Kabanata 9
MATIIM na pinagmamasdan ni Fabiana ang estrangherong nasa harapan niya, kinikilatis at makailang-ulit din n'ya itong pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Come again? You are...? Nakataas pa ang isang kilay ng dalaga habang nakahalukipkip ito.
Pa'no naman siya natunton nito? Isa kaya itong espiya? Sino ang nagpadala sa ungas na 'to?
Isang ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki sabay lahad sa kamay nito. "Leon Peralta. Cybersecurity and Armory Department."
"Sa'n ka nanggaling at bakit mo nalaman ang lugar na 'to? Sinong nagpadala sa'yo?"
"I knew you'd ask, Agent March." Nakangiti pa rin ito nang bunutin ang isang ID mula sa bulsa ng kanyang pantalon at iniharap ito sa babae. "Ipinadala ako ng Dark Room Agency, as per Mr. R's request. Gusto n'yang tulungan kita sa misyon mo."
Nanlaki ang mga mata ni Fabiana nang maglakad mula sa likod ng nagpakilalang Leon Peralta si Jae Han at walang anu-ano'y itinutok ang baril sa likod ng ulo nito.
Walang anumang emosyon ang nanggagaling sa mukha ng binata hanggang sa magsalita ito.
"Kung sa tingin mo'y maniniwala kami, ngayon pa lang sinasabi 'ko na sa 'yong 'di kami madaling kalabanin. Kumanta ka na habang maaga pa—o baka gusto mong pasasabugin 'ko 'yang bungo mo?"
"Park Jae Han." Nakataas ang dalawang braso ni Leon na tila sumusuko ito, ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi. "I heard so much about you. Never thought I'll meet you this way." Pinihit pa ng lalaki ang katawan paharap sa walang emosyong si Jae Han. "Nice to meet you—"
"Aamin ka ba o kakalabitin 'ko 'tong gatilyo para manahimik ka na?"
"Jae Han!" Impit na sigaw ni Fabiana at agad na napatayo ito. "Calm down, will you? His identification card is legitimate. Nakita 'ko 'yong authentic seal ng agency. Put that gun down!"
Hindi kumibo si Jae Han at patuloy lamang itong nakatingin sa lalaki, tila pinaaalala sa estranghero ang katayuan nito.
"Jae Han," ani Fabiana habang nakatingin sa kaibigan, bakas ang inis at pagsusumamo sa tinig nito. "¡Suelta eso o te disparo!" Put that gun down, or I'll shoot you!
Unti-unting ibinaba ni Jae Han ang baril habang nakatingin pa rin kay Leon at kapagkuwa'y napatikhim.
Ito ang unang beses na nakita ni Fabiana ang ganitong itsura ng dating nobyo.
Bagama't may ilang beses nang sumalang sa interogasyon ang lalaki, ibang-iba ang ipinakikita nitong emosyon kapag humaharap sa mga kriminal na tinatrabaho niya.
Sa loob ng ilang taong nakasama niya si Jae Han sa trabaho, ngayon lang n'ya nakita ang pagtiim-bagang nito sa isang estranghero na para bang matagal na silang magkakilala—na tila may pinagsamahan na ito dati pa.
Posible nga kayang kilala ito ni Jae Han?
"Jae Han," kalmado na ang boses ng dalaga at napabuntong-hininga ito. "Leon, pagpasensyahan mo na ang kaibigan 'ko. Masama ata ang gising niya kaya't mainit ang ulo–" Napairap s'ya nang samaan siya ng tingin ng lalaki. "–pero bakit ka pinadala ni Mr. R dito? Wala naman akong hininging backup sa agency."
Mabilis siyang hinarap ni Leon at napatango ito. "Wala nga, Agent March. Pero nagpapadala si Mr. R ng isang agent sakaling kailanganin at magkagipitan. Gusto rin niyang makita ang lagay ng misyon mo."
"Sinasabi mo bang walang tiwala si Mr. R kay Fabiana?"
"Wala akong sinasabing gano'n, Jae Han." Nilingin ni Leon ang lalaki at sumimangot ito bago muling harapin ang babae. "Minsan kasi, kailangan ng contact sa mismong headquarters. Weekly, monthly update, depende hanggang kailan gagawin ng isang agent ang misyon. Hindi biro ang hawak mong subject, Agent March. Inaalala ni Mr. R ang kaligtasan mo."
Markus Fuentanilla is not an easy subject, Fabiana knows it.
Mula nang matanggap n'ya ang email mula kay Mr. R at magsagawa ng mabilisang background check sa naturang personalidad, alam ni Fabiana na hindi basta-basta ang katayuan ng lalaking makakaharap niya.
Hindi lang dahil ito ang ikalawang presidente ng Pilipinas, kung 'di dahil ay alam niyang protektado ito ng iba't ibang politiko sa bansa. Kung mamalasin ay makakabangga pa niya ang pangulo sa gagawing ito.
Hindi ba't dati silang magkaalyado nito?
"Kung nag-aalala si Mr. R sa kaligtasan ni Fabiana, I can help. Kaya 'ko na. You don't have to be here–" Muling pinasadahan ng tingin ni Jae Han ang lalaki mula ulo hanggang paa. "–Leon Peralta. Alam ni Fabiana ang gagawin n'ya."
Nababalot ng tensyon ang apat na sulok ng condo unit ni Jae Han. Seryoso ang mukha ng bawat isa at maging si Fabiana ay hindi naiiwasang mapasinghap sa tuwing nagpapalitan ng dayalogo ang dalawang lalaki—na tila anumang oras ay magpapang-abot ito.
"Let's see," tila nanghahamong tugon ni Leon at binunot ang isang flash drive sa bulsa ng pantalon nito. "Matagal-tagal na naming minamanmanan si Vice President Fuentanilla. Lahat ng impormasyon tungkol sa kanya ay mahirap hagilapin kaya sinubukan kong i-retrieve ang ilan sa mga dokumentong naglalaman ng pangalan n'ya. Baka gusto mong kunin 'to, Agent March?"
Agad na ibinaba ng dalaga ang tingin sa itim na flash drive na nasa kamay ni Leon. Mahirap ngang hagilapin ang impormasyon tungkol kay Markus.
Subukan man niyang magsaliksik at i-retrieve ang ilang website o blog, hindi naman gano'n kahalaga ang mga nakalagay do'n.
Ni hindi nga nito nababanggit ang tungkol sa pumanaw nitong nobya—na isa rin sa mga bagay na gusto n'yang alamin.
Tumango-tango si Fabiana at agad ding kinuha ang flash drive sa kamay nito. "This'll be a great help, Leon. Maraming salamat sa pagpunta at pagbigay nito."
"You don't have to thank me, Agent March," sinserong sagot ng lalaki at napangiti ito habang napapakamot sa kanyang batok. "Parte naman ito ng trabaho 'ko. Basically, we're colleagues. And colleagues got each other's backs."
Tumikhim si Jae Han upang agawin ang atensyon ng dalawa. "Ngayong nakapagpakilala ka na at naibigay ang flash drive kay Fabiana, pwede ka nang umalis dito. Kung nakikita mo, abala s'ya sa ginagawa niyang research—"
"Why would I even do that, Jae Han?" Muling hinarap ni Leon ang lalaki at napakibit-balikat ito. "Hindi ako pwedeng lumayo kay Agent March dahil trabaho 'ko ring maging aide n'ya."
"And what the fuck does that mean?" Tinaasan ng kilay ni Jae Han ang nakangiting si Leon. "You don't mean staying here, do you? Sa tingin mo ba'y papayag ako?"
"And why not? We're basically workmates now, Agent L,"
Naiiling na pinagmamasdan ni Fabiana ang dalawang lalaking nag-uusap at kapagkuwa'y napapahilot pa siya sa kanyang sintido.
Hindi niya maaaring paalisin si Leon kahit alam niyang tututol si Jae Han sa kanya. She just can't let that guy leave dahil maaari itong makatulong sa kanya.
Kahit pa ipinangako n'ya sa sariling hindi tatanggap ng anumang tulong mula sa iba—lalo na sa mga taong nasa loob ng Dark Room Agency. This should be her fight alone.
At si Jae Han? Naiintindihan ng dalaga ang sentimyento nito. Jae Han has been this protective of her since she started working for Inteligencia Anonima years ago.
Hanggang sa namatay ang kanyang ama, naging sandalan na niya ang binata sa lahat ng bagay.
Kaya't kung magiging ganito man ang reaksyon ng dating karelasyon, alam n'yang gusto lamang siyang protektahan ni Jae Han. The bastard has a serious trust issues.
Napakunot naman ang noo ni Jae Han sa narinig mula sa lalaki. "Don't you dare calling me Agent L. Hindi kita kilala."
"I didn't know that I have to introduce myself first for me to call you in that code name." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Leon at kapagkuwa'y inilahad ang kamay nito. "Agent Viper. Elitist Crusade, remember? Does that ring a bell?"
Namilog ang mga mata ni Fabiana sa narinig. Isa sa mga kilalang samahan sa Intelligence ang Elitist Crusade.
Sa loob ng maraming taon, iba't ibang ahensya na rin ang nakatrabaho nito.
Sila rin ang isa sa mga reliable third-party associate ng mga kilalang intelligence agency katulad ng CIA at FBI.
Walang nakakakilala sa mga miyembro ng Elitist Crusade. May usap-usapan pa ngang hindi naman talaga nag-eexist ang mga taong nasa likod nito. Urban legend, ika nga nila.
"Sino bang hindi nakakakilala sa samahang 'yan? Halos lahat naman ata e pamilyar sa samahan n'yo..."
"Sa samahan natin, Jae Han." Biglang naging seryoso ang mukha at boses ni Leon. "You can't just abandon the group after years of hiding, Agent Lark."
Agent Lark?
Natagpuan ni Fabiana ang sarili na naglalakad palayo sa dalawang lalaki, bakas sa mukha niya ang pagkabigla at malaking pagtataka.
Bahagi si Jae Han ng Elitist Crusade. Bahagi ng isang kilalang intelligence agency ang kaibigan ngunit hindi man lang nito sinabi sa kanya ang katotohanan.
Ito na ang kasama niya sa lahat ng misyong ipinatrabaho sa kanya ng Inteligencia Anonima.
Ito ang nakakaalam ng lahat ng lihim niya, kasama na ang totoong rason kung bakit agad niyang tinanggap ang unang misyon mula sa Dark Room Agency.
Mayro'n pa ba siyang hindi alam tungkol sa lalaki?
"Tigilan mo akong ungas ka," ani Jae Han at naglakad ito palayo kay Leon. "Umalis ka na rito bago kita mabaril. Trespassing itong ginagawa mo, alam mo ba 'yon?"
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang binata. "I know, Agent La—"
"Stop calling me Agent Lark!" asik nito at alam ni Fabiana na nasa ibang silid na ito. "Matagal na akong umalis sa samahang 'yon kaya tigilan mo na ako. You already helped Fabiana with her research by giving that flash drive, kaya't umalis ka na."
"I won't be leaving. Utos 'yon ni Mr. R kaya susundin 'ko s'ya,"
Jae Han never looked so mad like this before. Kahit pa noong natapunan s'ya ng bagong timplang kape ni Hikari ay hindi ito nagalit nang gano'n katindi.
Kahit pa aksidenteng nakapag-iwan ng bakas si Lazarus sa isang misyon nito ay hindi rin nagalit si Jae Han.
Hindi pa niya nakitang nagalit nang husto ang dating nobyo. Ngayon lang.
Ano kaya ang nangyari sa pagitan nila ni Leon at ng Elitist Crusade? Bakit gano'n na lang ang kagustuhan nitong kalimutan ang naging kasaysayan n'ya kasama ang mga ito?
Napatingin si Fabiana sa harap ng screen ng computer niya. Gustuhin man niyang makinig sa usapan ng dalawa ay pinilit niyang isantabi ito at bigyang-pansin ang trabaho.
Kailangan niyang kumuha ng iba pang impormasyon tungkol kay Markus.
Kailangan niyang malaman ang iba pa sa mga palpak na proyekto nito habang nakaupo sa pwesto. Kailangan niyang alamin kung ito nga ang isa sa mga talamak na nangungurakot sa bansa.
Agad niyang inalam ang nilalaman ng itim na flash drive na iyon. Bagama't kakikilala pa lamang niya kay Leon, alam niyang hindi nito magagawang traydurin ang ahensyang pinagsisilbihan.
Hindi nito makakayang kalabanin ang dating kasamahan.
Napakunot na lamang ng kilay ang dalaga nang isa-isang lumabas sa screen ang mga file na nakapangalan sa politiko. Maayos din itong nakagrupo sa iba't ibang folder na naro'n.
"You can't just expect me to do it! Parte pa rin ako ng Elitist Crusade. I should be following the orders given to me!"
"Gano'n pa rin pala kayo do'n," nanunuyang sagot ni Jae Han at kapagkuwa'y napamura pa ito. "Sumusunod pa rin pala kayo sa utos ng boss n'yo. You call yourselves as Elitist Crusade? Walang nagbago sa inyo."
"Agent L—"
"For the last time, Jae Han ang pangalan 'ko, hindi Agent Lark! Pasasabugin 'ko talaga 'yang bungo mo, makikita mo!"
Napairap na lang si Fabiana at napasandal sa kinauupuang swivel chair.
Jae Han cursing is different from the sweet and thoughtful Jae Han she knew. The guy can be a cursing machine if he wants to.
Wala na atang makatatalo sa kanya kahit pa ang dati nilang boss.
Naiiling-iling siyang pinasadahan ng tingin ang files at sinimulang basahin ang ilan sa mga naro'n.
Naglalaman iyon ng mga proyektong ipinasa ng Office of the Vice President sa unang taon ng pamumuno ni Markus. Karamihan sa mga ito ay proyekto ng nagdaang administrasyon.
She doesn't know much about public administration, but can analyze the documents well at madali niyang matutukoy kung may kahina-hinala sa mga nakasaad sa papel. Turo ito sa kanya ng yumaong ama.
Mayroong halos sampung proyekto ang naro'n, karamihan ay mula sa public works and highways department. Isa rito ang nasa social welfare at dalawa ang nasa health department. Pirmado rin iyon ng pangulo at ng legislative department.
"–hindi na 'to tungkol sa Elitist Crusade, Agent—Jae Han, tungkol 'to sa Dark Room Agency,"
"Hindi ba't naibigay mo naman na ang kailangan ni Fabiana? Bakit hindi ka pa umalis? Knowing you, Leon, mas gusto mong humiwalay at gawin ang gusto mo nang hindi ka nagpapadikta."
"I had to follow orders, Jae Han. Hindi na 'yon gano'n kadali—"
"Kung gusto mo talagang ipagsiksikan ang sarili mo, humanap ka ng ibang lugar na titirahan mo. Hindi ka pwede rito,"
"Jae Han!"
Tahimik na binabasa ni Fabiana ang bawat salitang naro'n, kinikilala ang pangalan ng mga personalidad na tila kahina-hinala para sa kanya.
Tila nalulula na rin s'ya sa dami ng mga nababanggit do'n na pawang mga gabinete ng nagdaang pangulo.
Para sa isang infrastracture project, tila mas magulo ata kung may iba pang personalidad ang nadadawit do'n.
"'Wag kang magbingi-bingihan. That's my condition, Leon. Hindi ka pwede rito dahil mas maging kahina-hinala ang unit kapag tatlo tayong narito."
"You can't be bothered by that. Napakasimple lang no'n."
"Then do your part. 'Wag lang kitang makita na malapit sa'min ni Fabiana. Malay 'ko ba at baka ipahamak mo pa akong gago ka?"
Kunot-noong nagawi ang mga mata ni Fabiana sa isang article na nagsasaad ng naging katapusan ng alyansa nina Markus at Pangulong Ludovico Gutierrez—halos isang taon na ang nakalilipas.
Ayon sa report, tila naging personal ito dahil sa pagkakadawit ng Executive Secretary ng pamahalaan.
Hindi naging malinaw ang tunay na ugnayan ng sekretarya sa dalawang politiko kaya't mas lalong lumakas ang kutob ng dalaga na maaaring personal na problema ang naging tumapos sa magandang samahan ng mga ito.
Usap-usapan din kasi na nagawang bumaliktad ng sekretarya mula sa panig ni Markus nang maupo na sa pagkapangulo si Ludovico.
Ito rin umano ang nakakaalam ng iba pang proyekto na confidential para sa madla.
Reign Sullivan. Anong meron sa babaeng ito at umabot sa puntong naghiwalay ang alyansa ng dalawang makapangyarihang personalidad sa politika ng Pilipinas?
Napangisi na lamang ang babae at matamang pinagmasdan ang maamong mukha ng naturang Reign na nasa article. She really has a face of an angel.
Sinumang lalaki ay maaaring mahulog sa kagandahan nito.
And the worst thing? She might've Markus and Ludovico wrapped around her fingers.
Kailangan niyang malaman ang tungkol sa kaugnayan ni Reign kay Markus at sa pangulo. Another lead to follow, another list of what ifs going around.
Bakit ba kasi ganito kahirap sundan ang kagaya ni Markus? Vice presidents should stay lowkey and live as the presidents' shadow! Hindi ba't gano'n ang trabaho ng kagaya ni Markus?
The bastard seems more occupied than the president himself.
Napabuga na lamang sa hangin si Fabiana at kapagkuwa'y nilandas ng tingin ang orasan. Hindi n'ya maaaring iwan si Jae Han kasama ang nagpakilalang Leon Peralta na iyon dahil sa takot na baka dumanak pa ng dugo habang wala siya.
She's not ready to hide a dead body just yet.
Walang anu-ano'y napaigtad ang dalaga sa kinauupuan nang biglang tumunog ang cellphone nito. She's not expecting any calls today, ngunit sa huli ay nagawa rin niya itong sagutin.
It must be someone from the agency—it must be Mr. R.
"Miss Alonzo,"
It wasn't a friendly tone, yet it wasn't a harsh, cold one either. Hindi na rin naiwasan ni Fabiana na maramdaman ang pagtayo ng mga balahibo sa katawan n'ya nang mapagtanto ang may-ari ng boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali.
"I'm expecting you tonight. You better get ready."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro