Confession 4
"I killed Mika Salazar. On 6th of May. I killed her at Escolta Park,"I said as I smiled at Detective Cheng.
Hinawakan nito ang noo niya saka umiling-iling. Nafufrustrate na ata ito sa akin.
"You really disgust me," wika nito.
Sa tono ng pananalita niya, sobrang may galit ito at pagkadiri sa akin.
Napangisi lamang ako at ikinuwento ang buong kwento.
〰️🖤〰️
Miyerkules.
Ito ang araw na papatayin ko ang schoolmate ko na si Mika Eleazar.
Nalaman ko noong nakaraang linggo na parang may gusto ata ito sa akin base sa mga panunukso na ginagawa ng mga kaibigan niya sa tuwing mapadaan ako sa harapan nila at kani-kanina lang ay niyaya niya ako na magkita daw kami mamayang gabi sa Escolta Park.
Malapit lang ito sa bahay namin at kaunti lang na tao ang pumupunta rito tuwing gabi kaya tamang tiyempo ito upang patayin ko siya.
"hmm. Tocatta & Fugue in D Minor. Sa horror movies ko lang ito napapakinggan." Napatingin ako sa katabi ko at nakita si Ivory na ginagamit ang isang pares ng earphones ko.
Tiningnan ko siya ng masama saka kinuha hinatak ang earphones ko sa tenga niya saka pinatay ang music.
"Bakit mo kinuha?" tanong ko. Sa lahat ng ayaw ko, ay yung mga taong nangunguha nalang ng gamit ng iba.
Naiinis ako na parang nasa punto na ako na gusto ko siyang patayin at paghiwa-hiwalayin ang parte ng katawan nito.
"Nacurious kasi nadinig ko ang music kahit pa sa tabi mo lang ako tapos nacurious ako kung anong kanta iyon,"wika niya.
"You're weird," wika ko saka pinaliit ko ang mga mata ko habang nakatingin sakaniya.
"About yesterday, you saved me. Narealize ko na kakailanganin ko pa ang isang buwan, kaya salamat,"sabi niya saka ngumiti.
I...saved her?
"Hindi kita niligtas. Anong pinagsasabi mo riyan?" tanong ko saka kumunot ang noo ko.
"Nung nagdecide na ako na tumalon, naramdaman kong may naglalakad papunta sa akin. Sa 'di ko malamang dahilan, hindi natuloy ang plano ko. Medyo nasayangan ako," sabi niya saka bumuntung-hininga.
"I didn't saved you. I was going to kill you," I said as I let out a smirk at her.
Tumaas naman ang kilay nito saka humagalpak sa tawa.
What is so funny?
"Kill me? Ikaw? Eh mukhang mas inosente pa ang mukha mo kaysa sa akin!" sabi nito.
Napahimas ako sa noo ko sa sobrang inis sa babeng ito. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ito o kung ano.
Inosente? Ako? Walong tao na ang napatay ko ngayong taon at sinasabi niyang inosente ako?Ha!
"Nakakainis ka,"sabi ko saka inirapan na siya.
Ayaw ko nang makausap ang babaeng ito. Naiinis ako ng sobra.
Pagkatapos ng klase, inayos ko na ang mga gamit ko at sinukbit ang backpack sa likod ko.
Nagulat ako nang may tumapik sa likod ko. Lumingon ako at nakita ang mukha ng ika-siyam kong biktima. Si Mika Eleazar.
"Uh...hi Ciel,"mahinhin nitong sambit saka ngumiti sa akin.
"oh, ikaw pala Mika. Hi. Anong atin?" tanong ko saka ngumiti pabalik sakaniya.
"Final na yung mamaya ah?Wala nang bawian?" tanong nito saka tumawa ng mahina.
Napakamot ako sa batok ko saka nginitian siya.
"Oo naman, I'll be there," sabi ko saka ginulo ang buhok nito.
Lumabas ito na sobrang saya dahil pumayag akong makipagkita sakaniya mamaya.
Maya-maya ay lumabas na din ako ng classroom na sobrang saya dahil magiging madali ang pagpatay ko kay Mika mamaya.
Umuwi ako sa bahay at naabutan si papa na may dalang isang babae sa loob ng bahay. Naghaharutan sila sa may sofa at nagtatawanan.
"Sino na naman iyan?" tanong ko rito saka tiningnan ang babae mula ulo hanggang paa.
Tumingin silang dalawa sa akin at tumayo si papa at nilapitan ako. Bakas ko ang galit sa mukha niya.
"Wala kang pakialam kung sino ang dadalhin ko sa bahay na ito. Tandaan mo, pamamahay ko pa din ito!" sigaw niya sa akin saka itinulak ako sa pader at sinuntok sa mukha.
Ngumisi ako nang tumalsik ang dugo mula sa bibig ko. Nasugatan ang bibig ko at patuloy na tumutulo ang dugo.
"Yun lang kaya mo?" tanong ko rito saka ako ngumisi.
Inuntog niya ng paulit-ulit ang ulo ko sa may pader at nakaramdam na ako ng kaunting pagkahilo. Pagkatapos ay sinipa niya ako sa may tiyan at saka siya bumalik sa babae niya.
What an asshole.
Balang-araw makahihiganti din ako sa iyo papa. Balang-araw ay mapapatay din kita. Maghintay ka lang, hindi mo pa panahon.
Pumasok ako sa cr namin at naghilamos ng mukha sa sink area. Dinura ko ang dugo mula sa bibig ko saka tiningnan ang mukha ko sa salamin.
Kailangan mong maging matatag Ciel, maghintay ka.
Pinigilan ko ang nanginginig kong kamao saka ko pinunasan ang mukha ko ng tuwalya.
Pagkatapos kong magpunas, nagbihis ako at agad na lumabas mula sa kwarto ko at tinungo ang pinto papunta sa labas ng bahay.
Naririnig ko ang mga tawanan mula sa kwarto ni papa ngunit pinabayaan ko lamang ito at lumabas na ako ng bahay.
Tumungo ako sa Escolta Park at binuksan ang cellphone ko at nalamang papunta na nga rito si Mika.
Umupo ako sa may bakanteng bench at pinagmasdan ang parke. Napakatahimik, wala masyadong tao, at napakadilim.
Mabuti at 'eto pa ang napili ni Mika na puntahan namin. Isang magandang lugar upang patayin ko ito.
Maya-maya ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Napangisi ako.
Lumingon ako at saka sinalubong ako ng yakap ni Mika. Hindi ko alam kung bakit niyayakap niya ako gayon na hindi naman kami malapit sa isa't isa.
"You came! I'm so happy!" wika ni Mika saka tumalon sa tuwa.
Bumili kami ng pagkain at saka umupo sa may bench rito sa park.
"Hindi ka ba pinapagalitan ng parents mo na mag-isa kang pumunta dito at makipagkita sa isang lalaki sa gabi?" tanong ko sakaniya.
Tumingin ito sa akin saka bumuntung-hininga. Makikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Napakalungkot ng mga mata niya.
Gusto ko na siyang patayin upang hindi na siya mahihirapan pa.
"Wala silang pakialam sa akin. Kahit siguro mamatay ako ngayon, hindi sila mababahala,"wika nito saka nagsimula nang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Sssh...huwag ka nang umiyak," sabi ko.
Hinawakan ko ang mukha niya at tumambad sa akin ang maganda nitong mukha na nabahiran ng lungkot at pangungulila. Pinunasan ko ang mga luha niya saka siya niyakap.
Patuloy pa din ito sa paghagulgol kaya kumakalam na naman ang buong sistema ko na kunin ang kutsilyo at itusok sakaniya.
Hinawakan niya ang mukha ko saka ako hinalikan bigla. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero tila ay sumusunod din ako sa galaw niya. Wala akong maramdaman na kung ano, tanging pag-asam lang na patayin siya ang tanging nasa isip ko lamang ngayon.
Humiwalay siya sa akin saka tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko saka dinala ako sa isang madilim na parte ng park.
Hinalikan niya ulit ako tapos naramdaman kong ang mga kamay niya ay sumasabunot na sa buhok ko. Hindi ko maiwasang mapangisi habang hinahalikan niya ako.
Kinuha ko mula sa bulsa ng jacket ko ang isang swift knife at hinagod ito sa buhok niya.
Humiwalay ito sa akin saka ako tiningnan habang nakangiti. Hinawakan ko ang baba niya saka itinaas ito. Tumawa pa ito ng mahina.
Isinilid ko ang kutsilyo sa leeg niya at alam kong naramdaman na niya ang malamig na bagay na dumidikit sa leeg niya dahil napalitan ang ngiti niya ng pagkabahala.
"C-Ciel..."wika nito habang namimiyok na ang boses niya.
Ngumisi ako saka pinahiran ang luha na tumutulo mula sa kaniyang mga mata.
"Tutulungan kita Mika, aalagaan ko ang puso mo," sabi ko saka idiniin na ang matalim na kutsilyo sa leeg niya.
Nakita kong tumirik ang mga mata ni Mika saka napaluhod sa lupa. Patuloy ang pag-agos ng malagkit niyang dugo mula sa leeg niya.
Kumakapit din ang kamay niya sa paa ko at umiiyak. Hinagod ko ang buhok niya saka hinalikan ang tuktok ng ulo niya.
Pagkatapos niyang bumulagta sa lupa, kinuha ko kaagad mula sa loob niya ang mahalagang bagay na kailangan kong alagaan para sakaniya.
Ang puso ni Mika.
Tumitibok, dumudugo at napakalambot habang hinahawakan ko ito sa mga kamay ko. Isinilid ko kaagad ito sa loob ng plastic at inilagay sa bag ko.
Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang panyo ko.
Nang matapos na ako sa ginawa ko kay Mika, aalis na sana ako sa lugar na iyon ngunit may nakita akong isang pares ng paa na nakikita ko sa gilid ko lamang.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Mahuhuli na nga ba ako?
Kahit kinakabahan ako, ay nagagawa ko pa ding mapangisi.
Kung mahuli man ako ay wala yun kaso sa akin. Makikilala naman ng lahat ang kabutihang ginawa ko sa mga biktima ko hindi ba?
"Nagkamali pala ako," wika ng isang boses.
Huminto ako sa paglalakad at naramdaman ang papalapit na yabag mula sa likuran ko.
Lumingon ako at nakita ang isang taong hindi ko inaakalang makikita ko pa ngayon.
"Ivory," wika ko at nakita ko siyang lumapit pa ng tuluyan sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro