Kabanata 4
Kabanata 4
Crush
"Pabida talaga 'yung idiot na 'yon!" pagmamaktol ko kay Rafaela, kinabukasan, sa kan'yang kwarto.
Pagkatapos mang-agaw ng idiot na 'yon ay nasira na ang araw ko. Hindi ko na tuloy na-enjoy ang birthday ni Raf kasi napaka-paepal ng Eion Jessie na 'yon!
"Raf!" pagtatawag ko sa kan'ya na abala sa Rubik's cube. Panandalian siyang tumingin sa 'kin bago ibinalik ang tingin sa hawak. Ang ingay na nagmumula sa pag-sha-shuffle no'n ang bumabalot sa paligid.
Sa sobrang abala niya, hindi na ako pinapansin!
Sumimangot ako at tumalong padapa sa kan'yang kama. Niyakap ko ang duck stuffed toy niya at isiniksik ang mukha roon.
"Ba't? Ano ginawa?" tanong niya, pinaglalaruan pa rin ang Rubik's Cube.
"Sa wakas!" I exclaimed. "Kinuha niya 'yung blue gummy bear ko!"
"Ano bida ro'n? 'Di ka mahilig sa blue."
Ngumuso ako at pinisil ang kulay kahel na nguso ng stuffed toy. Pinanggigilan ko 'yon kasi mas malambot siya kumpara sa meron ako sa kwarto. Madaya!
"E kasi!" Bumuntong-hininga na lang ako at sumandal sa headboard, ang mata ay direkta sa kisame niya.
Sabi ni Raf, ang pinaka-favorite niyang part ng kwarto niya ay ang galaxy-themed na kisame. Ang mga nakabitin na planeta ay sinasamahan ng mga glow-in-the-dark na bituin. Kapag buhay ang ilaw ay hindi gaanong pansin ang kintab no'n, kapag patay naman ay pati ang mga planeta ay nag-go-glow.
"Ba't ka ba naiinis kay Elliot?"
Napairap ako sa planeta at niyakap ang stuffed toy niya. "Kasi kinukuha niya ang lahat ng meron ako!"
Her eye shifted from the cube to my eyes. "Ibig sabihin, may dede rin siya katulad ng kay Mommy tsaka sa Mommy mo? Pwedeng manganak at mabuntis si Elliot kasi may uterus siya? Umiihi rin siya nang nakaupo tapos magulang din niya magulang mo, kapatid din niya si Ate Mikaela, tapos kadugo mo rin siya?"
I let out an annoyed squeal and covered my ears. Iniisip ko pa lang ang sinasabi niya ay nandidiri na 'ko!
"Saan mo nalalaman ang mga 'yan, ha? Dami mong alam!"
She pouted and focused on the Rubik's Cube, again.
"Kay Kuya Valentine." She sighed. "Pero ba't ayaw mo nga kay Elliot? Mabait naman siya. 'Di ka naman niya inaaway."
Nandidiri pa rin ay hindi ko maalis sa isip ang sinabi ni Raf. Hindi ko tuloy masagot nang matino ang tanong niya.
"Basta ayaw ko sa kan'ya!" ang tangi kong nasabi.
My hate towards Eion Jessie is nothing but pure envy and annoyance. Manggagaya at mang-aagaw siya! Kinukuha niya ang bagay na dapat sa 'kin at naiinsulto ako ro'n. Feeling niya matalino na siya kasi palagi siyang panlaban sa Math? P'wes, maswerte lang siya kasi napansin siya ng mga teacher kaysa sa 'kin.
Inalis ko na lang sa isipan ang pagka-inis sa idiot na 'yon dahil gusto kong ma-enjoy ang sleepover kay Raf. Madalas akong mag-sleepover dito at ang ipinupunta ko palagi ay ang kisame niya. Kung tutuusin, mas relaxing at mas magical dito kung ikukumpara sa princess-themed kong kwarto.
Sa buong gabi ng Sabado ay wala kaming ibang ginawa ni Raf kun'di magkwentuhan ng kung ano-ano. Kinaumagahan lang nangati ang kamay ko na magsagot.
"Where are your papers and ballpen, Raf?" I asked after I finished eating the waffle.
I stretched my legs and tip-toed to reach the floor. Matangkad naman ako pero ang taas-taas talaga ng bar stool nina Rafaela. Napalundag tuloy ako pagkaalis doon.
"Mag-Rubik's Cube ka kaya? Nag-aalala sa 'yo sina tito't tita dahil naaadik ka sa Math."
"Hindi ako naaadik!" depensa ko. Napanguso ako bago inumin ang orange juice.
Gusto ko lang naman maging lalong mahusay sa Math para madali kong masagutan 'yung mahihirap na questions.
"Mag-Rubik's Cube ka na lang kasi," she added and munched on a strawberry.
"Ayoko!" pagmamaktol ko.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa kwarto ni Rafaela. Kinuha ko ang Rubik's Cube at sinubukang i-solve 'yon. Napagod ako pagkatapos ng ilang minuto. It's not bad but I don't see myself playing with it every day.
"Sabi kapag magaling ka sa Math, magaling din daw sa Rubik's Cube," saad niya habang ibinabalik ko sa kan'ya ang cube.
Nagkibit-balikat ako. Sa tingin ko hindi naman do'n na-me-measure 'yon. Basta alam mo 'yung techniques madali na. Siguro kaya magaling din ang mga tao sa iba't ibang bagay kasi alam nila 'yung techniques?
The sound of the shifting layers of the Rubik's Cube filled the air. Dumagdag pa ang kaluskos ni Rafaela bago sumunod ang tunog ng plastic. Nang sinilip ko siya ay nakita kong may hawak siyang bundle ng yogurt sticks.
Kinuha ko muli ang cube sa kan'ya kasi abala siya sa pagkain.
"Hindi ka ba magkaka-tonsil?"
"Tonsil?"
"Tonsil? 'Yung masakit sa lalamunan."
"Tonsilitis!" pagtatama niya.
"Gano'n na rin 'yon!" depensa ko. "Puro matatamis kinakain mo."
Tiningnan niya ang nutrition label sa likod. "Wala namang nakalagay na sugar. At mahilig akong uminom ng tubig! Nalulunod na nga ako kakainom."
"Sige, sabi mo e," saad ko. "Bakit wala sina Kuya Zagreus at Kuya Glaucus dito? May pasok sila?"
She shifted on her seat before getting another stick. "Crush mo mga kuya ko, 'no?"
I groaned. "Lahat na lang, Raf, lahat na lang!"
She laughed at me. "Kuya Zagreus is playing basketball. Kasama niya yata si Kuya Valentine at iba pa sa court. Umuuwi sila ng tanghali tapos pumupunta ulit sa bahay ng isang friend. Tapos si Kuya Glaucus naman, nakikipaglaro ng chess."
"But what about you? Hindi ka ba na-bobored dito?"
Nginuso niya ang hawak ko. "Rubik's Cube, but now I'm bored dahil kinuha mo."
Umawang ang aking bibig. "Sana sinabi mo agad!"
"Kinuha mo na, ano pang magagawa ko? Alangan namang agawin ko mula sa 'yo."
Ngumuso ako. Bigla kong naalala na kukulitin ko nga pala siya na mag-swimming lessons.
"Ayoko," she firmly answered. "Ayokong mag-swimming."
Ngumiwi ako "Pero nag-swimming ka kahapon, Raf. Ang gulo mo."
"Because I'm a Grade 5 student," she answered with a shrug.
Kumunot ang noo ko, hindi naiintindihan ang sinabi niya. Kahit anong intindi ko ay walang sense 'yung sinabi ni Raf!
"Ayoko nga kasama si Cassian! Sa kan'ya ka nalang sumama."
I dramatically groaned and jumped on her twin-sized bed. "Raf, kaya nga ako nagpunta rito para i-encourage ka na samahan ako sa swimming lessons, e."
May nakaipit na yogurt stick sa bibig ay tinawanan niya 'ko. "Hindi mo ako partner-in-crime."
Naman e!
Sa buong araw na 'yon ay pinilit ko si Rafaela na sumama sa swimming lessons. Ine-encourage rin siya nina Tita Zara pero ayaw talaga ni Raf.
Hindi ko rin naman alam kung palpak ako dahil tuwing sasagot siya ng "Because I'm a Grade 5 student." ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Tanging inis na lang ang nararamdaman ko kasi gano'n palagi ang sagot niya.
Pero Grade 5 student din naman ako, ah? Ano ang kaibahan namin sa isa't isa?
Dahil sa mga sagot ni Rafaela ay hindi ko siya napilit na sumama sa 'kin. Tumuloy na lang ako sa swimming lessons kasi gusto ko talagang matuto mag-swimming.
At dahil wala si Raf, hindi ko na-enjoy ang unang oras ng swimming lesson. Puro sigaw at tawa ni Cassian ang naririnig ko kaya naririndi na ako. Kung hindi naman gano'n, bebelat siya o kaya magpo-pogi sign.
Gusto ko siyang batuhin ng ubas kaso wala akong dala. Bwisit!
"Alam mo, Cassius Jeaniel, para kang isang independent variable," naiinis kong sabi noong break time dahil iritang-irita na ako.
Lumapit sa 'kin ang basang-basa na si Cassian at kumindat. Nang makita kong may hawak siyang kickboard ay parang gusto ko siyang hampasin no'n!
"Pick-up line 'yan?"
"Ano sa tingin mo—tanong? Bakit? May question mark ba 'yan, ha?"
He made a face and acted like he was insulted. Inangat ko ang kamao at umambang susuntok.
"Sige na nga! Bakit?" natatawa niyang sabi, nakasangga ang kamay.
"Kasi ang hirap mong i-control!" inis na inis kong sabi. Nanggigigil ko pa siyang pinakitaan ng kamao!
"Ha?"
Hindi niya talaga ma-ge-gets ang sinabi ko dahil hindi pa niya alam kung ano ang independent variable!
"Para kang lion na gusto kong ikulong sa cage pero hindi ko magawa kasi roar ka nang roar!"
Ang pagngiwi niya ay senyales na hindi pa rin niya gets ang sinabi ko! Dahil do'n ay naiirita akong umalis sa harapan niya. Baka mamaya masuntok ko pa siya dala ng inis.
"Na-gets ko joke mo."
Napatigil ako sa paglalakad bago umirap. Paglingon sa likod ay nakita ko si idiot na basang-basa dahil kaaahon lang.
"E talaga? O tapos?"
"Gusto mo ba ng isa pang example ng dependent at independent variable?" tanong niya, bahagyang nakangiti.
Bakit ba nakangiti 'tong isang 'to? Para talaga siyang idiot!
"Alam mo ba?" naiinis kong tanong habang nakahalukipkip.
"Magtatanong po ba ako kung hindi?" balik niya, nagtataka ang mata. Ngumisi pa siya akala niya ang cute-cute niya. Ano siya, aso?
"Ako," sabi niya.
Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. "Anong ikaw? Tao? Ikaw tao? E talaga?"
Tapos ngayon wala siyang suot na salamin. Sabi na nga ba, pabida lang si idiot sa school!
Tumawa siya. "Hindi! Ang ibig kong sabihin, isa akong example ng independent at dependent variable. 'Di ba ang independent variable ay hindi mo ma-control. Tapos 'yung dependent variable ay nakadepende sa independent at name-measure sa isang scientific experiment?"
Tinaasan ko siya ng kilay, nauubos na ang pasensiya "O tapos?"
Nagpa-cute ulit siya. "Kapag sinabi kong crush kita, magiging crush mo rin ako?"
Nanlaki ang aking mata bago napangiwi. Ano ba 'to? Ang landi-landi!
"Bakit? Ako ba ikaw? Hindi naman ako variable, a!"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi. Kaya nga tinatanong kita."
"E bakit ako ang tinaanong mo e hindi naman ako ikaw?" naiinis kong tanong.
Ang gulo naman nito! Para siyang si Raf na kung magsalita ay walang koneksyon.
"So, ano ang dependent at independent do'n?" pagtatanong pa niya.
Napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam na itutuloy pa niya ang usapan na 'to. At tsaka, wala naman akong sasabihin dahil hindi ko ma-gets ang pinagsasabi niya.
"Huy, sagot!" pangungulit niya.
Inirapan ko siya. "Hindi ko nga alam!"
Tinawanan lang ako!
"Bale ganito. Ang independent ay ang feelings ko sa 'yo kasi nako-control ko siya. Ang dependent ay 'yung intensity ng feelings."
Ano raw? Wala tuloy akong ibang magawa kun'di ngumiwi dahil napakagulo niya.
"Hindi mo 'man lang ba tatanungin kung ano ang intensity ng feelings ko sa 'yo?"
Napakamot ako sa ulo. Ang kulit!
"Kapag tinanong ko aalis ka na?" naiirita kong sabi. Gusto ko lang naman kumain do'n sa may table. Bakit ba ako kinukulit ng isang 'to?
He shrugged. "Pwede."
Umirap ako sa kawalan. "E 'di sige—"
"Crush kita, 'yun lang!" At kumaripas siya ng takbo.
Bwisit talaga 'tong si Eion Jessie. Sinayang ang breaktime namin para mangulit!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro