Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

Kabanata 13

"Hoy Ms. Intramurals!"

"Hindi!" Agad kong pinag-krus ang mga kamay ko. "Di niyo ako madidimonyo!"

Ginawa ko parang crucifix ang daliri ko habang pinapaalis ko sila.

Inalog-alog ako ni Franny. "Ako na nga bahala sa make-up saka sa mga gagamitin mo, pumayag ka na!"

"Ayoko talaga!" Pagmamaktol ko.

"Ikaw din naman pipilitin ni Ma'am Santiago. Mukha mo kaya ang pambato ng TVL!"

Pinipilit nila akong lumaban para sa Ms. Intramurals. Una sa lahat, wala akong pakialam doon. Pangalawa, wala talaga akong pake. Pangatlo at panghuli, hahanapin ko muna ang pake ko.

Hindi na ito bago sa akin, kadalasan noong nasa junior highschool ay sinasali rin ako sa mga ganitong school activities. Hindi naman ako nananalo dahil tulad nga ng sinabi ko ay wala akong pakialam dito. It wasn't my passion.

Nakisali si Suzette. "Sasali raw si Adren."

Bumaling ako kay Suzy. "Kailan daw ba? Ano ba kayo? Sino bang nagsabi di ako sasali?"

Humalakhak si Suzy. "Marupok ka talaga!"

"Ayaw niya raw pero biglang arat na kapag nandiyan si Adonis niya!" Pangangatyaw ni Franny.

"Legit ba? Sasali si Adren?" Nararamdaman ko na kaagad ang mga paru-paru sa tiyan ko, hindi sila mapakali.

"Sabi ng kalandian ko si Adren daw pinili sa ABM e." Kibit balikat ni Suzette.

"Dami mo namang kalandian!" Ani Franny.

"Huwag ka, sa lahat ng strand meron akong kalandian!" Tumawa si Suzette, 'yung tawa pa naman niya parang isang witch na nakikiliti.

I decided to sign up for Ms. Intramurals when I confirmed that Adren was the representative for ABM.

The day of Intramurals came and Franny was the one who applied make up on me. Suot ko ang outfit na ginawa talaga para sa mga representative. It consists of a jersey and violet mini skirt. Naka-space buns ang buhok ko.

"Hindi ka talaga pwedeng mag-make up kasi nagmumukha kaming basurahan, alam mo 'yon?" Sambit ni Suzy habang nakaawang ang bibig.

I only wear make up when there's occasions or if Arya wanted to try a new look she's trying to practice.

Pumunta na kami sa main gymnasium at nakita ko ang iba't-ibang kulay na nagrerepresenta ng iba't-ibang strand. Intramurals lang ito ng SHS department kaya walang college o ibang grade level.

Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Tiningnan ko kung sino ito. It was a guy who is smirking at me. May mga kasama siya na nasa likod niya.

"Hi pwede mangligaw?"

Pinilit ko ang sarili ko na hindi matawa. He was flaunting his strand. Pinapakita niya pa na kulay red ang shirt niya na nagpapahiwatig na galing siya sa STEM. Sorry, pero nasa ABM ang puso ko.

"Pwede naman." I smirked. "Hindi nga lang sa akin."

"Sayang naman. May boyfriend ka na ba? Ayaw mo ba akong subukan?" He was persistent.

Sige lang, magmatigasan tayo rito.

I almost rolled my eyes but I fight back the urge to do so.

"May boyfriend na ako kahit di niya pa alam." Sagot ko at agad na ginala ang paningin ko. I saw Adren talking to a girl.

He was sporting a jersey and the girl he was talking to was wearing a blue shirt. Mukhang galing din sa ABM.

Naningkit kaagad ang mga mata ko. Instant badtrip.

"Wala naman 'yata e." Pangungulit niya pa.

"Bagay kaya tayo. Maganda ka tapos gwapo ako," he was laughing with his friends. "Taga-STEM pa ako."

"Meron nga," I insisted. "At anong bagay tayo? Tulog mo na lang 'yan, nananaginip ka lang nang gising."

"Arrisea naman!"

Hindi ko na ito pinansin dahil wala ako sa mood. Nang tawagin kami para umakyat sa stage ay naging magkatabi pa kami ni Adren.

I looked at him but he was avoiding my direction. Ang tingin niya ay nakatuon lamang sa partner niya. Jealousy crawled inside my heart. Sinilip ko ang mukha nung babae na kasama niya, it was angelic and she looked soft compare to me. Hindi ko mapigilan ang umirap.

Nilingkis ko ang braso ko sa kapartner ko. Kaklase ko naman ito kaya walang problema. Top 1 pa nga namin ito.

"Bakit ang clingy mo 'yata ngayon?" Zyair smirked, upon noticing my behavior.

"Katabi ko lang crush ko, Contreras." Bulong ko habang may ngiti sa labi. "Send help."

Tumango-tango naman siya dahil mukhang nakuha niya ang gusto ko iparating.

"Arrisea, ang ganda mo talaga." Nilagay pa ni Zyair ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng tenga ko.

Bumulong siya saakin. "Ang ganda mo itapon sa ilog."

Ngumiti ako nang pilit sa kanya at ngumisi lang siya sa akin. Zyair and I never really went along. Kahit pa ilang beses kaming pinaghihinalaang may namamagitan ay hindi namin naisip gawin itong totoo.

Zyair wasn't my type. Siya 'yung kapag babagsak na 'yung eroplano siya mismo 'yung mag-aabot ng parachute sa'yo pero kapag tumalon ka na, bigla mo na lang malalaman na backpack pala 'yung binigay niya. He's a sneaky bastard. A goodlooking one though.

The program went on. Hanggang sa nagpakilala at rumampa kami. I did my best despite of my mood.

"Hello, I'm Arrisea Cabrera, the representative of the track of Technical Vocational Livelihood — Home Economics strand, " I gave them a flying kiss and the crowd cheers.

Wala namang talent portion o kung ano dahil representatives lang kami. Hindi ko nga alam na mananalo pa ako. Dinaan lang talaga sa ganda at saka 'yung iba ay parang napilitan lang talaga lalo na 'yung pambato ng STEM na lalaki. I think if I recall it's Sarathiel.

Habang nilalagay sa akin ang sash ay halos kumakabog ang dibdib ko. Adren was beside me because he also won. I nudged him but he didn't even look at me.

Nainis ako kaya sinilip ko ang reaksyon niya. Nalaglag ang panga ko.

He wasn't smiling. His brows were furrowed while the Emcee was putting the sash on him. He tried smiling but it failed. He can't even look at me.

I can't help but smile. I know assuming is bad. Pero badtrip ba siya dahil kay Zyair? If yes, edi may silbi rin pala si Zyair sa buhay ko.

"Zyair!" Tinawag ko si Zyair na nasa gilid. "Thank you!"

Lumingon si Zyair at patago niyang pinakita saakin ang middle finger niya. Ang suplado talaga kahit kailan.

"Alam mo, Adren. Kaklase ko si Zyair tapos shiniship kami ng mga kaklase namin." Ngiting-ngiti ako. Kalahating totoo lang 'yon.

Hindi siya sumagot. Patuloy lang ako sa pagbulong.

"Pero ikaw ang gusto ko kaya kahit ilang Zyair pa hinarap nila sa akin, ikaw lang crush ko." Bungisngis ko sa kanya.

Hindi pa rin siya kumikibo. Hala baka nagtampo? Di ko alam kung tatalon ba ako sa tuwa dahil nagseselos siya o makakaramdam ng guilt.

I kept on nudging him. Pero hindi talaga niya akong pinapansin.

Nagtatampo yata 'to? I immediately felt guilty. Hindi naman talaga totoo 'yung kay Zyair!

In a spur of a moment, I decided to coaxed him into staying with me.

"I love you...everyday." I whispered. "Masyado kasing mahaba ang forever kaya everyday na lang muna."

His cheeks went red and he tilted his head to my direction. His lips were parted and he kept on blinking.

Agad naman akong ngumisi. That's a reaction. Sinabi ko 'yon dahil totoong hindi ko alam kung may forever ba talaga, pero habang may araw-araw ako ay sisiguraduhin ko na bibigyan ko siya ng pagmamahal.

Inalis niya ang tingin sa akin at bumaba na matapos ang crowning ceremony. Sumunod naman ako kaso mabilis siyang nawala sa paningin ko.

"Si Adren?" I asked Franny and Suzette who was waiting for me in our line.

"ABM 'yon, sis. Remember?" Kinurot ni Suzy ang aking pisngi.

"Akin si Zyair! Alam mo naman nung nag-introduce yourself tayo, kinantahan ko siya ng unang araw pa lang minahal na kita!" Suzy pouted her lips.

I laughed.

Totoong ginawa niya 'yon. Kinantahan ba naman si Zyair ng classmate. Unang araw pa lang tuloy ay ginawa na siyang katatawanan. Zyair only rolled his eyes at her though, reaksyon niya madalas sa mga nagkakagusto sa kanya.

"Ang dami mong crush!" saway ko sa kanya.

"Oo kasi ang favorite type of exam ko ay multiple choice tapos palaging all of the above 'yung sagot ko." Hagikgik ni Suzy.

Natanaw ko si Adren na kausap 'yung naka-ponytail na babae na halos palagi nilang kasama ni Gio.

I saw Adren stealing glances at me so I winked at him. Agad siyang umalis nang ginawa ko 'yon. Pikon 'yung babe ko.

"Kilala mo ba si Zafirah?" I asked Suzette since she's the most sociable in our squad.

I was curious. Mamaya pala ay kaagaw ko 'yon kay Adren.

"Wait! Nakita ko na 'yung mukha niyan sa friendlist ni Gio," ani Suzette.

Kinuha niya ang cellphone niya at pumunta sa Facebook para i-search kung sino 'yung babae.

She showed me a profile. "Ito ba 'yon? Si Zafirah Sanchez?"

The girl was smiling widely on her profile picture and around her neck were collection of medals. Maganda siya dahil na-emphasize ang mga mata niya dahil sa mascara at eyeliner. She looks fierce though yet soft too.

Kumunot ang noo ko.

Si Zafirah nga.

Napakagaling mo naman, Adren. Sa dami ng mga pwedeng babae mo, sa achiever pa talaga.

Hanimal lang.

"Kaya ko rin naman maging with honor! Half scholar nga ako e." I boasted. Tinawanan lang ako ni Suzy.

That wasn't true though. Sa record ko pa lang sa Prefect of Disipline ay matagal na akong ligwak sa scholar, pero dahil sa binabayaran ng Papa ko ang tuition ko ay nagagawa ko pang manatili sa gintong paaralan na ito.

I might sound ungrateful and I might really be an ingrate but I don't want to accept any form of help from him. The mere fact that he left us when we needed him the most already makes me feel nothing for him. Balak ko ngang ibalik lahat ng tulong niya sa'min kapag nagkatrabaho na ako.

Hindi ko kailangan ng ama kung ang tanging alam lang niya sa ina ko ay isang babaing kaya niyang iwanan kahit binigyan niya ng anak. He is not worth it.

Nalingat ang atensyon ko kaya naman nawala sa paningin ko si Adonis. I pouted and roamed around my vision to search for him.

Hinanap ko si Adren pero nawala na siya kaagad sa loob ng main gym. Tama nga si Gio. Adren is almost not around entirely. Umakyat ako sa rooftop dahil baka sakaling nandoon siya.

He wasn't there.

Bumaba ako at bumuntong hininga. Did I go too far? Gusto ko lang naman kasi malaman kung kahit katiting ay may nararamdaman siya saakin.

It was already getting late. Tambay ako ngayon sa G Hall dahil wala akong balak manood ng mga palaro. Although, manonood ako sa mga required ang attendance.

"Arrisea."

A cold voice called me and I immediately turned around to see who it was.

Namamalat yata ang lalamunan ko dahil hirap itong maglabas ng mga salita.

The way Adren looks at me, it was as if a cat looking at a mouse. It's calculating and cautious.

He looked really vulnerable. I knew he had a mask but everytime I get a little closer to him, I can see it faltering. Unti-unting napipilas ang pilit niyang tinatakpan na pagkatao niya.

"Arri." Tawag niya ulit.

"Hoy, joke lang naman 'yung kanina." I laughed, nervously. Mas gusto ko na ngumingiti siya ngayon.

He cleared his throat. "What part of it was a joke?"

"Kay Zyair. The rest, totoo na lahat." I told him while looking at his eyes.

He slowly walks towards me. He leans and whispered.

"Naked truths."

"What?" Naguguluhan akong bumaling sa kanya.

"I'll tell you naked truths too," his tone was low and it was almost inaudible.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto na tumalon ng puso ko sa halu-halong emosyon.

"But..." He flinched then looks at me. I can't believe Adren was capable of looking like this.

He looks fragile.

"Please don't leave me."

I laughed at him. "Hindi naman kita iiwan—"

"You promise?" his voice was low, it sounded vulnerable.

He looks like a lost child. The way his eyes were looking at me for answers.

Niyakap ko si Adren. He was surprised but then I felt his hands around my waist. He was hugging me back.

His touch made me feel fragile, para bang ayaw niya talagang mawala ako.

I can only feel how scared he was of this moment.

"Naked truth." Niyakap niya ulit ako. Halos matunaw ako nang gawin niya 'yon.

He looks at me again.

"I don't know what love is, Arri." His eyes softens and I can hear his muffled breathing.

"The mere idea of love will always be questionable to me..." he admits.

"Weh?" Napatakip ako ng bibig ko. "Seryoso ka? Huwag mo ako niloloko sabi ni Gio nagkaroon ka na ng mga exes!"

"How would you know if you loved a person, Arri? I can't even remember how I felt when I was with them."

Napalunok ako ng sarili kong laway. Hindi pa naman ako magaling sa mga love advices. Pero para kay Adren, pipigain ko ang utak ko.

"Wala ka bang naramdaman para sa kanila?"

Umiling-iling siya. "All of them told me they loved me. That's it."

"Ginawa mo silang jowa kasi sinabihan ka ng I love you?" I asked, in disbelief.

Tumango siya.

"Edi ako rin gawin mong jowa kasi nag-I love you na ako sa'yo." Bulong ko habang naka-busangot. Medyo frustrated.

"What?" he tilts his head. Umiling naman ako.

"Did you fall for them?"

"I can't feel anything. Not even concern for them. They were projecting their ideals on me. They don't know me but they say they love me. I don't even know how."

"Bakit kasi palagi mong tinatago 'yung nararamdaman mo?"

"No one wants to know the naked truths, Arri."

"I do. So tell them to me." I pinched his cheeks so that the smile will fade. He flinched when I did that.

"Anyway, may theory na ako bakit hindi mo pa alam ang love noon."

He furrowed his brows. "Why?"

Tumango-tango ako. "Hindi mo pa kasi ako nakikilala."

"Arrisea," he deadpanned. "I don't even know if you're taking me seriously."

"Seryoso ako sa'yo! Di ka na rin lugi ka saakin. Marunong ako magluto, maganda raw ako, praktikal ako, kaya kita alagaan, at kayang-kaya kita mahalin!" I beamed at him.

Bumuntong hininga siya. He gave me a small smile that tugs my heartstrings.

It was genuine. A genuine smile.

It made him more heavenly attractive. Mukha talaga siyang anghel. I wonder who tainted his wings? Bakit may mga bagay siyang alam na masyadong kumplikadong isipin?

"Arri, will you let me court you?"

My eyes widened. That was quick!

"Ulol! Sa tingin mo magpapaligaw pa ako?" I laughed at him.

His smile disappeared and he looked embarrassed. Agad ko naman itong binawi dahil baka biglang umiba ang ihip ng hangin.

"Tayo na, baka magbago pa isip mo e." I smirked at him.

❛ ━━━━━━・❪☽༓☾❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro