Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


Prologue

Eleanor Sunshine Sy


I am thirty-years old, a single mother of a gorgeous young little girl. 'Cause five years ago when she was still in my womb her father left us.

Pinagmasdan ko munang mabuti ang anak ko bago ako lumuhod sa harap niya para pantayan siya. Saturday naman ngayon, walang trabaho kaya napagpasyahan kong gumala kaming mag-ina.

I cleared my throat to get her attention. Busy kasi siya sa paglalaro ng doll house niya. “Baby, let's go to Mama Tita's house?” masiglang tanong ko kay Sunny.

Malapad ang ngiti niyang nag-angat nang tingin sa akin. “Yes, Mommy! Let's go to Kuya Jace! Mag-p-play po kami!” Tumayo si Sunny sabay yakap sa akin.

Hindi alintana ang sayang nararamdaman ng anak ko pagkatapos niyang marinig ang pupuntahan namin. Ibig sabihin kasi noon, makakapaglaro sila ng Kuya Jace niya, anak ni Ate Martha, kaibigan ko.

Dahil sa pag-iingat ko kay Sunny, wala talaga siyang nagiging kaibigan dito sa village namin. Kaya si Jace lamang ang kilala niya na puwedeng makipaglaro sa kan'ya, bukod sa akin na palagi niyang kasama sa bahay.

Sa susunod na school year makakapag-aral na si Sunny, mababawasan na rin ang abala naming mag-ina sa pamilya ni Ate Martha.

Sumunod ang tingin ko kay Sunny nang pagkababa pa lamang niya ng kotse ay tumakbo agad siya sa mansion. Nandito na kami ngayon sa hacienda ng mga Pacheco, isa sa pinakamayamang pamilya dito sa Pilipinas.

Napangiti na lamang ako sa sobrang hyper ng anak ko bago inasikaso ang mga dala namin. Hindi talaga maitatanggi na nanggaling sa akin si Sunny. Like mother, like daughter.

Bumaba ako ng SUV at sumunod kay Sunny sa loob. Sana nandito ang buong pamilya nila para hindi masayang ang pagpunta namin. Hindi na rin kasi ako nagpaalam na pupunta kaming mag-ina dahil balak ko silang sorpresahin.

“Ate Eleanor!”

Huminto ako sa paglalakad nang marinig ko ang tumawag sa akin. I know that voice.

Hinanap agad ng mga mata ko si Jace. Kusa namang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang makita siyang nakasakay sa kabayo, papunta sa direksyon ko.

Natutuwa talaga ako sa kan'ya sa tuwing nakikita ko siyang nakasakay sa kabayo niya. Bilang isang cool mom at gustong subukan lahat, kaso natatakot na baka gayahin ako ni Sunny kaya sinasantabi ko na lang muna sa ngayon ang kaligayahan ko.

Kailangan kong maging role model sa anak ko, kaya hangga't maaari gusto ko lahat ng nakikita niya sa akin nakabubuti sa kan'ya.

Magiging masaya na lang muna ako para sa iba na nagagawa ang lahat ng gusto nila.

“Jace! Nasa loob na si Sunny, hinahanap ka.” Ngumiti ako at binaba ang tingin sa kan'yang kabayo. Nasa harap ko na sila ngayon kaya mas malapitan ko nang nakikita ang kan'yang kabayo.

Kung hindi ako nagkakamali si Rocky iyong kabayo na dala niya ngayon. Marami silang kabayo dito sa hacienda, at dahil madalas kaming mag-ina dito nakikilala ko nang lahat ang mga kabayo nila.

Bumaba si Jace sa kabayo kaya kaagad na bumalik ang tingin ko sa kan'ya. He's half naked, and no one even me can't deny that he has a beautiful body.

“Teka lang po, Ate, ibabalik ko muna itong kabayo sa kwadra.” Nakangiti lang din siya sa akin kahit bakas na ang pagod niya. His sweat was all over his body. “Kumain na po ba pala kayo? Magpapaluto na ako sa kusina ng lunch natin.”

Umiling ako. “No, we're good. Kumain na kami ni Sunny bago pumunta dito.” Ngumiti ako at tinuro ang direksyon ng mansyon nila. “Nasa loob ba ang Mommy mo?” tanong ko.

“Wala po sila, Ate. Hindi po ba niya nasabi sa inyo?”

Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jace. Minsan talaga hindi rin maganda ang biglang pagbisita. Ayan tuloy, nasayang ang pagpunta namin ni Sunny.

Umiling lang ako at nag-iisip kung yayayain ko na bang umuwi si Sunny o hahayaan ko muna silang maglaro ng Kuya Jace niya.

“Nasa pag-out of town po ngayon si Mommy at Daddy. Babalik naman daw po agad sila after one week.” Jace smiled, reassuring me.

I nodded. “Oh, I see. Babalik na lang kami ni Sunny sa susunod na linggo. Wala pala dito ang Mommy mo.” Nahihiya akong ngumiti. “Pupuntahan ko lang si Sunny sa loob para makauwi na kami,” dagdag ko bago ko siya tinalikuran. Baka kasi nakakaabala na rin kami kay Jace. Lalo na't may ginagawa talaga siya pagpunta namin dito.

“You're not here because of me?”

Huminto nang kusa ang aking mga paa matapos marinig ang mga sinabi ni Jace. Hindi naman ako bingi para hindi maintindihan ang kan'yang mga sinabi, lalo na't hindi pa naman ako masyadong nakakalayo.

Mukhang wala naman siyang ibang ibig sabihin sa sinabi niya. Siguro ang nais niya lamang iparating ay ang pakikipaglaro niya kay Sunny kaya kami naririto.

Pilit akong ngumiti at muling hinarap si Jace. “Actually, yes. Nandito kami dahil kay Sunny. She's super excited to play with you.” I stated. And that's a fact.

Nakipagtitigan lamang sa akin si Jace. Hindi rin siya ngumingiti kaya mas lalo akong naguluhan. May nasabi ba akong mali?

Magsasalita na sana ulit ako nang umiwas siya nang tingin at tumingin sa SUV na dala ko. Ngumiti siya nang malapad at nilapitan ito habang hawak-hawak pa rin si Rocky.

“Ito ba 'yong Rolls-Royce Cullinan, Ate Eleanor?” aniya na parang walang nangyari. Hinimas niya pa ito at mukhang tuwang-tuwa sa kotse ko.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Mukhang wala naman talagang ibig sabihin 'yon. Ako lang siguro itong nag-o-overreact.

“Oo, bigay ni Daddy. Gusto mong subukan i-drive?” alok ko sa kan'ya.

Kaagad siyang lumayo sa kotse at umiling. “Ayoko, baka mabangga ko pa 'yan. Wala akong eighteen million na pangbayad sa'yo.” Tumingin siya sa akin. Ngumiti rin siya na parang may kalokohang iniisip. “Unless...” He paused.

“Unless, what?” kuryosong tanong ko.

He just chuckled and shook his head. “Nevermind,” he said. “Mamaya na po kayo umuwi, sayang naman po ang pagbyahe niyo. If you want, you and Sunny can stay tonight. Wala naman po akong kasama dito ngayon.”

Sa bilis niyang magsalita hindi ko na nasundan ang mga sinabi niya. Tumango na lang ako bilang sagot.

“Then, great!” He smiled cheerfully. “Pasok na po kayo sa loob, ibabalik ko lang si Rocky sa kwadra. Ipapahanda ko na rin po ang kwarto niyo.” Tumalikod siya habang inaalalayan ang kabayo pabalik sa kwadra.

Naiwan naman akong nag-iisip kung bakit kailangan niya kaming ipaghanda ng kwarto. Wtf! Did he just said we can stay tonight?!

No! I need to clarify that we can't stay tonight. Especially, his parents are not here. Ayokong may masabi sa amin at isipin ang ibang tao na makakaalam nito.

Ano ba kasing pumapasok sa isip mo, Eleanor, at hindi mo 'man lang naintindihan 'yon kanina? Kulang na lang magpaloko ka na naman sa maling tao dahil sa kagagahan mo!

Pumasok na ako sa loob at hinanap si Sunny. Naabutan ko siyang kumakain ng prutas kasama si Manang Inday sa sala.

“Mommy! Come here, kain po tayo!” sigaw niya pagkakita sa akin.

Nilagay ko ang aking hintuturo sa labi habang naglalakad papunta sa kan'ya. “Shhh. Don't shout, baby. You can call me in a calm voice. You don't need to shout all the time.” Umupo ako sa tabi niya at nilagay ang takas niyang buhok sa likod ng kan'yang tenga.

“Sorry po, Mommy.” She pouted.

“It's okay, baby. Huwag mo na lang uulitin, okay?” I smiled.

Tumango siya sabay abot sa akin nang hawak niyang ubas. “You want, Mommy?” She offered me.

Tumango ako at binuksan ang aking bibig. “Ahh...” Pinanatili kong bukas ang aking bibig at naghintay sa gagawin ng anak ko.

Ngumiti si Sunny at tuwang-tuwa na sinubo sa akin ang ubas. “You're like Baby Sunny, Mommy.” She chuckled.

“I am Baby Sunny.” Nakitawa na rin ako at kiniliti si Sunny.

Isa ito sa dahilan kung bakit masaya ako kahit mag-isa kong binubuhay si Sunny. I guess her name says it well. She's my sunshine, just like my parents to me.

Kaya binigay ko rin sa anak ko ang pangalan kong Sunshine na nanggaling sa mga magulang ko. We're both keep on shining even at the darkest night.

Pinapangako ko, patuloy lang kaming magbibigay ng liwanag sa isa't isa.

“Can I join?”

Sabay kaming natigilan ni Sunny sa katuwaan naming mag-isa. Palingon pa lang ako nakatakbo na agad si Sunny papunta doon sa nagsalita.

“Kuya Jace!”

I knew it. Sino pa nga ba?

Kung hindi ako ang favorite person ni Sunny, sigurado agad akong si Jace iyon. Sa sobrang close nila halos hindi na rin sila mapaghiwalay.

Paglingon ko kay Jace, naabutan kong nakakalong na sa kan'ya si Sunny. Nakabihis na rin si Jace at mukhang bagong ligo pa. Ang bilis naman yata niya.

Binalewala ko na lang ang iniisip ko at pinagmasdan silang dalawa. Nagtatawanan sila na parang sila lang ang nagkakaintindihan.

Malapit na talaga akong magselos kay Jace.

Pinanood ko lang silang dalawa hanggang sa biglang tumingin sa akin si Jace. Nagulat ako kaya agad na nag-react ang puso ko. Magugulatin talaga ako dahil siguro sa pagkahilig ko sa kape.

Nakatingin lang sa akin si Jace, hindi nawawala ang ngiti.

“Kuya Jace, are you listening to me?” rinig kong sabi ni Sunny kaya sabay kaming napatingin sa anak ko.

“Yes! Ofcourse, baby.”

Napangiti na lang ako habang pinapakinggan ang dalawa. Ang cute talaga nilang dalawa. Kung nasa tamang edad lang talaga si Sunny, papayagan ko siyang mag-boyfriend agad kung katulad ni Jace ang manliligaw sa kan'ya.

Sino ba ang aayaw sa batang 'to? Kung sa kanta, nasa kan'ya na ang lahat. Mapagmahal sa pamilya. Mahilig sa bata. Matalino. Magaling sa lahat ng bagay. Hindi ko rin naman itatanggi na gwapo siya at maganda ang pangangatawan.

Kung hindi lang din nagkakalayo ang edad namin at hindi kami magkaibigan ng Mommy niya, baka siya pa ang pinakasalan ko hindi ang Tito niya.

Basically, he and Sunny were cousins. Magkapatid kasi ang ex fiance ko at si Ate Martha. Kaya rin siguro kami naging magkaibigan dahil sa kapatid niyang siraulo na iniwan kami sa ere. Nawala na rin siya na parang bula dahil siguro sa kahihiyang ginawa niya sa mga pamilya namin.

“Mommy, is it true we're staying here tonight?”

Namilog ang mga mata ko sa biglang tanong sa akin ni Sunny. Nandoon pa rin siya kay Jace at mukhang masaya sa sinabi ng Kuya niya.

Umiling ako kahit masakit sa loob ko ang pagtanggi sa aking anak. “Sorry, Anak. Wala kasi dito ang Mama Tita mo, hindi tayo nakapagpaalam.”

I'm sorry, anak.

“I already did, Ate. Pumayag naman po si Mommy.”

Natameme ako sa sinabi ni Jace. Paano ko pa mababawi iyon ngayong alam na pala ni Ate Martha, mas lalo na ni Sunny. Kahit na kailan, hindi ko kakayaning sirain ang kasiyahan ng anak ko. Maliit na bagay lang naman ito kumpara sa kahilingan ng ibang mga bata ngayon.

“Alright, we're gonna sleep here tonight.” Napatango na lang din ako kahit sa loob-loob ko ay kailangan naming umuwi ngayon. Wala naman sigurong mawawala kung matutulong kami ngayong gabi lang. Palagi naman namin itong ginagawa, kapag nandito si Ate Martha.

“Yehey! We're gonna play until midnight, Kuya Jace!”

Kaagad akong napatayo sa sinabi ni Sunny at saka siya nilapitan. “Anak, no. Matutulog tayo nang maaga. No one's gonna play until midnight.” Nginitian ko si Jace bago ko kinuha si Sunny sa kan'ya.

“Aww. Okay po...” Sunny pouted.

“It's okay naman, Ate Eleanor. Minsan lang naman---”

“No, Jace. Sorry. Ayokong masanay siyang nagpupuyat kaya hangga't maaari kumpleto palagi ang tulog niya.” Nagkatinginan kami ni Jace.

He pursed his lips. “I'm sorry, I didn't mean to interfere with your parenting.”

“It's okay. Alam ko naman na gusto mo lang pasayahin si Sunny. Maybe next time, Jace.” I smiled.

Jace smiled back and looked at Sunny. “What we're gonna play, Sunny?” Lumapit siya sa amin at nakipagkulitang muli sa anak ko.

Binaba ko na si Sunny at hinayaan silang maglaro. Nagpasama na lang din ako kay Manang Inday para dalhin ang mga gamit namin sa kwarto. Ngayong gabi lang naman kami matutulog dito, balik trabaho na naman kasi ako sa lunes.

Pasado alas otso ng gabi nang makatulog si Sunny. Tapos ko na siyang pakainin ng dinner at paglinisin ng katawan. Ganitong oras siya palaging natutulog kaya maaga niya ako parating binubulabog sa umaga. Kaya sa huli, pareho kaming gising ng alas singko ng umaga kahit puyat ako at iilang oras ang tulog.

Mayroon kasi akong insomnia kaya kahit gusto kong matulog, nonsense. Dahil na rin siguro sa kape na paborito kong iniinom kapag stress ako.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa tabi ni Sunny. Nagtungo ako sa bag ko at kinuha ang isang kaha ng sigarilyo na pinakatatago kong mabuti.

As I said, kailangan kong maging mabuting halimbawa sa anak ko. Kaya itong paninigarilyo ko ang isa sa iniiwasan kong malaman niya.

Marahan akong naglakad patungo sa pinto at maingat na lumabas ng kwarto. Isang stick lang naman bago ako humiga at tumunganga ng ilang oras.

Sa veranda dito sa second floor ako nanigarilyo. Ito lang kasi ang open area na malapit sa kwarto namin ni Sunny. Hindi kasi ako puwedeng mawala ng matagal at baka magising ang anak ko. Tiyak na hahanapin ako noon.

Tahimik at masarap talaga ang hangin dito sa hacienda, lalo na tuwing gabi. Malayo sa pollution at maingay na Maynila.

Kaya gustong-gusto ko rin talagang dinadala dito si Sunny, para kung magustuhan niyang manirahan dito sa probinsya hindi talaga ako magdadalawang isip na pagbigyan siya. May mga lupain din naman kami malapit dito sa hacienda nila Ate Martha. Malapit lang din naman itong Bulacan sa Manila kaya hindi magiging hassle sa trabaho ko.

“You're still smoking?”

Nataranta ako sa pagtatago ng hawak kong stick ng sigarilyo at kinakabahang nilingon si Jace. Iba na talaga ang epekto ng kape sa akin. Mukhang maaga rin akong aatikihin nito sa puso.

“You don't need to hide, I already know.” Mula sa liwanag ng buwan kitang-kita ko ang pagkibit-balikat niya at bahagyang pagngiti. “You look...”

Hindi ko na naintindihan ang sunod niyang mga sinabi nang tinalikuran ko siya. Binalik ko ang tingin sa madilim at tahimik na paligid. Maaliwalas din ang langit. Maraming bituin. Walang pagbabadya ng ulan.

“Ate...” rinig kong tawag ni Jace.

Nilingon ko si Jace. Nakatayo na rin pala siya isang dipa ang layo mula sa akin, habang nakatingin sa malawak nilang lupain.

“Can I have a question?” dagdag niya bago ako nilingon kaya nag-abot ang tingin namin. Mukha siyang seryoso kaya ninibago na naman ako.

Hindi kasi ganito ang pagkakakilala ko kay Jace. He's always smiling, and laughing. Parang walang problema. Pero ngayong araw, simula kanina pagkarating namin dito habang dala niya si Rocky hanggang ngayong gabi parang may gusto siyang ipahiwatig.

He's confusing me.

“How long does it take for someone to move on?” tanong niya na kahit wala pa akong sagot sa paghingi niya ng pahintulot.

Dumagdag pa ang katahimikan namin sa paligid na mas lalong nagpabigat ng sitwasyon. Hindi ko kasi malaman kung paano ko sasagutin ang tanong niya, kahit alam ko naman sa sarili kong naka-move-on na ako sa Tito niya. I just don't know when and where it started

“Don't tell me, you still haven't move---”

“Ofcourse not.” I cut him off. “I already moved on.”

Jace chuckled. “Then... we're gonna play until midnight?” His smile widened.

My forehead furrowed. “J-jace?!” I hissed.

He laughed and looked away. “If only... I'm not part of this family...” aniya bago unti-unting napawi ang ngiti sa kan'yang mga labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro