Confession 3
Pinagmasdan ko ang kaklaseng nasa harap ko.
She was looking at her phone and reading some news on it.
Nakita kong binabasa nila ang balita tungkol sa pagpatay sa dalawang magkasintahan sa loob ng kanilang bahay.
Napangisi ako nang makita ko ang mga takot nilang mukha.
Gustong-gusto ko pa namang makilala ang mga ginawa ko at natutuwa akong naging usap-usapan na ito sa lugar.
Pagsapit ng aming recess, ay tumungo muna ako sa paborito kong tambayan sa eskwelahan—ang rooftop ng building namin.
Naabutan ko pag-akyat ko ng rooftop ang isang babaeng estudyante na nakatayo sa may dulo ng rooftop. Isang hakbang nalang ay mahuhulog na siya mula rito.
Napangisi ako nang sumagi sa isipan ko na itulak ito.
Lumapit ako nang dahan-dahan sakaniya at ang ikinagulat ko ay bigla siyang umupo sa kinatatayuan niya.
"Are you hesitating to kill yourself?" tanong ko nang makalapit na ako.
Lumingon siya sa akin at natanto ko na kaklase ko ito. Si Ivory.
"1 month."
Napataas ako ng kilay ko nang magsalita siya.
Lalapit na sana ako sakaniya upang itulak siya ngunit bigla siyang tumawa.
Nababaliw na ba ang babaeng ito?
"oh sorry. I'm just thinking, how my body will end up if I fall from here no?" Lumingon siya sa akin saka tumawa.
Napabuntung-hininga siya saka tumayo. Tinapik niya ako sa balikat bago umalis.
What was that?
Hinampas ko ng paulit-ulit ang noo ko nang mabigo akong matulak ang babaeng iyon.
This is so frustrating!
Maaga akong umuwi sa bahay at naabutan kong nakauwi na pala si papa.
Lasing ito at nakahilata lang sa sofa at nanonood ng tv.
Ilang linggo na siyang hindi nakauwi dahil pumupunta ito sa bahay ng iba-iba niyang babae.
I hate him.
Gusto ko siyang patayin. Ngunit gusto ko munang patagalin ito at pagplanuhan ng maayos ang pagpatay sakaniya.
Diretso lang akong naglakad papunta sa kwarto ko at nilock ito. Ayaw kong may makakita ng kwarto ko. Madaming sikreto ang nakapaloob rito.
Binuksan ko ang isang chest na inilagay ko sa ilalim ng kama ko at inisip lahat ng mga nabiktima ko.
Walo. Walong puso na ang nadukot ko sa isang taon.
Ngumiti ako at tinakpan agad ang chest na pinaglagyan ko ng mga biktima ko at ibinalik sa ilalim ng kama.
Nagbihis na ako at nag-ayos upang maihanda ko ang aking sarili sa panibago na namang pagpatay.
Naiirita ako sa sarili ko kanina dahil hindi natuloy nag pagtulak ko sa babaeng iyon. Tila nababaliw na ata iyon at iba-iba ang sinasabi kaya natigilan ako at hindi na siya nagawang itulak.
Lumabas ako sa kwarto ko at nilock ang pinto bago naglakad palabas ng bahay.
Mabuti nalang at tulog na si papa dahil sa kaniyang kalasingan. Gusto kong isilid sa lalamunan niya ang kutsilyo na hawak ko at ipalunok ito. Gusto ko ding kunin ang dalawa niyang mata pero—
Umiling nalang ako upang mapigilan ang pagkatakam kong patayin si papa. Hindi pa pwede ngayon.
Lumabas ako ng bahay at tumungo sa isang pub na palaging pinupuntahan ng susunod kong biktima.
Papasok pa lamang ako ngunit nakita ko nang lumabas ito mula sa pinto habang dala-dala ang isang bote ng inumin.
Natapilok ito sa may hagdan pero mabuti nalang at nasalo ko ang braso niya at ang tanging nahulog lang ay ang hawak niyang bote.
Ipinulupot ko ang braso niya sa balikat ko upang madala ko ang babaeng ito.
Ang pangalan niya ay Sab Martinez. 21 years old. Isang hooker. Iba-ibang lalaki ang nakikita kong kasa-kasama niya tuwing gabi at madalas ko ding makitang umiiyak ito kapag nag-iisa.
Dinala ko siya sa isang makitid na eskinita na daanan ng iilang mga tao lamang.
Isang magandang lugar upang maisatupad ko ang plano ko.
"Who are you?" tanong nito habang tumatawa.
Ipinulupot niya ang dalawa niyang braso sa leeg ko. Amoy alak ito at masisimhot ko din ang sigarilyo mula sa bibig nito.
"Masakit ba?" tanong ko sakaniya at pinisil ang pasa sa may braso nito.
Alam kong sinasaktan ito ng kaniyang ina. Limang araw—ganoon katagal ang pagmamasid na ginawa ko sakaniya. Kaya alam na alam ko ang pinanggagawa nito.
Nakita ko din kasi siya sa labas ng kanilang bahay na nakikipagbangayan sa ina nito at paulit-ulit siyang sinasaktan.
Kapag pumupunta naman siya dito sa pub, sinasaktan din siya ng mga kalaakihan.
Alam kong sa loob niya ay nagmamakaawa na itong patayin ko na lamang siya at hayaang ako na ang mag-alaga ng puso niya.
Napa-aray siya sa sakit dahil sa pagpisil ko sa braso nito. Kaagad niyang hinawakan ang mukha ko at nilapit ang mukha niya. Pero bago pa dumikit ang mga labi namin ay naitusok ko na ang kutsilyo sa likod nito.
Ngumisi ako at hinalikan siya sa noo.
"Masakit ba? Alam ko ang sakit na nadarama mo, kaya hayaan mo akong tulungan kita," bulong ko bago ito tuluyang natumba sa lupa.
Kinuha ko ang kutsilyo mula sa likod nito at idiniin na itusok sa kaniyang dibdib at isinilid ang kamay ko sa loob.
Nang makapa ko na ang puso nito, marahas ko itong kinuha mula sakaniya at tumalsik naman ang dugo sa mukha ko.
Isinilid ko ang puso niya sa loob ng plastic at pinunasan gamit ang panyo ko ang umiiyak na mukha ni Sab.
Alam kong kahit patay na ito ay pinasasalamatan niya ako dahil iniligtas ko na ang puso niya at aalagan na simula ngayon.
Nagsimula nang tumigas ang malapot na dugo ni Sab sa kamay ko kaya pinunasan ko ito ng aking panyo.
Sinimhot ko ang panyo at parang nadidileryo ako sa sobrang sarap na amoy ng dugo. Malansa, kakaiba, malapot, ngunit masarap sa aking pang-amoy at panlasa.
Inilagay ko sa bulsa ko ang panyo saka nilisan ang lugar na iyon.
Katulad ng ibang mga biktima ko, isa si Sab sa mga taong mapalad na magkaroon ng opurtunidad na maalagaan ko ang puso niya at mailayo ito sa sakit na kaniyang nadarama.
Magiging masaya ka na ngayon Sab dahil nasa tamang pangangalaga ang puso mo.
〰️🖤〰️
"Sab Martinez. Ika-walo kong biktima. Masasabi kong napakapalad niya dahil nakita ko siya at nailigtas."
Kumunot ang noo ko nang marinig na tumawa si Detective Cheng. Mayroon bang nakakatawa sa sinabi ko?
"Iligtas? Baliw ka na nga! Pinatay mo ang babaeng iyon!" Napatayo siya at napahampas sa mesa na kaharap namin.
"Alam ko. Huli ko na nang matantong mali ang mga paniniwala ko," bulong ko.
Hindi ko alam kung narinig niya pero mas mabuti kung hindi.
~°~
Vote and comment po please so that I'll know whether you liked the story and of course to hear your thoughts about it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro