Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

Kabanata 16

I decided to distance myself with Tatiana. Hindi ako mapalagay na baka nga hindi siya tulad ng tingin ko sa kanya. I didn't want her to affect my friendship with Lulia. Kaya ako na lang ang umiiwas.

Malapit na ang pasko at christmas break. Adren's lingering stare is annoying me. Nang hindi ko na matiis ang titig niya sa akin ay nilingon ko na siya.

"Bakit?" tanong ko.

Nasa student lounge kami ngayon. He's waiting for the revisions of their research paper, he volunteered to wait for it since his groupmates have other things to do.

"What do you want for a gift?"

Ngumiti ako nang matamis."You're already the greatest gift for me this year."

Adren scoffed. "You're only saying that because you don't want to spend money on gifting me back."

Tumawa naman ako, medyo guilty sa kanyang paratang. Hindi ko rin naman kasi alam ang hilig niya bukod sa luto ko at sa luto ni Mama. We have a routine of sharing food during break times, it was our bonding moment.

"Be practical, kahit ano lang sa akin." I pinched his nose and he winced.

I think in a month, Adren seems to show some improvements in his expressions and emotions. Alam ko na hindi naman ako psychologist, but I wanted to be his support system. I wanted to be someone he can be open to freely.

Hindi pa rin naman siya sobrang open sa akin, pero kahit naman papaano ay alam kong hindi niya rin akong ginagawang laro. We're dating exclusively but we don't let a lot of people know. Ayoko lang kasi na masyado siyang pagkaisahan dahil ako ang naging girlfriend niya.

"Gusto ka pala makilala ni Mama. Kung may oras ka daan ka sa bahay sa Noche Buena," saad ko nang maalala na tinatanong ni Mama kung sino 'yung naghahatid sa akin.

Muntik na nga niya ako palayasin dahil akala niya may ginagawa akong illegal. Ayaw pang maniwalang boyfriend ko.

He looks at me with wavering eyes. He licked his lower lip and he ran his fingers through his hair.

"Naked truth?" His eyes blinked infrequently. "I don't have a... mother figure."

"I don't know if your mother would like me..." he nervously admitted.

My mouth turned into an 'o'. "Stepmother mo lang ba si Dayanara?"

He nodded. "Uh, yeah..she's not...my biological Mom..."

I could see the conflicted look on his face. He was contemplating whether to tell me or not. Hinawakan ko siya sa kamay, I gently squeezed it.

"It's okay," I assured him. "You don't have to tell me if it's hard for you. Naiintindihan ko, take your time. I'm not going anywhere."

Alam ko naman na may mga pangyayari sa buhay natin na kung sana ay pwede lang burahin ay matagal nang burado sa memorya ng mundo. Life isn't like that though, you have to learn to live with it.

The good and bad memories are still part of your life story. You don't really skip it, you have to go through the bad chapters to appreciate the good ones.

"I love you everyday. It means I love you in your good days and I'll still love you in your bad days." Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

He kissed the top of my head. Umangat ang tingin ko sa kanya at nginitian ko siya.

"Hoy pokers ka, nandito ka pa pala!"

Suzette along with Franny came. Humalukipkip si Franny at nakapameywang si Suzy.

Pumagitna saamin si Suzy. "May syota na ako! College! Level up!"

She turned to Adren and wiggled her eyebrows. "Okay lang naman sa'yo 'di ba? Nandito kami?"

Adren kept his smile. "Yeah, I don't mind."

Tumabi si Franny kay Adren at tumikhim gamit ng baritonong boses. "'Tol, kamusta ka naman 'tol?"

"I'm good, thank you?" Adren was trying to be polite. Hindi 'yata alam na kinikilig si Franny sa kanya.

Habang hinihintay namin ang research paper ng grupo ni Adren. Kinukulit ako ni Franny at Suzette tungkol kay Adren, who was only smiling at them.

"By the way, Zyair and Arrisea is never gonna happen. AdSea lang sapat na!" Suzy shouted and stood up while raising her fist.

Agad ko siyang pinaupo nang tumingin ang natitirang estudyante sa kanya.

"Zyair?"Adren looks annoyed even though he was half smiling.

Zyair and I only interact for Practical Research. Kaya naman lubusan na lang ang pagtataka ko kung bakit may picture kaming dalawa.

Adren never told me who gave him that picture, pero isa lang ang taong nasa utak ko na gagawa no'n. I'm just hoping that it's not really her. Sana lang talaga.

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

"Ate Arrisea, ano sa tingin mo ang gusto ni Kuya Adren na regalo?"

Isang araw ay pumunta si Tatiana sa classroom namin sa oras ng break time. Papunta pa lang sana ako sa rooftop nang harangin niya ako sa may pintuan.

Malaki ang ngiti niya sa labi. Her doe eyes are twinkling.

Napalunok ako ng sarili kong laway dahil hindi ko alam paano ako makakalusot sa kanya. I didn't want to offend her, I might act like a bitch but only for those who deserve it. Wala pa naman siyang maling nagagawa saakin.

"Uh? Hindi ko rin alam e." I answered truthfully. Tulad niya ay hirap din ako maghanap ng regalo para kay Adren.

"Sige na, Ate..." pagpupumilit niya. "Alam ko naman na mas kilala mo siya saakin."

"Arri, himala nandito ka pa?" Ani Suzette nang maabutan kaming dalawa ni Tati sa may pintuan.

Alam niya kasing umaalis ako tuwing break time para sabay kami kumain ni Adren. I signal to Suzy to help me.

"Ano ba meron?" Sinilip ni Suzy kung sino ang kausap ko. Tati smiled at her.

"Hello po." Bati ni Tati kay Suzy.

Kumunot ang noo ni Suzy sa kanya. "Hello? Ano ba 'yon?"

"May tinatanong lang po ako kay Ate Arrisea."

"Ako na lang tanungin mo!" Boluntaryo ni Suzette sabay hatak saakin palabas ng classroom para makatakas ako.

"Ano ba tanong mo? Best position? Best time? Paano mo siya mapapaun—"

Hinila ko nang mahina ang buhok ni Suzy. Ang laswa talaga ng bibig nito kahit kailan!

"Bata pa 'yan! She's a year younger."

Naalala ko ang kwentuhan namin nila Lulia. Maaga kasi nagaral itong si Tatiana at sa ibang bansa pa kaya naman sobrang batang-bata talaga ng dating niya. Her youthful look also adds an effect on it.

"Ate, saan ka ba pupunta? Pupunta ka ba kay Kuya Adren, sama po ako. Wala siya sa classroom nila e."

"Ako na nga lang! Ayaw mo ba saakin? Magtatampo na ako." Suzy pouted, inilingkis niya ang kamay niya sa braso ni Tati.

Tati blushed. "Hindi naman po sa ganun."

"Tara! Tayo na lang magkwentuhan! Mas may experience ako kay Arri."

Kumindat sa akin si Suzy at agad naman akong nag-flying kiss sa kanya sabay karipas ng takbo papunta sa rooftop. Hinihingal tuloy ako pagkarating ko rito.

"Bakit ka tumatakbo?" tanong ni Adren at kinuha ang panyo niya. He started wiping the beads of sweat on my face.

"Baka kasi gutom ka na, may kumausap pa kasi sa akin." I look up as I gasp for air. I can feel him wiping sweat on my neck.

He chuckled."Arri, by the way. Look at this."

May pinakita siya saakin isang catalogue, it was for real estate.

"Lilipat kayo ng bahay?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "I was going to ask you if what kind of house and lot would you like as a gift?"

Ha? Hanimal.

Ilang beses pa akong napakurap bago siya hinampas sa ulo. Adren winced at me and looks at me with scorn. Pero naalala niya 'yatang mahal niya ako kaya ngumuso na lang siya.

"What was that for?"

I look at him with disbelief. "Bakit mo ako tinatanong ng house and lot?! Para saan?!"

"Gift for you? Sabi ni Gio—"

Minasahe ko kaagad ang sentido ko bago bumaling sa kanya.

"Alam mo namang walang matinong lumalabas sa bibig ni Gio!"

He furrowed his eyebrows. "What about bigas?"

"Bigas? Bigwasan kaya kita!"

Sino ba nagbibigay sa kanya ng mga ideya na ganito? Ang sabi ko be practical, di ko naman sinabing ganito ka-praktikal! Kulang na lang mag-alok siya pati ng gasul!

"What would you like then?" seryoso niyang tanong.

Tumingin ako sa kanya nang diretso sa mga mata. Adren looks at me with curiosity, like of a child.

"Pwede bang pumunta ka na lang sa Noche Buena sa bahay namin? Kahit dumaan ka lang sa'min, gift mo na 'yon. Masaya na ako na mapapakilala kita kay Mama."

He stiffened and stared at me. He pursed his lips as he looks downwards.

"What if she doesn't like me?"

Nanglaki ang mga mata ko at natawa ako sa kanya.

"Sus di 'yan, ako nga hinihintay ko na lang 'yung mago-offer saakin ng milyones para hiwalayan ka."

Umiling siya at may ngiting gumuhit sa labi. "You watch too many dramas."

"Ang tagal nga e. Ready na mga lines ko kung sakali," inayos ko ang pagkakaupo ko.

"They won't do that, they don't care enough..." he pressed his lips together. "They're not...just..."

Adren rested his head on my shoulder and he let out a sigh."I don't want them to taint you."

I was only curious at first but the rapid beating of my heart is telling me this is not mere curiosity anymore.

"I wanna meet them."

Adren's jaw tightened, umangat ang tingin niya sa'kin.

"I told you, even the bad parts..." I trace his cheeks. "I'll love even the bad parts of you."

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

"Arrisea, are you sure about this?"

Hagalpak ang tawa ko habang natataranta si Adren. He looks cute while pacing back and forth. Nasa tapat naman na siya ng bahay namin.

"Ngayon ka pa aatras nandiyan na sila." Tinuro ko si Mama, Arya at Archer na kanina pa nakatingin kay Adren.

Arya was holding back her laughter. Si Mama naman ay nakangiti lang habang si Archer ay humahagikgik sa bisita namin.

Adren smiled awkwardly, he lost his composure for the first time. Sa harap pa ng pamilya ko.

"Hello po."

"Pasok ka, anak!" Maligayang anyaya ni Mama habang halos buhatin na si Adren papasok ng bahay.

"First time mo may ipakilala kay Mama. Seryoso ka sa kanya, Ate?"

Arya knows about my flings before. Ilang beses na nga niya akong pinagalitan dahil hindi naman daw laruan ang feelings ng isang tao. She has always been more matured.

Pagkapasok namin ay nakaupo na si Adren sa hapagkainan at ang dami na kaagad laman ng plato niya. Si Mama ay tuwang-tuwa na naglalagay ng kung anu-anong putahe sa harap ni Adren.

Habang nasa hapagkainan, pinagkaisahan ako ni Arya at Mama dahil pinagsasabi nila kay Adren ang mga nilimot ko na nakaraan.

"Si Ate Arrisea may mga pictures noon na may pulbos sa mukha." Halakhak ni Arya. "Nagsusuot din siya ng never give up shirt tapos hello kitty na salamin."

Napahilamos ako sa sarili kong mukha sa sobrang kahihiyan. Pasalamat si Arya hindi siya umabot na uso pa ang filter ng camera360! Nakakahiya talaga!

"May picture ako na mahaba ang buhok ni Arrisea." May kinuha si Mama na picture album at bumalik sa tabi ni Adren.

"2nd year highschool 'yata si Arrisea diyan. Bago siya nagpagupit ay kinuhanan namin siya ng litrato."

I sold my hair to a parlor during grade 8 so that I could buy Arya the cosmetics she needed for her passion. Sapat lang kasi ang kinikita ni Mama para pambayad ng mga gastusin sa bahay.

If I had a job, mas magkakaroon ng pahinga si Mama at mababantayan na niya nang maayos si Archer.

Adren was examining the picture. Tumingin siya sa akin at pilyong ngumiti. Bumaling siya kay mama para magtanong.

"Did you use to work for Alfred Reverio po?"

"Oo, anak. Pero medyo bata pa ako no'n." Umakto si Mama na parang may inaalala. "Anim na taon 'yata si Arrisea nang mag-trabaho ako roon bilang helper."

Tumango-tango lang si Adren. "Can I keep the picture po?"

Humalakhak si Mama. "Sige lang, anak! Naku, kinikilig ako sa inyong dalawa!"

Natawa na lang kami kay Mama. Bagets pa rin kasi itong mag-isip. It warms my heart, knowing Mama likes Adren for me.

Matapos kumain ay nagkaroon kami ng oras para mag-kantahan at maglaro na si Mama ang gumawa. Buong gabi ko tinitignan si Adren, he was either laughing or smiling genuinely.

It's what he deserves. Genuine happiness.

"Ingat ka, anak! Balik ka ha!" Niyakap ni Mama si Adren bago ito umalis.

Adren looks stricken but he also hugged her back. Nakangiti lang ako sa gilid habang pinapanood sila.

"Regalo ko pala sa'yo. Sana kasya, hindi kasi sinabi ni Arrisea ang size mo."

May inabot si Mama na regalo kay Adren. Adren lips parted as he looks at the gift on his hands.

"Sensya na kung di branded, anak ha. Pero maganda tela niyan!"

"I didn't brought gifts po. Babawi na lang po ako sa susunod." Adren looks at me, accusingly.

Sabi ko kasi di kami mahilig sa mga regalo. Ayaw ko kasi na dalhan niya ng kung anu-anong regalo si Mama baka isipin talaga ni Mama sugar daddy ko 'to.

"Balik ka sa New Year, anak! Dadamihan ko ang mango float para sa'yo!"

We were walking towards the car waiting for him. It was almost midnight. Malamig na tuloy ang hangin lalo pa't disyembre na.

"Thank you, Arrisea."

Nakapamulsa si Adren, his walk was slower than mine. Para bang ayaw niya pang umalis.

"Parang ewan 'to. Ako nga dapat mag-thank you e. Anong oras ka na tuloy uuwi sa inyo. Di ka ba hinahanap ng..."

I realized something. His family didn't even contact him during this day. Noche Buena pa naman, hindi man lang sila nagtaka na wala si Adren?

"Tomorrow. You'll meet them." He looks conflicted while licking his lower lip.

"You are not your family, Adren." sabi ko sa kanya. "You are more than your surname."

Ngumiti lang siya sa akin. He kissed me on my cheeks before going inside the car.

I waved him goodbye even though the car was tinted. I couldn't see if he saw me waving.

Tama ba talagang kilalanin ko ang pamilya niya? The Reverios, huh.

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro