Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Kabanata 2

Violet ang theme ng birthday ni Suzette. Kilig na kilig ang babaita dahil lahat ng crush niya ang nasa 18 roses. Halos mahimatay na siya nang isayaw siya nung Gio.

Pinapanood ko lang sila habang nakaupo ako sa isa sa mga lamesa para sa kanyang bisita. Our other friends couldn't come, si Franny ay nasa ibang lugar samantalang at si Camisha naman ay hindi pinayagan dahil masyadong gabi na. Mabuti na lamang na hindi matampuhin si Suzy kahit na ganito ang nangyari.

I was examining Gio while he was dancing with Suzy.

Gwapo nga 'yung Gio pero mukhang di nagseseryoso sa buhay. Kanina pa tawa nang tawa si Suzette habang sinasayaw siya nito. Sa lahat ng crush ni Suzette, sa kanya 'yata siya pinakatimaan dahil ito ang pinaka-gwapo. Sarap sa eyes, pero loyal ako kay Adren.

Sa debut ni Suzette ay namukhaan ko kaagad si Giorgion o Gio, he was easy to spot on because he was a familiar face. Walang pagaalinlangan na nilapitan ko ito matapos nilang mag-sayaw. He was really silent on the corner. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang atensyon niya.

"Tahimik mo naman," puna ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at nanglaki ang mga mata.

"Gago, wala akong kakilala rito."

Di ko mapigilan ang humagalpak sa tawa. Baliw kasi itong si Suzette, inimbita 'tong si Gio kahit wala naman silang common friend o ano. Kawawa tuloy 'tong lalaki na 'to.

"Arrisea," naglahad ako ng kamay sa kanya.

Ngumisi siya saka tinanggap ang kamay ko. "Giorgion pero Gio na lang."

We both turned our attention to Suzy, na ngayon ay may kasayaw na iba. I looked at Gio and saw his reaction was just blank. His brows were furrowed when his phone vibrated. Tiningnan niya ito saglit ngunit binalik ang tingin kay Suzy.

"Type mo si Suzette? Reto kita?"

"Studies first ako," he chuckles.

I only nodded my head.

Ay, hindi niya type.

"Wow nice, kapag di ka grumaduate ng valedictorian niyan isa kang malaking scam." Sarkastikong sabi ko.

He chuckled and wiggled his eyebrows.

"Kaya ko pong mag-multitask kung mahal ko naman."

"Nice!" nag-apir kaming dalawa. Mukhang kasundo ko ang isang ito.

"Ikaw? papa-reto ka kay Adren?" seryoso siyang bumaling sa akin. My mouth fell and I immediately covered it.

"Wala akong sinasabi, ah." I said, clipping a strand of hair behind my ear. "Pero kung gusto mo, okay lang naman. Mas better kung gusto rin niya na i-reto mo ako sa kanya."

"Pwede naman natin subukan," he smirked.

He's good with people. Marunong siyang bumasa ng tao kahit wala pa itong sinasabi. He nodded his head as he played his phone, flipping it over like it was a toy.

"Totoo? Okay lang talaga?" hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Okay lang, sanay naman akong ginagamit. Laspag na laspag na nga ako sa lalapitan lang ako para i-reto sila sa mga crush nila." Nag-punas pa siya kunyaring luha sa gilid ng mga mata niya.

I puckered my lips into a hidden smile and playfully leaned towards him.

"Dali na, kahit Facebook lang ibigay mo o number. Ako na bahala na sa panglalandi."

"Malamang hindi naman pwedeng ako pa lalandi kay Adren para sa'yo?" nagtaas siya ng isang kilay.

"Ibigay mo na, hawak ko pamilya mo," biro ko sa kanya.

"Wait," kinuha niya ang phone niya.

He offered his hand, like he was waiting for me to give something to him.

"Akin na phone mo, ilalagay ko."

Agad kong inabot ang cellphone ko sa kanya. He examined my phone, pure confusion on his face.

"China phone?"

"Hoy hindi ah!"

Second hand 'yung cellphone pero hindi naman china phone! Pinagipunan ko kaya 'yon.

His cheeks flushed and he looked apologetic. Medyo luma na rin kasi ang phone ko dahil ayaw ko pa palitan, gumagana pa naman e.

"Ah, sorry. Pakibukas na lang tapos ilalagay ko." Mukha ngang na-guilty siya sa sinabi niya.

Binuksan ko ang phone ko saka inabot sa kanya. May nilalagay siya sa contact list ko. He was hiding a grin while doing it. Pakiramdam ko ay mahilig siyang mang-trip ng tao. Ngayon pa lamang kasi ay mukhang alam na niya ang magiging reaksyon ni Adren dahil binigay niya ang number nito sa akin.

Nagtipa siya sa phone ko at binalik na kaagad nang matapos siya. Malawak ang ngiti ko nang makitang meron ngang laman.

Mabuti na lamang na may natira pa akong load! I'll check if this is really him. I tried looking for him in Facebook but I was not sure if it was his account. Kaya naman ito lang ang tyansa ko na makausap siya.

"Ano pwedeng topic?" tanong ko kay Gio habang binuksan ang messages ko para i-text si Adren.

There wasn't an issue for me when it comes to creating the first move. Hindi naman ako naniniwala sa makalumang tradisyon ng pangliligaw pero wala rin namang mali na maniwala pa rito, hindi nga lang dapat ito maging basehan ng tunay na pag-ibig. You could do the first move and it can still be true love — not an act of desperation unlike how people see it.

I was trying to think about any topic but I couldn't pick one. Wala naman kasi talaga kaming pwedeng pagusapan ni Adren. I'm not even sure if he knows me yet. Ano bang sasabihin ko? Gusto kita baka naman mapagbigyan?

Gio pushed his lips onward, making it look like he was pouting. His eyes went towards the videoke and immediately snapped his fingers like he had an idea.

"Lyrics ng kanta, lods." Halakhak ni Gio. Akala siguro nito hindi ko sasakyan trip niya.

Tiningnan ko ang mga kanta na meron ako sa aking playlist. Damn, puro jejemon! Pero wala naman akong choice dahil ito lang din 'yata ang meron akong mga lyrics.

To Adren:

I was three years old nang ikaw ay na-meet
Napahanga ako sa taglay mong bait

Habang nagtitipa ako ay nakadungaw si Gio sa ginagawa ko. He was laughing so hard that his shoulders were moving, ako naman ay nanatili lang na nakangisi.

"Ang aga mo namang lumandi, lods." Napakagat si Gio ng ibabang labi niya, pinipigilan tumawa.

Ilang minuto lang ay nag-reply sa akin si Adren. Hindi ko pa binabasa ay kinikilig na kaagad ako. Gusto ko tumili pero pinipigilan ko ito.

From Adren:

Pardon? May I know who you are?

To Adren:
Ikaw ang guest ko sa twing birthday
Pati sa room ko ikaw ang display

From Adren:

Gio?

Is this you?

Gio gasped, pretending to be shock. "Grabe porke't kagaguhan ako kaagad?"

To Adren:

Di kana nawala sa alaala
Ikaw lang talaga at walang gagaya <3

From Adren:

?

"Jusko, ang hot ng question mark niya!" napapasipa pa ako sa kilig.

Ang landi-landi ko talaga! Pero lalandi man ako, sa tamang tao lang! At alam ko naman sa sarili ko na walang matatapakan na tao sa panglalandi ko.

To Adren:

Ikaw ang gusto ng mga friends ko
At di ko alam pati parents ko

¯\_(ツ)_/¯

From Adren:

Is this supposed to be a poem?

I'm touched but may I know who is this?

Zafirah, are you high?

Gago? Mukha ba akong tumutula? At sinong Zafirah? Wala pa ngang kami may babae na agad?

Kumunot ang noo ko nang mabasa ang reply niya. "Hoy sinong Zafirah 'to? Dami niyang binabanggit na pangalan ah. Selosa pa naman ako."

Humalakhak si Gio. "Napaka-opposite niyo, alam mo bang wala 'yang alam na kantang OPM? RK 'yan, lods!"

Hindi ko alam bakit parang close na kaagad kami ni Gio. Siguro dahil pareho ang daloy ng kalokohan sa utak namin.

To Adren:
Ano ba ang meron ka na wala sa iba
At napapangiti 'pag nakita kana

From Adren:

School mate?

To Adren:

Sa mga poster at maging sa t.v.
Inaabangan ang iyong movie

From Adren:

I'm not a celebrity though.

Did you perhaps had a wrong number?

To Adren:
Bata pa ako noon nung marandaman ko 'to
Ayoko ng iba ikaw ang gusto ko

From Adren:

That's it.

I can't take this seriously.

I'm sorry for laughing. :(

Napangiti naman ako nang makitang naglagay siya ng emoticon. Tinamaan na 'yata ako sa mukhang pera na 'to.

To Adren:

At sa aaminin ko maniwala ka
Mas gusto kita ke'sa kay darna

Biglang may lumabas na number sa screen ng phone. My insides immediately felt a tingling feeling as I press the green button. Sinagot ko agad ito nang makitang si Adren.

"Hello?" his voice is husky. Shit, mukhang ginising ko pa pala 'yung asawa ko.

"Sorry, babe. Nagising ba kita?" tanong ko sa kanya.

My voice, as noted by my friends, is very sensual at times. Kaya madalas akala rin ng mga tao ay nilalandi ko sila kahit normal naman na ganito talaga ang boses ko. Right now though, I'm very grateful for having a flirty tone now that I'm talking to Adren.

Muntik na mahulog si Gio sa pagkakaupo niya. Lumingon tuloy ako sa kanya habang nakahawak sa bibig, pinipigilan ang tawa ko.

Tanga, nakaupo na nga nadadapa pa!

"Babe?" nalilitong tanong niya, obviously confuse with the endearment.

"Yes, babe?" I said, sweetly.

I can hear Adren is moving. He sighed on the other line as he call a familiar name.

"Gio? Wait, is this Zafirah? Is this a prank?"

"Babe, kanina ka pa Zafirah nang Zafirah nakakaselos ka na ah." Biro ko kay Adren.

"Sino 'to?" his Tagalog accent was very enticing. Pero pakiramdam ko ay tunog conyo ito.

Naku, sa Google translate talaga ako kakapit kapag hindi ko ito kinaya. Sa ibang lengwahe ko pa siya sasagutin. Pero sa ngayon, sa tingin ko naman ay magagamit ko ang ilang taon na nasa ibang bansa ako para makipagtagisan sa english.

"Kapag nahulaan mo, may kiss ka." sinabi ko sa kanya, I pursed my lips to add a kissing sound.

Ilang minuto siyang tumahimik. Natatawa na lang ako sa kaloob-looban ko. Walang pagasa na makikilala niya kaagad ako dahil wala naman siyang contact number ko sa una pa lang.

Ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot.

"Arrisea Cabrera?"

Nalaglag ang panga ko at biglang nanuyo ang lalamunan ko.

For some reason, I'm imagining myself kissing him. Pakiramdam ko ay mali na pumusta ako. At least, hindi pera pero halik din 'yon!

Paano niya nalaman?

Humalakhak si Gio. "Di mo talaga kilala crush mo 'no?"

Naguguluhan akong tumingin kay Gio. Ano bang meron kay Adren? May kamaganak ba siya na call center?

"I'm assuming I got it right?" he chuckles, my heartbeat is racing because of it. "Nice to meet you, Arrisea. The kiss offer is very tempting but let's see if we'll ever cross paths."

Siya ang unang nagbaba ng tawag.

Ilang beses kumurap ang mga mata ko bago ko napagtantuan na malandi rin pala 'yung crush ko.

Gusto niya rin talaga? Walang bawian? Should I always prepare myself in case both of us will meet each other? Ang lakas ko naman! May halik na agad ako sa crush ko!

Ngumisi si Gio bago umiling-iling sa akin. "Are you sure with my friend?"

"Pagkatapos niya akong bitinin? Lintik lang ang walang kiss!" biro ko sa kanya. Damn it! Gusto ko talaga siya! Gustong-gusto!

"Adren's not easy and you're already that head over heels for him. Makes me wonder who gets to fall harder..." Gio's cryptic way of saying it made me frown at him.

It's definitely me but I'll make sure he's the one who won't be able to stand up. Ngumisi ako kay Gio. "We'll both fall, eventually."

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro