Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Cool 2


Chapter 2

Allen Jace Pacheco


Ilang buwan ko rin pinag-isipan at pinaghandaan ang pag-amin ko kay Ate Eleanor, pero tadhana na rin ang nagsasabi na tumigil na 'ko. Hindi ko rin naman sinasadya at inaasahan ang halik na 'yon, pareho kaming nagulat. Wala ring may gusto na mangyari iyon, ang pagkakamali ko lang ay natukso ako.

I moved my lips and kissed her.

Kaya ngayon wala na akong mukhang maihaharap sa kan'ya. Naglasing din ako noong birthday ko para magkaroon ako ng dahilan para iwasan siya at kung sakali naman na magkaharap kami ay lasing ako.

Bakit kasi sa dami ng babaeng magugustuhan ko doon pa sa asawa ng Tito ko?

“Pinapunta mo ba ako dito para lang magpatuyo ng laway? Uuwi na nga lang kami ni Dos. Sinayang mo ang isa't kalahating oras na byahe namin papunta dito, nakagawa na sana kami ng babae ni Crisanta.”

Nilingon ko ang pinsan ko at nakitang nakatayo na siya kalong-kalong ang junior niya. Kaagad rin akong tumayo at saka siya nilapitan.

“Ito naman parang hi ---” natigilan ako at naalalang hindi pala nagkakalayo ang sitwasyon naming dalawa.

Katulad ko, nagmahal din siya ng babaeng mahirap ipaglaban sa mundo. Ang pinagkaiba lang namin, matapang siya at duwag ako.

He's now married with two kids.

“Ano?! Magsasalita na nga lang hindi pa tapusin. Tingin mo sa'kin manghuhula?” He tsked.

“Wala! Akin na nga 'yang pamangkin ko.” Kinuha ko si Dos na anak niya at saka kinalong. Kung hindi ako nagkakamali dalawang taon na ang kambal at dalawang taon na rin silang kasal ni Ate Crisanta.

“Salamat, ah. Hindi naman masakit sa braso,” sarkastikong aniya bago muling umupo. “Kanina pa ako nagpaparinig hindi naman pala ako naririnig. May problema ka ba?”

Napatingin ako kay Sevi.

Gusto kong humingi nang tulong sa kan'ya. Kung paano niya nagawang magtiis at kung saan siya kumukuha ng lakas nang loob. Kaya lang... nangingibabaw pa rin talaga ang takot ko na masira ang pamilya namin dahil sa pinyetanga nararamdaman ko.

Saka na siguro itong nararamdaman ko, mas importante pa rin ang pamilya namin.

Umiwas ako nang tingin at umiling. “Wala naman...” I sighed.

Naglakad ako patungo sa kitchen para kumuha ng maiinom namin. Kailangan ko rin siyang iwasan bago pa niya ako mapilit.

Hindi niya kailangang malaman ang tungkol sa nararamdaman ko. Hangga't kaya kong magtiis, titiisin ko para sa aming pamilya.

Habang kalong si Dos, binuksan ko ang ref gamit ang isang libre kong kamay. Mahaba pa ang byahe nitong mag-ama, at saka maaga pa para uminom. Tubig na lang ang ipapainom ko kay Sevi.

“Minamaliit mo ba talaga ako?”

Napaurong ako sa gulat nang may nagsalita mula sa likod ko. Muntik ko pa mabasag ang pitchel, mabuti na lamang at hindi ko pa ito nakukuha.

Nilingon ko si Sevi at matalim na tiningnan. “Muntik mo nang mabasag 'yong pitchel ni Mommy. Ikaw talaga ang isusumbong ko.”

Ngumiti lang siya at naglakad palapit sa'min ng anak niya. “Paano ka magkakaroon ng jowa niyan, puro ka sumbong. Bata lang nagsusumbong sa Nanay. Tuli ka na ba?” He chuckled.

Dadakmain pa sana niya ang ari-arian ko kaya lumayo na agad kami ni Dos sa siraulong Ama niya. Mas lalo siyang tumawa sabay tinuon ang atensyon sa ref at kumuha ng beer.

“Ito ang iniinom ng mga tuli na, hindi tubig.” Tinaas niya ang beer at biglang hinagis sa akin. Naalerto ako sa gulat. Mabuti na lamang magaling akong pitcher noong high school na baseball player pa ako.

“Siraulo talaga iyong Tatay mo, Dos. Huwag kang tutulad diyan, ah.” Pagkausap ko sa pamangkin ko kahit hindi pa naman talaga niya ako naiintindihan. Sumunod na rin kami kay Sevi na nagtungo na sa sala.

Hindi talaga magandang ideya ang paghingi ko ng tulong sa magaling kong pinsan. Mukhang wala naman kasing akong matinong makukuha sa kan'ya kahit alam kong alam niya ang pinagdadaanan ko.

I'll figure it out myself.

Pagkatapos ng isang beer nagpaalam na rin si Sevi na umuwi. Tinatawagan na kasi siya ni Santi, anak ni Ate Crisanta na asawa niya. So, step son siya ni Sevi? Fuck. Pati ba naman 'yon iisipin ko pa. Nevermind.

I miss her.

Ilang linggo ko na siyang hindi nakikita at si Sunny. They never came back after my birthday. Inaasahan ko na rin naman ito matapos ang mga nangyari.

Alam kong nagkamali ako. Hindi ko naman dapat siya hahalikan. Natukso lang ako at nakakita ng pagkakataon para mahalikan siya—na matagal ko nang gustong gawin. Nagpipigil lang ako dahil sa estado ng pamilya namin.

She's my Uncle's ex-wife.

Tangina!

Bakit sa dami ng babaeng magugustuhan ko, siya pa talaga na sa simula pa lang alam kong hindi na pwede. Maliban sa hindi kami susuportahan ng pamilya ko, alam kong hindi rin niya ako tatanggapin sa buhay nila ni Sunny. He only sees me as his friend's son and Sunny's cousin.

“Wala ka ba talagang balak na umalis dito sa probinsya, Jace?” Si Daddy na nagbabasa ng diyaryo. Nasa living room kaming tatlo, nagmemeryenda.

“Pati ang Kuya mo kinukulit kami na samahan mo na siya sa Maynila,” dagdag ni Daddy.

“Jace, nag-aalala lang naman kami sa'yo. Nasa Manila ang ibang negosyo natin. Kailangan mong matuto—”

“Sige. Pupunta na akong Maynila.” Hindi ko na pinatapos si Mommy.

Pinag-iisipan ko na rin namang pumunta doon dahil kay Ate Eleanor at Sunny. Mukhang wala na kasi silang balak na bumalik dito.

Parehong nagulat si Mommy at Daddy sa sinabi ko. Huminto sa pagbabasa si Daddy. Tiningnan nila ako na parang hindi makapaniwala sa narinig. Ilang taon na rin nila akong pinipilit, ngayon lang ako nagkaroon ng rason para iwan ang hacienda.

“Pupunta ako pero sa isang kondisyon...” Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Mommy at Daddy. Naghintay naman sila sa sunod kong sasabihin. “Wala akong balak na kunin ang mga pinaghirapan ni Kuya. I'll help him at tatanggapin ko kung ano lang ang nararapat sa akin.”

Mas lalong hindi makapaniwala ang dalawa sa mga sinabi ko. Noon pa lang wala na talaga akong interes sa negosyo kaya nanatili lang ako dito sa hacienda.

Sinunod ko naman ang mga magulang ko sa tinapos kong kursong business management para wala na akong marinig mula sa kanila. Kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang gusto kong gawin... maliban sa may gusto akong makita.


***


Eleanor Sunshine Sy


Pampalubag loob ko na lang palagi ang pagsasabi ko na fiance ko lang si Martin at engaged lang kami kahit na ang totoo kasal pa rin kami hanggang ngayon. He's still my fucking husband for God's sake.

Paano ko magagawang maging masaya kung hanggang ngayon bitbit pa rin namin ang pangalan ng isa't isa sa marriage certificate?

Mabuti na lang mayaman ang pamilya ko at nagawan ng paraan ang ginagamit kong last name. Pagkatapos niya kaming iwan at takbuhan binalik ko agad ang apelyido ng pamilya ko sa lahat ng mga papel ko, especially si Sunny.

He was not and will never be Sunny's father.

Simula nang umalis siya at iwan kami wala na rin siyang anak at pamilyang babalikan. Limang taon na rin ang nakakalipas... sa haba ng panahon na nawala siya ganoon din kahaba ang mga sinayang niyang oras.

We already moved on.

“Mommy, I miss Kuya Jace. I miss Mama Tita. I miss Papa Tito. I miss the hacienda. I miss the horses. I miss all of them.” Naka-nguso na humarap sa akin si Sunny habang isa-isang sinabi ang mga na-miss niya sa probinsya.

Mahigit isang buwan na pala kaming hindi bumibisita sa hacienda. Hindi ko na rin namalayan dahil busy ako sa trabaho at ang pag-aasikaso ng mga papel ni Sunny para sa darating na pasukan.

Mas mabuti nang maayos na lahat kapag humingi na sila ng mga requirements. Iwas delay na rin at pagkakaroon ng problema. Wala rin namang ibang gagawa no'n kundi ako lang.

Napanguso na lang din ako at binuhat siya. May gagawin dapat akong paperworks ngayon habang naglalaro siya, kaya lang bigla naman niyang naalala ang mga tao sa hacienda.

Nagtungo kami sa garden para magpahangin. Alas kwatro na nang hapon, hindi na masyadong mainit.

“Namimiss ko na rin sila anak. Lalo na ang Ku—” Kusang huminto ang bibig ko sa dapat na sasabihin.

Imposible.

Bakit ko naman mamimiss si Jace?

Nahawa lang siguro ako ni Sunny kaya ko nasabi 'yon. Right. It's just my pure imagination.

“Lalo na ang alin po, Mommy?” kuryosong tanong ni Sunny sabay ngiti.

Nanlaki ang mga mata ko at nagulat sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bakit bigla rin akong kinakabahan? Nagtatanong lang naman ang anak ko.

“Ahm...” Ginala ko ang aking mga mata para iwasan ang tingin sa akin ni Sunny.

She's just five years old pero natatakot akong magsinungaling sa kan'ya. She's like an older woman when she's talking to me.

“I miss them too, baby.” I stated. Totoo naman 'yon. At least hindi ako nagsinungaling.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Binalik ko ang tingin kay Sunny pero buhok na lamang niya ang nakikita ko.

“When are we going to visit them, Mommy?” she mumbled.

Nanatili siyang nakayakap sa akin, tila naglalambing at nagmamakaawa na bumisita na kami sa hacienda.

Napangiti ako at niyakap siya pabalik. “Alright. This coming weekend, baby. May tinatapos lang ako—”

“Yipie! Thank you, Mommy! I love you so much!” Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kan'ya nang bigla siyang tumalon-talon sa sobrang tuwa habang buhat ko siya.

“Careful, baby. Baka malaglag ka.”

“I love you, Mommy.” Kalmado na siya at muling yumakap sa akin. “I'm hungry na, Mommy.”

Napangiti ako at dinala siya sa loob. Ibababa ko na sana siya sa sofa nang biglang may nag-doorbell.

“Mommy, may tao po,” ani Sunny nang marinig ang doorbell.

“Sino kaya 'yon...” nagtataka kong tanong sa sarili. Wala naman kasi akong inaasahan na bisita. Wala rin akong hinihintay na parcel, at mas lalong hindi kami umorder ni Sunny dahil hapon na.

“Hindi ko po alam, Mommy.” Nagulat ako nang bigla akong sagutin ni Sunny. Narinig niya pala ako.

I chuckled. “Wanna come with me?”

Tumango-tango naman agad siya, excited na makita ang bisita. “Yes po.”

Binaba ko si Sunny at hinawakan ang kamay niya. Sabay kaming lumabas ng bahay para tingnan kung sino ang tao sa labas. Siguro may nakaligtaan lang akong parcel na hindi ko maalala.

Binuksan ko ang gate at laking gulat na makita kung sino 'yon. Nagsalubong ang mga mata namin. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at bumalik ang lahat ng sakit nang iwan niya ako at ang anak namin.

Anong ginagawa niya rito?

“Shine...” tawag niya sa akin.

Hindi ako makasagot, tila may nakaharang na bato sa lalamunan ko na pumipigil sa aking makapagsalita.

Limang taon na ang nakakalipas, pero wala pa rin siyang pinagbago. Kung ano ang itsura niya noong huling naming pagkikita, siyang-siya pa rin ang nakikita ko ngayon. Hindi pa rin siya tumatanda kahit na nasa thirties na siya ngayon. Kaya siguro ako nahulog sa kan'ya noon at nagpakasal kahit na alam kong gago siya.

“Mommy, sino po siya?” bumaba ang tingin ko at natatarantang tiningnan si Sunny. Muntik ko nang makalimutan na kasama ko pala siya.

Kaagad ko siyang binuhat at hinawakan ang gate. “Naligaw lang siguro, baby. Halika na sa loob.” Hindi ko na muling tiningnan si Martin. Isasarado ko na sana ang gate nang bigla niya itong pinigilan.

“Teka lang, Shine. Hayaan mo muna akong magpaliwanag.”

Kumunot ang noo ko sa huli niyang mga sinabi. Magpaliwanag? After five years? Nobela ba 'yan para umabot pa ng limang taon? Tangina.

“Nag-abala ka pa, hindi na namin 'yan kailangan.” Pilit kong tinutulak ang pinto pero ayaw pa ring magpaawat ni Martin.

Binitawan ko ang gate at tiningnan si Sunny. Naguguluhan na siya sa nangyayari. Ayaw rin tumigil ni Martin kaya mas mabuti pang papasukin ko na lang siya sa loob.

“Baby, pasok ka muna sa loob. May kakausapin lang po si Mommy.” Nginitian ko siya habang hinahaplos ang kamay niya. “Please...” Ngumiti lang siya pabalik at tumango bago tumakbo papasok ng bahay.

Mabuti pa ang anak ko mabilis kausap.

Huminga muna ako nang malalim bago binalik ang atensyon kay Martin. Mas lalo akong nakaramdam ng galit nang naabutan ko siyang nakasunod ang tingin kay Sunny, nakangiti.

“Ano'ng nginingiti-ngiti mo?” buong diin kong tanong sa kan'ya.

I immediately caught his attention. Napawi ang ngiti sa kan'yang mga labi nang harapin niya ako.

“Umalis ka na kung ayaw mong ipadampot kita sa mga pulis,” I said in a cold voice.

“Five minutes. Please, Shine.”

“Bakit hindi mo pa gawing five years? Nahiya ka pa.” I hissed.

“Shine—”

“At saka tigilan mo na nga ang kaka-shine mo. Nandidiri ako sa'yo.” I cut him off.

Hanga talaga ako sa kakapalan ng pagmumukha ng lalaking 'to. Pagkatapos nang limang taon may lakas ng loob pa talaga siyang magpakita sa akin. Tapos tatawagin niya akong Shine? Ew. Nakakadiri. Ngayon ko lang napagtanto na ang pangit pala ng pangalan ko na 'yon.

“Kumusta ka na?” bigla niyang tanong.

My jaw dropped. “Kumusta?” Napabuga ako nang hangin, natatawa sa tanong niya. “You're five years late. Masaya na ako, hindi na kita kailangan. Kaya umalis ka na bago pa magbago ang isip ko.”

“Hindi naman ako pumunta dito para guluhin kayo ng anak ko—”

“Wow! Anak mo?!” sarkastikong tanong ko. “Wala kang anak dito. Simula nang maglaho ka na parang bula wala ka nang anak at asawa na babalikan. Mabuti pala nagpakita ka, nakahanda na ang annulment papers. Pipirmahan mo na lang para wala na tayong pag-uusapan.”

Pag-alis na pag-alis niya tatawagan ko agad ang abugado ko para papirmahan sa kan'ya ang annulment papers. Hindi ako nagbibiro. Ilang taon na akong naghihintay sa pagbabalik niya para matapos na ang paghihirap ko.

He remained silent for a few seconds before answering me. “Paano kung ayaw kong pirmahan?” he asked.

Nagpintig ang tenga ko sa walang kwentang tanong niya. Hindi ko alam kung nanunuya ba siya o seryoso siya sa mga sinasabi niya. Basta ang alam ko, naiinis ako sa kan'ya.

I pursed my lips. “Magkikita tayo sa korte, 'yon ba ang gusto mo?” hamon ko sa kan'ya.

“If that's the right way for you to forgive me.” Kanina pa siya seryoso pero mas sumeryoso siya ngayon.

“Hindi kita mapapatawad.” Napabuga ako ng hangin sabay hinawakan ang gate. “Tapos na ang limang minuto mo. Ipapadala na lang sa'yo ng lawyer ko ang annulment papers. Nasasayo kung pipirmahan mo o mag-uusap tayo sa korte.” Malamig ang mga titig ko sa kan'ya bago ko binagsak ang gate.

Tapos na akong umiyak at magmakaawa na bumalik siya, pero tangina!

Bakit naiiyak ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro