Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

FOR someone who's in their early 40s, Markus surely achieved a lot-thanks to his contribution as a public servant.

Ito ang nagpapatunay na "life begins at 40".

Habang binabasa ang ilan sa mga impormasyong nakalap tungkol sa naturang politiko, hindi na napigilan ni Fabiana na mapahanga sa mga natamo ng lalaki.

She's beyond impressed that the man can really pull off the title as the Vice President dahil sa dami ng credentials nito. Halatang matagal na itong nahasa sa pagsisilbi sa bansa.

"Hindi mo man lang naikuwento sa'kin 'yong lakad mo," ani Jae Han at naglapag ito ng chicken sandwich sa harap ng dalaga. "Kumusta? Hindi ba napagod ang labi mo kakangiti?"

Marahas na napabuga sa hangin si Fabiana at pinihit ang katawan paharap sa kaibigang abala sa pagnguya. "That was horrible, Jae. Hindi 'ko alam na kailangan 'ko palang ngumiti buong gabi na parang robot. I wonder how these politicians do it."

"Ano bang aasahan mo sa kanila?" Saglit na ibinaba ng lalaki ang sandwich at napakibit-balikat ito. "They know how to fake their smiles dahil 'yon naman ang ticket nila para makuha ang loob ng mga tao."

"I should've listened," nanghihinayang na sagot ni Fabiana at sumandal ito sa kinauupuang swivel chair. "I should've brought the earpiece with me. Ang boring at nakakainis lang ang mga naro'n kagabi. Idagdag mo pa ang Markus na 'yon."

Umarko ang isang kilay ni Jae Han. "Ano namang ginawa n'ya sa'yo? Don't tell me he attempted to seduce you-or it was you who did it?"

"Hey!" angal ng dalaga at hinampas ang braso ng kaibigan. "Hindi 'ko na ulit gagawin 'yon, Jae. I'm done with seducing that bastard dahil nakuha 'ko na ang gusto 'ko. Kung babalik man ako sa penthouse n'ya, 'yon ay dahil kailangan kong kumuha ng ebidensya ro'n."

Tinapunan lamang siya ni Jae Han ng nakakalokong ngiti saka ito umiling-iling. He loves annoying her dahil alam nito kung hanggang saan ang limit n'ya. Mas natutuwa pa nga ito kapag nangyari iyon.

"Ebidensya? You mean your un—" Napatingin pa siya sa dalaga bago ito napahagalpak sa pagtawa. "Sabagay, that's still an evidence, though. Just be more specific next time."

"Park Jae Han!" tili nito at pinaghahampas sa braso ang lalaki. "¡No vuelvas a mencionarlo!" Don't mention it again!

Bagamat nasaktan ito sa ginagawa ng babae, tinawanan lamang ito ni Jae Han habang minamasahe ang kanyang braso. "You're still that same Fabiana I knew, then? Fine, I won't speak about it again. Okay na ba 'yon sa'yo?"

"Well, you shouldn't talk about it in the first place. Tingnan mo, sumakit pa tuloy ang braso mo,"

"You know I always love teasing you, Fabi." ani Jae Han at pinasadahan ng ngiti ang direksyon ng dalaga. "Pagpasensyahan mo na lang dahil na-miss kita for three years. Deal with it."

Did Jae Han's voice sound sweet and sincere all of a sudden o guni-guni lamang iyon ni Fabiana?

She knows that the guy can be annoying as hell kapag inaasar s'ya nito-ngunit sa isang banda, tila may kung anong bagay ang nagbago sa paraan ng pananalita ng binata.

Nakaramdam tuloy s'ya ng kung anong kaba sa dibdib at agad na ibinaling ang atensyon pabalik sa harap ng monitor ng computer. "Ikaw kasi e, pwede bang 'wag mo muna akong i-distract d'yan? Kita mo namang may ginagawa ako oh!"

"Okay, I won't. Mukha kasing seryosong-seryoso ka riyan." Napatingin na rin si Jae Han sa harap ng screen at pinasadahan ng tingin ang mga nakasulat do'n. "Teka, iyan na ba 'yong retrieved data mula ro'n sa sinabi 'ko sa'yo?"

"Oo. Kani-kanina 'ko lang 'to sinimulang basahin. I didn't even know that the bastard has a lot of credentials." ani Fabiana at kapagkuwa'y nagsimulang tipain ang keyboard. "And when I say a lot, look at this..."

Saglit na napatahimik ang dalawa upang basahin ang ilang impormasyong ipinakita ng isang website kung saan naglalaman ito ng ilang article tungkol kay Markus.

Markus is indeed a public servant. Mula pagkabata nito ay parte na ito ng mga gawaing tumutulong sa komunidad at iba pang nangangailangan.

Naging bahagi rin pala ito ng Sangguniang Kabataan ng Camarines Sur hanggang sa unti-unti na nga itong tumakbo sa mas mataas pang posisyon.

He was the youngest congressman at the age of 28 and served two terms bago naman ito tumakbo sa pagka-senador.

Bilang miyembro ng Kongreso at Senado, isa sa adbokasiya at isinulong ni Markus ang kapakanan ng mga magsasaka, kabataan at senior citizens.

Sa labindalawang taong pag-upo nito, hindi s'ya tumigil sa pagsulong ng mga panukala at batas na layong bigyan ng importansya ang tatlong sektor.

"You know," agaw ni Jae Han habang napapailing ito sa binabasa. "kung hindi 'ko lang talaga alam kung ga'no kadumi ang politika, maniniwala na 'ko sa mga ginagawa ng Markus na iyan."

Napalingon naman si Fabiana na abala na sa pagnguya ng chicken sandwich. "But look, he really passed a handful of laws para sa mga tao. No wonder kung bakit nanalo s'ya bilang vice president no'ng nakaraang eleksyon."

"Humanga ka naman?"

"Of course, I am amazed, Jae." Naiiling ang dalaga at nginisihan pa ang kausap. "I mean, look at this list. Quite impressive for someone na hindi pa gano'n katagal sa national position. Twelve years? Mahaba-haba na rin pero kumpara sa iba, wala pa 'yan,"

Napatawa pa ang lalaki at itinaas ang dalawang kamay nito na para bang sumusuko. "I'll just shut up, okay? Mukha kasing wala na akong laban d'yan sa Markus Fuentanilla na 'yan. Sino ba naman ako, 'di ba? Pfft."

"You're so dramatic sometimes and for what reason, Jae Han? Do'n ka na nga lang at 'wag mo na lang ako pansinin dito. Busy ako!"

Kinindatan s'ya ng kaibigan. "Don't miss me too much, okay? Kapag nagutom ka, nakapagluto naman na ako-actually, initin mo na lang 'yong nasa kusina. Nagpa-deliver na lang ako e."

Napataas ang kilay ni Fabiana sa narinig. "At sa'n naman ang punta mo? Kikitain mo siguro 'yong girlfriend mo nang 'di ako sinasabihan, 'no, Jae? Nakakatampo ka..."

"Girlfriend? Dodaeche?!" Namilog ang mga mata ni Jae Han at nailing-iling ito bago tuluyang mapahagalpak ng tawa. "Pupunta akong shooting range. It's been a while since I went there, you know? Sabi mo kasi 'wag na kong mangialam dito e, kaya do'n na lang ako magpapalipas ng oras."

"Tapos 'di mo man lang ako sinabihan na may balak ka palang pumunta ro'n?"

"Sumunod ka na lang do'n," tila nangungumbinsing sagot naman ng binata habang tinatapik-tapik ang balikat ni Fabiana. "Tapos mag-one-on-one tayo, game?"

"Okay, we will. Sige na, you better go or else, baka matukso pa kong sumama sa'yo. Sige, shoo!"

Napatawa na lang si Fabiana nang marinig ang mga yabag ng lalaki palayo sa kanya. Hindi pa rin nagbago ang lalaki mula no'ng huli silang magkita.

Ito pa rin 'yong Jae Han na masungit at seryoso sa oras ng trabaho at sa harap ng iba-the same Jae Han na nagagawang makipag-asaran at makipagtawanan sa kanya anumang oras o sitwasyon.

The same guy whom she fell in love with years ago.

Naiiling-iling s'yang humarap muli sa monitor ng computer at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng mga impormasyon tungkol kay Markus at sa karera nito sa politika.

Iniisa-isa pa niya ang bawat proyektong ipinasa at naaprubahan ng Senado sa ilalim ng termino nito, pinag-aaralang mabuti ang bawat pangalan at benepisyaryo ng mga iyon hanggang sa magawi s'ya sa Rondallo-Santillan Extension Road project.

Sa una, iisipin mong isa lang itong tipikal na proyekto ng isang politiko ngunit maging si Fabiana ay napataas ng kilay nang malaman ang estado ng naturang infrastracture project na ito.

It was labeled by the government as one of the ghost projects no'ng nakaraang administrasyon.

"Rondallo-Santillan Road, huh?" nakangising ulit ni Fabiana habang tinitipa ang keyboard. "Look who's a greedy bastard, Markus Fuentanilla. Sinasabi 'ko na nga ba't may tinatago ka rin."

She expected this. She knew that Markus Fuentanilla is no good as a politician. Walang pa s'yang nakikilalang gano'n sa tanang buhay niya.

Muli pa n'yang inalam ang kwento ng naturang proyekto sa ilalim ng nagdaang pamumuno.

Ayon sa nakalap na impormasyon, inaprubahan ito ng mga nasa public works and highways at maging ang congressman ng naturang lugar ay may kinalaman din dito.

It was approved by Secretary Geraldo Costales and Undersecretary Filomeno Cruz.

Undersecretary Cruz—ito 'yong lalaking nakasalamuha n'ya sa event no'ng isang gabi! The same cranky old man who tried to humiliate her. Mira quién es el desagradable, Undersecretary. Posibleng kasabwat pa ito ni Markus.

Iginugol ng dalaga ang oras sa paghahanap ng kopya ng naturang dokumento, ngunit dahil isa itong ghost project, wala s'yang nahanap na anumang susuporta sa akusasyong parte nga ng maanomalyang infrastracture project ang noo'y senador na si Markus.

Inis s'yang napahilot sa kanyang sintido. Mailap din pala itong si Markus at magaling pang magtago ng ebidensya. She underestimated this man's ability.

Dawit din pala ito ang ilan sa mga politikong nakilala n'ya sa event. Karamihan sa mga ito ay pawang congressman at senador, ilang gabinete at maging business tycoons sa bansa.

Kailangan n'yang bantayan ang mga ito lalo na't ilang beses ding lumabas ang mga pangalan no'n sa iba pang proyekto. Most of these politicians are indeed Markus' allies.

She has to be more vigilant. She has to be more careful.

Iniangat ng dalaga ng paningin sa wall clock at matamang pinagmasdan ito. Sa sobrang pagiging abala sa pagkuha ng impormasyon sa naturang politiko, hindi na n'ya napansin ang pagtakbo ng oras.

Ala-una na pala ng hapon.

"Jae?" bungad n'ya sa kausap nang sumagot ang binata mula sa kabilang linya. "I guess we'll have to reschedule. I'll go somewhere else, okay lang ba?"

Rinig na rinig pa ang alingawngaw ng mga baril sa background kung nasa'n si Jae Han. Naro'n pa rin s'ya sa shooting range. "Hindi naman 'yan tungkol sa assignment mo, 'di ba?"

"E ano naman kung may koneksyon sa misyon 'ko?"

"Fabiana," ma-awtoridad nitong tawag sa dalaga. "just because I detached myself from this mission doesn't mean I'll tolerate you. Sa'n ka pupunta?"

Napairap na lang si Fabiana at muling pinasadahan ng tingin ang screen ng computer. "Maglalakad-lakad ako. Baka naman pati 'yon e ipagbabawal mo pa?"

"Well, you gotta make sure that you'll just roam around. Fine, you may go. Just don't dare to bring one of my—"

"I didn't know you still own an HK Mark 23—"

"Fabiana!"

Napabuga sa hangin ang babae at ngumisi ito. Jae Han values his gun collection at hindi niya ito basta-basta pinagagamit sa kung sino. She wanted to tease him back. "I'm sorry I didn't hear you, Jae. Jae Han? Okay, bye!"

"I'm not even kidding—”

Napatawa na lamang si Fabiana at agad na pinatay ang cellphone n'ya. She doesn't need empty threats and lectures from Jae right now.

Mas gusto n'yang alisin muna ang sarili sa apat na sulok ng kwartong 'yon at bahagyang kalimutan ang tungkol sa misyong ito.

Kailangan n'yang libangin ang sarili kahit papa'no.

And taking one of Jae Han's guns is one way of entertaining herself, kahit pa alam n'yang sesermunan siya ng lalaki pagkatapos nito.

NAIILING na lang si Fabiana habang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin ng restroom ng indoor shooting range kung nasa'n s'ya no'ng mga oras na iyon.

Pilitin man niya ang sarili na subukang maglibang at kalimutan ang pagiging agent kahit sandali, tila may sariling isip at katawan ang mga paa n'ya at dinala pa rin siya sa isang shooting range.

Hindi na lamang n'ya ito ipaaalam kay Jae Han lalo na't hawak nito ang isa sa mga koleksyon ng binata.

Napahilamos s'ya sa mukha at kapagkuwa'y napabuntong-hininga pa. Bigla niyang naalala ang pinakamamahal na ama.

Nasa siyam o sampung taong gulang lamang s'ya nang magkaro'n ng interes sa paghawak at paggamit ng baril.

It was her dad Matias who brought her to an outdoor shooting range.

Ito rin ang nagbigay ng kauna-unahang baril na ginamit n'ya upang ipagtanggol ang sarili nang subukang tambangan ang minamanehong sasakyan, ilang linggo makaraang pumanaw ang kanyang ina.

Kung tutuusin, bata pa lamang ay mulat na sa karahasan si Fabiana—hindi lamang niya ito maamin dahil sa amang pinilit na itago sa kanya ang katotohanang mapanganib at mapusok ang mundo.

"Miss," tawag ng isang boses sa bandang likuran n'ya. "I think you might be mistaken? This is the men's restroom..."

Maagap na pinihit ng dalaga ang katawan upang harapin ang pinagmulan ng boses. There stood a familiar figure right in front of her. "Lars?"

"Hemera?" tila 'di makapaniwalang tanong nito sa kausap. Napatawa na lang ito nang tumango ang babae. "What a small world, isn't it? Tingnan mo nga naman, we meet again."

"At sa shooting range pa,"

Tumango-tango ito. "At sa shooting range pa. I didn't know you're into guns din. That's really amazing, you know?"

Nakaramdam naman ng kung anong galak si Fabiana at napangiti ito sa lalaki. She felt like her cheeks are slowly getting warm from his praise. "Thank you. Nagawi lang naman ako rito saglit."

"Mag-isa ka lang ba?"

"Yeah," pagsang-ayon nito at nahihiya itong naglakad palapit sa kinatatayuan ni Lars. "Bueno, I have to go. Pasensya ka na at 'di 'ko napansin na nasa men's restroom pala ako nakapasok. Nakakahiya tuloy."

Marahang napatawa ang binata habang umiiling-iling ito. "It's fine, don't worry. Gano'n din naman ako no'ng una. Hindi rin kasi maayos ang nakalagay sa signage. It's their fault, Hemie. Not ours."

"Hemie?"

"Why not?" ganti nitong tanong sa nagtatakang si Fabiana bago ito muling napatawa. "Hemera is quite too long, nakakatamad. I just gave you a nickname para madali. Don't you like it?"

Lars is way too friendly. Para kay Fabiana, she often doubts people na may ganitong personalidad.

She felt like these people are two-faced assholes at ginagawa lamang nilang front ang pagiging mabait para traydurin ka sa dulo.

But he's way too different. Pkairamdam ni Fabiana ay sinsero ito kahit hindi pa niya lubusang kilala ang lalaki. Tiwala s'ya sa instincts niya bilang agent.

"I–I do." tila nahihiya pang sagot niya rito habang kumakamot sa batok n'ya. "Salamat sa nickname, I guess?"

"You're welcome, Hemie. O s'ya, I have to let you go already. Baka iba pa ang isipin ng mga kaibigan 'ko kung bakit ako nagtatagal sa restroom,"

Kapwa na silang napatawa ni Lars.

"Alright, I'll be out of your hair. Kailangan 'ko ring isalba ang sarili 'ko sa kahihiyan kapag may ibang nakapansin sa'kin na galing ako rito." Inayos pa niya ang lukot ng damit at saka ito kumaway sa binata. "I'll see you around, then."

"See you, Hemie! 'Wag mong galingan masyado ha? Baka mapahiya naman ako sayo,"

"You're talking bullshit, Lars. Do your business! Adios!"

Para naman siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makalabas sa restroom na iyon.

Walang masyadong tao sa loob ng shooting range, siguro ay dahil weekdays at hindi ito dinadagsa kapag gano'n.

Mas maganda na ito. She'll be able to have some quiet time while testing her shooting skills.

Mas nagkakaro'n siya ng oras upang pag-isipan ang mga susunod na plano kung paano n'ya matutuklasan ang mga tinatago ni Markus.

Muli siyang napahinto nang maalala ang tungkol sa yumaong nobya ng lalaki.

Sinubukan din n'yang humanap ng impormasyon tungkol dito. No'ng naro'n siya sa penthouse ng binata, sinubukan din nitong maghanap ng anumang larawan na maaaring makatulong sa pananaliksik n'ya tungkol sa babae.

She didn't find anything. Mukhang kinalimutan na nga ito ni Markus.

Inis niyang inihanda ang sarili upang isuot ang body armor na ibinagay sa kanya ng isa sa mga staff ng shooting range. Kating-kati na ang mga kamay niya na makahawak muli ng baril.

It felt like she's been waiting to do this for a long time.

"I thought I saw you here," bati ng isang pamilyar na boses sa kanan n'ya. The familiar masculine scent hit her nostrils in no time. "Akala 'ko namalikmata lang ako. It's really you."

Tinapunan s'ya ni Fabiana ng tingin at napakibit-balikat ito. "Surprise, I guess?"

"It's beyond a surprise, Miss Alonzo." Markus mirrored her actions at nagsimula na rin itong lagyan ng bala ang magazine na gagamitin. "Tingnan mo nga naman at dito pa talaga tayo nagkita after the event."

Pinili na lamang ni Fabiana na 'wag pansinin ang lalaki at matiim na pinagmasdan ang mga shooting target. Magkakaiba ang layo ng mga 'yon mula sa kanya. Magkakaiba rin ang aim ng mga ito.

Mas lalo tuloy s'yang ginanahan at sinimulang paulanan ng bala ang bawat shooting target.

She misses her dad. No'ng tumuntong s'ya sa ika-labinwalong karaawan, dinala siya ng ama sa isang shooting range at do'n din itinuro ng ama ang mga nalalaman sa paghawak at paggamit ng baril.

Tila hinahanda na siya nito sa maaaring mangyari sa hinaharap. Tila may alam ang ama sa kahihinatnan ng buhay niya.

Umalingawngaw ang magkakasunod na putok ng baril mula sa kanila ni Markus, tila nagpapaligsahan at nagpapagalingan kung sino ang mas dalubhasa.

Napakunot-noo si Fabiana nang landasin ng mga mata ang kinatatayuan ng politiko. Markus is wearing a red polo shirt and white jeans. Bakat na bakat sa mga mangas nito ang matipunong braso.

The man looks fit.

Maganda ang tindig nito. Kagalang-galang at tila sinasabing may kapangyarihan ito at animo'y mapapayuko ang sinumang makakasalubong niya.

Markus Fuentanilla carries that alpha-like traits kahit ano pa ang isuot nito.

"Eyes on the shooting targets, Miss Alonzo." Narinig niyang puna ng lalaki habang patuloy pa rin ito sa pagpapaulan ng bala sa mga target. "I'll give you time to eye rape me once I'm done here."

Namilog ang mga mata ni Fabiana at kumuyom ang kamay nito. Can Markus shut the hell up and mind his own business? He's really pushing her to the limits! "Está delirando, Mr. Vice President."

"Miss Alonzo," Markus called in a sultry yet low baritone voice. "I may ignore everything that disinterests me, but I'm not stupid. I know you're looking at me."

Tila nanuyo ang lalamunan ni Fabiana sa narinig at napalunok ito.

Did she really? Totoo nga kayang nakatitig s'ya sa lalaki nang walang dahilan? Pa'no nangyari 'yon?

Something about Markus Fuentanilla is quite interesting, and Fabiana found herself being drawn to him.

Posible nga kayang dahil ito ang subject ng misyon niya? Posible kayang dahil anak ito ng isa sa mga taong maaaring nagpapatay sa kanyang ama?

O may iba pang dahilan?

Iwinaksi n'ya sa isipan ang ibang dahilan. She accepted the mission to prove herself worthy to be a part of the Calendar Girls—to be worthy in the eyes of Mr. R and Dark Room Agency.

She accepted the mission to be the stepping-stone for her revenge.

Ipinangako n'yang ipaghihiganti ang ama laban sa mga abusadong tao kagaya ni Luciano Fuentanilla.

"You missed,"

Maagap n'yang nilingon ang lalaki. "Excuse me?"

"I said you missed a shooting target." ani Markus at tinuro ang isang shooting target na nasa gawing kanan. "You missed it when you changed your body angle. Napalayo ka ng kaunti sa firing lane."

"Good observation, Mr. Vice President. But unfortunately, I didn't ask you to pinpoint what I did wrong." Inirapan niya ang lalaki at tinalikuran na ang lalaki. Wala s'yang panahon upang makipag-usap dito.

Napatawa si Markus habang pinagmamasdan ang dalaga. Hemera Alonzo is one feisty woman and she has no filter.

Tila hindi ito natatakot sa kung anong kaya n'yang gawin. Tila hindi n'ya kilala ang kinakausap nito.

For the two nights he had with the woman, he couldn't help but to wonder about her. Isang araw, nakita niya ito sa escort agency, muling nakatagpo sa nightclub na pagmamay-ari n'ya, took her to his penthouse and pleasured her all night.

Hemera Alonzo is a mystery to him. At ito ang unang beses na nagkaro'n muli s'ya ng interes sa babae mula nang mamatay ang nobya niya.

"I wasn't even aware that you're into guns,"

Marahas na napabuga sa hangin si Fabiana. Are these men real? Sino ba ang mga ito upang pagdudahan ang kakayahan niyang humawak at gumamit ng baril? She had her training! Isa s'ya sa skilled agent ng Inteligencia Anonima.

Agad niyang hinarap ang lalaki at nginitian ito. "Marami kang 'di alam sa'kin, Mr. Fuentanilla."

"Well, we have all the time in the world, Miss Alonzo," prenteng sagot nito at sinimulang hubarin ang body armor na suot. "I'll sit here with you all day if you'd let me. We can go somewhere else."

Umarko ang kilay ng dalaga at napahalukipkip ito. "Smooth talker, aren't you? Ganito ba talaga makipag-usap ang mga politikong kagaya mo?"

Bagamat nagitla si Markus sa sinabi nito, tinapunan na lamang n'ya ng ngiti ang babae. Hemera is a smart and witty lady. "What can I say? We talk like bullets, then we'll get into your system before leaving an impact that you won't expect."

"Really, Mr. Fuentanilla? Then you must know how to play games with someone who can also get through you like a bullet." tila naghahamon niyang sagot dito, her smirk never fades. "Words can kill, and so are these guns."

"You're interesting, smart, and mysterious." Pinasadahan niya ng tingin mula ulo hanggang paa ang babae at nginitian ito. "I like it."

Agad niyang nilapitan ang lalaki at ipinalupot ang magkabilang braso sa bewang nito. She's not in the mood to be challenged by this bastard, lalo na't may natuklasan na s'ya rito.

Unti-unting nawala ang distansya sa pagitan nila ni Markus at halos magdikit na ang mga noo nito.

She started caressing his cheek, as if it's the most natural thing to do on Earth. At dahil may katangkaran pa ang binata, kinailangan pa niyang tumingkayad para lang magawa ito.

She slowly lowered her lips near the man's ear. She even nibbled his earlobe, teasing him. "I take pride on how I present myself, Mr. President. No one messes with me."

She felt Markus tensed under her touch at napangisi pa siya matapos halikan sa pisngi ang politiko.

She had him wrapped around her fingers already, halata iyon sa tugon ng lalaki.

Hindi na niya nilingon ang lalaki nang maglakad s'ya palayo sa kinatatayuan nito.

Sapat na ang nagawa niya sa araw na ito. Sapat nang malaman niya na unti-unti na s'yang nagkakaroon ng epekto sa binata.

Nakakuyom ang mga kamay niya nang iwan ang indoor shooting range na iyon. Kasabay ng malakas na pagkabog ng kanyang dibdib, ipinangako ni Fabiana sa sarili na hinding-hindi siya papayag na maapektuhan ng anumang distraksyon ang misyong ito.

She has to drag Markus Fuentanilla down to hell kasama ang ama nito bilang kabayaran sa anumang ginawa nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro