Kabanata 1
MALAPAD ang pagkakangiti ni Fabiana nang buksan nito ang two-way door patungong shower area ng private rest house kung nasa'n siya no'ng mga oras na iyon.
She instantly felt relaxed habang iniisa-isa n'ya ang mga gagawin sa lugar na ito to kill her time and maybe, just maybe, have some relaxation day matapos ang trabaho.
Being an agent isn't about fake identities, holding guns, or sending someone to jail, at least if you're working under the partnership of Dark Room Agency.
Nagawa pa nga niyang magbiro sa sarili na parte ito ng compensation ng ahensya para sa mga agent na kagaya n'ya, tila isang bonus o benepisyo na natatanggap nila sa bawat misyong nagagampanan. Pampalubag-loob, ia nga nila.
It's been three years. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang bumalik s'ya sa Seville upang hanapin ang sarili matapos mamatay ang kanyang ama, dala-dala ang kagustuhang maipaghiganti ang pagkawala nito.
At sa paraang 'yon siya nagkaro'n ng ugnayan sa Dark Room Agency, courtesy of Jae Han.
Sa loob ng mga nakalipas na taon, itinuon niya ang sarili sa pagpapabuti sa larangan ng paghawak, paggamit at pagkilatis ng iba't ibang uri ng baril at armas, pakikipaglaban gamit ang pisikal na katawan at maging bihasa sa telekomunikasyon.
For the past three years, she learned so much about being an agent, about discovering what she wants-and that is to avenge her father.
Mas lalong sumidhi ang kagustuhan niyang bumalik ng Pilipinas. Hindi na siya makapaghintay na muling makaharap ang taong isa sa dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal niyang ama.
She can't help but to be thrilled sa mga bagay na nais niyang gawin dito. She wants to see him suffer, she wants him gone by her own, filthy hands. Gusto niyang makita sa dalawa n'yang mga mata ang nakaluhod na si Luciano Fuentanilla, begging for his life.
"How's my favorite agent? I hope you're living your life kung nasa'n ka man ngayon sa Seville," pagbibiro ni Jae Han sa kabilang linya. "Alam 'ko namang you'll still enjoy in your own ways. Bakit 'ko ba nga nasabi 'yon?"
Napatawa si Fabiana sa tila self argument na 'yon ng lalaki, naiiling-iling habang pinagmamasdan ang mga bulang bumabalot sa kanyang katawan. "Bakit mo nga nasabi 'yon, Jae? And why are you calling me at this point of the day? Nagtatrabaho ka ba o iniinis mo lang ako?"
"Someone's really concerned, huh? Masama bang kumustahin 'ko ang paycheck 'ko?" ganti naman ni Jae Han bago ito napahagalpak ng tawa.
Fabiana could only imagine the guy laughing over the phone kaya't napairap na lamang siya. If she's around the headquarters, hindi ito makapagbibitaw ng gano'ng pang-aasar sa kanya. "Hijo de puta. You really want to make fun of me, don't you? Now that you're able to talk to your paycheck, pwede 'ko na bang malaman kung anong kailangan mo sa'kin?"
"Now that's really offensive," There was a sudden change in Jae Han's voice. Tila nagtatampo na ito. Bastard, of course, she knows that he's still messing up with her. "Gusto lang kitang kumustahin at i-congratulate na rin. Balita 'ko, masyado mo na namang ginalingan."
Umarko ang magkabilang gilid ng labi ni Fabiana sa papuring iyon ng lalaki, the glint in her eyes spoke a thousand and one words. Muli rin n'yang naalala ang misyong ibinigay sa kanya ng ahensya no'ng isang buwan. "I just strive for the excellence, Jae. You can't blame me."
"Tell me what you did this time? Sa pagkakarinig 'ko, matinik na fugitive ang Russo na 'yon. Who could've thought na ikaw lang pala ang makakapagpaluhod do'n?"
Fabiana took a long sip on her red wine bago sagutin ang tanong ng lalaki. Maging s'ya ay nahirapang makuha ang loob ng Adrik Vassiliev na 'yon sa unang isang linggo na nakilala niya ito.
The man has a serious trust issues, bukod pa do'n ay napakagaling nitong magpaikot ng mga sinasabi niya, tila sinusubukan nitong malaman kung niloloko siya ng kausap o hindi.
But to his misfortune, nakatapat pa niya si Fabiana. The woman knows how to communicate with people like him, kaya't hindi siya nahirapang pasakayin ito sa kanyang plano.
"What do you think did I do, Jae? Of course, sex lang katapat ng gagong 'yon," she rolled her eyes in disgust, glaring at herself from the large mirror na nakaharap sa bathtub na kinapupwestuhan n'ya. "And I'm telling you, kung alam kong 'yon lang pala ang solusyon to pin him down, sana e matagal 'ko nang ginawa. Nasayang lang oras 'ko."
Muli na namang napatawa si Jae Han mula sa kabilang linya, his laugh is too contagious kaya't maging si Fabiana ay napahalakhak na rin dahil do'n, her laughter fills the thin Seville air.
Palagi namang sa gano'n nauuwi ang bawat misyon n'ya. Most of her subjects are men, and they always crave for sex. Sino nga ba s'ya para pigilan ang tawag ng laman?
She has her needs and there were days na kailangan n'ya ng physical intimacy to satisfy her desire kaya't iniisip n'yang parte ng stress reliever ang mga nakakasiping n'ya.
At least she's doing them a favor, right? She can let them experience heaven before they rot in hell.
"That is so Fabiana Castilejo. That is so you," pagsang-ayon ng lalaki. "No wonder why he fell into your trap, you minx. And you've grown a lot since we met, so kailan tayo magkikita ulit?"
"For someone serving as your paycheck, parang masyado ka naman atang friendly?"
"Ssi-bal," usal nito at napabuga ng hangin ang lalaki. "I'm serious. It's been years since you left the country to stay in Seville. 'Di naman sa nagrereklamo ako, but what about-"
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Fabiana. Humigpit din ang pagkakahawak n'ya sa leeg ng wine glass, all while trying to calm herself not to lash out. Kung alam lang ni Jae Han, gustong-gusto na n'yang umuwi ng Pilipinas. "I know, Jae. Kating-kati na rin akong umuwi at makaharap ang Lucianong 'yon."
"So when?"
"Kapag natapos 'ko na ang mga dapat kong asikasuhin dito. You know I can't just leave Seville without clearing my traces. Mahirap na. Baka may makatunton pa sa'kin."
Jae Han let out a long, frustrated sigh. "Hindi ba't may department na naka-assign para gawin 'yon? After all, Dark Room Agency vows to assist their agents after their mission."
Hindi umimik ang dalaga at tinungga na lamang ang natitirang laman ng wine glass na iyon. Jae Han has a point.
Nang pumirma s'ya ng kontrata sa naturang ahensya, ipinaliwanag nitong hindi n'ya dapat ipag-alala ang mga maiiwang bakas sa bawat misyong gagawin.
The agency is too organized that they formed a department to clear the agent's traces in every places habang aktibo ang misyon nito. So bakit hindi pa rin s'ya umaalis sa Seville?
This place reminded her of her beloved mother. Seville was too memorable for her late parents. Dito nagkakilala ang mga ito at naunang nangarap na bumuo ng pamilya.
Seville was also her birthplace, ngunit napilitan silang mag-migrate sa Pilipinas dahil sa trabaho ng kanyang ama.
Seville held a special place in her heart, kaya't nang muli s'yang makabalik dito ay hindi n'ya napigilan ang sariling sariwain ang lahat ng mga alaala niya sa lugar na ito. It was a bittersweet moment, yet she treasured every part of it. Ito na lamang ang nag-uugnay sa kanya at sa mga magulang n'ya.
"Once I'm done here, Jae," mariing pangangatwiran niya sa kausap. "It'll be sooner, so wait for me. For the meantime, magkasya ka muna sa pakikipag-usap sa'kin through phone."
"You're impossible. Kung hindi lang ako bayad dito, malamang hindi na kita pinansin-"
Napairap si Fabiana kahit hindi naman siya nakikita ng lalaki, ngunit naro'n pa rin ang sumisilay na ngiti sa labi n'ya. Kahit kailan talaga, Jae Han really knows how to push her buttons. "Lumabas din ang katotohanan that you're just using me for your own benefit."
"I thought you're aware of it?" Muli namang natawa si Jae Han bago bumalik sa pagiging seryoso ang toni nito. "But please, if you can go home as early as you can, do so. Your suspects are still alive and free, Fabi. I'd like to remind you about it."
"Alam 'ko. Hindi ako nakakalimot, Jae."
"Good. Because you've come so far and waited long enough. Ayokong masayang ang lahat ng pinaghirapan mo nang gano'n-gano'n lang."
Fabiana smiled through the phone, lips pressed into a thin line. Nakahanap s'ya ng unexpected friendship sa taong inakala niyang hindi n'ya makakasundo.
People come and go, but Jae Han stayed. Hindi na niya naisip na magkakaro'n siya ng matatawag na kaibigan sa industriyang kinabibilangan niya. But life comes in unexpected surprises, right?
"I hate it how you turned into mush all of a sudden." komento ni Fabiana na siyang ikinasighal ng lalaki sa kabilang linya. "But soon, Jae. I'll be back soon."
"As you should. I'm so done being the agency's IT personnel. I just wanted to go back to fieldwork, just like before. Wala nang excitement ang buhay 'ko."
Nagkibit-balikat ang dalaga at napahilot ito sa kanyang sintido. Jae Han is really stubborn. Matagal na kasi n'yang pinayuhan ito na maging agent na lamang sa halip na magtrabaho sa headquarters. "Matagal 'ko nang nasabi 'yan sa'yo, Jae. Yet you didn't listen to me."
"I'm sorry, Mom," biro nito. "But being an agent isn't for me. I tend to give commands than to obey. Anong akala mo sa'kin, papayag na mag-submit sa higher ups? Hell no!"
"Fine, your call. Mukhang desidido ka naman na ayaw mong magpa-under sa mga boss. Bueno, kailangan 'ko nang magbanlaw at magmumukha na kong pasas," lumukot ang mukha ni Fabiana nang makita ang kulubot na balat sa mga paa niya. Gano'n ba s'ya katagal na nababad sa tubig? "Ugh, not again! Sige, I'll just annoy your ass tomorrow. Adios!"
Hindi na niya hinintay pang makasagot si Jae Han at agad na pinatay na ang tawag nito. She really has to rinse herself o mas lalo lang kukulubot ang balat niya sa buong katawan. Ito pa naman ang pinakaayaw niya sa lahat.
Natatawa-tawa na lamang siya habang inaalala ang naging takbo ng usapan nila ng kaibigan, and she ended up missing him-she already missed the people who are closest to her.
Kumusta na kaya si Avi at ang pamilya nito? Kumusta na kaya ang libingan ng Papa niya? Matagal na niyang hindi nabibisita ito.
At alam niyang ito ang unang destinasyon niya sa oras na makabalik na siya sa Pilipinas.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Fabiana nang isuot niya ang red satin bathrobe na nakita niyang nakasampay sa bamboo rack. Bagamat alam niyang hinanda ito ng mga resort staff, hindi pa rin n'ya maiwasang isipin ang posibilidad na may nagmamanman sa bawat kilos niya.
She has gained a lot of enemies along the way because of her profession, at alam n'ya ring maaari siyang balikan ng mga ito anumang oras.
Darn it, napailing ang dalaga at napahilamos na lamang ito sa kanyang mukha. Who is she kidding? Wala pang nakakatunton sa kanya sa tagal ng panahong naninilbihan siya sa Dark Room Agency. Malinis ang bawat galaw n'ya, sigurado siya do'n.
On top of that, paniguradong gagalaw na rin ang ahensya upang linisin ang anumang bakas na ginawa niya.
Damn Vassiliev and his trust issues. Mukhang nahawa na rin s'ya dito. Hijo de perra.
NOTHING beats the typical Tortilla Española and Cortado in the morning-very Spanish, very domestic. Hindi rin mawala-wala ang ngiti sa labi ni Fabiana habang pinagmamasdan ang dalawang pagkaing naihanda niya nang mag-isa.
She took a step back to admire her simple setup, smiling like a kid. Her mom and dad would be so proud of her, if only they could see her doing things like this.
Lumaki siyang busog sa kalinga ng mga magulang, at minsan ay inaakala pa ng iba na spoiled brat s'ya dahil dito. But look at her now, starting to make things for herself as a woman. She finally knows how to be independent.
Naging paborito niya ang Tortilla Española dahil na rin sa mama n'ya. Tandang-tanda pa niya kung pa'no ito hinahanda ng ina habang masaya silang nagtatawanan sa kusina, already planning about their day together while her dad goes to work.
Iyon ang ilan sa mga unang alaala niya sa Seville.
At ngayon, achievement na para kay Fabiana ang pagluluto ng omelette at pagtitimpla ng kape nang hindi nagkakaro'n ng anumang aberya sa kusina. She had to pat herself on the back for a job well done.
"Vamos a comer, mama, papa," Napangiti siya kasabay ng pagbalong ng mga luha sa magkabila n'yang pisngi. She never stopped being emotional kapag naaalala ang mga magulang. Miss na miss na niya ang mga ito. "Hice tu comida favorita."
Napabuga na lamang siya ng malalim sa hangin at agad na naupo sa bar stool. Masyado nang marami ang ibinuhos niyang luha, sagad na sagad na s'ya.
Bagamat walang araw na hindi niya naiisip ang mga magulang, alam niyang pinapanod s'ya ng mga ito.
Matatanggap kaya ng mga ito ang trabahong pinasok n'ya? Magiging proud nga kaya sila sa unica hija nila kung alam lamang ng mga ito ang tunay na trabaho n'ya? Fabiana hoped so.
Pinilit na lamang niyang libangin ang sarili habang kumakain ng almusal, and that's how she found herself browsing through her social media account.
She's not into it, sadyang napilit lamang siya ni Jae Han na gumawa nito in case na kailanganin nilang ma-contact ang isa't isa.
She didn't know why he insisted about making one, gayong alam ng lalaki na hindi niya basta-basta ipinapaalam ang kanyang pagkakakilanlan.
But whatever, she just did herself an account to shut him up, tutal ay alam niyang hindi niya naman ito magagamit.
And just when she's about to turn off her phone, napukaw ang atensyon ng dalaga nang makatanggap ito ng isang e-mail mula sa nagngangalang Mr. R.
Nailapag niya tuloy ang hawak-hawak na tinidor sa gilid ng pinggan n'ya. Napaupo rin siya ng tuwid at agad na binuksan ang mensaheng iyon.
Greetings,
I am writing today to send you my warmest greetings and congratulations on a job well done, agent. This is Mr. R, and on behalf of Dark Room Agency, I would like to announce your promotion as one of the recruits for the newest organization of the agency named Calendar Girls.
I would like to inform you that being one of the best agents in Inteligencia Anonima in Spain, you were chosen with another 11 talented agents to form a group inside the agency, aiming to gather information about certain well-known personalities in the society.
You will be using the codename March all throughout the mission.
You will be assigned to gather information about the current Vice President of the Philippines, Mr. Markus Alexander Fuentanilla, for allegations of being involved in overpriced projects and corruption with other officials.
The agency would be glad to provide everything that you need on this mission, including information assistance from our skilled researchers. We're glad to welcome you aboard, Ms. Castilejo.
Felicidades!
Regards,
Mr. R
Nanlaki ang mga mata ni Fabiana sa nabasa. Totoo ba ang nilalaman ng e-mail na 'yon? That was probably the head of the Dark Room Agency, and she'll be working for them under a special organization!
Matagal na niyang alam na may ugnayan ang ahensyang pinagtatrabahuan n'ya sa DRA, at 'yon ang dahilan kung bakit mas pinag-igihan n'ya pa ang pagsasanay at pagtatrabaho-she wants to be a part of the said agency. Dream come true ito para sa dalaga.
Tila nawala ang bigat sa kanyang dibdib no'ng mga sandaling iyon at napalitan ng malapad na ngiti ang kaninang lukot na mukha niya. Nagbunga ang ilang taong pagsisikap at pagtatrabaho n'ya bilang agent. Bahagi na siya ng Dark Room Agency.
Muli niyang binasa ang laman ng e-mail, and that's where she came across the name of a certain personality. Napaawang ang bibig nito nang mapagtanto ang propesyon ng susunod niyang misyon.
Ito lang naman ang nag-iisang Vice President ng Pilipinas. Pamoso ito at alam ni Fabiana na hindi basta-basta ang trabahong binigay sa kanya.
Markus Alexander Fuentanilla. Markus Alexander Fuen-
The name rang a bell inside her head, at dali-daling niyang binuksan ang online search tool upang siguruhin ang kutob niya.
She trusts her instincts a lot, at iyon ang rason kung bakit malaki ang porsyentong nagagamay niya ang isang plano nang gano'n kabilis. Her instincts are always right.
Nagtiim ang bagang ng dalaga sa natuklasan, kasabay ng pagkunot ng noo at pagkuyom ng kamay nito. No'ng una, planado na niya ang pananatili sa Seville ng ilan pang mga araw upang makapagpahinga.
Thanks to the certain Mr. R and his e-mail, nagkaro'n ng last minute change ang dalaga at muling nabuhay ang kagustuhan nitong umuwi na ng Pilipinas.
Nanginginig ang mga kamay niyang tinawagan si Jae Han. Panigurado ay naghahabol ng tulog si Jae Han no'ng mga oras na 'yon. Palagi kasing late ito kung matapos sa trabaho at makakuha ng oras upang magpahinga, ngunit wala na siyang iba pang mahihingian ng tulong.
She has to go home as soon as possible.
She has to start the mission right away.
"Hello, Fabi?" Jae Han's bedroom voice greeted her. Sandaling natahimik ang lalaki at maririnig ang mga kaluskos sa background nito. "Napatawag ka. Do you need something?"
Nagawa pa niyang humugot ng hangin bago ito napabuntong-hininga, sapo-sapo ang kanyang ulo. "Yes, Jae. I need to ask you a favor... please?"
"Anything, Fabi. Ano 'yon? Do you need me to track someone? Classified information?"
"A plane ticket, Jae Han. I want to ask you to get me a plane ticket."
Hindi agad nakaimik ang lalaki sa kabilang linya, ngunit rinig na rinig ng babae ang mabilis na pagtype nito sa keyboard. "Plane ticket papunta saan?"
"Papuntang Pilipinas," mariing tugon nito sa kausap. "I'm going back to the Philippines as soon as possible, Jae."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro