Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

Kabanata 7

Caught

Hindi ko alam kung paano sasabihin kina Mommy ang nangyari kahapon. Hindi rin naman ako makahanap ng tyempo ngayon dahil dumating sina Tita Dorothy kasama ang anak niyang si Ursula. Tatlong araw daw sila rito kaya mapipilitan akong pakisamahan ang pinsan kong nakaiirita.

Hindi naman sa ayaw ko sa kan'ya—talagang naiirita lang talaga ako sa pangalan niya.

"Hello, Izidara! Ang laki-laki mo na," Tita Dorothy exclaimed.

"Hello po, Tita!" nakangiti kong sabi at nakipag-beso. Sinulyapan ko ang pinsan ko.

Though she's not going with a pale violet complexion, a white hair, a ridiculous make up and a bunch of ugly tentacles, her name screams about her personality: annoying.

Ito ang tunay na fairy tale—isang nakaiiritang pinsan mula pagkasilang niya.

"Hello, Ursula." Sinubukan kong gawing masaya ang tono pero ayaw ko talaga sa kan'ya.

"Hi, Brella!" she exclaimed and pulled me into a hug. Napilitan tuloy akong yumakap pabalik.

Her black bob cut hair stood against her skin white complexion. Ang tanging kahawig lang ng kan'yang itsura sa pangalan ay ang balat na halos kakulay ng buhok ni Ursula.

I remember asking my Mother why Tita Dorothy named her daughter Ursula. Iyon ang unang beses na pupunta sina Ursula rito kaya nagtaka talaga ako sa pangalan niya.

"You're going to meet your cousin, Izi..."

I fixed the bow on my head and patted my hair. "What's her name, Mom?"

"Her name is Ursula. Be nice to her, okay?"

Napangiwi ako sa narinig. Naalala ko ang babaeng octopus sa Ariel. "Bakit Ursula?"

My mother shrugged. Bumaling naman ako kay Ate at napansing may kaonting ngisi sa labi niya. Nang mahuli akong nakatingin ay inalis niya kaagad.

Ibinalik ko ang tingin kay Mommy. "Is she ugly? Ursula is ugly, right?"

Nginitian ako ni Ate at tinapik ang balikat. "You're bad, Izidara."

Hindi ko masabi na mabait talaga akong pinsan kay Ursula. Tanda ko naman na sinusubukan ko siyang pakisamahan noon pero ayaw ko talaga kasi kapangalan niya 'yung kontrabida. Tuwing pumupunta kasi sila rito, naabutan nila akong nanonood ng Disney movies. Sakto naman na The Little Mermaid ang pinapanood ko kaya inasar ko siya.

She ended up running to her mother, crying.

Mabait naman siya noong bata. Talagang pinagti-tripan ko lang dahil kapangalan niya ang nakaiiritang kontrabida sa Little Mermaid. Kahit na sinabi ni Mommy ay magpakabait ako sa kan'ya dahil wala siyang tatay ay inuunahan pa rin ako ng inis.

Lumapit ako kay Mommy para humingi ng tulong dahil ayaw kong makipag-usap sa pinsan. Gusto ko ring sabihin na ilalaban kami ni Genesis para sa Math Wizard. Hindi ko sigurado kung individual, by partner, or by group, pero kailangan ko nang mag-aral.

"Octavia, I see you're doing good!"

Kumalas si Mommy mula sa pagkayayakap at ngumiti. "Glory all His, Dorothy! Malakas ang ospital ngayon at maganda ang takbo. For the pharma, maraming naishi-ship sa ibang lugar that's why it's prospering well."

She nodded. "Kitang-kita nga. Mabuti't nakahon na sa isyu noon. Ayos lang ba talaga sa inyo ni Frank na rito kami makituloy pansamantala? Hindi pa kami maka-diretso sa Araceli dahil malakas ang ulan."

"Yes, of course! Mag-oovertime si Frank sa ospital tonight. He said he's busy, but he knows you're coming. Maraming guest rooms. You can stay as long as you please."

Nakuntento si tita sa narinig kaya bumaling na siya sa 'kin. Hinaplos niya ang buhok ko bago ngumiti nang malaki.

"Kamusta ang pag-aaral, Izidara?"

"Ayos lang po..."

Panandalian pa akong kinausap ni tita bago ako magpaalam. Paakyat na sana ako sa kwarto nang pigilan ako ni Ursula.

I glared at her, annoyed with my uniform against my skin. Gusto ko na rin magpalit ng damit!

"Do you need anything?"

At tsaka bakit nandito siya? Hindi ba siya pumapasok sa school?

Ngumuso siya at nagpa-cute. "Sabi ni Tita Octavia, kausapin mo raw ako."

Napaarko ang isa kong kilay. "Kailan sinabi?"

"Ngayon lang ni tita sinabi. Hindi ka ba nakikinig?"

I looked at my sister helplessly. She shrugged at me and pointed at the books she's holding. I groaned when I saw the front page of the printed work on the bond paper. Scientific Paper.

I desperately sighed. "I'm going to study, Ursula," mariin kong sabi.

"Pero three days lang kami rito, Izidara. Makipag-socialize raw tayo sa isa't isa dahil babalik na kami sa Araceli pagkatapos."

Ngumiwi ako at hinintay ang pagdaan nina Mommy. May dumaan nga ngunit maid naman! Nauubos na talaga ang pasensiya ko.

Nevertheless, I called for her attention and asked the whereabouts of my Mom and her sister.

"Papunta sila sa hardin, Izidara. Mas gusto ka bang ipagbilin?"

Bumaba ako ng hagdan at lumapit. "May pinadala po ba, Ate?"

"Wala naman. May gusto ka rin bang pagkain?"

Napabuntong-hininga ako nang marinig ang pagbaba ni Ursula sa hagdan. "Ako po, yaya! Gusto ko po ng pancake."

I rolled my eyes at my cousin and went to the garden. Naabutan ko sila Mommy na naghuhuntahan do'n.

Suot-suot ang uniform ay nakasimangot akong lumapit sa kanila.

My mother's eyes raised at me. "Yes, honey?"

"Mommy, I need to study," panimula ko. "Lalaban po ako sa Math Wizard. Isinali po kami ni Teacher. Kaso hindi po ako makapag-aral kasi kinukulit ako ni Ursula."

Sumulyap si Mommy kay tita. She gave me a soft smile. "Kahit kaonti lang, Izi?"

"Mommy, may review pa po kami bukas! Kailangan ko pong mag-aral para advanced ako sa kanila."

Kinagat ko ang ibabang labi nang makita ang paglukot ng mukha ni Mommy.

There, I said the word 'advance'. Ayaw na ayaw nila 'yon.

Lumambot ang mukha niya. "Izidara, three days lang sila rito. Kailan ba ang laban na 'yan?"

"Next week po yata."

"Then, you should study tomorrow," she said with finality. "Na-iistress ka na naman, anak. 'Wag mo muna problemahin 'yan. And we have an event to attend on Saturday night, Izidara. Find a Victorian or Elizabethan clothing o di kaya'y sabihin mo kung anong gustong disenyo at magpapatahi tayo."

Nakasimangot na pumunta ay nakasimangot din akong umalis. Nang madaan ko sa hagdan si Ursula ay nadagdagan ang inis ko!

Paakyat ako ng hagdan nang may mag-doorbell sa labas. Didiretso na sana ako papunta sa kwarto kung hindi ko lang narinig ang boses ni Rafaela.

Bumaba ako sa hagdan at sinalubong siya. Nakita kong nakapagpalit na agad siya ng damit dahil may dala raw siya sa kotse.

"Ang bilis mo."

"S'yempre! 'Di ba sabi ko pupunta ako rito after school. Bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?"

I frowned at her and glanced at my cousin.

Napansin ni Raf 'yon. "Who is she?"

"Kontrabida sa Little Mermaid."

Tumaas ang kilay niya. "Yung octopus?"

I nodded at her and imagined my cousin spilling ink.

Nakuha niya kaagad ang gusto kong sabihin dahil nagkukwento ako tungkol sa mga Disney movies noon. Hindi ko naman alam na interested pala siya ro'n kasi noong nagkukwento ay hindi siya interesado roon! At tsaka, si Pocahontas lang ang gusto niya't wala nang pake sa iba pang prinsesa.

"So may three hearts, nine brains, and blue blood siya?"

Ito. Ito na naman tayo!

Noong una, yung kay Genesis. Tapos ngayon si Ursula naman. Hindi ko na talaga alam!

"Oo, matalino ka, pero Rafaela naman!" pagrereklamo ko.

"At least she's not a leech who have thirty-two brains, may dalawang reproductive organs, at siyam na pairs ng testes." She laughed at me before heading upstairs.

Sumunod ako para makapagpalit ng damit. Nang madaanan namin si Ursula sa hagdan ay humarang siya at naglahad ng kamay.

"Hi! I'm Ursula," nakangiting bati niya.

"Ursula the octopus?"

Hindi siya offended!

Ngiti lang ang sinagot niya bago at nagkibit-balikat. "Saan kayo pupunta?"

Tamad na tinuro ni Rafaela ang direksyon. "Sa taas, may angal ka?"

Nakita ko ang pagtutubig ng mata ng pinsan ko. Mayamaya pa ay tumulo na ang luha niya kasabay ng panginginig ng labi. Nanginginig siyang bumaba ng hagdan bago nawala sa paningin ko.

"Anong problema no'n?" tanong ni Raf. I shrugged.

Pagkatapos magpalit ng damit sa kwarto ay nagpaalam na ako kina Mommy. Pupunta na lang ako kina Rafaela para roon kami maglaro. Wala ring mang-iistorbo na octopus do'n.

Buti nga at pinayagan ako ni Mommy kahit alam niyang nando'n si Ursula. Siguro na-realize ni Mommy na hindi talaga kami pwedeng maglaro.

Nagpahatid kami kay Kuya Manong patungo sa isang bahay nina Raf. Marami kasi silang bahay, pero sa luxurious subdivision din daw sila nakatira. Bukod pa ro'n ay may bahay pa sila sa Forbes Park sa Makati. Sabi niya pa na rito siya mag-eelementary at high school bago tumira sa mansion nila sa Forbes.

Tuwing bumibisita ako ro'n ay naaabutan ko ang mga kapatid niyang sina Kuya Zagreus at Kuya Glaucus. Sa mga sumunod na pagpunta ko ay wala na sila roon dahil nasa Makati na sina Kuya kasi roon sila nag-aaral. Pati na rin ang pinsan niyang sina Kuya Ulysses at Kuya Valentine ay sa may Makati na rin nakatira.

Ang natira na lang sa Pampanga ay silang dalawa ni Cassian.

Tuwing nakapupunta naman ako sa Forbes, madalas kong naaabutan silang magpipinsan. Halos magkakalapit lang din ang bahay nila pero may separate mansion pa raw sila kung saan sila nagga-gathering.

Pagkababa ng sasakyan ay binati ko ang mga kasambahay nila. Binati ako nina Kuya at Ate pabalik kasi madalas akong pumupunta rito lalong-lalo na tuwing bakasyon.

Habang naglalakad ay nakasalubong namin si Tita. Nagtanong pa siya kung bakit kami nandito kaya nag-explain na lang si Rafaela.

"Rafaela, sweetie, I thought you're going to Brella's house?" I heard Tita Zara ask.

"Nagpunta na po ako. Dito na lang daw po kami, sabi ni Brella."

Pagkadaan ko sa kanilang pathway na may fishpond sa magkabilang gilid ay dumiretso ako sa loob ng kanilang mansyon.

Ibang-iba ang design ng mansyon nina Raf kasi mala-Spanish ang sa kanila. Maraming kulay rin ang naglalaro kung ikukumpara sa white, gray, at brown na kulay ng sa 'min. Minimalist daw kasi ang tawag sa design ng bahay namin, sabi ni Daddy.

"There you are, Brella! How are you?"

Malawak ang ngiti ko nang lumapit kay tita. Nakipagbeso ako at yumakap. "Okay lang po, tita!"

"O, siya, maiwan ko na kayo, ha? May gagawin pa si tita. Anong pagkain ang gusto niyong ipahatid?"

Sinabi namin kay Tita kung ano ang gusto naming kainin. Tita Zara assured that the maids will bring it later.

Tuwing nakikita ko si Tita Zara ay parang nakikita ko ang matandang version ni Rafaela. Para silang kambal, kaso mas mukha lang matanda si tita.

Matangos ang ilong ni tita at singkit ang mata na nagpasungit sa dating niya. Parehong wavy ang buhok nilang dalawa ngunit mas kulot ang padulo ng buhok ni tita. Kung hindi gaanong pansin ang freckles sa mukha ni Raf, pansin na pansin naman ngayon kay Tita Zara dahil wala siyang suot-suot na makeup. Tapos ginintuan din ang balat nilang dalawa kaya ang ganda-ganda.

Ang mga kapatid naman ni Raf na sina Kuya Zagreus at Kuya Glaucus ay kamukha si Tito Apollo. Pareho silang nakatatakot tingnan lalong-lalo na dahil sa taas ng cheekbones. Kapag pinagtatabi silang magpipinsan ay iyon agad ang unang napapansin.

Pagkarating sa kwarto ni Raf ay humiga ako sa kama niyakap ang duck na stuffed toy niya. She busied herself with her Rubik's cube, again.

Nang lumagpas ang tingin ko kay Rafaela ay napunta 'yon sa gold envelope na nakapatong sa table niya. Yakap-yakap ang stuffed toy ay bumangon ako mula sa pagkakahiga. Kinuha ko ang envelope at nakitang nakasulat ang pangalan niya sa likod.

I opened it seeing that it's already unsealed. Inilabas ko ang card na kulay teal at may polka dots na puti. A band of cream at the middle and a fancy design to carry the words. It's kind of vintage...

You are invited to Elisha's birthday party!

"Sino si Elisha, Raf?"

"Younger sister ni Elliot. Meron ka rin daw n'yan."

May kapatid si Genesis? Ilang taon na ang kapatid niya?

"E, talaga? Bakit wala pa akong natatanggap?"

"Baka hindi pa naipadadala," kibit-balikat niyang sabi.

Pagkatapos ng klase ay nagpunta ako sa library para mag-review sa contest. Naabutan ko ro'n si Genesis na nakaubob na naman at hindi nagre-review. Katabi pa niya si Teacher habang natutulog siya!

Hindi ko na lang sinita kasi parang balewala lang kay Teacher. Tahimik pa nga niyang chine-check ang papel na hawak niya, e.

Nang makaupo ay tiningnan ko si Genesis na mahimbing na natutulog. "Bakit po siya tulog, Ma'am?"

Napunta ang tingin sa 'kin ni Teacher. "That's what I'm planning to ask you yesterday, Brella. Lagi ba 'yang tulog sa klase?"

"Opo..."

"Do you know any family problems? May naikukwento ba siya sa 'yo?"

I titled my head as I strained my mind for answers. Wala naman siyang nakukwento dahil hindi ko naman laging kinakausap si Genesis. At tsaka, hindi naman kami friends! Ang makasasagot ng tanong na 'to ay si Cassian kasi sila lagi ang magkasama.

"Wala naman po."

Tumango si Teacher.

Ngumuso ako at tinitigan ang natutulog na si Genesis. Napansin ko na mahaba ang kan'yang pilikmata. Nang sinalat ko ang sa akin ay napansin kong mas mahaba ang kan'ya!

Bakit gano'n? Pati sa pilikmata ang daya-daya niya. Habang patuloy kong tinititigan ang pilikmata niya ay napansin kong makapal din ang mga 'yon! Mas pansinin din kapag mas malapit.

Nakita ko ang pamumula ng pisnging nakadikit sa braso niya dahil nakapatong. Mahimbing ang tulog niya at kalmado ang paghinga.

"Bakit ka laging tulog, Genesis?" I whispered.

Nanlaki ang aking mata ng dahan-dahang dumilat ang kan'yang mata.

Mapungay itong tumingin sa 'kin at nanatili. Kumurap siya bago ngumiti.

"Good afternoon, Brella..."

My heart beated wild. Nahuli ako!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro