Kabanata 4
Kabanata 4
“Oh, bakit umuwi ka?”
Hawak-hawak ang shoulder bag ko, bumungad sa akin ang nakatatanda kong kapatid, si Kuya Terrence, nakatayo sa may hagdan na ilang hakbang lang ang layo sa pinto.
Maliit lang ang bahay namin kumpara kung saan kami nakatira ni Khail. Kaya bawat parte nitong bahay, iilang hakbang lang ang layo sa isa't isa.
“Para namang hindi ka masaya na umuwi ako.” Dumiretso ako sa sofa at umupo. “Nasaan si Papa at Kuya Tristan?” tanong ko, hinahanap ang dalawa.
Aside kay Kuya Terrence, the eldest, may isa pa akong Kuya na mas matanda sa 'kin ng isang taon, si Kuya Tristan. Tatlo lang kami at ako ang bunso.
“Akala ko kasi pinalayas ka na ni Khail sa bahay niyo. Wala ka pa namang alam na gawaing bahay,” pang-aasar ni Kuya. Naglalakad na siya papunta sa direksyon ko, bitbit ang libro na binabasa niya.
Umuwi ako para sana makalimot at makapag-isip ng hindi nakikita o nasisilayan si Khail. Kahit saan kasi ako magpunta sa bahay namin hindi maiwasan na nandoon din siya. Hindi naman ako makapagreklamo dahil nasa iisang bubong lang kami at kasalanan ko kung bakit ako nagkakaganito.
Pero paano naman ako makakalimot kung pinapaalala ni Kuya Terrence na anumang oras pwede akong palayasin ni Khail? We both owned the house, pero dahil ako ang may kasalanan ako na lamang ang aalis. Hindi ko rin naman maaatim na ako ang mananatili sa bahay kung ako mismo ang sumira ng relasyon namin.
“Hehe. Funny.” Sarkastiko ko siyang tinawanan sabay irap. Wala ako sa mood para makipagbiruan. Mas mabigat ang loob ko ngayon kumpara no'ng mga nakaraang araw. Habang tumatagal pakiramdam ko unti-unting bumibigat ang nakadagan sa akin.
“Nasaan nga si Papa at Kuya Tristan?” tanong ko ulit, binalik ang tingin sa kan'ya.
Umupo siya sa harap ko bago binaba sa center table ang libro na hawak niya. “Namamalengke si Papa kasama si Tristan,” he answered. “Bakit ka nga umuwi? Curious lang ako kasi hindi ka naman umuuwi ng biglaan. Malamang may rason,” pangungulit pa niya.
Hindi ako nagpahalata na tama siya at may rason nga kung bakit ako nandito. Ayokong isipin nila na umuuwi lang ako kapag may problema. I can handle myself... kinakaya ko.
Ngumiti ako at pilit na tinawanan ang sinabi ni Kuya Terrence. “Stress ka lang, Kuya. Kumusta med school? Malapit ka na ba maging Doctor?” paglilihis ko ng topic.
Mapanuring mga mata ang ipinukol niya sa akin. “Hindi mo ako madadaan sa palusot mo, Tati. Pero kung ayaw mo namang pag-usapan hindi na kita pipilitin.” He shrugged. “Okay naman ako kahit stress. Ilang taon na lang din naman malapit na akong matapos sa residency ko,” confident niyang sabi na hindi naman halata ang stress sa sinasabi niya. Umupo pa siya ng maayos at sabay na pinagkrus ang mga braso at hita.
“Ah...” Wala na akong masabi.
Ayoko namang sirain ang confidence na mayroon siya lalo na at 'yon na lang ang nagpapalakas ng loob niya. Alam ko ang paghihirap ni Kuya. Magkasama kami sa hospital kung saan ako nagta-trabaho kaya madalas ko siyang nakikita, pati si Kuya Tristan.
He chuckled. “Alright. Magbabasa na lang ulit ako. Kausapin mo ako kapag may maganda ka nang sasabihin,” mapakla niyang sabi bago kinuha ang libro sa mesa.
Pinanood ko lang si Kuya sa bawat galaw niya. Seryoso na siyang nagbabasa kahit na alam niyang nandito ako sa harap niya. He's not joking. Hindi na nga niya ako pinapansin.
Sa aming tatlo, si Kuya Terrence lang talaga ang masipag mag-aral. Kaya sa aming tatlo siya lang din ang nagpatuloy sa medical school. We're not as smart as him pero pinagmamalaki naman kaming lahat ni Papa.
I'm a registered nurse the same as Kuya Tristan, and the three of us work for the same hospital.
“Tati!”
Mabilis akong napalingon sa tumawag sa akin. It was Kuya Tristan, giving me a smile like he didn't see me yesterday. Pareho kaming naka-off ngayon kaya ko siya hinahanap kanina.
Hinanap ng mga mata ko si Papa nang hindi ko siya makita kasama si Kuya Tristan. “Si Papa?” tanong ko at binalik ang mga mata kay Kuya.
Nilagay munang lahat ni Kuya Tristan ang mga dala niya sa kusina bago lumapit at tumabi sa akin. Nasa mahabang sofa kasi ako nakaupo habang nasa single sofa naman si Kuya Terrence.
“Nasa barber shop pa. Nagrereklamo na sa init ng panahon kaya ayon nagtitiis sa haba ng pila para lang makapagpagupit. Nauna na akong umuwi para makapagluto na kami ng pananghalian,” paliwanag niya. “Ikaw? Bakit nandito ka? Himala.” Tumawa siya na parang hindi na niya inaasahan na uuwi ako. Pareho sila ni Kuya Terrence.
“Sabi sa'yo, eh. Pati si Tristan nagtataka rin sa pag-uwi mo.” Lumipat ang atensyon ko kay Terrence. Busy pa rin siya sa pagbabasa pero nagagawa pa rin niyang asarin ako.
Kumunot ang noo ko at isa-isa silang tiningnan ng masama. “Masama na bang umuwi? Bahay ko rin naman 'to, ah!” pagmamaktol ko.
Bakit kasi wala pa si Papa?! Pinagtutulungan tuloy ako ng dalawang aswang na 'to! Nakakainis.
“Bahay ko rin naman 'to, ah!” gaya ni Kuya Tristan sa tabi ko kaya agad ko siyang hinampas ng bag ko. “Aray!” reklamo niya.
“Tatiana!” suway ni Kuya Terrence.
Nakasimangot kong binaba ang bag ko sa tabi. “Nakakainis naman kayo... u-umuwi lang naman ako kasi...” Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin nang bigla na lamang ako umiyak.
Pinipilit ko namang maging malakas sa harap nila, pero hindi ko pala kaya. Maybe I just really need them.
“Tati...” Niyakap ako ni Kuya Tristan at pinasubsob sa may balikat niya.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Humagulgol ako ng iyak. Aware din siguro ang katawan ko na nasa tamang lugar ako kaya kahit hindi ko inaasahan kusa na lamang nangyari. I felt safe and relieved.
“It's okay... you can cry here all you want.” Nagulat ako nang nasa tabi ko na pala si Kuya Terrence. He tapped me and put his head on my back.
Hinayaan lang nila akong umiyak at tahimik na nakikinig sa akin. Bilang bunso at nag-iisang babae, kahit na kailan hindi nila ako pinabayaan. Noon pa lang iyakin na talaga ako, at ganitong-ganito ang palagi nilang ginagawa sa akin.
I'm always grateful to God for giving me two older brothers and Papa who were always there for me.
Mahigit sampung minuto silang gano'n hanggang sa napagod na lang ang mga mata ko. I let out a deep long sigh before wiping away my tears and faced them.
Ngumiti ako na parang walang nangyari. “Napuwing yata ako.” I chuckled.
Nagulat ako nang sabay nila akong tinapik sa likod. “Palusot mo nineties,” sabay rin nilang sabi, pinagtatawanan ako.
Tumawa na lang din ako dahil totoo naman. Mula noon hanggang ngayon 'yon pa rin ang palusot ko tuwing umiiyak.
Ang sarap sa pakiramdam na alam mong may nakikinig sa'yo kahit na wala ka namang sinasabi. Ganito rin naman si Khail sa akin, hindi ko lang talaga siya kayang harapin sa ngayon. Atleast kahit papaano nabawasan ang bigat sa dibdib ko.
“May problema ba kayo ni bayaw?” tanong ni Kuya Tristan sa tabi ko.
Pareho na kaming tatlo na nakasandal sa sofa— nakahiga ang mga ulo habang naka-krus ang mga braso. We're facing the ceiling. Nasa gitna ako at nasa magkabilang side ko naman ang dalawa.
Umiling lang ako bilang sagot, nakatitig sa patay na ilaw sa kisame. May problema ako pero hindi pa rin counted dahil wala pa namang alam si Khail.
“Kung wala kayong problema bakit ka umii—aray!”
Agad akong napatingin kay Kuya Tristan. Nagtaka ako nang naabutan ko ang kamay ni Kuya Terrence sa ere, pabalik na sa dibdib niya. He crossed his arms again as if he didn't do anything.
“Magluto ka na do'n. Dito ka na kumain, Tati,” Kuya Terrence said, referring to Kuya Tristan and me.
Nilingon ko si Kuya Tristan nang bigla siyang tumayo.
“Yes, boss. Dito ka kumain, Tati, ah. Magluluto ako ng sinigang na may okra.” He smirked.
Nginitian ko lang siya at sinundan ng tingin hanggang kusina. Nakakatuwa na hanggang ngayon siya pa rin ang cook dito sa bahay. Na kahit may trabaho siya nagagawa pa rin niyang alagaan si Papa. Silang dalawa actually, ako lang talaga itong pasaway sa aming tatlo.
“When's the last time you came home crying?”
Nagtataka kong nilingon si Kuya Terrence. Nakatingin pa rin siya sa kisame na parang may malalim na iniisip.
Napaisip din ako sa tanong niya. Kailan nga ba 'yon?
Nag-iisip pa lang ako nang magsalita ulit si Kuya Terrence. “College. Second year. Umuwi ka kasi may dugo ang uniform mo. Maraming nakakita kaya umiiyak ka.”
Bumalik ang lahat ng alaala ko no'ng araw na 'yon. Buwanang dalaw, at iyon ang unang araw ko sa buwang 'yon. Sa sobrang stress at busy sa nursing nakalimutan ko nang mag-update sa kalendaryo. Nagkaroon ako ng bisita sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Naka-uniform pa naman ako noon. All white. Shocks. Nahirapan tuloy kaming maglaba.
Napangiti ako. “Mabuti na lang nasa bahay na kayong dalawa ni Kuya Tristan. Tinulungan niyo pa akong maglaba para hindi ako mapagalitan ni Papa.”
“That was the last time na nakita kitang umiyak sa harap ko. Hanggang sa nakilala mo si Khail. You put us aside. Sa kan'ya ka na umiiyak at humihingi ng tulong. But today...” He lifted his head and turned to me. “You remind me of nineteen-year-old Tatiana Faith, who still needs her older brothers. I missed that.”
Bigla akong nalungkot sa narinig. Hindi ko alam na gano'n na pala ang nangyayari. Naging busy at focus ako sa relasyon namin ni Khail. Hindi ko namamalayan na napapabayaan ko na pala ang pagiging kapatid ko sa kanila ni Kuya Tristan.
Akala ko ayos lang kasi busy rin naman sila—maraming ginagawa. Hindi pala. Hinihintay lang pala nila ako.
“Stop making faces. Hindi ko sinabi 'yon para malungkot ka. Gusto ko lang ipaalala na kahit anong mangyari, nandito lang kami ni Tristan at ni Papa. Bukas palagi ang pinto para sa nag-iisa naming prinsesa.”
Hindi ko na napigilang maluha. Niyakap ko si Kuya Terrence at humagulgol ng iyak. Paano ako hindi malulungkot kung gano'ng klaseng mga salita ang maririnig ko? Masaya ako at the same time malungkot kasi nakalimutan kong sa kabila ng mga problema may pamilya pa rin akong masasandalan at uuwian. I forgot that I have a strong support syempre from my family.
Kuya Terrence hugged me back, caressing my back to comfort me. I'm still blessed.
“Khail! Anong ginagawa mo dito sa labas? Bakit hindi ka pumapasok? Nasaan si Faith?! Nandito si Khail—”
Dali-dali akong bumitaw sa pagkakayakap kay Kuya Terrence sabay pinunasan ang luha ko pagkarinig ko ng boses ni Papa. Sabay naming nilingon ang pinto at nakita si Papa, nakaakbay kay Khail na nasa tabi niya.
Halata ko ang gulat sa itsura ni Papa nang makita akong namumula pa ang mga mata galing sa pag-iyak. Lumipat ang tingin ko kay Khail. Hindi siya mukhang nagulat. Siguro ay kanina pa siya nasa labas at nakikinig sa amin.
Naramdaman ko na naman ang pamimigat ng dibdib ko sa sitwasyon namin ngayon. Hindi dapat nila ako nakikitang ganito. Mas nahihirapan ang loob kong makita silang nag-aalala dahil lang sa punyetang pagkakamali ko.
“Anak... Faith, bakit ka—” Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Papa. Kinuha ko ang bag ko at naglakad patungo sa pinto. Nilagpasan ko sila na parang hangin lang sila sa paligid ko.
Mas mabuti pang magalit na lang sila sa akin kaysa pahirapan ko pa sila ng ganito. Natatakot din talaga ako na malaman ni Papa ang totoo dahil sa nangyari sa kanila ni Mama. Alam niya ang pakiramdam ng maloko at iwan para lang sa pera. Ayokong isipin niya na mali ang pagpapalaki niya sa akin at marinig sa kan'yang nakuha ko ito sa magaling kong ina.
Nasa labas na ako ng gate nang biglang may humawak sa braso ko. Alam ko na agad kung sino 'yon.
“Kap... that's not right. Kinakausap ka po ni Tito.” Tama nga ako. At saka inaasahan ko na rin 'yon.
Kahit na gusto ko na lang umiyak, naglakas loob pa rin ako na harapin siya. Huminga ako nang malalim at binawi ang braso ko.
“Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?” akusa ko sa kan'ya.
“I'm not. Bakit ko naman gagawin 'yon?” sagot niya, kalmado pero halata ang iritasyon sa tono ng pananalita niya. Malungkot ang mga mata niya, nagmamakaawa. “Mag-iisang linggo na tayong ganito, Kap. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo na kahit anong pilit kong intindihin... hindi ko pa rin maintindihan. Ginagawa ko naman lahat para kausapin ka—para pag-usapan natin. Tulungan mo naman ako kasi hindi ko na rin alam—”
“B-bigyan mo muna ako ng oras para makapag-isip.” Nasabi ko na lang para hindi niya na ituloy ang sasabihin niya. I feel like I already know what he's going to say. Kaya natatakot ako na marinig 'yon ngayon mula sa kan'ya. Selfish na kung selfish pero hindi ko pa siya kayang bitawan.
“Why do I feel like... you're just making excuses to leave me?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro