sabi niya, she wanted to surprised you on your birthday. I only gave my number so that I could know when your birthday is. Ayaw mo kasi sabihin e. Nagselos ka ba?"

I rolled my eyes. Ginamit pa nga akong rason para makuha ang number ni Adren, that Tatiana! Mabuti na lang talaga at wala na siya sa buhay ko.

Sinapak ko nga siya. "I-delete mo number nung tatingina na 'yon!"

"Chill, I'll delete it." Nilabas niya ang phone niya at agad ko itong hinablot.

Tiningnan ko ang text log nung dalawa. Ang daldal ni Tatingina pero puro smiley lang 'yung reply ni Adren. Adren only replied to her thrice.

Nasaan na 'yung mga nakakakilig kuno na mga texts? I knew she made it up!

Nanggagalaiti ako habang dini-delete ang number ni Tatingina sa phone ni Adren. I even blocked her! Sa sobrang inis ko sa kanya.

Adren laughs at me, amused by the fact I'm fuming angry right now. Ginulo-gulo ko ang buhok ko sa sobrang inis kay Tatingina.

"You hate her that much? Akala ko ba hindi ka nagseselos? Is she prettier than you?"

"Ulol!" I pointed my middle finger at him.

Mas maganda ako roon, mula ulo hanggang paa.

"I beg to disagree though, I think you're the prettiest..." paglalambing ni Adren.

He leans forward to me. I was caught off guard. He was eyeing my neck as a smirk appeared on his face.

"Can I kiss you?" he asked, having an innocent smile plastered on his lips.

"Duh —"

Siniksik niya 'yung mukha niya sa aking leeg. He was slowly trailing kisses on my collarbone. My eyes widened at how wild he's acting right now. Ito ba 'yung mga natututunan niya sa akin?

Ang tapang nito nasa school pa naman kami! Pero sino ba naman ako para magpatalo? I smirked and whispered to his ears.

"Everytime someone gets jealous, let's leave a mark on their necks. What do you think?"

Bigla siyang namula at agad na umiling. Umiwas siya sa akin ng tingin. Tinigil niya ang ginagawa niya kaya naman agad akong umirap.

"Let's do something else..." he decided to lean again to whisper something to me.

Uminit ang mga pisngi ko. Kahit alam ko naman na talo ako ay agad akong tumango. I always wanted to try it! Gosh, level up na kami!

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

"Arrisea!" Tawag ni Gio sa akin.

"Sup, Gio?" Binati ko siya pabalik.

He was with Zafirah who was smiling at me. Bigla ko tuloy naalala 'yung kaklase nung Sarathiel. I saw them once in Bonanza area. The girl was a little too close to Sarathiel. Ewan ko, pero kung ako 'yung jowa no'n? Baka kanina pa tumambling 'yung babae paalis.

"Anong ginagawa niyo sa coliseum?" tanong ni Gio.

"Manonood kami ng basketball, susuportahan lang namin si Cristyl sa panglalandi niya sa mga college." Tumawa ako.

Gio grimaced. "Ikaw susumbong kita! Bakit ba ganyan trip niyo sa isa't-isa?"

Ngumisi ako. "Bet ko 'yan! Sumbong mo, send ko sa'yo mga pictures ko kasama ng iba't-ibang bastketball player."

Ang landi-landi ko po pero kay Adren lang naman. Siguro naman okay lang 'yon? Landi responsibly?

Nakatingin lang sa amin si Zafirah, she looks confused. Bakit kaya?

Gio laughed. "Ayoko baka ako 'yung mapatalsik sa school kapag ginawa ko 'yon."

Oh, he knows. Grabe, ano kaya 'yung sikreto nito ni Gio? He almost knows everything.

Dinuro ko si Zafirah. "Ito girlfriend ni Sarathiel?"

"Yup!" Gio answered.

"Shet ka girl, nilalandi ng iba 'yung boyfriend mo huwag ka papakabog." I told her and she widen her eyes.

"H-ha?"

"Sis, iba tumingin si Czanne sa jowa mo. Baka nga kung ako Prof nila sa PracRe, iisipin ko ang background of the study nila Czanne ay behind the scenes na panglalandi niya sa jowa mo."

"You're being malicious." Umiling siya. "May tiwala ako kay Sath."

"Yeah right. May tiwala ka kay Sath, kay Czang baliw meron ba?"

She couldn't answer me and only looks down. I feel bad, hindi ko na lang sana sinabi. I didn't want her to overthink but I want her to take caution.

Gio laughs as he wraps his arm around my shoulder. He leans forward to whisper.

"You have a hickey on your neck." he lowers his voice, para bang tawa lang ito sa iba pero iba ang sinabi niya saakin.

It was my turn to laugh. Impit ang aking tawa at halatang pilit lamang.

"Saan?" I asked in a low tone, still laughing.

Gio laughs, his eyes turning to slits as he was trying to contain his laughter.

He encircled an area on the side of my neck. Napasapo ako sa aking noo habang pilit na tumatawa, gago ka talaga Adren! Ang sabi ko sa tagong lugar lang!

I'm not sure if it's really a hickey. We're not there yet, it was probably his way of teasing me. We were trying to find our ticklish spots using kisses but I fell asleep when it was his turn. Medyo pagod pa kasi ako dahil nagbantay din ako kay Suzy sa hospital.

"Zafi! Una ka na, sasamahan ko lang si Arri saglit." Paalam ni Gio.

Zafirah nodded her head and smiled despite of her sour mood. Nang makaalis si Zafirah ay agad na natigil ang pekeng tawa ko.

"Kagat lang 'to ng lamok."

Gio shrugged. "Sana all, kinakagat ng lamok."

In my frustration, natawag ko siya sa bansag sa kanya. "Gagio ka!"

He bit his lower lip to supressed his laugh. "Kung ganyan lang din ang kagat ng lamok, parang gusto ko na lang magka-dengue."

Hinilamos ko ang mukha ko sa mga kamay ko. "Paano na 'to?"

"Punta ka muna sa CR. Manghihiram ako ng concealer, saglit lang."

Gio fixed my hair so that the hickey would not be visible. "Ganyan na muna, para hindi halata. Maikli kasi buhok mo e."

"Thank you," saad ko. Ngumiti lang sa'kin si Gio.

I went to the restroom and waited for Gio. I was pacing back and forth as I look in the mirror. Walang tao sa restroom, buti na lang. Agad naman na dumating si Gio na may dalang concealer na pareho sa skintone ko.

Tiningnan ko ito sa salamin at kinapa, it isn't a hickey. Mukha lang itong kinagat dahil medyo namumula pero base sa mga kilala kong nabibigyan na ng mga ganito, it's definitely not that kind of mark. Hanimal! Akala ko nabigyan talaga ako!

That freaking tease, I bit my lower lip. it was probably the water trick that I told him before, na-kwento ko sa kanya noon na may pinagtripan si Suzy gamit ng isang water bottle para may gumawa ng isang pekeng hickey. Bwisit!

"Salamat, Gio." I sighed, binuksan ko ang lid ng concealer para takpan 'yung marka at hindi na lang din masyado mapansin ng iba.

"Ang wild niyo." Bumuntong hininga si Gio at pumikit. "Gusto ko dumaan sa chapel mamaya. Baka gusto mo rin?"

I gulped. Sorry, Gio.

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro