Part 31 (Love at 1st Sight)
Last year nakilala ko sya weird, tisay at matalino.
So ito na po umpisa first day of school naghahanap ako ng room then nakita ko naman agad😌 over confident ng pumasok kaso hahaha!
Sobrang dulas ng floor kaya naman nadapa ako😂 kaya nagtawanan ang lahat ng classmate ko😞 maliban lang sa isang girl na sobrang nakaagaw ng pansin ko😍☺
Hindi ko alam kung malabo lang talaga mata nya o talagang hindi niya ugali ang pagtawanan ang isang tao na kahit epic ang pagkakadisgrasya
Kaya naman na love at first sight nya ako, at sya ang naiiba sa lahat ng girl sa room namin non.
Nag umpisa sa pagtatanong tanong kung sino sya at magkanda baliw baliw sa paghahanap ng facebook nya😂
Hanggang may nakakita best friend ko at sinabi nya sakin.
Nag friend request ako kaso hindi kaagad inaccept akala ko hindi na talaga hahaha.
Nang naaccept na, say hi agad ako syempre parang ganon😂 hanggang sa humaba ang usapan then naging close kami sa chat nga lang.
Hanggang sa sinabi ko sa kanya na may crush ako sa room☺ sya naman si timang hula ng hula kung sino😂 sabi ko clue kilalang kilala nya, syempre imposible naman na hindi nya kilala sarili nya!
Pateka teka ako umamin may mga balak pa nga na haharanahin muna bago sasabihin na ikaw yung crush ko!
Kaso kabado😂 so eto na inamin ko na sa kanya na sya ang crush ko☺ na shock sya at sa huli nag thank you, okay naman sakin wala naman negative don diba?
Nanligaw na ako kaso, ano pa nga ba ang kinakatakutan ng lahat ng nanliligaw? Hahaha!
Busted! Oo busted ako😞 at hindi lang isang beses madaming beses may apat yata hahaha hindi pa ako sure non baka nga 6 pa, at nang binasted nya ako nag propropose sya na you would be my bestfriend?
Wow😂 oo ganon sya kabait☺pero hindi pa doon yon nag tatapos.
May mga project na group by group mag papractice sa bahay ng kaklase then nagkakaaminan, lintik yang spin the bottle na yan eh!
Crush nya ang bestfriend ko!
Oh my bestfriend bakit ikaw pa😞 but yung bestfriend ko bali wala sa kanya yon.
At isang araw bigla nya nalang sinabi na gusto mo gantihan ko si ***** hayst!
Bestfriend nga naman!
Hindi ko alam sa sarili ko nang mga panahon na yon kung bakit ako sumagot ng oo!
Edi nagkaligawan na sila isang gabi lang daw oo na okay na, sila na😭💔
Tumagal sila siguro linggo pero sa isang linggong yon ang daming nangyare😞 makikita mo naglalambingan tapos ako nasa tabi hahaha!
Lumalamon kahit walang gana masabi lang na okay😞 hindi ko na kaya ang mga nangyayare so sabi ko sa bestfriend ko hiwalayan mo na toyo!
Kung wala naman nabago sa feelings mo sa kanya. Naawa ako sa kanya😞 sabi naman ng bestfriend ko ayuko!
Huh? Bakit?
Napamahal na ako sa kanya at ayuko muna makipag hiwalay sa kanya. Aba ang galing talaga eh no hahaha!
Oo ganon eh ikaw ba naman matangkad may makapal na kilay, tisoy at higit sa lahat pogi.
So gaya nga ng kwento ko hindi nagtagal naghiwalay din sila. May mga memories na hindi ko nakakalimutan tulad nalang ng birthday nya nag swimming kami at dahil hindi naman ako mayaman family ko may kaya lang, may kaya lang kumain ng apat na beses sa isang araw hahaha!
Nagtrabaho ako magdamag para makapunta sa swimming i mean makasama kahit puyat at pagod pumunta ako.
Ang tutuo nyan late na nga ako ng dumating basa na sila ako kakain palang ng handa nya.
Nagkaayaan ng laro sa pool na bubuhatin ang babae then basta away away ganon, sabi ko sa kanya sali tayo buhatin kita?
Pumayag sya o my shit hahaha! Todo kilig naman ako☺😂 at sobrang saya hahaha! Oo mababaw lang kaligayahan ko! Sorry na agad.
Then alam ko medjo short cut ang kwento ko pero real life po to!
Graduation na! Top one sa room namin, oo matalino sya sa math lang gaya ko hahaha! Sya nakakagets konti ako naman loading na ewan..
Congratulations! She said thank you :) after nang graduation syempre ibat ibang school na kami pero ako hindi ako umalis sa school namin kase sa M*** ang best memories in high school ko na yata😂 syempre hindi pa ako sure kase senior high palang naman ako ngayon.
Oo last year lang nangyare ang storya ko. Matapos ang graduation wala ng paramdaman nag chat ako kaso seen mga busy sila kase nga nag transfer sila sa ibang school na.
Then after 3 months nagkaparamdaman kaso wala sa timing, ni rak kase ng mga kaibigan ko ang chat box namin,kaya doon na nagtapos ang usapan.
Friendzone na hanggang ngayon kahit may 2 babae na dumaan sa buhay ko hindi ko alam kung bakit naaalala ko parin sya, at sa lahat ng babae na niligawan ko hinahanap ko ang meron sya i mean ikinukumpara ko sa kanya.
Hanggang dito nalang sana mabasa nya to sure alam nya na ako yung nag confess neto.
♡
♡
♡
♡
♡What can you say???
♡
♡
♡Vote and Comment GUYS!!
FOLLOW ME....
Enjoy Reading....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro