Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5


Kabanata 5


Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung paano ko ba sasabihin kay Khail ang totoo. That I cheated on him with a random stranger.

Sa takot kong iwan niya ako once na masabi ko sa kan'ya ang totoo, I left him sa labas ng bahay namin. Pumasok ako na parang walang nangyari.

Hindi na rin nag-abalang magtanong si Papa at ang mga kapatid ko, alam kasi nila ang ugali ko. Hahayaan lang nila ako hanggang sa ako na mismo mo magkukusang sabihin sa kanila ang problema.

Ganito pala ang pakiramdam na may bitbit tayong hindi natin masabi sa ibang tao—na tiyak na sisira sa lahat ng iniingatan natin.

Paano naaatim ng mga manloloko na umaktong parang walang nangyari? Lalo na sa harap ng partner nila?

They seem fine and proud.

“Good morning, Faith!” bati sa akin ni Angela, kasama kong nurse na duty rin ngayong umaga.

Ngumiti ako at binati siya pabalik. “Good morning!”

Dumiretso ako sa computer table para tingnan ang chart ng mga pasyente ko. Medyo advance na ang hospital na pinapasukan ko. Mayroon pa rin naman kaming chart na hinahawakan, pero nililipit naman agad ito sa website ng hospital para mas madali namin ito ma-access.

Wala pang ilang minutong nakatingin sa computer, natulala na lang ako bigla.

Sa totoo lang, wala pa rin akong matinong tulog. Gusto ko na lang tapusin itong lahat pero hindi ko rin naman alam kung paano at saan magsisimula.

Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari, and I was drunk! Tangina. Mabuti pang hindi na lang ako sumama sa puyetang bar na iyon. Pumunta na lang sana kami sa bahay nila Khail gaya ng totoo naming plano noong araw na 'yon.

“Faith,” narinig ko naman ang pagtawag sa pangalan ko pero hindi ko iyon nilingon. I was preoccupied.

It appears that my mental state is still off.

“Hoy, Faith!” Dahil sa gulat at pag-alog sa akin ni Angela nakuha rin niya ang atensyon ko. “Ayos ka lang? Parating na raw kasi 'yong bagong Doktor. Ipapakilala raw tayo. Tara na?” anyaya niya.

Kumunot ng bahagya ang noo ko. “Bagong Doktor? May bagong Doktor tayo?”

Hindi ko matandaan na nag-inform sila na may bagong Doktor na darating. Bakit parang ako lang yata ang hindi nakakaalam? Base kasi sa kinikilos nila parang kanina pa nila iyon hinihintay.

Marahang tumango si Angela. “Oo. Naka-off ka nga pala no'ng sinabi ni Nurse Ian na may bagong Doktor sa Pedia. Now you know?” she chuckled. “Kaya halika na para makita natin kung totoo nga ba ang tsismis na pogi ang bagong Doktor!” Napatayo ako nang bigla niya akong hawakan sa braso at hinila.

“Teka lang, may rounds ako ngayong umaga!” reklamo ko.

Saglit lang naman 'yon. Samahan mo lang ako para may mapaglalabasan ako ng kilig mamaya.” Hinihila pa rin niya ako kaya wala na akong nagawa kun'di sumunod sa kan'ya.

Papunta kami ngayon sa office kung nasaan ang Head Doctor ng hospital. Nagkataon kasi na nasa Pedia Ward ako kaya kailangan naming salubungin ang bagong Doktor ng Pedia.

“Babalik din ako agad, Angela. May kailangan pa akong turukan ng 7:30.”

Mabuti na lang napasadahan ko pa rin saglit ang mga kailangan kong ikutan ngayong umaga. Tiyak na mabubungangaan na naman ako ni Nurse Ian kapag nagreklamo ang mga Nanay ng pasyente ko.

Napatingin naman agad siya sa relo niya kung hanggang ilang oras na lang ako available.

“Okay na 'yan. May fifteen minutes pa tayo. Titingnan ko lang talaga kung sino 'yong Doktor. Baka sakali makabingwit na ako ng Doktor na pogi. Kung hindi kasi matanda, may asawa na ang mga tao dito.” Mas binilisan pa ni Angela ang paglalakad kaya halos magulagod niya na ako.

Hindi naman halatang excited siya,'no?

Natawa na lang ako sa babaeng ito. Hinayaan ko na at baka tumandang dalaga.

Mukhang kailangan ko na ring mag-alala sa puntong ito ng buhay ko. Once na malaman ni Khail ang nangyari sa akin, baka isa na rin ako sa listahan ng mga tatandang dalaga.

Pero saka ko na iisipin ang bagay na 'yon. Hindi ko pa alam ang mga mangyayari. Maybe, he will forgive me, pero hindi na ako aasa.

Alam ko ang pagkakamaling nagawa ko. At walang kapatawaran iyon. Kung sa akin din nangyari 'yon at niloko ako ni Khail, baka habang buhay kong sisihin at kwestyunin ang worth ko.

Sabay kaming huminto ni Angela sa harap ng pinto ng opisina ni Dr. William. Napatingin ako sa braso ko nang mahigpit niya itong hinawakan.

“Huwag ka namang magpahalatang excited ka. Hinay-hinay lang sa kilig at baka turukan ka nila ng pangpakalma,” biro ko at nilipat ang pagkakahawak niya sa braso ko. Binaba ko ito ng konti dahil kanina pa kumikirot sa kapipisi niya.

“Kalmado pa ako, Faith. Hindi ba halata?” Malapad siyang ngumiti. “Tara na sa loob at baka tayo na lang ang hinihintay nila.”

Sumunod na lang ako nang buksan niya ang pinto at naunang pumasok. Bahagya akong natawa naabutan naming may naglilinis ng janitor sa loob.

“Ate, nasaan na po ang mga tao rito? Iyong bago pong Doktor? At saka si Dr. William po?” Nilibot pa niya ang kan'yang mga mata sa buong silid, nagbabakasakali na makita ang kan'yang hinahanap.

“Tao po? Ano pong tingin niyo sa akin? Display?” pagbibiro ni Ate Jil, nabasa ko lang sa ID niya.

Mabilis nasumimangot si Angela. “Ate, seryoso po ako. Wala na po ba talaga rito 'yong future ko? Kawawa naman po ako. Siya na lang ang pag-asa kong magkaroon ng sariling pamil—” Pinalo ko siya sa braso.

“Pagpasensyahan niyo na po itong kasama ko. Nasobrahan lang po sa kape kaya wala na sa katinuan. Mauna na po kami. Linis well po.” I smiled.

Hinila ko na rin palabas ng office si Angela kahit ramdam ko sa force ng katawan niya na ayaw pa niyang sumuko.

“Halika na.” Ako naman ngayon ang gumugulagod sa kan'ya hanggang sa may naalala ako. “Tapos na ang duty mo 'di ba? Baka kulang ka lang sa tulog. Umuwi ka na para matahimik na ang buhay ko rito.”

Ako pala ang kapalitan ni Angela kaya puwede na siyang umuwi. Sa sobrang preoccupied ko kanina hindi agad nag-sink-in sa akin iyon. Alam ko naman ang dahilan kung bakit hindi pa siya umuuwi. It's because of that Doctor na hindi naman namin naabutan.

“Ang pogi nga ni Doc. Sayang may asawa na ako.”

Natigilan kami nang sabay na naglabasan sina Nurse Marissa at Nurse Criselda galing cr. Kasama rin namin sila sa Pedia Ward. Mukhang tapos na nga ang meeting dahil sa pinag-uusapan nila.

Nabuhayan naman ng dugo si Angela sa tabi ko. Kaagad niya akong iniwan at nilapitan ang dalawang Nurse.

“Mga Ate, totoo ba? Pogi talaga si Doc?”

“Sobra! Hindi mo nga malalaman na Doktor siya kung hindi mo siya kilala,” sagot agad ni Nurse Criselda kay Angela. Hindi na siya nagulat sa pagsulpot ni Angela, sanay na siguro.

Papunta na kami sa station namin. Mag-isa naman akong tumatawa sa likod habang pinapanood silang tatlo. Pinag-uusapan pa rin nila ang mahiwagang Doktor na iyon.

Ngayon lang ba sila nakakita ng pogi?

Ako kasi araw-araw...

Mabilis na naglaho ang ngiti sa aking mga labi nang maalala si Khail. Hanggang kailan kaya siya magiging akin? Iniisip ko pa lang na iiwan niya ako parang pinipiga na ng sobra ang puso ko.

Nahihirapan na agad ako kahit iniisip ko pa lang na baka bukas hindi na ako ang kasama niyang gigising sa araw-araw, ang ipagluluto niya ng mga paboritong pagkain, ang susuyuin niya, at i-co-compliment to boost her confidence. Mas masakit isipin na baka dumating ang araw na hindi na ako ang mahal niya at gustong makasama habang buhay.

Tangina. Ang sakit!

Nasanay na akong nandiyan siya palagi. Kaya ang hirap para sa akin na sirain ang tiwala niyang sabay naming binuo dahil lang sa isang pagkakamali.

I was drunk.

Tangina.

Paano ko ipapaliwanag sa kan'ya na nagkamali lang ako? Dahil lasing ako? Nalasing ako.

Tangina.

“Doc!”

“Good morning po, Doc!”

“Saan po kayo pupunta?”

“Goodmorning din. Babalik lang ako saglit sa office ni Dr. William, naiwan ko yata 'yong cellphone ko sa mesa niya.”

Pamilyar ang boses na 'yon. Kaagad na hinanap ng mga mata ko kung sino ang nagsalita.

Kusang huminto ang mata ko sa lalaking nakatayo sa harap ng tatlo. Kahit malayo, nakita ko agad kung sino ang Doktor na kauspa nila Angela.

Am I dreaming?

Habang titig na titig sa lalaki, pinipisil ko naman ang sarili kong braso para gisingin ang natutulog kong—tanginga!

Gising na gising ako!

“Oh! I know you!” aniya nang biglang magawi ang tingin niya sa akin. “Nurse ka pala?” He smiled, as if he's happy to know.

Sabay na lumingon ang tatlo sa gawi ko. Kitang-kita ko naman agad ang namumulang pisngi ni Angela sa kilig.

Hindi ako nakasagot at mariing napalunok.

Don't tell me siya iyong bagong Doktor?!

No way!

This can't be happening!

Hindi kami puwedeng magkasama sa iisang lugar. Lalo na rito sa hospital! Trabaho ko ito, tapos araw-araw kaming magkikita?

Sorry, Kap.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro