Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Gabi na nang maka-uwi si Mang Dante galing sa pagpalaot sa dagat, isa siyang mangingisda at araw-araw niya itong ginagawa kaya nasanay na siyang gabi kung umuwi sa kanilang bahay, minsan nga ay inaabot siya ng tatlong araw sa pagpapalaot.

Masaya siyang sinalubong ng kanyang dalawang anak na sina Caleb at Tanya, niyakap niya ang kanyang mga anak na tuwang-tuwa sa kanyang pagdating.

"Oh? Dumating kana pala" Bungad sakanya ng kanyang asawa na si Manang Niña.

"Kadadating ko lang mahal. Eto't may dala akong isda para sa hapunan." Inabot niya ang isang kilong lapu-lapu kay sa kanyang asawa. Agad namang nagtungo si Aling Niña sa kusina para lutuin ang lapu-lapung dala ni mang Dante.

Habang tinatanggalan ng hasang at kaliskis ni Aling Niña ang Lapu-lapu napansin niyang medyo asul ang kulay ng mga lamang loob neto, hindi niya ito pinansin dahil alam niyang dala ito ng kanyang asawa kaya nasisigurado niyang ito ay presko at sariwa pa.

"Caleb! Tanya! Kayo'y maghanda na para sa hapunan" Sigaw ni Aling Niña sa mga anak niyang naglalaro sa labas.

Agad namang naghugas ng kamay sina Caleb at tanya pagkatapos ay inihanda nila ang lamesa.

"Anong niluluto ng maganda kong asawa?" Hirit ni Mang Dante sa asawa niyang nagluluto ng pinaksiwang Lapu-lapu.

"Asus! Nambola kapa! Eto't tikman mo nga tong niluto ko" Tinikman ni Mang Dante ang luto ng kanyang asawa.

"Ika'y masarap talagang magluto mahal" Hirit na naman ni Mang Dante.

"Mambobola ka talaga" Natatawang sabi ni Aling Niña. "O, siya't umupo kana sa lamesa at ihahain ko na tong luto ko" Agad naman itong sinunod ni mang Dante, pati sina Caleb at Tanya ay umupo narin sa harap ng hapag.

"Yehey!" Magiliw na wika nina Caleb at Tanya nang inilapag ni Aling Niña ang isang mangkok ng pinaksiwang Lapu-lapu sa mesa.

"Tumahik na kayo at tayo'y magdadasal na" Mahinahong sabi ni Mang Dante sa kanyang mga anak. "Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng esipiritu santo. Amen" Panimula ni Mang Dante.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagdadasal biglang natumba si Mang Dante at nangisay ito sa sahig na ikinagulat ng kanyang mag-iina.

"Jusko po! Dante, anong nangyayari sayo?" Natatarantang sabi ni Aling Niña na mangiyak-ngiyak na dahil sa takot.

Niyugyog ng niyugyog ni Aling Niña ang asawa pero naiyak nalang siya ng biglang dumugo ang mga mata, tenga at bibig ni mang Dante, pati sina Caleb at Tanya ay umiiyak narin dahil sa kaba at takot.

Halos nanlambot ang katawan ni Aling Niña nang maramdaman niyang hindi na humihinga ang asawa.

"Dan-nte, wag m-mo kaming iwan! Tulong mga kapitbahay!" Niyakap ni aling Niña ang asawa niyang nakahandusay sa sahig.

Laking gulat ni Aling Niña nang biglang tumayo si Mang Dante na dinudugo parin ang mga mata. Napansin ni aling Niña ang itim at malalaking ugat na nasa katawan ng asawa.

"A-anong nangyayari sayo dante?" Nangangambang tanong ni Aling Niña sa asawa.

Hindi sumagot si Mang Dante sa halip ay sinunggaban niya si Aling Niña.

"Araaaaay!" Sigaw ni Aling Niña nang bigla siyang kagatin ng asawa.

Mas lalong lumakas ang iyak ni Caleb at Tanya dahil sa nakita nilang di normal na ginawa ng kanilang ama kay Aling Niña.

"Tanya! Caleb! Takboo!" Sigaw ni Aling Niña sa dalawa niyang anak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro