Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanat 2


Kabanata 2


Mabigat ang mga yabag at nanghihinang mga tuhod akong pumasok ng aming bahay. Alas diyes na ng umaga. Mabuti na lamang at bukas na ang bahay dahil wala akong dalang susi.

Nagtungo ako sa living room kahit na halos ayaw nang gumalaw ng mga paa ko. Sa bawat hakbang na ginagawa ko tila papalayo naman ako sa dapat na pupuntahan ko... papalayo kay Khail. Halos kinakapos na rin ako ng hangin sa halo-halong emosyong dumadapo sa akin.

Sa takot kong mawala si Khail gusto ko na lang ipagtapat lahat ng mga nangyari. Pakiramdam ko ay araw-araw akong hindi patutulugin ng konsenya ko.

“Kap, buti nakauwi ka na.”

Kumalabog ang puso ko nang marinig ang boses ni Khail. Halos mapatalon din ako sa gulat.

Mas lalo akong nanginginig sa takot at kaba. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Fuck!

Mariin akong pumikit sabay hinga nang malalim bago ko hinarap si Khail. Pilit akong ngumiti.

“Y-yeah...” Napakagat labi ako sa hindi ko inaasahang sagot kay Khail.

Tangina!

Maging ang pagsasalita hindi ko na rin magawa. Sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko. Umiwas ako ng tingin at iniwasan ang mga mata niya.

I can't look at him the way he look at me right now. Nandidiri ako sa sarili ko. Hindi ko lang maamin kanina pero sobra akong nagagalit at naiinis sa sarili ko. Bali-baliktarin 'man ang mga nangyari... I fucking cheated on him. Niloko ko ang nag-iisang tao na nagtiwala at nanatili sa tabi ko. I don't deserve him.

“Yeah? What's wrong? Hindi ba maganda ang tulog mo?” I heard him chuckled.

Mula sa peripheral vision ko nakita ko na siyang naglalakad palapit sa akin. Kaagad akong umiling at umalis sa kinatatayuan ko.

“Maliligo lang ako sa taas,” ani ko at iniwasan si Khail. Hindi ko na rin siya hinintay pang magsalita o lapitan ako.

Kahit na ang paghawak niya sa akin hindi ko rin maaatim. Nandidiri ako sa sarili ko. Maligo 'man ako sampung beses sa isang araw hindi na mawawala ang duming nakadikit na sa buong pagkatao ko.

Paano ko magagawang ipagtapat kay Khail lahat kung ang harapin nga siya hindi ko kaya? Gusto ko na lang maglaho na parang bula.

Humahagulgol ng iyak akong nakaupo sa sahig, yakap-yakap ang mga tuhod ko habang nakabukas ang shower. Kasabay nang pag-agos ng tubig sa katawan ko ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa dibdib ko.

Nasasaktan ako para kay Kap. I can't look at him. The way he smiles on me... I know for sure it will slowly fade away once he learns what a fool I am. At iyon ang hindi ko kayang makita.

Nasanay ako na palagi kaming masaya. Mag-aaway kami pero hindi nagtatagal dahil sa pride niyang halos sumayad na sa lupa. He couldn't stand me. Palaging siya ang nagpapakumbaba kahit na ako ang nagsisimula ng away.

Selfish ba ako kung hindi ko sasabihin sa kan'ya ang totoo? Ayaw ko siyang mawala... hindi ko kaya.

“Kap? Kanina ka pa diyan. Baka magkasakit ka.” Sunod-sunod ang ginawa ni Khail mula sa pinto ng cr. Mas lalo akong humagulgol ng iyak.

Kapag nalaman niya kaya ang totoo, magagawa pa kaya niyang mag-alala sa 'kin?

“Kap...” tawag niyang muli, nagbabasakali na sagutin ko.

Yumuko lang ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa aking mga tuhod. He's right... baka nga malandi lang ako kaya nangyari sa 'kin 'to.

I've always doubted Khail just because we haven't done that yet. If that's the case, baka nga malandi talaga ako.

Mahigit dalawang oras siguro akong nagkulong sa cr bago ko napagpasyahang lumabas. Nakakaramdam na kasi ako ng lamig at nangungulubot na rin ang balat ko.

Pagbukas ko ng pinto hinanap agad ng mga mata ko si Khail. Napanatag ang loob ko nang hindi ko siya nakita. Nagluluto na siguro iyon para sa tanghalian.

Paglabas ko ng cr agad kong sinarado at ni-lock ang pinto ng kwarto. Iniisip ko pa kung ako ba ang matutulog sa guest room o hindi na lang ako lalabas ng kwarto.

Wala na akong mukhang maihaharap kay Khail. Wala pa rin akong lakas ng loob para aminin sa kan'ya lahat. Kaya gagawin ko na lang muna ang lahat para iwasan siya. Kung kakayanin kong hindi kumain at lumabas ng kwarto, pipilitin ko.

Pagtapos kong magbihis, humiga lang ako sa kama at nagtago sa ilalim ng kumot. Balak ko sanang matulog nang unti-unti na namang kumakawala ang mga luha ko.

Kasalanan ko naman lahat, bakit parang ako pa ang mukhang kaawa-awa sa aming dalawa? Paano ako magsisimula ulit kapag iniwan niya ako? Paano itong bahay namin? Paano ako? Paano si Khail na minahal lang naman ako sa kabila ng mga imperfections ko pero nagawa ko pa ring lokohin?

I will never forgive myself.

Hindi ko na magawang makatulog sa dami ng tumatakbo sa isip ko, and I can't stop from crying. Mabigat din ang dibdib ko na parang gusto ko na lang sumabog.

“Kap, bakit nakasarado ang pinto? Kap, may problema ba? May ginawa ba ako?”

“Fuck!” I gritted.

Mariin akong napapikit at humagulgol ulit ng iyak. Nakakainis na kailangang palagi niyang inaakong lahat kahit na ako naman ang may kasalanan. He even knows that he is not doing anything wrong.

Dapat magalit siya sa 'kin. I came home late. Sapat na rason na siguro 'yon para magalit siya sa 'kin. Pagsabihan niya ako. Hindi ganito — iniintindi ako sa lahat ng oras. I want him to get mad at me. Baka magkaroon pa ako ng lakas para aminin sa kan'yang lahat.

“Kap, kain na tayo. Nagluto ako ng paborito mong sinigang na may okra. May bagoong—”

I cleared my throat bago ako lakas loob na sagutin siya. “Hindi ako gutom!” sigaw ko, pilit na hindi pinapahalatang umiiyak ako.

“You're crying?”

Napakagat labi ako nang hindi ako nagtagumpay sa ginawa kong pagpapanggap. Hindi talaga ako mananalo sa kan'ya. Alam niya bawat kilos ko.

Sunod-sunod na katok ang narinig ko nang hindi ko siya sinagot agad. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang ginagawa kong ingay sa pag-iyak.

“Kap! Open the door. Please. Bakit ka umiiyak? May nangyari ba na hindi ko alam? You can tell me. Makikinig ako. Please.”

Umiling ako kahit na hindi niya ako nakikita. Kung alam lang niya kung gaano ko kagustong sabihin sa kan'ya lahat... natatakot lang talaga ako. Natatakot ako sa lahat ng posibleng mangyari. Maraming pumipigil sa akin na kahit ang sarili ko hindi ko na rin alam ang uunahin.

“Kap? Bubuksan ko ang pinto. Please, kausapin mo naman ako.” Sa boses pa lang ni Khail parang dinudurog na naman ang puso ko. Paano pa kaya kung kaharap ko na siya?

Fuck! I can't.

Ano ba kasing ginawa mo, Faith?! Nakakahiya ka. You are no different from your mother.

Huminga ako nang malalim at dali-daling pinunasan ang mukha ko. Hindi nagsisinungaling si Khail. Kapag sinabi niyang bubuksan niya ang pinto, gagawa at gagawa siya ng paraan. Mas mabuti pang harapin ko na siya ngayon kaysa kung ano pa ang magawa niya.

Wala na rin naman akong magagawa kahit na magkulong ako dito sa kwarto. Nasa iisang bahay lang kami. Kahit na anong gawin kong pag-iwas, magkakaharap at magkakaharap pa rin kami.

Kailangan ko na lang sigurong tatagan ang loob ko at kung paano ko sasabihin sa kan'ya ang totoo. Ihahanda ko na rin ang sarili ko kung sakaling iwan niya ako. Walang sikreto na hindi mabubunyag, at walang kasalanan na hindi mababayaran.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago ako nagtungo sa pinto. Halata pa ring umiyak ako. Bahala na. Alam na rin naman niyang umiiyak ako.

I took a deep breathe before I opened the door. Hindi na ako nagulat nang makita siyang may hawak na susi. He always finds a way.

Siya ang nagulat nang makita ako. Nanatili ang mga mata ko sa susing hawak niya hanggang sa bumaba ang mga kamay niya. Babalik na sana ako sa loob nang bigla niya akong hilahin at niyakap. Itutulak ko pa sana siya nang mas humigpit pa ito.

“Don't ever do that again. I was scared. Akala ko may nangyari na sa'yong masama.” His voice quivered with fear.

Hindi ako makagalaw. Mas lalong bumibigat at humihirap ang sitwasyon. Maling-mali yatang hinarap ko siya kahit na alam ko na ang mangyayari.

What should I do? Hindi pa ako handa.

“Kap...” mahinang tawag niya habang nakayakap sa akin, hinahaplos ang nakalugay kong buhok. “I love you.”

I sobbed.

Mahal na mahal din kita... sobra.

Gusto ko siyang yakapin pabalik at iparamdam sa kan'ya lahat ang gusto kong sabihin. Pero hindi ko magawang igalaw ang mga kamay ko. Nanghihinga ako. Kailangan ko ang yakap niya pero nanghihina ako. Hindi dahil sa yakap niya... kundi dahil sa gustong-gusto ko ang yakap niya pero nakokonsenya ako.

I cheated. Niloko ko pa rin siya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinipigilan ang mga luhang gusto nang kumawala sa mga mata ko. Bago pa akong tuluyang humagulgol ng iyak, lakas loob kong tinulak si Khail.

“Magpapahinga na ako...” palusot ko, hindi makatingin sa kan'ya ng diretso.

Tinalikuran ko na siya at pupunta na sa higaan nang muli na naman niyang kinuha ang kamay ko.

“Kumain ka muna. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong—”

“Busog nga ako.” I gritted, pulling my hand from him.

“Anong kinain mo? Kumain ba kayo sa labas ni Aleah?” usisa niya.

Nakakaramdam na ako ng inis nang hindi pa rin siya tumitigil. Hindi ko pa rin mabawi ang kamay ko sa sobrang higpit ng hawak niya.

“Oo nga! Bakit ba ang kulit mo?!” sigaw ko at buong lakas na binawi ang kamay ko sa kan'ya.

Nagulat siya sa ginawa ko at naiwan ang kamay sa ere. Maging ako rin nagulat sa sigaw ko. Hindi ko inaasahan na magagawa ko 'yon.

Hindi ako makatingin sa kan'ya ng diretso pero nakikita ko ang paggalaw ng mga labi niya. Kinagat niya ang mapupula niyang mga labi, tila nagpipigil sa kung ano ang maaari niyang gawin.

Nag-angat ako nang tingin at naabutan siyang nakatitig sa akin. Na-konsensya ako sa ginawa ko kaya ako naman ang nagtangka na kunin ang mga kamay niya.

“Kap...” tawag ko.

“Baba ka na lang kapag gutom ka na.” Ngunit huli na nang tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto.

Binaba niya ang susi sa ibabaw ng mesa malapit sa pinto bago tuluyang lumabas. Hindi na niya ako nilingon pa.

Mariin akong napipikit at nagtungo sa kama. Umupo ako, sinasabunutan ang sarili.

Ayaw ni Khail nang sumisigaw at sinisigawan siya... pero ginawa ko pa rin ang isa sa pinaka-ayaw niya.

Is this where everything will start to change?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro