Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 49( babae nasa FB)

November 23 2013, noong unang beses ko nakita ang larawan ng babaeng di ko akalain na mamahalin ko ng buo..

Habang nag e fb ako at naghahanap ng mga pwedeng iadd biglang napako ang tingin ko sa larawan ng isang babae.

At dali dali ko siyang inadd at buti nalang inaccept niya agad ito.

At nung una ay nahihiya pa ko na ichat siya..

Pero pagkalipas ng ilang oras ay naglakad loob na kong ichat siya at buti nalang ay hindi niya lang ito sineen at sya ay nagreply pa.

At nung maghapon na yun ay kame parin ang magkachat hanggang abutan na kame ng sinag ng araw kame parin ang magkachat.. (walang tulugan) then sa mga susunod na araw ganun parin kame

Nagkakausap nagkaka chat.. Hanggang sa magplano kame na magkita kame.. Subalit ang pagkikita na iyon ay hindi matuloy tuloy..

Pinilit naming iadjust ang mga araw ng pagkikita namen subalit sadyang ayaw lang talaga kame pagkitain..

Hanggang sa isang araw ay umamin siya sa akin na mayroon na palasiyang boyfriend..

At ang nakakagulat pa dun ay mas matanda sa kanya siya ay 13 yrs. Old palang at yung boyfriend niya ay nasa 21 na ako naman ay 14 lang nun..

Nung sinabe niya sa aken yun ay naging madalas na aming paguusap dahil umiiwas na din ako nun dahil ayoko makasira ng isang relasyon..

Pero di ko matatanggi na nagkakagusto na rin ako sa kanya dahil ba naman sa loob ng halos 3 buwan naming pag uusap sa cp pagchachat na walang humpay..

At sa dumating na nga ang araw na hindi na kame nagkakausap.. Wala na kong balita sa kanya. Wala na kong alam kung ano man ang ginagawa niya.. hanggang sa isang araw sa di sinasadyang pagkakataon ay biglang nagcross ang landas namen..

Nakita ko siya sa isang mall kasama ang mga kaibigan niya at kasama ko naman din ang mga kaibigan ko..

Sa wakas nakita ko din siya masaya ako nung araw na yun.. Dahil sa tagal din naming nagplano na magkita ay mangyayare din pala sa hindi mo inaasahan..

Nakita ko siya nagtanguan lang kame nagkamustahan yun lang ang nangyare.. Pero nung araw na yun ok lang saken dahil wala na rin naman na akong nararamdaman sa kanya nun at alam ko na masaya siya sa boyfiend niya.

Hanggang sa lumipas ang panahon grumaduate na ako ng highschool ay mayroon din akong nga babaeng nagustuhan ngunit ibang iba parin siya sa lahat ng aking nagustuhan..

Kaya hindi rin nagtatagal ay mabilis na nawawala yung pagtingin ko sa ibang babae.

At nitong march ay laking gulat ko ng inadd niya ako ulit sa fb dahil bago na yung account niya at bago narin ang account. Galing naalala niya pa ko.. agad ko namang inaccept ang kanyang friend request at dali dali ko itong inistalk..

At mas nagulat ako habang tinitignan ko ang timeline niya ay may nakita akong bata..

Anak niya mula sa boyfriend niyang matanda.. Pinalipas ko muna ng ilang araw bago ko siya ichat ulit. At yun nagkausap na kame nagkamustahan, nagkabiruan.

At nung tinanong ko kung kamusta na sila ng boyfriend niya ay biglang naiba ang mood niya.. At sinimulan niyang magkwento saken. Iniwan pala siya ng kanyang boyfriend nung nalaman na siya ay buntis ay biglang umalis sa lugar nila at nagtago..

Ang ikinalulungkot ko ay pinilit lang siya nito na makipagtalik. Kaya kahit ako ay naiinis at nanggigigil sa lalaking iyon. Lumipas ang mga araw parang unti unting bumabalik ang pagtingin ko sa kanya unti unti nanaman akong umiibig sa kanya.

At kame ay nagplano muli ng pagkikita kasama ang kanyang anak para bakunahan. Nung makita ko siya nasambit ko sa sarili ko "wala parin siyang pinagbago" kahit na may anak na siya hindi parin kumupas ang kanyang ganda..

Nung araw na yun ay masayang masaya ako dahil para kaming mag asawa nung time na yun. Di namen namalayan ang oras halos 4 na oras na kaming magkasama nakakabitin pero kailangan niya ng umuwi nun.

Tuloy ang aming paguusap pagkekwentuhan sa mga nangyare sa buhay at paminsan minsan ay nagkikita kame kasama ang kanyang anak. Hanggang sa marealized ko nalang na mahal ko na talaga siya pati ang anak niya na bunga ng pagsasamantala tanggap ko siya kung ano man siya nuon at tanggap ko rin ang anak niya katulad ng pagtanggap ko sa kanya.

Ngunit isang araw ay biglang siyang nagbago ng hindi ko alam madalas na siyang nagagalit saken ewan ko ba kung bakit. Hanggang sa ipinaliwanang niya..

Dahil yun sa kanyang mga magulang niya. Ayaw niya nang sirain ang tiwala ulit na binigay sa kanya ng magulang niya.. Kaya nagiging ganun nalang ang pakikitungo niya saken.

Pero willing akong maghintay sa kanya kahit na gaano pa katagal dahil mahal na mahal ko na talaga sila ng anak niya.. Hanggang ngayon naghihintay parin ako sa kanya at ganun parin ang pakikitungo niya sa aken pero tinitiis ko yun dahil nagbitaw ako sa kanya ng mga pangako at lahat ng iyon ay ayokong sirain.

MAHAL KO SIYA TALAGA AT HINDI AKO NAGSISISI SA MGA BAGAY NA GINAGAWA KO PARA SA KANYA. WALA EH GANUN PALA TALAGA KAPAG MAHAL MO SIYA. LAHAT NG PAGTITIIS GAGAWIN MO PARA SA KANYA.






What can you say??

♡Vote and Comment GUYS!!!

Follow Me


Enjoy Reading.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro