Kabanata 3
Kabanata 3
Pagkatapos ng mga nangyari, buong araw na akong hindi kinakausap ni Khail. I know he's mad. Last time na nangyari ito noong hindi ko rin sinasadyang sigawan siya dahil sa init ng ulo. Pagod kasi ako noon galing trabaho, and he's making fun of me. Sinigawan ko siya kaya ayon, dalawang araw niya akong hindi kinikibo.
Kahapon lang nangyari ang lahat pero hindi na kinakaya ng loob ko. Lalo na ang mga nangyari sa akin noong birthday ni Aleah.
Pababa na ako ng hagdan ng magkasalubong kami ni Khail. Galing siya sa baba at ako naman galing sa kwarto. Kanina pa ako gising pero ngayon lang ako bumangon.
Sa guest room siya natulog kaya hindi ko alam na gising na pala siya.
Tiningnan ko si Khail at naabutan siyang nakatingin sa akin pero agad ring umiwas. Tinitigan ko siya. Hindi na siya makatingin sa akin. Diretso lang ang kan'yang mga mata sa tinatahak niyang daan.
I guess, this is the right thing to do before I confess to him. Maybe the pain would be lessened if I knew he was mad at me.
Umiwas na ako nang nasa iisang baitang na kami. Nilagpasan niya ako nang hindi na muling tumingin sa akin.
Masasanay rin ako. Kailangan.
Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakadalawang hakbang palang ako nang bigla kong narining ang pagtikhim niya dahilan para makuha ang atensyon ko.
“Kumain ka na. I already prepared your breakfast.” His cold voice made me stop.
Nagdalawang isip ako kung lilingunin ko ba siya sa takot na baka hindi ang inaasahan ko ang aking makita. Natatakot ako, Kap.
I really wanna run to him and cry on his shoulder. Gusto kong sabihin sa kan'ya lahat... but I'm scared. Natatakot ako na baka ipagtabuyan niya ako at tingnan na parang hindi niya ako kilala. Hindi imposibleng pati siya mandiri sa akin, at iyon ang isa sa kinakatakot ko.
Fuck!
“What's wrong with you, Faith? Nagawa mo pa talagang mag-expect sa kabila ng mga nagawa mo? You deserved it,” pagkausap ko sa aking sarili, mahinang pinapalo ang ulo.
Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Walang kasalanan si Khail. Ako ang dapat na magdusa. Kaya simula ngayon, kailangan ko nang sanayin ang sarili kong mag-isa.
Papalapit pa lang ako sa dining table napako na agad ang mga mata ko sa mga pagkaing nakahain. Isa-isa kong tiningnan ang mga niluto ni Khail. May garlic rice, hotdog, scrambled egg, bacon, at iyong sinigang na hindi ko 'man lang natikman kahapon.
Napakagat labi ako at napalunok, pinipigilan ang mga laway kong malapit nang tumulo sa sarap ng mga niluto ni Khail. Kahapon pa ako nagugutom.
Nevermind.
Napilitan akong lagpasan ang dining table bago pa ako mas lalong magutom. Hindi ako kumain. Pati ang pagkain na pinaghirapan niyang gawin – pati 'yon hindi ko deserve.
Nag-kape lang ako para mainitan at magkaroon ng laman ang tiyan ko at pagkatapos bumalik sa itaas para mag-prepare na sa pagpasok. Wala pa sana akong balak na pumasok kaya lang papatayin naman ako ng utak ko sa kakaisip. Mas mabuti nang may ginagawa ako para malibang ang utak ko.
Hinanap ng mga mata ko si Khail pagpasok ko ng kwarto. Wala siya doon, kahit sa cr.
Nagtaka ako kaya muli akong lumabas at hinanap siya sa kabilang kwarto, sa guest room kung saan siya natulog kagabi.
Napanatag ang loob ko nang makita mula sa kawang ng pinto si Khail. Nagbibihis na siya. Doon siya nagbihis at naligo sa guest room.
Nagkibit-balikat na lang ako at muling bumalik sa kwarto namin. Ako naman ang naligo at nagbihis.
Aften an hour tapos na ako. Naka-uniform na ako at nakapag-ayos na rin ng sarili. Bumaba na ako at papunta na sana sa kusina para kumuha ng tubig na ilalagay ko sa tumbler ko nang makita ko mula sa bintana si Khail. Nandoon siya sa garahe, naghihintay sa labas ng kotse.
He waited for me. Isang oras. Imbis na nakaalis na siya at nakapasok—hinintay pa niya ako.
Pinanood ko muna siya ng ilang minuto, nagbabakasali na mainip siya sa paghihintay. Pansin ko ang pabalik-balik niyang tingin sa relo at sa pintuan namin.
Wala naman talaga akong balak sa sabayan siya sa pagpasok. Hindi ko pa kayang makasama siya ng ilang minuto o kahit ilang segundo sa iisang lugar, lalo na kung kaming dalawa lang.
Hindi naman sa ayaw kong pahirapan si Khail, hindi ko lang talaga alam kung paano ko siya haharapin. Natatakot ako na makita siyang unti-unti nang nagbabago.
Napagpasyahan kong kumuha na muna ng tubig bago ko gagawan ng paraan ang pagtakas kay Khail. Habang naglalagay ng tubig tumatakbo pa rin ang isip ko. Naghahanap ng magandang dahilan.
Binalik ko ang pitcher sa ref bago kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Hindi ko alam kung gagana ito pero sana.
To: My Kapitan
Wag mo na akong hintayin. Tumatae pa ako.
Tumakbo agad ako sa may bintana at maingat na sumilip pagkatapos kong i-send ang text kay Khail. Sakto namang kinukuha na niya ang kan'yang cellphone sa bulsa ng kan'yang itim na pantalon.
Pinanood ko lang siya habang binabasa ang text. Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti habang nagbabasa. Napakamot pa siya sa may kilay at tumingin sa paligid.
Kaagad akong nagtago, kinakabahan na baka alam niyang nagpapalusot lang ako. At the same time kinikilig at nakokonsensya sa mga pinaggagawa ko.
Mas lalo tuloy akong nahihirapan kung paano ko aaminin sa kan'ya ang totoo. He still managed to smile kahit na galit siya sa akin. Hindi ko na rin alam kung paano pa niya iha-handle ang sitwasyon once na alam na niya.
Napatingin ako sa cellphone ko sa bulsa ng uniform ko nang bigla itong mag-vibrate. He texted back.
From: My Kapitan
You texted me late. I'm already waiting for you. Tapusin mo na yan para makaalis na tayo.
Mariin akong napapikit at napayakap sa cellphone ko pagkabasa ko ng text niya. Shoot. Hindi effective.
I need to come up with another solution. Kahit na hindi ako makapasok huwag lang ako makasakay sa kotse kasama siya.
“So, you're here. Iniiwasan mo ba ako, Kap?”
Nalaglag ang cellphone ko sa gulat. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Khail na nakatayo sa pinto. Nagkasalubong ang mga mata namin. I can't see any anger from his eyes—he was worried.
Napalunok ako bago umiwas ng tingin. Dinampot ko ang cellphone sa sahig. Buti hindi nabasag.
“H-hindi. Katatapos ko lang tumae,” palusot ko, hawak na ang cellphone ko.
“You know I hate liars too.”
Muli na naman akong napalunok. “Alam ko.” Tumayo ako at sinalubong ang mga mata niya kahit na natatakot ako.
Kailangan kong panindigan ang kasalanang mga nagawa ko. I can't let him go, even though I know that day will still come.
“May problema ba, Kap? Okay naman tayo bago kita hinatid kay Aleah, 'di ba? Pwede ka namang magsabi sa akin kung anong nangyayari sa'yo. Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip kung anong nagawa ko bakit ka nagkakagan'yan.” Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makitang namumula ang mga mata niya kasabay ng boses niyang unti-unti nang nababasag.
“Almost three hours akong naghintay sa labas ng condo ni Aleah kahihintay sa'yo. Umuwi ako kasi baka nakalimutan mo lang na magsisimba tayo at nag-extend ang celebration niyo ni Aleah. I didn't bother you or texted you or called you kasi minsan lang kayo magkasama ng kaibigan mo. I understand kung late ka na umuwi. Sinalubong pa kita kahapon, 'di ba? But you just walk away instead na salubungin ako. A-and you're crying...” Yumuko siya, tinatago ang mga luhang kanina ko pa rin napapansin sa mga mata niya.
He's crying.
Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko. Parang dinudurog ang puso ko na makitang nasasaktan ang taong mahal ko. Hindi ko naman ginusto na pahirapan siya. Natatakot lang talaga ako sa kung anong magiging tingin niya sa akin once malaman niyang may nangyari sa amin ng lalaking 'yon. Naguguluhan na rin ako kung paano ko sisimulan at tatapusin ang lahat ng ito.
“S-sorry...” I sobbed. “I'm really really sorry, Kap.”
I know ang selfish ko na pinahihirapan ko pa siya kung sasaktan ko rin naman siya sa mga sasabihin ko. Pero mahal ko siya... ayaw ko—ayaw ko pa siyang mawala sa akin.
“For what?” He sniffed, looking back at me.
I had sex with someone else.
I cheated on you.
Hindi ako makasagot. Nakatingin lang ako sa kan'ya habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko sa aking pisngi.
His eyes were begging me to tell him everything that was running on my mind. That he was willing to help me and understand.
Pero hindi gano'n kadali na umamin sa isang bagay na hindi naman talaga sinasadya... and the worst part—mawawalang lahat ng iniingatan at matagal ko nang pinapangarap. Naglaho na parang bula ang lahat dahil lang sa isang pagkakamaling 'yon.
I can't be with him... but I can still love him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro