Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

"THE HELL WAS THAT?" hindi makapaniwalang tanong ni Jae Han. "Anong nangyari?"

Fabiana couldn't help but to roll her eyes. "Hindi ko alam, okay? One second, Ludovico and I were just talking on the veranda and then, the next second . . . Markus really had to cause a scene!"

"I appreciate the distress signal you sent to us," entrada ni Leon sabay abot ng isang canned beer sa dalaga. "But we're really confused as hell as to what happened. Pakiramdam ko, blangko pa rin ang utak ko."

Napabuntonghininga si Fabiana nang ibaling ang tingin sa dalawang kasamahan. Nasa loob sila ng van kung saan nakadikit ang mga aparato na kailangan nila sa pagmamanman sa buong banquet hall ngayong gabi. Naglalaman iyon ng iba't ibang monitor na konektado sa mga CCTV sa loob.

Hindi naman niya masisisi ang dalawang lalaki kung bigla itong mawalan ng atensyon sa minamanmanang personalidad sa gabing ito, maging siya ay gano'n din ang nararamdaman.

But how is she going to gain her composure back after Markus said those words? At sa harap pa talaga ni Ludovico. Sa harap pa ng presidente! Ano na lamang ang iisipin nito sa kaniya?

Inis na binuksan ni Fabiana ang canned beer at agad na nilagok ang laman nito, hindi alintana kung agad siyang malalasing sa ginawa.

Kunot-noo niyang pinunasan ang gilid ng mga labi nang mapansin ang dalawa na nakatingin sa kaniya. "Ano?"

"So, anong plano mo?" Napasandal si Jae Han mula sa inuupuang swivel chair habang binubuksan na rin ang hawak na canned beer. "This night ended with so many plot twists at sa dami n'on, hindi ko na rin alam kung anong uunahin."

"I never thought that Markus Fuentanilla could be that kind of man," pilyong hirit ni Leon at napailing pa ito. "Was he really possessive of you or just he just made a terrible decision just like Ludovico called it?"

Terrible decision. Fabiana felt the urge to smirk as she shook her head in disbelief. Markus could really do terrible decision. Hindi naman niya hinuhusgahan ang pagkatao nito ngunit sa nangyari, gusto na lamang niyang maniwala sa sinasabi ni Ludovico.

It was the first time she met a target who is territorial. Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng kakaibang kaba habang nakikipagtitigan kay Markus. She never felt so conscious before. She never felt so small under a man's gaze!

Hindi naman niya pinlano na mapalapit nang husto kay Ludovico. Sure, he attains the highest position in the Philippine government and she's working for him as his escort, but that's just it. Bonus na lang ang pag-e-entertain at pagsama niya rito upang uminom.

Ludovico wasn't even on the watchlist, hindi niya ito kailangang pagbuhusan ng effort upang kilalanin. Her focus should be on Markus, his dad, and their accomplices.

Hangga't hindi nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng ama niya at mapatunayan ang pangungurakot nito sa kaban ng bayan, hindi siya titigil na habulin ito upang panagutin—kahit pa hanggang sa kabilang buhay.

"I don't know and I don't even care." Marahas na napabuga sa hangin si Fabiana at muling tinungga ang laman ng canned beer. "Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, okay? Fuck Markus, fuck him!"

"Well, at least, we know that he's still considering you as his son's mother," ani Jae Han at inabot sa dalaga ang isang mangkok na naglalaman ng kutkutin. "Who knows, he'll come back in front of your door—"

Sinamaan ng tingin ni Fabiana ang lalaking humahagalpak na ng tawa at padabog na kinuha ang pulutan. "Vete al demonio, Spence. Joder!"

"If that happens, at least you'll be able to go back to your investigation," paliwanag ni Leon at ipinihit paharap sa nakasimangot na babae ang swivel chair na inuupuan. "Hindi ba't 'yon naman talaga ang goal ng pagtanggap mo bilang escort ni President Gutierrez? For Markus to lose himself and ask you to come back."

Sandali naman siyang natahimik. Is this what she really wants? Gusto ba talaga niyang makita ang ugaling 'yon ni Markus? She felt owned and marked by him the moment he held her wrist. Kung titigan siya nito ay tila pag-aari na siya ng lalaki.

Totoo rin naman ang sinabi ni Leon. Tinanggap niya ang pagiging escort ng presidente dahil ito na lamang ang naiisip nilang paraan upang magkaro'n ng koneksyon kay Markus.

Being Ludovico's vice president, alam ni Fabiana na magkakaro'n siya ng pagkakataong makasalamuha ang politiko kapag dumalo ito sa mga pagpupulong.

Ngunit hindi na pala niya kakailanganing dumikit pa kay Ludovico. Si Markus na ang unang lumapit sa kaniya.

"Enough of me tonight," pag-iiba niya ng usapan. Pipilitin niyang 'wag munang isipin ang politiko. "Ano, may nasagap na ba kayo kanina?"

Napangisi si Jae Han at napakibit-balikat. Mukhang magyayabang na naman ang loko. "Quite too much, really. And all information has been encoded by me. Salamat din sa 'yo."

"You could've at least thank me for my effort," pagpapasaring ni Leon at kunot-noong nilandas ng tingin ang tumatawang Koryano. "Nando'n ako sa mismong venue habang nakasuot ng ganitong damit! Tangina, ayoko talaga sa costume na 'to!"

Napabulanghit ng tawa sina Jae Han at Fabiana habang pinakikinggan ang reklamo ng lalaki sa suot nitong damit. Hanggang ngayon kasi ay uniporme ng waiter ang suot-suot nito kahit maagang natapos ang pagtitipon.

"It's not a costume, idiot," natatawang tugon ni Jae Han at inihagis sa basurahan ang wala nang laman na canned beer. "It's a uniform and it suits you. 'Wag kang mag-inarte r'yan, ideya mo naman 'to."

"I said we'll be dressing up together, Spencer. Tayong dalawa! The heck you just left me alone. Alam mo bang inutus-utusan lang nila ako ro'n?"

Muling napatawa si Jae Han. "That's basically your job as a waiter, but, okay, Salamat sa effort mo kanina. You even helped us to distract Ludovico."

Agad namang sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Leon, tila tuwang-tuwa nang mapuri ng binata. "That's basically my job, isn't it? Also, we're able to gather important information for tonight, thanks to us."

"I'm a little lost," entrada ni Fabiana matapos ang ilang minutong pananahimik habang nilalantakan ang cornick. "Ga'no ka-importante ang mga nakuha niyong impormasyon?"

Sandaling hinalughog ni Jae Han ang ilang mga dokumentong nakapatong sa mesa malapit sa monitoring area ng van. Abot tenga pa ang ngiti nito nang ilahad sa dalaga ang isang papel kung saan nakasulat ang ilang pangalan, petsa, at pangalan ng mga kompanya.

Kuryosong kinuha ng dalaga ang papel mula sa kaibigan at pinasadahan ito ng tingin. "Ano naman 'to?"

"Anim ang potential bidders ng infrastructure projects sa buong bansa," panimula ni Jae Han. "Tigda-dalawa sa bawat rehiyon, isa ang kukunin para sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

"Mukhang malapit kay Markus ang ilan sa mga bidder. Kung 'di ako nagkakamali, ang iba ro'n, eh, naging business partners pa niya."

Agad niyang naalala si Lars nang mabanggit ni Jae Han ang tungkol sa business partners at mga malalapit na tao sa bise presidente. Agad niyang hinanap ang pangalan nito sa anim na personalidad na nabanggit ng kaibigan, umaasang malalaman niya ang ibang bagay tungkol dito.

Napahinto siya nang makita ang nagngangalang Laurentius Sandoval mula sa listahan. Katapat ng pangalan nito ang pangalan ng kompanyang kinakatawan.

"This Laurentius Sandoval . . ." ani Fabiana at itinuro ang pangalang iyon sa papel. "May nakuha na ba kayong impormasyon tungkol sa taong 'to? Bukod sa kompanyang dala niya—ibang negosyo o kaya relasyon kay Markus?"

"At bakit ka naman biglang naging interesado sa kaniya, Agent March?" Napatitig si Leon sa mukha niya at inayos nito ang pagkakaupo sa swivel chair. Bahagya ring nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "May gusto ka bang sabihin sa 'min? Baka may natuklasan kang iba na p'wedeng maidagdag o kung ano."

Napakunot-noo na rin si Fabiana habang matiim na pinagmamasdan ang pangalan ng lalaki, maingat na pinag-iisipan ang mga susunod na sasabihin at gagawin. Hindi pa rin niya magawang isipin na maaaring kasangkapan din si Lars sa mga ginagawa ni Markus sa pamahalaan.

Siya ang nakaramdam ng panghihinayang para sa binata.

"Nanghihinayang lang ako," paglalahad ni Fabiana at napabuntonghininga nang salubungin ang tinging ipinupukol ni Leon. "Nakilala at nakausap ko na kasi itong Laurentius Sandoval. Ang alam ko, malapit siyang kaibigan ni Markus."

Napatikhim ni Jae Han. "If that's the case, then he'll be considered as one of the accomplices—"

"P'wede bang ako na ang mag-background check sa kaniya?"

Agad na nagkatinginan sina Leon at Jae Han nang sabihin iyon ng dalaga, tila palihim na nag-uusap ang mga ito gamit lamang ang kanilang mga isipan. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at kalituhan. May bumabagabag kaya sa mga ito?

Fabiana couldn't miss the look on Leon's face. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito nang mabanggit niya ang tungkol sa background check na isasagawa kay Lars.

Muli namang ibinaling ni Leon sa kaniya ang atensyon. "Sigurado ka ba, Agent March?"

"Kailan pa ba 'ko hindi naging sigurado sa sinabi ko?" Kunot-noong tinugon ni Fabiana ang tingin na iyon ni Leon. "Bakit parang pinipigilan niyo naman akong gawin 'to?"

"It's not your job to start with," entrada ni Jae Han nang makabalik na ito sa kinauupuan at hinarap ang babae. "Kaya nga nandito si Leonid, nandito rin ako para sa bagay na 'yon. Habang ginagawa mo ang misyon mo, kami ang bahalang mag-imbestiga sa mga tao sa paligid ng target mo."

Napakagat naman si Fabiana sa ibaba niyang labi. "Ipaubaya niyo na sa 'kin ang lalaking 'to."

"Give us a valid reason why we should let you—"

"Jae Han!" asik ni Fabiana at pinandilatan ng mga mata ang binata. "You're overreacting, don't you know that?"

"If you're going to use that voice, then I'll remind you who I am," malamig nitong turan sa dalaga. "Nasa gitna tayo ng misyon. Hindi ka namin pinagbabawalan na makialam pero . . . Fabiana, you have a lot on your plate right now. Being an escort working under your target is a big deal. We can't risk anything to put you in danger."

Tila nahimasmasan naman si Fabiana sa narinig mula sa lalaki. Alam niyang inaalala lamang siya ni Jae Han, alam niyang gusto lang siya nitong pangalagaan. Alam niya kung gaano kabigat at kahirap ang trabaho niya ngayon.

She should be rejoicing the she finally snatched her role back as Markus' escort, she should be relieved that she could finally investigate the death of Yadiel's mom. Ngunit naisip niya si Lars—at mas lalo pang siyang nagkainteres na malaman ang koneksyon nito sa politiko.

"I knew him," pagak na turan ni Fabiana at kumuha ng panibagong canned beer sa mesa. "Ilang beses ko na siyang nakita at nakausap. Alam kong malapit siya kay Markus kaya gusto kong makatulong sa pagba-background check."

"Fabiana, 'wag ka nang magpumilit—"

"Let her, Agent Lark," ani Leon at tinapik sa braso ang lalaki upang putulin ang sinasabi nito. "She wants to help, then let her. Kung siya ang unang susuko dahil sa tambak na trabaho niya, hayaan mo. It's her job and life. Hindi naman tayo ang masasabon ni Mr. R."

There was a hint of mockery on Leon's voice, but she didn't even care. Hindi niya pinansin ang nanunudyong pahayag na iyon ng lalaki dahil mas nangibabaw sa kaniya ang kagalakan dahil nakuha niya ang gustong mangyari.

Running a background check on Laurentius Sandoval shouldn't be that hard. With Markus being her excuse to meet the man often, it wouldn't be hard for her to spy on him. Sana nga lang ay mali ang hinala ng dalawang kasamahan.

Sana nga ay hindi ito sangkot sa mga pinaplano ni Markus. Lubos siyang manghihinayang kung gano'n.

"And the date," pagbabago ni Jae Han ng usapan at itinuro ang papel na nasa tabi ng dalaga. "Ang alam ko, magkakaro'n ng private birthday celebration si Markus. Base sa narinig ni Leonid, imbitado ro'n ang mga malalapit niyang kaibigan. Baka mapag-usapan din do'n ang bidding—"

"May alam ba kayo kung saang hotel 'yan?"

Sabay na napailing ang dalawang lalaki.

"I heard it's somewhere discreet," ani Leon at sarkastikong napatawa. "Alam mo naman ang mga mayayaman, pipiliting magtago sa lugar na 'di maririnig ang mga kalokohan nila sa buhay. Sa kaso ni Markus, hindi imposibleng mangyari 'yon."

Marahas na napabuga sa hangin si Fabiana matapos lagukin ang laman ng canned beer na hawak. Nararamdaman na niya ang sipa ng alak sa kaniyang sistema at mas lalo nitong pinalalakas ang galit na nararamdaman niya.

"Wala naman akong pakialam kung saan niya gustong pumunta," tila naghahamong anas niya sa dalawang kausap. "Kahit sa impyerno pa 'yan, susundan ko siya."

Leon's lips pressed into a thin line. "Good. Umaasa ako na alam mo na ang gagawin mo sa mga susunod na pagkakataon, dahil iiwan namin sa 'yo ang trabahong 'yan. Nagkamali ka na noon, 'wag mo nang ulitin. Don't ever let your emotions win, d'yan ka matatalo."

"Alam ko, kaya nga mas ginaganahan ako ngayon." There's a hint of determination in Fabiana's voice, giving her infamous smirk as she speaks. "Pero isa lang ang hihilingin ko sa inyo. 'Wag na 'wag niyong kukuwestiyunin ang pamamaraan ko sa pagkuha ng impormasyong kailangan ko."

Napataas ang dalawang kamay ni Jae Han na tila sumusuko. "Hands off naman talaga kami sa paraan mo ng pagtatrabaho. Kaso, kilala kita, at alam kong minsan, eh, nagagawa mong biglain ang lahat—"

"I was just doing my job!"

"Okay, that's settled." Gumuhit na rin ang isang ngiti sa mga labi ni Jae Han at muling inginuso ang papel na ibinigay niya sa dalaga. "And while you're at it, you might want to scan the names again."

"What's the catch?"

Humalukipkip si Jae Han. "Just look."

Hindi na nagsayang ng oras ang dalaga ang agad na kinuha ang papel at pinasadahan ito ng tingin, maingat na sinusuri ang bawat pangalan, kompanya, at petsang naro'n. It was the same paper with names that Jae Han gave to her a while ago. Wala namang nagbago ro'n maliban na lang kung . . .

Napako ang mga mata niya sa pangalang nakalista sa pinakahulihan, unti-unting humigpit ang hawak niya sa papel kasabay ng pagtagis ng kaniyang bagang. Paano niya makalilimutan ang pangalang 'yon?

"Amadeus Montoya," pagak niyang sambit at iniangat ang paningin sa mukha ng kaibigan. "The bastard was among the potential bidders? What does he look like?"

Napabuga sa hangin si Leon at umiling-iling. "I wasn't able to recognize because he wasn't around. Siya lang ang wala sa mga nasa mesang 'yon."

"Lima ang kasama ni Markus kanina," paliwanag ni Jae Han. "Isa ang wala at si Amadeus Montoya 'yon, panigurado."

Muling naramdaman ni Fabiana ang poot at galit na lumulukob sa kaniya. Dala na rin siguro ng matinding epekto ng alak, mas lalong sumidhi ang kagustuhan niyang maresolba ang trabahong ibinigay sa kaniya ng ahensya.

Ngayong muli na namang lumutang ang pangalang iyon, alam ng dalaga na malapit na siyang magkaro'n ng malinaw na lead sa pagkamatay ng ama.

All thanks to Markus Fuentanilla.

"Kung sinusuwerte ka nga naman." Napangisi si Fabiana. "Mukhang kilala pa ng taong 'yon ang mag-amang Fuentanilla. Hands off to that bastard as well, ako ang bahalang humanap sa kaniya."

"Alam ko nang sasabihin mo 'yan, kaya sige, ipauubaya ko na ang Amadeus na 'yan sa 'yo."

Fabiana never felt so motivated before. Alam niyang tama ang direksyong tinatahak ng misyong ito, alam niyang mahahanap niya ang taong 'yon hanggang nasa tabi siya ni Markus. She might use the man for her own benefit.

Nagtatagis ang bagang niya habang iniisip ang posibleng koneksyon ni Amadeus kay Luciano at sa pumanaw niyang ama, iniisip niya kung may alam din si Markus sa mga ginawa ng ama nito noon.

Hindi madaling hawakan ang kagaya ni Markus Fuentanilla bilang target. Sa bawat pag-iimbestiga kasi niya rito ay tila nadadagdagan pa ang mga bagay na natutuklasan niya. Mas lalong nadaragdagan ang mga problemang nakadikit dito.

Tila isang maze ang pinasukan ni Fabiana. Hindi niya alam kung saan magsisimula.

Ngunit nangako siya. Nangako siya sa ama na tutugusin ang pananagutin ang mga taong nasa likod ng pagkamatay nito. Nangako siyang ilalagay niya sa sariling mga kamay ang hustisya at si Markus ang magiging alas niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro