Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Uno ⋆ The Perfect Libra

Daily Scoop of Libra

There is no excuse not to try something new and different, however, avoid making any major decisions today. Be careful!

***

Pagbukas ng pinto ay bumungad kaagad ang samu't saring ingay sa loob ng classroom.

Eksaktong nasa pintunan pa ako nang may tumabig sa akin. Agarang nagsalubong ang mga kilay ko. Naniningkit ang matang tinignan ko ang dumaan pero halos marindi naman ang tenga ko sa tili niya papunta sa barkada niya.

'Luh. Akala mo naman hindi nagkita ng ilang taon.'

Kung marunong lang ako magpaikot ng mata ay nakaikot na ito ng ilang beses habang pinagmamasdan ang mga kaklase ko.

Hindi ata classroom pinasok ko. This is more like a marketplace.

First day or not, it's always the usual scene.

The Geminis with their queen bee. Ang mga Leos at Aries na hindi nauubusan ng pinag-uusapan. Magugunaw na lang siguro ang mundo kung bigla silang tatahimik katulad ng mga Virgos at Capricorns na nasa upuan lang nila.

"Bree!" tawag sa akin ng resident 'ate' ng classroom, aka, Autumn.

As a Cancer, I can see why.

At bilang nag-iisang Cancer sa klaseng ito, siya lang ang kinakausap ko.

After all, Cancer and Libra can build the strongest friendship. Kung Pisces ito katulad ng seatmate ko noon ay never ko siyang papansinin kahit mapanis ang laway ko.

Because if there's one thing I always believe that can never be proven by science, it's surely anything about horoscope compatibility.

And that's based on experience.

Aside from those who are Cancer and Libra, sadyang may talent talaga ang iba na paiksiin ang pasensya ko.

"Hoy gago! Kamusta mga chix?" sigaw ng kaklase kong hambog.

I don't even bother remembering their names at baka lalo lang ako mayamot. Akala mo naman kingwapo nila ang pagmumura.

"I know that look," puna ni Autumn na nasa tabi ko pa pala.

Tinignan ko lang siyang walang pagbabago sa mukha ko.

"You're judging our classmates again," pabulong na dagdag niya.

"I'm not," sabi ko and I'm telling the truth.

Hindi ko sila jinujudge,'no? I'm just thinking about my opinions about them. Pasalamat nga sila hindi ko sinsabi at baka dumiretso kami sa Guidance Office.

"Anyway, have you heard? May lilipat daw dito from Class 1."

"Weh?"

"Seryoso nga and omg speaking of!" Timing sa hiyaw nito ang pagtahimik ng buong klase.

'Ano na namang kadramahan 'to?' Isip-isip ko at lumingon pero kahit ako ay biglang napatunganga.

Nang mapansin ng bagong dating ang mga tingin sa kanila ay ngumiti ang pinakamatangkad sa grupo nila.

'Shet! Bakit ang gwapo.'

Deep inside, halos mapatid ang pisngi ko sa ngiti pero nanatiling walang ekspresyon ang mukha ko. Sa mga panahong ito ko talaga masasabi na blessing ang resting bitch face ko.

I can stare whenever I want without being awkward pero nang biglang magtagpo ang aming mga mata ay halos tumalon ang puso ko papuntang lalamunan. 

There's only one person who can make me feel this way.

Kaizen Andrius Ledesma, the perfect Libra for me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro