Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

Kabanata 8

Naiiyak

"Bakit ka nakatingin sa 'kin? Crush mo 'ko, 'no?" tanong niya habang nagkukusot ng mata.

Namumula ang mukha ay nag-iwas ako ng tingin. Itinuon ko ang atensyon sa libro at itinago ang mukha gamit ang buhok.

Nakahihiya! Bakit ba kasi titig ako nang titig sa pilikmata ni Genesis? Naiinggit lang naman ako kasi ang haba ng sa kan'ya, e!

"A-Ang yabang mo!" depensa ko, pilit na hinihinaan ang boses dahil nasa loob ng library. Inilabas ko na lang ang lapis mula sa gilid ng notebook at nagsulat ng formulas.

Mag-aaral na lang ako kaysa sa magpagulo sa kan'ya!

Nang sumulyap ako kay Teacher ay nakita kong ngumuso si Genesis. Nakahalumbaba pa habang titig na titig sa 'kin.

"T-Teacher." Humugot ako ng hininga dahil naiilang sa paninitig ng katabi ko. "Kailan po ang laban?"

"Sa Wednesday, Brella."

"Ano pong oras? Para masabi ko po kay Mommy."

Sinamaan ko ng tingin si Genesis nang kinulbit niya ako sa braso. Ang kulit-kulit naman nito. Nagtatanong ako kay Teacher, e!

"Kailangan ay before six in the morning ay nandito na kayo sa school. Gagamitin ang service ng school para magpahatid sa contest place."

Tumango ako. Mayamaya pa ay nagsimula nang magturo si Teacher.

Tatlong oras ang itinagal ng review. Palaging pagkatapos ng klase kami nag-rereview kasi gano'ng oras lang available si Teacher. Bukas naman, umaga kami mag-rereview kasi aattend ng birthday party si Genesis.

"Teacher, sama po kaya bukas ha? Nagbigay na po ng invitation si Mama," dinig kong sabi ni Genesis habang nag-aayos ako ng gamit.

"Hindi ko kasi sure kung makapupunta ako, e. May inaayos kasi akong grades. Pabati na lang kay Elisha ng 'happy birthday' kung hindi ako makapupunta," she apologized.

"Okay po!" Ngumiti pa nang malawak si Genesis habang tumango-tango.

Nauna na akong lumabas ng library habang sukbit ang bag. Tahimik kong nilakad ang hallway ng school habang inaalala ang birthday party. Hindi ko alam kung pupunta ako kaso sabi ni Mommy, maghanap na raw ako ng damit.

"Umbrella! Umbrella! Umbrella!"

I stopped walking and groaned when I heard his voice. Hindi ko alam kung bakit bahagyang nag-iinit ang paligid nang papalapit na siya sa 'kin.

Nang lumingon ako sa kan'ya ay may hawak siyang plastic ng kung ano. Namumula rin ang mukha dahil sa pagtakbo.

He eyed me with his raisin-eye. Nang itinaas niya ang hawak ay napansin kong Haribo 'yon.

"Hati ulit tayo?" tanong niya, malawak ang ngiti.

Pinaningkitan ko siya ng mata ngunit hindi 'man lang nawala ang ngiti niya.

"Hati tayo, dali na..."

Nanatili ang tingin ko sa Haribo bago kuhanin 'yon. Lumawak muli ang ngiti niya bago sumunod sa 'kin papunta sa garden. Sa malaking bato ako umupo habang binubuksan ang lalagyan.

"Mahilig ka ba sa gummy bears?" tanong ko.

"Color blue lang," he answered, I nodded.

"Hindi ko gaanong favorite gummy bears," pagkukwento ko.

I don't like gummy bears that much. Cravings ko lang dahil milkshake talaga ang gusto ko. Ang tamis-tamis kasi niya tapos lasang ice cream.

"Noong nakita ko Haribo naalala kita," saad niya at nag-iwas ng tingin.

Tinago ko ang panlalaki ng mata sa pamamagitan ng paniningkit nito. Ang galing nga naman mang-trip ni Genesis!

"Alam ng mommy mo?" Nang titigan ko siya ay napansin kong matangos ang ilong niya.

Nahuli niyang nakatitig ako ro'n kaya bahagyang namula ang leeg niya patungo sa tenga.

Ngumuso siya. "Pera ko..."

"Pera mo? Paano ka nakakukuha ng pera?"

"Gumagawa ako ng gawaing bagay tapos binibigyan ako ni Mama ng pera." Malungkot ang tono niya.

I tilted my head. "Bakit kailangan mo ng pera?" I asked, curious.

Nang hindi siya sumagot ay tinitigan ko siya. Napansin kong nakatulala siya sa isang lugar.

Kahit na parang naliligaw si Genesis ay para siyang prince sa isang fairy tale. Bagay na bagay sa kan'ya ang uniform ng school. Makintab din ang buhok niya. Ang singkit niyang mata ay nagpa-prinsipe sa kan'ya, pati na rin ang simpleng pag-upo sa malaking bato ay nagbibigay ng ibang awra.

He looked like a prince. Who is his princess?

Nang sinundan ko ang tinititigan niya ay napunta iyon sa isang pamilya. Bigla akong nalungkot.

"Elg..."

He shifted his gaze towards me abruptly. Ang pangingintab ng mata niya ang nagpaalala sa 'kin ng mukha ni Ursula.

Umiiyak si Genesis?

"Genesis, umiiyak ka ba?"

Hindi na siya nakapagsalita dahil tumakbo na siya papaalis. Napunta ang tingin ko sa nahulog na gummy bears bago ang papalayo niyang bulto.

I sighed. Sige... ayaw mo e 'di 'wag.

Nang dumating ang birthday ni Elisha ay hindi ko maiwasang ma-excite. Pagdating kasi roon ay pansin na pansin kung gaano kakintab ang mansyon. Ang spotlight din na nakatutok doon ang lalong nagpaliwanag sa building. Para tuloy siyang nanggaling mula sa Disney movie. Kaso nga lang, hindi siya kasing taas ng castle pero sakto na para masabing pang-Princess.

Maganda rin ang theme ng birthday party ni Elisha. Kaso nga lang, hindi ko maintindihan kung bakit may era-era costume pa. Victorian Era at Elizabethan Era raw ang style ng damit kaya nagpatahi na lang ako. Okay lang din naman kay Mommy 'yon kaysa sa maghanap ng damit.

Wala naman akong ginagawang masama sa labas ng mansion. Nagfi-feeling spy ako rito at dinamay si Rafaela. Hindi rin naman siya maka-angal kasi wala siyang makakasama sa party hangga't wala ako.

Buti na lang!

Inayos ko ang pakatitukod nang makaramdam ng ngalay. Narinig kong umangal si Rafaela habang ina-adjust ang katawan mula sa pagkakadapa.

"Brella, ba't ba kasi ganito?" reklamo niya.

"Alam mo kung bakit," saad ko habang sumisilip sa binoculars na kinuha ko mula kay ate.

"This is cheating..."

"This is not cheating!" depensa ko.

"Oo kaya!"

"Hindi!"

She sighed and scrunched her nose. Pinigilan ko na lang matawa nang mapansing natatanggal na ang kaonting makeup ni Rafaela. Nang ibinaba ko ang tingin sa suot niyang camouflage shirt ay natawa rin ako. Katulad ni Rafaela ay gano'n din ang suot ko.

I feel like we're spies right now! Nag-undercover dahil sa isang kalaban na gustong pabagsakin. Pero hindi ko naman siya gusting patumbahin. Gusto ko lang malaman kung ano ang iba pa niyang sikreto. Katulad ng paano siya nakasasagot ng mga tanong kahit na tulog siya.

Bigla kong naalala ang pag-iyak niya kahapon. Hindi ko alam kung naiiyak ba talaga siya o napupuwing. May parte akong naniniwala. May parte rin na hindi.

Sabi ni teacher kaninang umaga bago ang party, kalalabanin daw namin ang isa't isa. Okay lang naman sa 'kin dahil dati ko pang gustong kalabanin si Genesis.

"Cheating talaga 'to, Brella," pamimilit niya.

"Hindi ko naman babaguhin ang answers niya, e! At tsaka, akala ko ba suportado mo 'ko? Ilang years ko na 'to ginagawa. 'Wag mong sabihin na mag-baback out ka?"

Her gaze lingered on me for a while before turning back to "patrol" again.

Inalis ko ang tingin sa kan'ya at inayos ang pakatatali sa boots. Kung babalik kami sa party mamaya ay madali na kasi papatungan ko lang siya ng Juliet costume ko.

Ngumuso ako at nag-Indian sit.

Kahit na sinasabi ni Rafaela na cheating ang ginagawa ko ay hindi ako naniniwala. Hindi ko naman tinitingnan 'yung answer sheet o kaya inuuto 'yung coordinators para ibigay sa 'kin ang sagot. Nag-iispy lang talaga ako kasi gusto kong malaman kung ano ang sikreto niya.

Narinig ko muli ang pagrereklamo ni Rafaela. Naiirita niyang pinalis ang pawis bago napangiwi nang makitang natanggal ang makeup. Nakaramdam ako ng pangangati ngunit pinigilan ko na lang na kamutin ang pisngi.

"Ang dami-dami na talaga nating ginagawa, Brella! Tingnan mo, bumili pa tayo ng soldier na damit!" Her sarcasm is very evident that I can see it waving at me. She's just bored!

Humalukipkip siya at sinuri ako. I glared at her before peeking at my binoculars, again.

Hindi ko makita si Genesis!

"'Di ba dapat nag-aaral ka, 'di 'yung nag-iispy ka?"

"I'm not spying!"

"Kung 'di ko lang alam na kaaway mo siya, iisipin ko na crush mo siya."

"Crush?!" Kung hindi lang mahalaga 'tong binoculars, ibabato ko na 'to kay Rafaela. "Hinding-hindi ko siya magiging crush kasi si Corinthian ang crush ko!"

"Puberty will hit him like a truck..." she said.

"Puberty will hit other guys like an overloaded ship, Raf! Stop na nga!"

Narinig ko ang marahang pagtawa ni Rafaela. "Sa sobrang dami ng nakuhang hormones ay naging gurang na ang mukha..."

Sinilip ko muli sila at nakita ang nakababata niyang kapatid. Naiirita kong inilipat sa kung saan-saan ngunit hindi ko pa rin makita si Genesis.

"Ang layo-layo natin do'n, oh. 'Di mo talaga makikita si Elliot, Brella."

"Hindi ko kailangang makita siya. Gusto ko lang malaman kung nag-aaral siya!"

She laughed. "Birthday party ni Elisha. For sure, nag-eenjoy siya! Tigil ka na r'yan. Pasok na tayo sa loob, pwede ka namang mag-spy roon. Mas exciting. Ewan ko sa 'yo kung bakit dito ka sa labas kung pwede namang sa loob."

I don't even know, Raf! Gusto ko lang gawin 'to dahil feeling ko ang astig-astig ko sa get up na 'to!

At tsaka kung sinasabi ni Rafaela na nagsasayang ako ng oras dito, hindi ako naniniwala. Hindi rin ako nakinig sa sinasabi niyang sa loob mag-spy dahil nanatili ako rito sa labas. Akala ko nga hanggang mamaya ako makakapag-spy kaso tinawagan na ni Tita Zara si Rafaela at pinapupunta na sa loob.

Wala akong ibang nagawa kun'di sumunod. Tinatawanan lang ako ni Rafaela habang nakasimangot akong papunta sa loob. Nairapan ko pa ang isa kong kaklase nang itinuro niya kung ano ang hawak-hawak ko. Tinawanan ako ni Rafaela dahil do'n.

Nawala ang inis ko habang hinahanap sina Mommy. Natutuwa kasi ako sa magandang design ng loob ng mansion. Para siyang sobrang gandang castle na hindi ko nakikita sa Disney movies.

Ngumuso ako at hindi mapigilang mag-wish na sana totoo ang fairy tales. Paano ako hindi mag-wiwish na totoo ang mga 'yon kung ang ganda-ganda ng design dito?

Makahahanap kaya ako ng Prince? Kung hindi sina Prince Eric, Prince Adam, Prince Naveen, pwede kayang si Romeo? Sabi ni Ate Mikaela, iyon daw ang Prince ni Juliet, e. Si Ate rin kasi nag-recommend ng costume na susuotin ko.

Pagdating do'n ay bumungad sa 'kin ang tawanan ng mga bisita. Nahagip din ng tingin ko si Courtney at Georgia na suot-suot ang malaking gown. Sa paggalaw nila ay pansin kong hirap na hirap sila sa paggalaw.

Hah! 'Yan kasi. Gustong-gusto ang mga malalaking gown. Buti ang suot namin ni Rafaela ay simple lang kung ikukumpara sa kanila.

When Rafaela got back from cleaning her face, I pointed at the two girls. Inilapag muna niya ang duffel bag sa isang upuan bago sinamahan ako sa paglapit sa dalawa. Nang mapansin kami nina Courtney ay ngumiti sila.

"You wore the same dress!" Georgia exclaimed.

"Mali ka, Georgia," saad ni Courtney. "Who's Juliet and who's Rosaline?"

Rafaela rose her hands and shrugged. Ayaw niya yatang makipag-usap sa kanila.

Napansin ko ang malaking palumpong ng ruffles sa may leeg ni Courtney. Hindi niya raw gusto ang gano'n pero pinasusuot sa kan'ya ng Mommy niya.

"Dapat pala sinuot ko 'yung isa!"

"Mukha kang lizard," saad ni Georgia.

I was about to get back to Rafaela, but I noticed that she's gone. Umalis na lang ako sa harapan nilang dalawa dahil abala sila sa pagtatalo.

Hinanap ko na lang sina Mommy sa loob. Nahagilap ko naman sila ng tingin ngunit nawala kaagad sila. Hindi ko rin naman malalapitan si Ate Mikaela dahil nag-aaral siya sa bahay. Si Ate Mika pa naman ang tumutulong sa 'kin para mahanap sina Mommy.

I spent my time alone by wondering around the big mansion. Pumapasok din ako sa bawat kwarto at sinisilip kung ano ang mga design do'n. Bumaba na lang ako nang marinig ang anunsyo ng pagsisimula ng party.

"...turn someone into a flying lion."

Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ng dalawang taong nag-uusap. Sumilip ako at nakita ang mga lalake halos kasing-age ko lang. Ang isa ro'n ay parang hirap na hirap sa suot na costume dahil mas malaki sa katawan.

"Sabihin ko lang, Elliot Genesis, I am not that griffin or griffon or gryphon mythical creature! My name is spelled as G, r, i, and not G, r, y!"

"That mythological creature—" I heard him sigh.

"What, Elliot? Sabihin mo!"

"I give up, Griff. Hindi ko na itutuloy."

Pinaningkitan ko ng mata ang isang lalakeng pamilyar sa 'kin. Hindi ko sure kung si Genesis 'yon kasi ang gwapo-gwapo ng kasama ng lalake ngayon. Mukha rin silang prinsipe sa suot nilang costume.

If I were a princess, I would be Aurora. I guess...

And that one's Prince Philip?

Napunta sa 'kin ang tingin ng lalakeng naka-Romeo costume. Umarko ang aking kilay nang makita ang pagkindat sa 'kin. Ang landi!

Kunot na kunot ang noo ay nagpunta ak sa kabilang direksyon para hindi ko sila makasalubong. Napasimangot ako nang maamoy ang pabango niya. Mabilis kong tinakpan ang ilong at sinamaan siya ng tingin.

"Hi, I'm Romeo," pagpapakilala niya at naglahad ng kamay.

"And I'm not your Juliet," naiirita kong sabi bago umalis.

Ang landi!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro