Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

NAMILOG ang mga mata ni Fabiana nang tuluyan niyang mapasok ang loob ng opisina ni Markus. Hindi rin niya napigilang mapangiti habang maingat na iniisa-isa ang bawat muebles na naro'n.

Markus really has an impeccable taste. Makikita sa mga kagamitang naro'n sa loob ng kaniyang opisina ang pagiging sopistikado at pihikan nito sa lahat ng bagay.

His office gives off a masculine and minimalist vibe, 'yong tipong pagpasok mo pa lamang sa loob ay alam mo nang hindi lang kung sino ang gumagamit nito.

He just have that kind of demeanor. Kaya't hindi na rin nakapagtataka na maging ang opisina niya ay ganito rin ang inilalabas na enerhiya.

Markus can be really intimidating, so much for a politician serving for years.

"Mommy, bakit po tayo nandito?" kuryosong tanong ni Yadiel matapos nitong maisara ang pinto at agad na lumingon sa dalaga. "Kailangan n'yo po ba ng tulong ko?"

Bahagyang napangiti si Fabiana nang magtama ang paningin nila ng bata at umiling-iling ito. "Don't worry, Yadiel. I'm good alone here. Upo ka muna ro'n habang may hinahanap ako, okay?"

"Are we going to do treasure hunting sa office ni Daddy po?"

Treasure hunting? More like finding evidences against your dad, hijo. "Hmm... you could say that. But this kind of treasure hunting is for adults only, Yadiel. You can't join yet, baka magulo mo 'yong gamit ng daddy mo rito."

"Oh, okay." Sumimangot ang bata at pabagsak itong naupo sa single seater sofa na nakapwesto malapit sa blinds ng opisina ng ama. "Magtatagal po ba tayo dito sa loob, Mommy?"

"Hindi naman siguro, anak. May kailangan lang akong hanapin na mahalagang bagay tapos lalabas na rin tayo," ani Fabiana at sinimulan nitong tunguhin ang bookshelf ng lalaki.

Maingat niyang sinipat ng tingin ang mga librong maayos na nakasalansan sa four-storey shelf na iyon, tila pinakikiramdaman ang bawat paligid.

Markus has a wide collection of non-fiction books, mostly about politics and philosophy. May mga libro ring tungkol sa iba't ibang lugar sa mundo, mga taong naninirahan dito at maging ang tungkol sa kultura ng bawat bansa. Nabasa na kaya ng lalaki ang lahat ng ito?

"Leon, Jae Han," marahang tawag ni Fabiana sa dalawang lalaki sa kabilang linya habang kinakalikot ang suot na earpiece. "Nakapasok na ako sa loob ng opisina ni Markus. Ito 'yong sinasabi mong storage area kanina, Leon. Na-block mo ba ang CCTV dito?"

Saglit pang tumahimik ang linya ng dalawa. Tanging ang marahas na pagtipa lamang sa keyboard ang maririnig dito at mahinang boses na sa tingin ni Fabiana ay mula kay Jae Han.

May mga sinasabi itong terminolohiya sa kausap na hindi maintindihan ng dalaga.

"You told Peralta not to, but we insisted to block it anyway." kumpirmasyon ni Jae Han at mahina pa itong napatawa. "Don't worry about it. Basta kapag nasabi na naming kami ang bahala, leave it to us. Just do your job, Agent Ma—"

"You're starting to use that code name on me as if we don't know each other, Jae," natatawang sagot naman ng dalaga at binuklat ang isang hardbound na libro. "Someone's starting to grow on you."

"I shouldn't have helped you here," inis na napabuga sa hangin ang binata. "I'm just getting into the vibe of working once again. How about you? How's your life being an instant mom?"

Siya naman ang napaungot dito bilang pagprotesta. "Don't mention it, Jae. I have to balance this mission and the sake of that child. You know I don't involve kids in my mission kaya kailangan kong bilisan ang pagkuha ng kung ano man ang ebidensya rito."

"I know. Matagal na rin tayong magkatrabaho, Fabiana." Napabuntong-hininga si Jae Han mula sa kabilang linya. "I also know that you don't want that kid to witness how bad his dad was, pero ipapaalala ko lang sa 'yo na inaasahan ka ng Dark Room Agency. This is your first mission under the team kaya galingan mo."

Maagap na nilingon ni Fabiana si Yadiel na kasalukuyang nakaupo pa rin sa sofa. Abala ito sa pagbuklat ng magazine mula sa coffee table book ng ama at paminsan-minsan ay napapangiti pa ito kapag lumilingon sa kaniya.

Kaagad din niyang ginagawaran ng matamis na ngiti ang bata kasabay ng tila pagkadurog ng kanyang puso.

Hindi niya gustong idamay ang bata sa misyong ito, ngunit kailangan niyang unahin ang trabaho higit sa lahat.

Kailangan niyang ipakita sa Dark Room Agency na hindi ito nagkamali sa pagkuha sa kanya. Kailangan niyang magpakitang-gilas sa mga ito. Kailangan niyang mapatunayan at isiwalat ang mga tinatago ni Markus Fuentanilla.

Kailangan pa niyang maipaghiganti ang ama.

"I've been told, Jae Han." Umiling-iling ang dalaga at muling ibinalik ang libro sa tamang ayos nito. "Alam 'ko naman ang trabaho 'ko rito. I was just telling you na nakokonsensya ako, Jae. It's normal, right?"

"If the kid is involved, I get where you're coming from, Fabi. Kaso, isipin mo na lang na mas marami ang magpapasalamat sa 'yo kapag naisiwalat mo na ang lahat-lahat tungkol sa Markus Fuentanilla na 'yan,"

"You're saying this to convince me, aren't you?" Pilit ang naging pagtawa ni Fabiana. "I know the course of this mission, Agent Lark. May mga bagay lang talagang hindi inaasahan. You know, we have to act faster and expect the unexpected."

"Hmm, I get it," pagsang-ayon ng binata. "But I'd like to remind you that this mission is important. H'wag kang lilihis sa orihinal na plano, Fabiana."

As cruel as it sounds, Jae Han made a big point. Bago pa man niya malaman ang tungkol sa tinatagong anak ni Markus sa publiko, ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi siya magpapaapekto sa anumang impormasyon na makakalap niya.

Ipinangako niyang pananatilihin niya ang kredibilidad bilang agent ng Inteligencia Anonima. Mahalaga sa kaniya ang paunang misyon na ipinagkatiwala ni Mr. R at ng buong Dark Room Agency.

Her reputation as an agent is at stake. Hindi s'ya puwedeng magpadala sa awang nararamdaman para sa bata.

Kahit pa alam niyang inosente ito at walang koneksyon sa mga ginagawang kabulastugan ng ama.

"Yes, I won't. Ngayon ka pa ba nagduda sa 'kin, Park Jae Han?" Pinilit na lamang ni Fabiana na ibahin ang usapan at biniro na lamang ang kausap. "Ano ba 'yan, parang hindi mo naman ako kilala."

"Hindi pa ba kita makikilala sa lagay na 'yan, Fabiana? It's been years pero wala pa ring nagbago. Matabil pa rin 'yang dila mo. Kunsabagay, Markus Fuentanilla liked it so much that he can’t—"

"Vete al demonio!" Inis na sagot niya sa lalaking nagsimula nang tumawa mula sa kabilang linya. Sinamaan pa niya ng tingin ang isang libro na animo'y ito ang kausap. "Hindi na kita kakausapin. Adios!"

Hindi na niya hinihintay pang makasagot si Jae Han at agad na niyang pinindot ang mute setting ng suot-suot na earpiece. Kailangan niyang bilisan ang paggalugad sa opisina ng politiko. Hindi siya dapat magtagal do’n.

Binalingan niya ang office table nito at maingat na ininspeksyon ang ilang papeles na naro’n, kabilang ang isang logbook. Napansin din ni Fabiana ang mga kopya ng sari-saring dokumento na maayos na nakasalansan sa file folders.

Karamihan sa mga iyon ay kopya ng mga dokumentong pirmado ng ilang senador, gabinete at ng pangulo mula sa nakaraang administrasyon. Marahil ay ilan ito sa mga proyekto ng pamahalaan na ipagpapatuloy ngayon.

Abala siya sa pagbuklat ng mga pahina nang malaglag sa kanyang paanan ang isang larawan.

Noong una, hindi niya ito pinansin at inisip na normal iyon sa mga nasa Senado kapag natatapos ang isang joint session kasama ang Kongreso. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang nasa larawan.

It was Markus and his alleged girlfriend. Magkasama ang dalawa sa litrato at halatang masaya ang binata habang nakaakbay ito sa estranghera.

Pilitin mang kilalanin ni Fabiana ang mukha ng babaeng kaakbay ng politiko, hindi ito naging madali. Hindi iyon magiging madali para sa kan’ya.

Someone smudged and ruined the face of the woman from the photo. Tila sinadya itong gawin upang hindi na ito makilala ng sino pang titingin sa larawang iyon.

Ngunit sino ang gumawa nito?

“Markus Fuentanilla,” bulong ni Fabiana sa sarili habang pinapasadahan ng kan’yang hinlalaki ang sinirang mukha ng babae sa litrato. “Sino ka nga ba talaga at bakit ayaw mong ipakita ang mukha ng girlfriend mo? Ano ang alam mo sa pagkamatay niya?”

Gusto niyang malaman ang totoong nangyari sa kaawa-awang dalaga. Gusto niyang malaman kung isa si Markus sa dahilan ng pagkamatay nito. Gusto niyang mabigyan ng hustisya ang pagpanaw nito kung namatay ito sa kamay ng mga taong walang puso.

Alang-alang sa nag-iisang anak nito.

Mabilis na kinuha ni Fabiana ang portable camera na naka-strap sa hita niya at palihim na kinuhaan ng larawan ang ebidensyang hawak.

Sinunod niya ang ilang dokumentong may koneksyon naman sa ilang infrastructure projects ng nagdaang administrasyon. Hindi rin niya pinalampas ang pagkakataong makuha ang isang kontrata na pirmado ni Luciano kasama ang ilan pang nasa bid—kabilang na ang kan’yang ama.

Naramdaman ni Fabiana ang panunubig ng mga mata, kasabay ng tila pagpiga sa kaniyang puso. Bigla niyang naaala ang pumanaw na ama.

“Mommy ko,” nag-aalalang tawag ni Yadiel mula sa kung saan. “okay ka lang po ba? Nahanap n’yo na po ba ’yong kailangan mo sa office ni Daddy?”

Awtomatikong iniangat ni Fabiana ang ulo niya at nilandas ng tingin ang pigura ng bata. Nakatayo na pala ito at malayo sa sofa kung saan niya ito pinakiusapang manatili.

Agad din niyang pinahid ang mga luhang nagbabadyang kumawala anumang oras at tipid na nginitian ang nag-aalalang bata. “Ayos lang ako, Yadiel. May naalala lang ako...”

“Nahanap mo na po ba ’yong treasure sa office ni Daddy?”

“Treasure?” Napahilot siya sa kan’yang sintido nang mapagtanto ang ibig sabihin ng batang lalaki. “Ah, eh... hindi pa e. Pero may mga nakita akong iba. Bakit? Gusto mo na bang lumabas?”

Unti-unting lumapad ang pagkakangiti ni Yadiel at tinuro nito ang vault sa kan’yang kanan. “Mommy, baka dito mo po makuha ’yong treasure na hinahanap mo! ’Di ba ganito ’yong mga nasa TV?”

Kunot-noong naglakad ang dalaga papunta sa direksyon ng bata at makailang-ulit na nagpabalik-balik ang tingin nito sa vault at sa nakangiti pa ring si Yadiel.

Bakit hindi niya iyon napansin agad?

“Yadiel, matagal mo na bang alam na may vault sa office ng Daddy mo?” Malalim na napabuntong-hininga si Fabiana at tinaasan ng kilay ang bata. “Baby, be honest. I'm just asking you.”

Napangiwi si Yadiel at mabilis itong umiling-iling. “Nakita ko lang po ngayon, Mommy. Promise po! ’Di pa po ako nakakapasok sa office ni Daddy, ngayon lang.” Unti-unting lumiit ang tinig nito na parang natatakot. “Magagalit po ba siya sa ’kin?”

Fabiana suddenly felt bad. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nakagawa ng kasalanan ang bata sa ama nito. The office was clearly off-limits, but she did ask the kid anyway. Muli niyang naramdaman ang kirot sa kan’yang puso—hindi dahil sa ama, kundi para kay Yadiel.

Bigla siyang inusig ng konsensya dahil sa ginawa n’ya. Ngunit alam niyang wala nang ibang paraan upang mapasok ang silid na iyon.

“No, of course not.” Paninigurado niya sa bata at hinaplos-haplos ang ibabaw ng buhok nito. “Kung magagalit man ang Daddy mo, alam kong sa ’kin siya magagalit at hindi sa ’yo, Yadiel, okay?”

“Kapag nagalit po si Daddy sa ’yo, hindi na po ba tayo magkakasama ulit, Mommy ko?”

Napatingala si Fabiana at humigit ng hangin. Paano n’ya ilalayo ang loob ng bata sa kan’ya upang hindi ito makasagabal sa plano? Napahinga pa s’ya nang malalim at muling tiningnan ang bata. “Hindi ba’t ang sabi ko ay kakausapin ko ang Daddy mo tungkol do’n?”

“Natatakot lang po ako, Mommy. Gusto ko na po rito. Gusto ko na po kayo makasama palagi ni Daddy,”

Marahang ginulo ni Fabiana ang buhok ni Yadiel at nginitian ito. “I'll see what I can do, okay, baby? Now hush. Don’t worry about your Daddy.” Binalingan niya ang itim na vault. “Now what is this vault again?”

“Baka po nand’yan ’yong treasure, Mommy!” Bumalik na din ang ngiti sa labi ni Yadiel habang turo-turo ang vault. “Check mo po, please!”

Natatawang umiling si Fabiana at ipinihit ang katawan paharap sa itim na vault habang matiim itong  pinagmamasdan. “Kaso may code, Yadiel. Alam mo ba ang password sa vault?”

“Hmm...” Iginala ni Yadiel ang mga mata sa buong paligid ng opisina bago ito humarap sa babae. “I don’t know po, Mommy. Pero you can try Daddy's birthday, birthday ko o kaya birthday mo po.”

Pinasadahan niya ng tingin ang passcode input na nasa vault, tahimik na binubuo ang mga posibleng kombinasyon. Maging siya ay tila tinamaan ng kuryosidad sa maaaring laman ng metal na kahon.

Posible nga kayang narito ang mga ebidensyang makapagtuturo sa mga anomalya sa bidding ng bawat imprastraktura na kinasasangkutan ng ama nito?

Narito rin kaya ang mga sikretong tinatago ni Markus na may kaugnayan naman sa pagpanaw ng dati nitong nobya? Ano kaya ang mga makikita niya sa loob?

“Behave ka, Yadiel. Ako na ang bahala, okay?” Saglit niyang nilingon ang bata bago nito sinubukang mag-encode ng password. Sinimulan niya ang numeric version ng pangalan nito.

Access denied.

Sunod naman niyang inilagay ang kaarawan ng politiko kagaya ng suhestiyon ni Yadiel.

Access denied pa rin ito.

“Your dad is an asshole,” natatawa niyang biro sa kasamang bata habang naiiling-iling ito. “Sana’y h’wag ka nang sumunod sa yapak niya.”

“Ano pong sabi mo, Mommy?”

“It was nothing. Iniisip ko lang kung anong pwedeng maging password nitong vault.” Napasalampak na si Fabiana sa sahig at napakibit-balikat ito. “Ang hirap naman kasing hulaan nito.”

“Mommy, try putting my birthday po,” suhestiyon nito. “Baka gumana.”

Napabuga na lamang sa hangin si Fabiana. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan niyang makinig sa bata. “Okay, susubukan ko. Anong birthdate mo, Yadiel?”

“’Di ba po dapat alam mo ’yon, Mommy?”

Joder! The kid has a point. Kailangan niyang paniwalain ang bata sa ngayon na siya ang ina nito. Baka kasi magsumbong si Yadiel sa ama kapag isinawalat niya ang totoong pakay niya.

She has to hold on with her lies hangga’t hindi pa niya nakukuha ang mga ebidensyang kinakailangan upang maisiwalat ang mga tinatagong eskandalo ni Markus.

Ngunit paano naman niya huhulaan ang kombinasyon ng kaarawan nito? Think faster, Fabiana. Think!

Sinubukan niyang pindutin ang 10-3-16 sa input ng vault.

“Mommy, look! Gumana po!”

Napahinga na lamang si Fabiana nang malalim makaraang kumpirmahin ng vault ang password na in-encode niya rito.

She's one step closer from discovering the secret of Markus Fuentanilla. Lihim siyang napangiti dahil do’n.

“Mommy...” tawag ni Yadiel habang hila-hila ang laylayan ng suot niya. “May laman po bang treasure ’yong vault ni Daddy? Ano po ’yong nasa loob?”

Hindi na nagsayang pa ng oras si Fabiana at agad na binuksan ang itim na vault.

Tumambad sa kan’ya ang mga file folder na maayos na nakasalansan sa loob. Maingat din itong nakagrupo base sa kulay ng mga sticky note na nakadikit dito.

Napakunot-noo na lamang si Fabiana nang kunin ang isa sa mga ito at tahimik na binuklat. Ilan ba ang mga dokumentong hawak ng politiko? At bakit kailangan itong ihiwalay sa iba pang papeles na nasa mesa nito?

Posible nga kayang...

“Hemera, Yadiel.” Dumagundong ang baritong boses ng isang lalaki sa pintuan ng opisina. “What are you two doing here?”

Hindi na kailangan pang lingunin ni Fabiana kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

With that low yet clear authoritative voice, she knew that she can recognize that voice anywhere.

And for the second time around, she's been caught.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro