Kabanata 20
Warning: read at your own risk.
^ TW// Cyber bullying
Kabanata 20
"Patingin ako ng number."
Although the doubts were rising on my chest, I decided to put my trust on Adren. Masakit kung totoo pero tatanggapin ko. Kung hindi naman, magiging tatingina ang pangalan ni Tati sa utak ko.
I saw the panic on Tati's eyes. "H-he uses that number only for me. Iba ang gamit niya sa inyo."
I rose a brow and smirked. "Tawagan mo."
"Tati, tawagan mo na nga si Adren nang tumahimik na 'tong si Arri!" Lulia urged Tati who is turning pale as of the moment.
"Oh bakit? May load 'yan palagi si Adren. Tawagan mo na." Sarkastikong saad ko.
Biglang umiyak si Tati. Para siyang batang inagawan ng laruan. Lulia's eyes immediately went wide as she comfort her cousin.
"Tati..." Tumingin saakin si Lulia. "Stop pressuring her, Arri!"
"Hindi kami maayos ni Kuya Adren ngayon. Ginugulo kasi siya ni Ate Arri! Baka di niya sagutin..."
Gusto ko tawagan si Adren sa harap niya kaso wala akong load at saka mahal ang roaming fee kapag sa ibang bansa ka tumawag. Nasa Singapore si Adren ngayong bakasyon.
"Lumayas ka na nga rito, Arri! Wala ka ng trabaho! Ingrata!"
Gusto ko magalit kay Lulia. Ang sakit niya kasi magsalita na para bang wala kaming pinagsamahan. Pero di ko magawa dahil alam kong binibilog lang siya ng pinsan niya. Tati was a wolf in sheep's clothing.
"Ate A-arri, huwag k-ka sana magalit."
I raised my middle finger at her. "I don't wanna feel anything for you. Di ka deserving para bigyan ko ng pake."
Nagtiim bagang si Lulia at dinuro ang pintuan ng kanilang bahay. "Get out! Now!"
Umirap ako sa kanila bago ako umalis. Bumuntong hininga ako nang tuluyan na akong makalabas ng bahay nila.
I just hope this ends here. Ayoko na magkaroon ng kahit ano pang ugnayan kay Tatiana kahit kailan.
⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅
Hindi ako sanay, sa unang buwan ng grade 12 ay agad kaming tinambakan ng mga gawain. Hindi naman ako sobrang conscious sa grades pero kapag di ka kumilos ay talagang babagsak ka kahit 1st semester pa lang.
"Tahimik mo." Sita ko kay Suzette na kanina pa tulala, nasa laboratory kami ngayon para sa sandwich preparation na subject.
"Ha?" wala sa sariling bumaling si Suzy saakin. "Ah, wala."
Lumapit si Franny sa'min. "Suzy, may problema ka ba? Di mo rin kami kinakausap nung bakasyon."
Bumuntong hininga si Suzy at ngumiti. "Sorry naman, busy lang ako."
"Ano ba kasi 'yon, Suzy? Parang tanga e. Ayaw sabihin!" Naiinis na sambit ni Franny.
Suzy didn't call us or even message us through social media during the vacation. Ngayon ay parang iniiwasan niya pa kami. Naiintindihan ko kung bakit nagtatampo si Franny. Suzy is the most clingy among us, kaya naman nakakapanibago.
"Wala nga, 'di ba?" Sarkastikong tumawa si Suzy. "Para naman wala kayong buhay at sobrang interesado kayo sa ganap ng buhay ko!"
"Bwisit ka! Alam mo 'yon?! Kami na nga 'yung nagaalala sa'yo tapos ganyan pa trato mo saamin?"
Pumagitna na ako sa kanilang dalawa para maiwasan ang tensyon na namumuo sa pagitan nila. Napapatingin na rin ang iba naming kaklase sa lugar namin.
"Tama na 'yan. Nasa klase pa tayo. Magusap na lang tayo mamaya." Kalmadong saad ko.
"Walang paguusapan kasi wala naman talaga." Ani Suzette.
Umakmang mananabunot si Franny. "Ibalik mo kaibigan ko kung sino ka man espiritu na sumanib sa katawan ni Suzette! Naloloka ako sa'yo! Ipapaalbularyo kitang bwisit ka!"
Umirap si Suzette at padabog na nilisan ang laboratory. Hahabulin dapat siya ni Franny nang pigilan ko.
"Hayaan mo muna," pigil ko. "kausapin na lang natin kapag handa na siya."
"Kailan, Arri? Kapag wala na talaga 'yung kaibigan natin?" bakas ang frustration sa mukha ni Franny. "Arri, tingnan mo naman. Hindi ganun 'yung kaibigan natin."
"Anong gagawin natin—"
Mabigat ang bawat paghinga ni Franny. "Alam mo bakit ako ganito kagalit, ha?"
"Bakit?" Kumakalabog ang puso ko sa kaba.
"si Suzy..." Napapikit nang mariin si Franny. "Arri, hindi ko alam gagawin sa kanya. Ayaw niya mag-kwento, ayaw niya mag-sabi o kahit nga lang kausapin tayo e. Di naman tayo nag-aaral ng hulatology!"
"Kapag handa na 'yon, saka siya magsasabi. Kalma ka lang, Franny."
Kahit kay Franny ko 'yon sinabi ay pinapaulit-ulit ko rin 'yon sa sarili ko. Kailangan ko kumalma dahil wala naman kasi talagang matinong usapan kapag parehong galit ang naguusap.
Matapos ang klase ay dumiretso ako sa rooftop para puntahan si Adren. I didn't confront Adren about Tatiana because she's obviously lying. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi malaman ang kagagahan niya.
"Are you okay?" tanong ni Adren at hinawi ang buhok na nasa mukha ko. "You look stressed."
"Adren, palagi bang open sa'yo si Gio?"
I needed advice, kahit indirect man lang ay tatanggapin ko.
"No," he answered, truthfully. "But I don't mind, I have things I also don't tell him."
"Hindi ka ba nakakaramdam ng pagtatampo?"
"I respect privacy the most, Arrisea. I think people would gradually open themselves if they wanted to, but if they don't — I think respecting their decision to do so is a must."
Bumuntong hininga ako. "Kahit kaibigan mo? Tapos may di sinasabi sa'yo? Okay lang?"
I wanted to know if I'm making the right decision.
"Why don't you try letting her know that you're ready to listen to her? May mga tao kasing takot magsalita dahil baka di sila maintindihan o kaya takot sila sa magiging reaksyon ng iba."
"Si Suzy kasi parang may problema. Ayaw magsalita."
Hinilig niya ang kanyang ulo sa aking braso. "Try making her feel that you won't judge her after hearing what she's trying to hide from you, instead of saying that you want her to talk — tell her that you're just there to listen. It's worth a try."
"Thank you." I pouted like a kid. "Pwede ka na maging DJ sa mga radio."
He laughs. "Anything for you, Arri."
I was staring at Adren as I told him."I trust you and your words."
"I trust you too." He smiled genuinely.
Upon seeing his smile, I realized that a relationship doesn't need to be perfect — it just needs to be strong.
Yet we were still young and we were still considered as weak. Gumapang ang pagdududa sa puso ko. Can we really stay like this? Against all odds?
⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅
"Suzy." Tawag ko sa kaibigan ko na mukhang balisa.
"Arri, uuwi na ako."
"Suzy, I'm hear to listen. Makikinig lang ako..." humugot ako nang malalim na hininga.
"Wala nga —"
"Totoo nga. Gusto lang kitang kamustahin...." pinigilan ko siya sa akmang pag-alis. She was trembling.
Pumungay ang mga mata ni Suzy. "Totoo ba? Hindi ka magagalit sa akin?"
"Hindi." Ngumiti ako. "Hindi rin ako magsasalita."
She looked at me, hesitation on her eyes.
Bumuntong hininga siya. "Evergreen garden."
Pumunta kami sa Evergreen garden. Itong lugar na 'to ang isa sa pinaka-peaceful na loob ng UJD. Umupo kami sa isang concrete bench para magusap.
Hindi siya nagsalita. May inabot lang siyang phone sa akin. I look upon it, agad na nakaramdam ako ng galit.
It was a GC named 'The S In Suzette Is For Slut' and there were a lot of girls sending pictures of Suzette in her bikini pictures or revealing photos. Meron pa nga 'yung mga pictures na umiinom si Suzy at may mga kasamang lalaki.
"What the hell!" Bulalas ko sa sobrang galit. "Suzette! Bakit..."
Nangingilid 'yung luha ni Suzette. "Simula nung bakasyon, araw-araw na nilang pinapamukha na malandi ako. I didn't want to involve you guys. Wala naman kayong ginawa e. Katangahan ko naman 'yon."
"Pero tinigilan mo na sila 'di ba?"
Tumango siya. "I blocked Luis— wait, hindi naman pala Luis pangalan niya. I don't know, Pam calls him Oliver or Oli."
Napahilamos siya sa sarili niyang mukha. "I don't know anymore..."
"Leave the GC," sabi ko sa kanya. "Bakit mo tino-torture ang sarili mo?"
Lumandas ang mga luha sa mukha niya. "I can't..."
"Why?"
She scrolled up in the GC. Pinakita niya sa akin ang isang message galing kay Pamela.
Pam:
Hi bitch.
Pamela sent a photo
Sapnu puas
Leave the GC and the whole world will see how much of a slut you are.
It was a picture of Suzette without her clothes on.
"You sent your..." bumaling ako kay Suzy at umiling-iling siya.
Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata, her tears kept on cascading down her face.
"I don't remember that picture. I was probably unconscious or I don't know! Hindi ko alam..."
Nanginginig ang kamay ko. How could these women do this kind of things? Parang hindi sila babae! Kapwa nila babae ay binababa nila!
"Arri..." Umiiyak si Suzy. "What should I do?"
Mabigat ang pakiramdam ko. Parang pasan ko ang buong mundo dahil sa mga narinig ko galing kay Suzy. As her friend, I couldn't swallow this.
"Ate Arrisea..."
My head tilted towards the direction where someone called me.
Etienne with his hands on his pocket was walking towards me. He was playing a lollipop on his mouth. Umupo siya sa tabi ko at may inabot na lollipop.
"Gusto mo?"
Umiling ako pero binuksan na niya ito at sinalpak sa bibig ko. Muntik na akong mabilaukan!
"Bakit ka nandito?" I asked through gritted teeth, even though a lollipop was on my mouth.
"Nagaaral din kasi ako? Bakit ikaw lang ba pwede mag-aral dito?" he arched an eyebrow.
"I mean, sa evergreen garden."
He smirked. "Our building is near."
He's from the STEM strand if that's the case.
"Anong problema niyo bukod sa mukha niyo?" he asked.
"Nananakit ako ng bata." I warned him and he laughs.
"Chill," Ngumisi siya. "Baka makatulong ako. Should I call Kuya Adren?"
"No—"
He already dialled through his phone.
"Kuya Adren! May problema si Ate Arrisea! Sa Evergreen garden!" he said in fake horror then he hangs up while laughing.
A few minutes and Adren came running. Magulo ang buhok niya at nakakunot ang noo niya nang makita kaming tatlo na ligtas lang na nakaupo, kulang na nga lang ng tsaa at mga huni ng ibon dahil mukha lang kaming nagr-relax.
"What?" Adren asked in confusion. "I thought..."
"Siya sisihin mo." I sighed while pointing at Etienne who only waved his hand at Adren.
Required ba maging weird kapag mayaman?
❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro