Kabanata 5
Kabanata 5
Nine
Ilang buwan na ang nakaraan pagkatapos sayangin ng idiot na Eion Jessie na 'yon ang oras ko. At ang natatandaan ko lang noon ay galit... at inis.
Istorbo at paepal siya! Mabuti na lang at Vice President ang tinakbo niyang posisyon para sa SPG Council. Sana namang ngayong Grade 6 na kami ay hindi na siya bida-bida. At tsaka, panigurado na naman na magiging Valedictorian ako ngayong graduation. Nag-aaral ako nang maigi at ang tataas ng grades ko.
"Sooo, sinabi ni Elliot na crush ka niya?"
Bumuntong-hininga ako sa tanong niya. Matagal na 'yon nangyari pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naka-ge-get over si Rafaela. Hindi ko alam kung bakit.
"Last year pa 'yon, Raf. Tigil na," sabi ko, naaasar.
"Baka feelings niya hindi pa last year."
Ngumiwi na lang ako sa narinig at dinama ang malamig na hangin. Maulap ngayong araw kaya nang makita sa field si Corinthian ay hinatak ko agad sa bleachers si Raf. Hindi naman siya nakapagreklamo kasi presko naman dito.
At tsaka, vacant naman namin ngayon, e!
"Dito rin ba magge-Grade 10 si Corentin?" I asked.
Nilingon ako ni Rafaela at mariin akong tiningnan. Sa paraan ng pagtitig niya ay alam kong may sasabihin na naman siya.
Umirap at ako bumuntong-hininga.
"Oo, Raf, crush ko," pag-aamin ko, bahagyang namumula ang mukha. Ang tali-talino at ang cute-cute kaya ni Corinthian!
"Pa'no si Elliot?"
Kinunotan ko siya ng noo. Iimik sana ako ngunit may napansin akong tao na lagpas kay Rafaela. Doon tuloy napunta ang tingin ko.
Ang itim niyang buhok ay sumasabay sa ihip ng hangin. Sobrang naniningkit ang mata niya dahil sa sama ng tingin sa 'kin!
Grabe naman 'yon. Wala naman akong ginagawang masama para samaan niya ako ng tingin.
Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hindi pinansin.
"May dugong Chinese 'yan," komento ni Raf nang makita si Elliot the idiot.
Hay nako! Ang dami-daming pinagsasabi ni Raf.
Uminiling na lang ako at ibinalik ang tingin kay Corentin na mag-shu-shoot na ng three-point shot. Mabuti nga at nasaktuhang PE nila at sa court naglalaro, e! Dahil do'n, makikita ko tuloy si Corentin na naglalaro.
"Go Corinthian!"
"Escobar for three!"
"'Di ka ba naiingayan?" tanong ni Raf, bahagyang naiirita sa mga sumisigaw na high school students.
Hindi ko siya pinansin at nakisabay sa mga sigaw.
"Go crush!" sigaw ko pagkatayo. Ramdam ko ang tingin ng iba pagkatapos kong sumigaw. Wala akong pake dahil nag-shoot naman ang bola.
Malawak akong ngumiti at umupo muli, pinapaypayan ang sarili. Bahagyang natatawa si Rafaela sa pamumula ng mukha ko.
"Baliw ka!" Rafaela hissed.
Ano naman ngayon kung namumula ako o kaya crush ko si Corinthian? Kasalanan ko bang magaling siya sa Math at crush ko ang mga magaling sa Math?
Napansin ang isang kaibigan ni Cori kaya hinampas siya sa likod. Itinuro ako ng kaibigan niya. Agarang naputang ang tingin niya sa 'kin kaya napakurap ako, nagtataka kung totoo. At totoo nga! Mabuti na lang at nagseryoso na ulit siya sa laban, kung hindi, lalo akong mamumula rito.
Malawak ang ngiti ay nakipag-apir ako kay Raf. Nang hindi niya itinaas ang kamay ay ako na ang nagtaas at nakipag-apir sa sarili. Pagkatapos no'n ay hinatak ko siya paalis ng bleachers.
"Tara na, Raf. Nakapagpapansin na 'ko," nakangiti kong sabi.
Bumuntong-hininga na lang si Raf dahil do'n. Pababa na kami ng bleachers ay tsaka lang siya nagsalita.
"Buo na araw mo? 'Di ka na malungkot?"
Tahimik akong tumango nang may madaanang ilang kaklase niya. Nang makalayo kami roon ay tsaka ako nagpakawala ng irit kasabay ng pag-alog kay Raf.
"Napansin ako ni Cori!" impit kong sigaw. Muntik ko nang masampal ang sarili kung hindi ako pinigilan ni Raf!
"Late reaction ka!"
Tawa na lang ang naging reaksyon ko habang patuloy kami sa paglalakad. Habang nakikipag-usap ay napansin ko ang paglihis ng mata niya. Nang sinundan ko ang tingin ay nakita ko sa may hallway ang pawisang mukha ni Elliot the idiot.
Sa mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ay masasabing kagagaling lang niya sa pagtakbo. Pansin na pansin din ang pamumula ng mukha dahil sa kaputian.
"Chinese nga," komento ko, naaalala ang sinabi ni Raf.
Suminghap si Raf sa gilid ko. "Racist mo!"
Humarap ako sa kan'ya. "Racist? Alam mo ba meaning no'n?"
"Oo," sagot niya. "Pasas!"
Proud na proud pa siya!
I groaned dramatically and emphasized my frustration through exaggerated moves and hand gestures. Magpinsan talaga sila ni Cassius Jeaniel! Pareho silang kung ano-ano ang nalalaman. Minsan, napaiisip na lang ako kung paano ko sila naging kaibigan.
"Mukha ba siyang pasas? May kulubot ba siya sa mukha? At tsaka, hindi naman siya dark violet, ah! Ang puti-puti kaya niya."
She looked at me innocently. "'Yung mata niya parang kulubot sa pasas."
Hindi pa ako naka-re-recover ay umalis na si Rafaela. "Raf! 'Wag mo 'kong iwan dito!"
Hahabulin ko sana si Raf kaso tumakbo papalapit si idiot. Sinalubong ko siya ng irap.
"Binu-bully ako ng kaibigan mo," sabi niya habang nakanguso.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tapos? May pake ako?"
"Akala ko crush mo rin ako?"
Bakit nakaiinis ang mga lalake? Una, si Cassian. Ngayon naman si idiot!
Napatawa at napapalakpak ako sa narinig. "Bakit? Por que crush mo 'ko, crush na rin kita?"
Tumango siya. "Oo, give and take. Cause end effect. 'Di ba gano'n ang independent at dependent variable? Cause and effect sila; kapag nabago ang independent, mababago rin ang dependent dahil kasunod sa una."
"Kailangan give and take, gano'n? Kung gano'n nga, dapat crush din ako ni Corentin!"
Ngumuso siya at inayos ang salamin bago may binulong na kung ano. Tingnan mo 'to! Suot-suot ulit ang salamin niya.
Mataman ko siyang tinitigan at sinuri ang mukha. Nasa isip ko ang sinabi ni Rafaela na Chinese siya at oo, napansin ko 'yon. Kaso nga lang, hindi siya mukhang Chinese na Chinese na nakatira sa China. Mukha siyang Filipino-Chinese na nakatira sa Philippines.
Pero Filipino-Chinese ba siya? Hindi kaya Taiwanese? Vietnamese? Japanese?
Ah, basta! Wala naman akong pakialam d'yan dahil si Corinthian Escobar ang crush ko.
Umirap muli ako nang mapansin ang paninitig niya. Kailan baa ko lulubayan nito? Kapag nakuha na niya ang gusto niya mula sa 'kin? E ano 'yung gusto niya? Gusto niya ba ng pick-up line? Sige, pagbibigyan ko siya!
"Para kang Algebra," medyo naiirita kong sabi.
Nagliwanag ang mukha niya. "Yie, pick-up line! Sige nga, bakit?" tanong niya, nakangisi.
"Hindi ko alam," tamad kong sabi.
Napalitan ng kunot ng noo ang malawak niyang ngiti. "Anong hindi mo alam?"
I shrugged. "Ikaw. Algebra. Kayong lahat. Hindi ko alam. Ewan. Bye!"
Tumalikod na ako at nagpunta sa kabilang direksyon. Kailangan ko pang mag-aral!
Hindi pa ako nakalalayo ay nakarinig ako ng yabag kasabay ng pagtunog ng plastic. Binilisan ko ang lakad ngunit napigilan ako sa hatak sa braso.
Umirap muli ako bago humarap.
"May gummy bears ako! Hati tayo," saad niya at inalog ang malaking pakete ng Haribo na hawak.
Napunta ang tingin ko ro'n, bahagyang naiintriga. Gustong-gusto ko ng gummy bears pero ayokong makihati kay idiot!
"A-Ayoko ng blue," saad ko, pilit na pinatatapang ang sarili.
"Kaya nga hati tayo. Ako kakain ng blue gummy bears," nakangiti niyang sabi.
Napaarko ang isa kong kilay. "Ayoko," saad ko at umalis.
Hindi ako maaakit sa pa-Haribo-Haribo na 'yan!
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa garden ng school. Naabutan ko si idiot do'n na pumipitas ng Santan. Nang malakas ko siyang pinalakpakan ay napatalon siya. Nahulog tuloy ang hawak niyang mga bulaklak.
"Bawal 'yan!" paninita ko.
Nanlaki ang mata niya habang hawak-hawak ang pulang Santan. "Bawal pumitas?"
Tiningnan ko lang siya habang pinupulot ang nahulog na bulaklak. May kinuha siyang isa at ininom ang katas no'n.
Ngumiwi ako. "Hindi ka ba nandidiri r'yan? Iniihian 'yan ng aso!"
"Wala namang aso rito."
"Kahit na!" pamimilit ko.
Gano'n kaya 'yon! Kahit na gustong-gusto kong tikman ay ayaw kong i-try! Sabi kasi ni Ate Mikaela, umiihi raw ang mga aso sa Santan. Mamaya, baka may pumupuntang aso rito kapag walang tao sa school.
Hindi na niya ako pinansin at umupo sa isang tabi. Abala siya sa paggawa ng bracelet habang kumakain ng gummy bears. Nang mapansin niyang nakatitig ako ro'n ay inabot niya sa 'kin. Hindi ko sana tatanggapin pero ipinilit na niya sa 'kin.
"Kakain ko 'yung blue."
Hindi na ako nakapagpigil pa na kainin. Nagtira na lang ako ng kulay blue habang pinanonood ko siyang gumawa ng bracelet gamit ang Santan.
Magpabili kaya ako kina Mommy ng Haribo? Tapos ibibigay ko 'yung mga color blue na gummy bears kay idiot.
"Tinirhan mo ko?" tanong niya habang tinatanggal ang gitna ng Santan. Itinaas niya 'yon sa ere kaya nakita ko ang butil ng tubig sa dulo. Pinanood ko ang paglapit no'n sa kan'yang dila bago kuhanan niya ang isa pa.
"Hindi ako madamot kaya tinirhan kita."
Kinagat ko ang katawan ng gummy bear at itinapat ang ulo sa kan'yang mukha. Pinikit ko ang isang mata at minatch ang ulo sa kan'yang katawan. Nanggigigil kong pinisil ang ulo at inisip na siya 'yon.
Sinilip niya ako at natawa. "Hindi ka madamot, sabi mo? Bakit hindi ako ang crush mo?"
Umawang ang bibig ko. Ano ba? Ang kulit ha.
"Magaling ka ba sa Math?"
He nodded.
"Cute ka ba?"
Nag-peace sign siya at ipinakita ang maganda niyang ngipin. Nagtaas-baba pa siya ng kilay kaya tinulak ko ang noo niya. Napangiwi siya ro'n.
"Cute kaya ako!"
"Maputi ka ba?" pagbabalewala ko sa sinabi niya.
Maputi siya kaso parang namumutla siya. May sakit ba 'to? Sabi kasi ni Mommy, kapag namumutla ka raw, ibig sabihin may sakit ka. At tsaka, medyo maitim at malalim ang ilalim ng mata niya.
"Mukha ba akong negrito?"
"Ang sama mo! Racist, grabe."
"At least hindi kasing itim ng pasas." He shrugged.
"Hindi kaya itim ang pasas!"
"Ano tawag do'n? Dark white?"
"Gray 'yon, gray!" pamimilit ko.
Ang baliw naman nito! Gumagawa ng sariling vocabularies.
"Dali na... kailan mo ba ako magiging crush?" pagmamakaawa niya. Nakangiwi rin siya at parang maiiyak na.
Ngumiwi ako at nilunok ang gummy bear. "Grade 9 ka ba?"
Natigilan siya at pinaningkitan ako ng mata. Naaalala ko tuloy 'yung itsura ng coffee bean noong nag-Starbucks si Ate. Parang gano'n itsura ng mata niya! Bahagya tuloy akong natawa.
"Bakit ka tumatawa? Mukha ba akong joke?"
"Hindi! Mukha kang pasas!" Napalakas ang tawa ko kaya napahawak ako sa gummy bears.
"Ang sama mo sa raisins."
"E kasi naman!" ang tangi kong nasabi, pinalilipas ang tawa.
Unti-unting humuhupa ang tawa ko nang mapansing titig na titig si idiot sa 'kin. Inilipat ko na lang ang tingin sa gummy bear at binanat ang daliri upang abutin ang iba. Pinisil ko sa magkabilang dulo bago kainin.
Pinanatili ko ang tingin do'n habang nangingibabaw ang katahimikan.
Nang maramdamang hindi na tumititig si idiot ay ibinalik ko ang tingin sa kan'ya. Abala na siya sa pagtatagpi-tagpi ng Santan sa aking pulsuhan para gumawa ng bracelet. Nang matapos siya ay tinapik ang kamay ko at tumango.
"Akin na 'to?" tanong ko, ang mata ay nasa bracelet.
Tahimik siyang tumango. Naging abala muli siya sa paggawa ng bracelet.
Itinaas ko ang kamay sa ere at tiningnan ang suot na Santan bracelet. Ang ganda-ganda! Gusto ko ulit magpagawa kaso nahihiya ako.
"Brella..."
Nang mapunta ang tingin ko sa kan'ya ay kita ko kung gaano siya kadeterminado. Tsaka ko lang napansin na nakaluhod ang isa niyang tuhod, ang isang braso ay nakapatong doon.
"Bakit ka nakaluhod?" nagtataka kong tanong.
Napansin ko rin na para akong princesa habang nakaupo sa bato habang may prinsipeng nakaluhod sa harapan. It reminded me of the moves that I watched when I was a child. It felt as if I was Ariel, Jasmine, or Aurora...
Gusto kong ma-experience 'yung gano'n. Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa ngayon.
"Huy!" pagtatawag ko muli nang mapansin ang seryoso niyang titig.
Hinawakan niya ang kamay ko. Doon napunta ang tingin ko dahil hindi ko kayang mapatingin kay Elliot.
Humugot ako ng malalim na hininga. "El—"
"Hindi 'man ako Grade 9, I'll make sure that you'll be mine."
Napasinghap ako. Napaka talaga nitong si Elliot the idiot!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro