Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

Warning: This chapter contains sensitive topics such as violence and physical assault. Read at your own risk.

"DADDY!"

Dumagundong ang magiliw na pagbati ni Yadiel sa ama, kasabay ng pagtakbo nito sa direksyon ng lalaki upang salubungin ito.

"Daddy, you're here! Kasama ko po si Mommy kanina pa."

Mariing napapikit si Fabiana habang hawak-hawak pa rin ang isa sa mga folder na pag-aari ng politiko.

Hindi na niya kailangan pang ipaliwanag ang sarili dahil base sa itsura niya ngayon, hindi makakailang binuksan niya ang vault nang walang pahintulot ng may-ari.

Naramdaman niya ang malakas na pagkabog ng kan'yang dibdib habang pinipilit na pakalmahin ang sarili. She has to maintain her poise. She has to act faster and think of a convincing alibi.

"Yadiel." Mahinahon ang pagtawag ni Markus sa anak. "Okay lang ba kung iiwan mo muna kami rito sa office? May mga bagay lang kaming pag-uusapan ni He—ng Mommy mo."

"Daddy, kakausapin mo na po ba si Mommy na mag-stay dito kasama natin?"

"Yadiel, I said get out." Sa pagkakataong iyon ay mariin na ang bawat salitang binibitiwan ng lalaki. Mahihimigan sa boses nito ang pagkairita. "I'll let you come in once we're done."

Hindi na nagsalita pa si Yadiel sa naging turan ng ama. Narinig na lamang ni Fabiana ang marahang pagbukas at pagsara ng pinto, sensyales na tuluyan nang iniwan ng bata ang opisina.

Napaigtad na lamang siya sa kaniyang pwesto nang mapagtantong silang dalawa na lamang ni Markus ang naro'n sa silid.

Agad siyang nakaramdam ng takot at panlalamig, tila tinakasan siya ng lakas ng loob sa sitwasyong ito. There's no way out for her, ito na siguro ang katapusan niya at ng misyong ito.

Mas lalo siyang kinabahan nang marinig ang mga yabag ni Markus palapit sa kan'ya. Makailang-ulit siyang napalunok na animo'y biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan.

"Hemera." Narinig niya ang malamig na tono ng binata sa kaniyang likuran. "What are you doing here? Anong ginagawa mo sa opisina ko at pa'no mo nabuksan ang vault na 'yan?"

Fabiana felt hopeless. Bukod sa kaba at takot sa kan'yang kaibuturan, pakiramdam ng dalaga ay napako na rin ang mga paa niya sa kinatatayuan. Hindi na rin n'ya kailangan pang harapin ang lalaki dahil maririnig sa boses nito ang galit at pagkabigla sa nasaksihan.

"Hemera, I'm asking you questions. What the hell are you doing here?"

Tila napipi si Fabiana sa simpleng tanong na iyon ng politiko. She was known to be the most clever agent from Inteligencia Anonima. Hindi problema sa kaniya ang makipagsabayan sa mga kapwa agent at subject nito sa pakikipag-usap.

She's the wittiest and smartest among the belles of her agency.

Ngunit sa sitwasyon ngayon, alam niyang hindi niya magagamit ang talentong iyon. She was caught right hand! Paano siya makakatakas dito? Kung mag-alibi man siya kay Markus, mabibigyan kaya siya nito ng pagkakataong magpaliwanag?

She has to be careful with the man around. She has to be mindful of her actions. Hindi na niya dapat ipagsawalang-bahala ang maliit na pagkakamali niya kapag kaharap ang lalaki, lalo na't alam niyang pinaghihinalaan na rin siya nito mula pa kagabi.

"Don't make me wait for your answer, Hemera. Answer me!" Muling humakbang si Markus palapit sa dalaga. "Anong ginagawa mo sa opisina ko?"

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Fabiana bago niya ipinihit ang katawan paharap sa pigura ng binata. Pinilit niya ang sariling ngumiti rito. "I... I was just roaming around—"

"Roaming around?" sarkastikong tanong ni Markus at tumawa ito na tila nanunudyo. "What do you think of my place, Hemera? Amusement park? Bakit mo binuksan ang vault ko?" Nanlilisik ang mga mata ng lalaki nang landasin nito ng tingin ang folder na hawak ng dalaga. "And why you're holding a folder from that vault? Anong kailangan mo sa mga papeles ko?"

Napalunok si Fabiana at habol-hininga itong sumagot. "Na-curious kasi ako sa—"

Binawi ni Markus ang folder mula sa kamay ng dalaga at itinapon iyon sa kung saan. Namilog ang mga mata ni Fabiana nang makita ang mga nagkalat na papel sa sahig.

Yumukod si Markus upang pulutin ang isa sa mga pahina ng dokumento at saka ito pinunit sa harapan ng dalaga.

Napasinghap na lamang si Fabiana habang pinapanood ang paulit-ulit na pagpunit sa papel na iyon hanggang sa isabog itong muli ng lalaki sa hangin.

“You're spying on me, Hemera, aren't you?” Nanunudyong tanong ni Markus habang pinapasadahan ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa. “Tell me, sino ka ba talaga?”

“What are you talking about? I'm not a spy!” Nanginginig ang mga kamay ni Fabiana nang tangkain niyang haplusin ang pisngi ng galit na politiko. “M-Markus, don't look at me like th—Aray!”

Mabilis ang naging takbo ng mga pangyayari. Naramdaman na lamang ng dalaga ang lamig ng pader sa kaniyang pisngi nang idiin siya ni Markus dito, kasabay ng mariing pagpisil nito sa kaniyang braso. Hindi pa nakuntento ang lalaki at tila ipinosas pa ang isa niyang kamay nang hawakan siya nito sa kan'yang palapulsuhan.

Napapikit na lamang si Fabiana nang maramdaman ang sakit sa magkabila niyang braso at kamay.

“You're messing up with the wrong person, Hemera.” Bakas ang pagbabanta sa tinig ni Markus, animo'y bawat salitang binibitiwan nito ay may lason na handang kumitil sa buhay ng kausap nito. “If you think you can win over me, think again. I'm not like the other cheap toys you had before.”

“M-Markus! Markus, hijo de puta! Listen to me, will you?!” Pinipilit ni Fabiana na kumawala sa pagkakadiin ng katawan ng lalaki sa kan'ya ngunit sa huli ay wala rin siyang nagawa. Sadyang malakas ito sa posisyon nila ngayon. “Let me go, you're hurting me! I can sue you for physical assault!”

Dahan-dahang itinapat ni Markus ang kaniyang labi sa tenga ni Fabiana at inihipan ito. Napangisi siya nang mapansing napapikit ang dalaga sa ginawa niyang iyon. “And I can sue you for trespassing and attempted robbery. Don't play around with me, Hemera. Ipapaalala ko sa 'yo kung sino ang binabangga mo.”

“Will you let me explain first? Bitiwan mo ko, Markus! Masakit!”

“You better explain the truth dahil hindi lang 'yan ang kaya kong gawin sa 'yo, Hemera. You don't know me at all.” Niluwagan ni Markus ang pagkakahawak sa palapulsuhan ng babae. “Start explaining yourself.”

Unti-unting naramdaman ni Fabiana ang pagbitiw at paglayo ng lalaki sa kan'yang likuran matapos sabihin iyon.

Makailang-ulit pa siyang huminga nang malalim at pilit na ikinukubli ang kaba sa puso. Ilang sandali pa ay muli niyang hinarap ang binatang nakahalukipkip at matiim na nakatitig sa kan'ya.

The darker shade of Markus' cold greyish-blue eyes speaks a lot and Fabiana doesn't have to be told twice.

Sa ilang beses niyang nakasama ang lalaki sa labas man o sa kama, hindi pa siya nagawang titigan nang ganito ng politiko. Markus looked like he's ready to kill someone through his hard stares.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam si Fabiana ng takot at panliliit habang pinagmamasdan ng binata. She really underestimated the man. Masyado siyang nagtiwala sa sarili na matatalo niya ang lalaki nang hindi pinag-iisipan ang mga kaya nitong gawin sa kaniya. 

Baliktarin man niya ang Pilipinas, hindi nito mababago ang katotohanang kaharap niya ang pangalawa sa tinitingala at nirerespetong lider ng bansa. She's facing the one and only Markus Fuentanilla.

Masyado siyang nakampante at hindi na nakapag-isip ng mas maingat na paraan upang masubaybayan ito.

“Narinig mo naman siguro ako, 'di ba? I said start explaining.” Utos ni Markus na tila nagmamadali. Nagawa pa nitong iangat ang tingin sa wall clock na nasa pader ng opisina bago muling harapin ang dalaga. “Or do you want me to make it harder for you? Magsalita ka na.”

Muling napabuga sa hangin si Fabiana. “Hindi ko gustong pumasok at pakialaman ang opisina mo, Markus, maniwala ka. Nagkataon lang na... naaawa ako sa anak mo. Hinahanap niya ang mommy niya, anong gagawin ko?”

“So, do you think that's an enough alibi for me to believe your lies, Hemera?”

“It's not an alibi! Hindi ako nagsisinungaling!” Hindi na napigilan ni Fabiana ang pagragasa ng luha sa magkabila niyang pisngi at mariing itinuro ang direksyong dinaanan ng bata nang lumabas ito ng silid. “You weren't there when he called me his mom. You weren't there when he hugged me, kept telling me how he missed me kahit hindi naman ako ang nanay niya! Kung 'di ka naaawa sa bata, ibahin mo 'ko, Markus!”

Habol-hiningang tinapunan ng tingin ng dalaga ang lalaking tila napako sa kinatatayuan nito. Napansin niyang kumuyom ang dalawang kamay ni Markus at walang imik itong nakatitig sa mukha niya. He’s still wearing the same cold expression on his face.

Balot ng katahimikan ang apat na sulok ng opisinang iyon at walang ibang maririnig sa loob kung ’di ang agresibong paghinga ng dalawa.

Kapwa nilang pinagmamasdan ang mukha ng bawat isa, tila nagpapakiramdaman sa mga susunod na mangyayari.

Ramdam pa rin ni Fabiana ang kabog ng kaniyang dibdib habang nakatingin sa mukha ng binata. Hindi siya magpapahalata ng nararamdaman. Hindi siya maaaring mabuking nito.

Mariing napapikit si Markus at tinalikuran ang dalaga. “You shouldn't have known, Hemera! Joder!” Bahagyang napapikit si Fabiana nang marinig ang malakas na kalabog ng coffee table. “You weren’t supposed to know!”

“Do you think I'll tell the public about it?” ganting tanong niya sa lalaki. “I know my limitations. I know my place—”

“Magkano ang kailangan mo?”

Naningkit ang mga mata ni Fabiana sa narinig. “Excuse me?”

Muli siyang hinarap ni Markus at sa pagkakataong iyon, nagawa na siyang ngisihan nito habang may binubunot mula sa bulsa ng suit na suot. Iwinagayway nito sa ere ang isang cheque book. “Name your price. Magkano ang gusto mo kapalit ng pananahimik mo?”

“Binabayaran mo ba ’ko?”

“I am. What do you think?” sarkastikong tugon ng lalaki habang binubuklat na nito ang cheque book. “Hurry up, Miss Alonzo. I don't have all day.”

“I don't need your money. I told you I'm not going to tell the public about your son, bakit ’di mo ’ko pinakikinggan?!”

Iniangat ni Markus ang paningin sa mukha ng galit na dalaga at kapagkuwa’y napakibit-balikat ito. “I’m listening, I can hear you pretty well. I just don't trust you enough, Miss Alonzo.” Pilit itong tumawa at pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan ng kausap. “Did I make myself clear? I don't trust you with my affairs like this. Ang trabaho mo lang ay maging escort ko, ’yon lang. H’wag ka ring mangialam sa personal kong buhay.”

“I don't care about your–” Sumenyas si Fabiana ng quotation mark gamit ang mga daliri nito. “–other affairs besides our deal. I only care about your son. Magkaiba ’yon.”

“Do you really care about Yadiel? O mas interesado ka tungkol sa tunay niyang ina?” Umarko ang gilid ng mga labi ni Markus at humakbang palapit sa dalaga. “Now tell me, what's your motive?”

“I don't have any motives—”

“You're lying!” Agad na pinalandas ni Markus ang kanang kamay niya sa leeg ng dalaga at marahang idiniin ito. “Sa lahat ng nakita ko ngayong araw, Hemera, alin ba do’n ang dapat kong paniwalaan?”

“M-Markus... let me g-go!” Hinampas-hampas ni Fabiana ang politiko sa dibdib. “I-I can't breathe! B-Bitiwan mo ’ko, Markus!”

“Should I really?” Inilapat ni Markus ang mga labi sa kanang panga ng nagpupumiglas na babae at sinipsip ang isang parte ng balat do’n hanggang sa magkaroon ito ng marka. “I really thought you like it when I choke you?”

“Bitiw, Markus! Hindi ako—hindi ako makahinga!”

Marahas na itinulak ni Markus ang dalaga palayo sa kaniya at makailang-ulit pang pinasadahan ng tingin si Fabiana.

Fabiana felt like she's about to face her death. Kung hindi siguro siya binitiwan ng lalaki mula sa pagkakasakal nito, marahil ay malalagutan na siya ng hininga. Napakapit siya sa kaniyang dibdib at pilit na pinakakalma ang sarili habang nakatanaw sa pigura ng politiko.

Walang imik na pinulot ni Markus ang cheque book sa sahig. Ilang sandali pa ay naglakad din ito palapit sa vault at pabagsak na sinara ang maliit na pinto nito.

“I guess you're firing me?” Naiilang na sambit ni Fabiana nang muling magtama ang paningin nila ng lalaki. “I mean, tapos na ang trabaho ko bilang escort mo?”

Malamig siyang tinitigan ni Markus.

“I'm sorry,” ani Fabiana at napahinga nang malalim. “I should've stayed quiet. Hindi ko alam na ganito pala ang magiging consequences ng pakikialam ko...”

“Damn it! Magpapaalam ka na lang sa trabaho mo, may ganito ka pang sasabihin sa ’kin.” Napansin ni Fabiana ang pag-igting ng panga ng politiko. Matalim ang tingin nitong iginawad sa kaniya. “Don't apologize, Miss Alonzo. Nakokonsensya ako sa ginawa ko.”

“But it's—”

“What I did was unheard of. I'm sorry, I lost control and I don't want to explain myself further. I hurt you...”

Awtomatikong namang napahawak si Fabiana sa leeg niya. Napalunok pa siya nang maalala kung paano siya nagawang saktan ng politiko. Pakiramdam niya ay nakaimprenta ro’n ang kamay ni Markus. “Markus—”

“Hemera.” Malalim na napabuntong-hininga si Markus at hinawakan ang babae sa magkabilang balikat nito. “You've seen the dark side of me. And there's no sense of staying as my escort because I broke the agreement already. It was unjust to hurt an escort during the course of the service.”

Napailing si Fabiana at huminga nang malalim. Hindi siya puwedeng sumuko sa misyong ito. Hindi niya pupwedeng pakawalan ang tanging pagkakataon upang mapalapit sa politiko.

Being his escort is the only ticket to expose his wrong deeds! Masasayang lang ang pinaghirapan niya kung susukuan niya ang misyong ito.

Sumumpa siya na ipagpapatuloy ang trabaho kahit buhay pa niya ang magiging kapalit nito.

Nangako siya sa ama na ibibigay nito ang hustisya sa pamamagitan ng pagiging malapit sa anak ni Luciano Fuentanilla. She made a promise! She committed her life to this mission to avenge her dad's death.

“So anong gagawin mo?” naghahamong tanong niya sa lalaki. “You'll terminate our agreement and then what? Hahanap ka ng bagong escort?”

Umiling-iling si Markus at napahilot ito sa kaniyang sintido. Bakas sa mukha ng lalaki na hindi bukal sa loob nito ang desisyong pakawalan ang dalaga. “I don't think I have to tell you about it, Hemera. What will happen after we terminate our agreement won't concern you anymore.”

“Hijo de puta!” Inis na kinuwelyuhan ni Fabiana ang kaharap at sinamaan ito ng tingin. “I want to stay, Markus. I want to! Bakit ba ikaw naman 'tong tumutulak sa 'kin palayo?”

“Because I hurt you! Ano bang hindi mo naiintindihan sa sinabi ko, Hemera? I hurt you! Nasaktan kita! If Yadiel saw me earlier, may magbabago kaya sa tingin niya sa 'kin? He'll think that I hurt his mom!”

“So that's the solution, then? You'll terminate our agreement because of what happened today? You'll cut ties with me and will let me walk away as if nothing happened? As if I didn't meet your son?”

Mapait na napangiti si Markus. “You're obligated to do anything with my son, Hemera. I understand the concern, thank you. But this—we're done.” Inayos nito ang pagkakalukot ng suot na damit. “I'll let my legal department to send you the termination contract. Ipapadala ko na rin sa agency para 'di ka na mahirapan—”

“You can't.” pagmamatigas ni Fabiana kasabay ng pagkuyom ng mga kamay nito. “You can't do that.”

“I can and I will. There's nothing you can do to change my mind, Hemera.”

Napalunok si Fabiana at saglit na napatahimik. Kailangan niyang gawin ang kahit anong paraan para lang mabantayan ang bawat galaw ni Markus. Kailangan pa niyang isiwalat ang mga tinatago nito.

Hindi siya maaaring mabigo sa misyong ipinagkatiwala ng Dark Room Agency. Nakataya rito ang pangalan niya. Nakataya rito ang pagiging agent niya.

Muli niyang iniangat ang tingin sa mukha ng politiko. Kanina pa pala ito nakatitig sa kaniya. “Gagawin mo pa rin ba ’yon kahit sabihin ko sa 'yong willing akong tumayong ina ni Yadiel pansamantala?”

Fabiana swore that Markus looked like he had seen a ghost for the first time.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro