Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 38

Kabanata 38

Buhay

I stared at him as I waited a reply. Nagpakawala ako ng buntong-hininga at mahinahon na inilapag ang cellphone sa hita. Hindi ko mapigilang mag-alala dahil ilang araw ko nang hindi nakauusap si Rafaela at Elgene.

Sa rami ng nangyayari ay pakiramdam ko'y ang dami ko nang nawala. Hindi lang rasyonalidad at dignidad ko kun'di pati na rin ang mga taong pumapaligid sa 'kin. Si Rafaela, si Corinthian, si Elgene... idagdag pa ang panandaliang pamamahinga ng pagbabanda nila.

Parami nang parami ang problema nila kaya gano'n na lang ang naging desisyon nila. Hindi rin naman mapipigilan dahil kahit gaano nila kaayaw na huwag madamay ang pinakamamahal, aksidente pa rin nilang nagagawa. Gano'n ang nangyari sa sitwasyon nina Cloud at Elgene—naiipit nila ang banda sa gulo.

Huling dinig ko ay hindi na ulit sila nag-uusap dahil sa nangyari kay Freesia at sa mga Carbajal.

Binackstab daw ni Quinley si Freesia dahil akala niya alam ni Freesia ang tungkol sa 'min ni Elgene. She's wrong in that aspect because Cloud's the one who knew about it, not Freesia.

Sa maling akala ay natapon niya ang pagkakaibigan nila ni Freesia.

Hindi ko rin naman sila matanong tungkol do'n dahil ayaw kong mangialam. I just hope that Elgene would talk to Sebastian, a good listener. But from what I heard from Sebastian's cousin, Maxinne, he's also busy with his own.

There must be another depth to their reasons that's why I understand the depth of the cause.

That's how rationality work—tinitimbang, tinitingnan, at iniintindi bago bumuo ng solusyon. Pagkabuo ng solusyon, hahanap ng tyempo at desisyon kung kailan, paano, at ano ang sasabihin. Mas kalmado ang estado ng buhay kung rasyonal mag-isip dahil alam ng tao kung saan tatayo. Hindi rin mahihirapang pumanig dahil alam at malinaw ang magiging desisyon.

Though rationality is a never-ending process, it's worth it in the end.

I sighed when the mellow beat from the café's speakers didn't calm me. Patuloy pa ring nasa isip ko ang problema ni Elgene dahil masyado akong nag-aalala kay Elisha.

I don't know the capability of the irrationality of the Carbajal's but based from what I understood from their argument, they will exceed it. And it's scary because how they acted is too complex to comprehend.

Dahil gagawila ng kahit anong paraan upang mapigilan ang pagkasira ng pangalan nila. That's how hostility managed to stay and live in their heads because those who are blinded by irrationality hoped to deal with the complexity of the world.

I sighed as I finished scribbling the colors on my mini sketchbook. Naagaw ng pansin ko ang maingay na pagsipsip ni Corinthian mula sa inuming binili niya sa café. Sabi niya ay pinahabilin daw ako sa kan'ya ni Elgene. Nagkataon naman na rest day ni Corinthian mula sa trabaho.

"Ngiti na, B..."

What Corinthian said during Virgil's party is still etched in my mind—that he's okay for me to act as if nothing happened rather than staying away from him. Hindi nga naman makatarungan kung lalayo ako dahil parang ini-invalidate ko ang pagkakaibigan namin dahil do'n.

I thank him for that because amidst of all the things that happened, he's still there to accompany me.

"'Di mo kailangang umiyak? Dami mong bagahe."

Umiling ako. "Hindi..."

Bumuntong-hininga ako bago sumandal. Pinikit ko ang mata at inisip si Rafaela.

"Cori, have you talked to Rafaela lately?"

"No news," saad niya at isinara ang notebook. "Let's go, B, I'll drive you home."

Tumayo siya at inaya na akong lumabas.

Nang dumating sa bahay ay hindi ko alam kung ano ang gagawin nang makita ang nakangiting si Rafaela.

Naiiyak siyang nakangiti sa 'kin. "Brella..."

Hindi na ako nag-atubili pa at sinalubong siya ng yakap. Hinid ko mapigilang umiyak sa balikat niya, roon binubuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.

Narinig ko ang halakhak at panunuya ni Corinthian sa 'kin. "'Di pala kailangang umiyak, ha?"

I sniffed as I cried hardly. Gano'n din si Rafaela na hindi matitigil-tigil ang pag-iyak.

"I-I'm sorry I walked away on you," she said.

"It's okay, Raf, it's okay. I understand..." saad ko, mahigpit siyang niyayakap.

Nang humupa ang iyak namin ay nagpunta kami sa kwarto. Habang papunta ro'n ay hindi mapigilan ni Corinthian ang pagtawa. Naiinis siyang hinampas ni Rafaela bago tuluyang umakyat.

"Dito ka dumiretso?" I asked after we recovered from crying.

The three of us sat on my bed. Yakap ni Corinthian ang kan'yang bag habang yakap ko ang stuffed toy. Abala naman si Rafaela sa paglalaro ng Rubik's cube na kulay ginto at hugis hexagon. Iniaabot niya sa 'kin 'yon tuwing nahihirapan, gano'n din ang ginagawa ko sa kan'ya.

Corinthian eyes us as we busy ourselves with the toy.

"Ako ang nahihirapan sa inyong dalawa," komento niya at kinain ang sandwich na nasa bedside table. "Galing niyo talagang dalawa. Kita niyo, bati na agad kayo!"

"Kung tumatambay ka kasi palagi kina Daniel," sabi ni Rafaela.

"Ano naman ang gagawin ko ro'n? Baka mabaril ako ro'n nang 'di oras dahil anak ng politiko 'yon!"

"What about me, Cori? Sumasama ako kay Freesia pero buhay pa rin ako," depensa ko.

"At tsaka sa Batangas kilala ang mga Fuentabella, hindi sa Pampanga, okay? Kaya rest assured kapag nakita nila si Daniel kasama ka, ikaw agad ang unang babarilin," dagdag ni Rafaela.

Dumaing si Corinthian. "Napaka niyong dalawa!"

"Para kang bata!" natatawa kong komento kay Corentin.

Bahagya kaming nanahimik. Kahit gaano ko kagustong itanong sa kan'ya ang kalagayan niya sa Makati, hindi ko na ginawa. Naiintindihan ko kung ayaw ni Rafaela na magkwento.

"What is with Elgene's issue right now? Ayos na ba?" she asked, carefully placing the words in her sentence.

Bumuntong-hininga ako at nagpaliwanag. "Do you know Andrea Carbajal?"

She nodded. "Ah, oo. She's the owner of the top one hospital in the Philippines. Their types of equipment are state-of-the-art. Magagaling din daw mga doktor? Pumapangalawa raw ospital niyo, sabi ni Mommy."

Corinthian snickered. "Magaling nga, may topak naman ulo," komento niya.

Natawa ako kay Cori bago tuluyang magkwento kay Rafaela. Doon din niya sinabi na alam niya ang nangyari mula noong una. She said her sorry. I accepted it because I understand why she hid that. I'm thankful, too, because she kept my head clear about it.

"Prinsesa ka pa ba ni Elg?" tanong ni Cori.

"Corinthian!" paninita ni Rafaela.

"Mahal ka ba niya?" pang-iintriga pa niya.

I shoved Corinthian's face. Dinaig pa ang babae sa pagiging chismosa!

"Yeah... he said he loves me. Gano'n din ako..."

Huli ko lang natandaan na may gusto nga pala sa 'kin si Corinthian!

Madali akong nag-sorry sa kan'ya. He's okay with it, he said, but I know he isn't. Kahit papaano, nakita ko ang sakit na dumaan sa kan'yang mata.

"Princesses shouldn't get hurt. They shall be protected at all costs," saad ni Cori, nagbababa ng tingin.

Naramdaman ko ang panibagong bugso ng sakit sa damdamin. Hindi ko mapigilang maging emosyonal dahil nangako ako sa sarili na pagkatapos nito, itutuon ko ang buong atensyon sa sarili ko.

Nanikip ang dibdib ko. "No, Cori, you're wrong. Before they became a princess, they experience hardships. Masasaktan muna sila pero gaano ba dapat siya kabigat bago masabing nasa dulo na?"

"May dulo nga ba, Brella?" Rafaela questioned.

Napasinghap ako dahil sa tanong niya.

Corinthian sighed and stroke my back. Niyakap naman ako ni Rafaela.

"Brella, look, you're my friend that's why I know how you think—rationally, right? That's good because you know how to act. Tinitingnan mo ang bawat anggulo at kapag nagkamali ka, iyon ay dahil mali ka ng tantiya. But you're not disciplined as much as you think. Now, remember how undisciplined you've become. What went wrong?"

Hirap na hirap kong binitiwan ang pag-amin ng salita. "I-I was guilty about what I did to him when I was young. Ngayon, sinusubukan kong itama sa pamamagitan ng pag-intindi sa kan'ya pero parang lalong lumala because what I did is out of guilt... kaya namali ang lahat."

She nodded. "You knew that you started out wrong and it's good that you acknowledge that. Gano'n din sa pagluluto. Mali ang naging ingredients mo kaya iba ang naging kinalabasan ng niluluto mo. Hindi siya naging akma kasi hindi ka disiplinado sa pag-alam kung ano ang tama. That's why you must find the right discipline before you can get what you desire. But it's never too late to change the path."

Suminghap ako nang nanubig ang mata. "Paano kung nahihirapan ka na sa sitwasyon? Paano kung parang may bibitaw na?"

What I'm feeling right now is close to its end. It felt like even after the issue has been solved, it will be beyond repair. Matagal maayos kaya matagal ang hihintayin. Hindi pwedeng madaliin dahil baka mamali ng gawa.

"Then be disciplined enough to understand," she answered. "Paano kung ikaw rin sa gano'ng sitwasyon? Pag-iintindi din ang hihingin mo, 'di ba? If you're feeling sorry about the people who are accidentally involved, then be disciplined enough to tell them that they are involved. Magalit 'man sa 'yo, at least they are aware. It's much sensible than telling them when it's too late."

"Pero, paano kung—"

"Puro ka paano kung, Brella. Yes, it's fine if we think hypothetically or even theoretically. But don't forget the fact that what you're contemplating is not the exact result of the decision you're searching for. Lahat ng bagay na nakikita mo ay mapaglaro. What you need is your independence, your liberty to think, and your will to put forth your action because that's how you redeem yourself."

I could only stare at her and realize that—as what she has said—I'm not disciplined enough to follow my rationality.

That's how I started to understand the complexity.

Buo ang loob ay sumama ako kay Elgene nang ayain niya akong lumabas. Sa pamimigat ng dibdib ay nararamdaman ko kung gaano bumibigat ang dibdib. Kahit nakakatakot na kilalanin ang pag-iisip na 'yon, sinusubukan kong ipatupad sa sarili ang kaalaman.

I can feel the time thinning. I can feel something breaking. I can feel something changing.

There's nothing wrong with trying and there's nothing wrong with taking a break. What's wrong is you took a break without even trying.

I think the week that passed felt too good to be true. Wala pang ginagawa ang mga Carbajal kay Elisha. Bahagya akong naginhawaan noon dahil may oras pa para maialis siya mula roon. Hinihintay ko na laang ang tiyempo para sabihin kina Mommy para maayos na ang isa sa gulo na 'to.

"Babawi ako sa 'yo, pangako 'yan," bungad sa 'kin ni Elgene pagkasundo niya sa 'kin.

He kissed me on my cheeks as soon as I got inside the car. Malawak ang kan'yang ngiti habang nakatitig sa 'kin at nakahalumbaba. I felt intimidated by his stare.

Kahit na nang-aakit ang mata niya, hindi ko pa ring mapigilang kabahan!

"What's your plan for today?" nakangiti kong tanong sa kan'ya.

It always feels so good being with him. Kahit na mahirap na ang sitwasyon, pinipilit ko pa rin na ayusin 'to.

Ngumuso siya at nag-drive. Hindi niya sinagot ang aking tanong, bagkus, nginisian ako.

"If I tell you, there's no surprise." Kumindat siya pagkatapos.

Pagkababa ng sasakyan ay awtomatikong lumingkis ang kan'yang braso sa aking bewang. He nuzzled on my hair as we walk inside.

"Dog tag?" he asked as he ran a stare on my neck.

I jokingly sighed and showed him the necklace. Awtomatiko siyang ngumisi at umaktong kinikilig.

"Where's yours?" I asked, my eyes on his chest.

Tinagilid niya ang ulo at ipinatong ito sa akin. He lazily showed the necklace that is hanging on his neck. Kuminang iyon nang tumama ang ilaw. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang singsing na kasama noon.

"Where did you get that?"

Ngumuso siya at hinalikan ang aking noo. Yakap-yakap niya ako habang nakapila kami sa stall ng yogurt.

"Clingy," bulong ko at natawa.

"Secret..."

If I know from the start that I wasn't meant to be with him, I should've embraced my rationality instead of embracing my guilt. Bitbit ko pa rin ang pagsisisi sa aking puso buong araw na kasama ko siya ngunit hindi ko mabuo-buo ang salita. Hindi ko mabuo-buo ang paumanhin upang masabi sa kan'ya ang nararamdaman.

He deserves everything but I don't think he deserves me. Dahil sa bawat oras na dumaraan, numinipis ang oras. Nawawala ang mahika. Nawawala ang mahiwagang kwento dahil kapalit nito ang mabagsik na reyalidad. Hinihintay nito ang taong pagtatawanan.

Reality can be anything—a person or a memory, all things wicked or all things good.

Anything. Really. Kaya nakatatakot.

And my reality is her—Quinley Selene Carbajal.

Malademonyo ang ngisi niya nang makita kami. Nang magdesisyon siyang lumapit ay hindi ko mapigilang makaramdam ng takot.

Sa paraan ng paninigas ni Elgene ay alam ko kung gaano siya natatakot ngayon. Pakiramdam ko ay kung ano-ano na ang naiisip niya habang inaalala si Elisha.

Hawak din ni Quinley ang kapatid niya. May utang na loob din siya ngunit iyon pa yata ang magpahahamak sa kan'ya.

"What a nice day you have here," she mocked.

Suminghap ako at pinigilan si Elgene na agrabyaduhin si Quinley.

Maling galaw, pigtas ang buhay.

"I've never felt so betrayed in my whole life!" she dramatically emphasized. "At ikaw pa talaga na may utang na loob at mangagamit?! Ano kaya ang mararamdaman mo kung ikaw naman traydurin ko?"

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Elgene. Gumagapang ang kapulahan mula sa kan'yang leeg patungo sa mukha. Wala akong magawa kun'di pigilan siya dahil natatakot ako para sa kanila.

What if there really is a calm before the storm—that their silence is meant to destroy and aggravate all the doings he did?

Quinley dramatically flipped her hair. "Tatlong buhay na ang nasira ko. Tingin mo kasama si Elisha ro'n?"

"Ilayo mo si Elisha rito," mariin niyang sabi.

Nag-alab sa galit ang mata ni Quinley. "Napakakapal ng mukha mo! Elgene, santo lang ang hindi maghihiganti! Hindi ako santo dahil mas malala pa ako sa demonyo! Sa tingin mo palalagpasin ko 'to? Maswerte ka kung oo, pero hindi ka sineswerte ngayon!"

"'Wag si Elisha." He gritted his teeth. "'Wag si Elisha."

"At ngayon ka magmamakaawa sa 'kin?" She snickered. "If only you are secretive enough with this helpless girl, e di sana hindi gano'n kalaki ang galit ko sa 'yo. But you played with me. Demonyo ka rin pala, 'no?"

I have no other option but to pray—to pray that her words are harmless, empty threats, and that it won't end anything nor destroy a person for life.

Because she's the reality that everyone will fear. She's the devil that everyone doesn't want to bargain with.

"Apat na buhay," saad niya, nakangisi. "Apat na buhay ang sinira ko. Kay Cloud, kay Freesia, sa 'yo... at sa kapatid mo? Apat nga lang ba o higit pa?"

"Ano ang ginawa mo kay Elisha?" puno ng galit ang boses ni Elgene.

How she smiled showed how sure she is with what she did. And I didn't like it. I didn't like how her smile felt because it's scary to think that she's capable of killing someone.

"Pumunta ka kaya sa ospital ngayon nang malaman mo? Or if you treasure your time so much with your girl, call your mother instead. Sigurado akong naghihinagpis na 'yon ngayon."

"'Wag mo 'kong paglaruan."

Hindi ko alam kung bakit nanlamig ako sa tono ni Elgene.

"Ako ang pinaglaruan!" She pointed out before she laughed. "Bahala ka kung ayaw maniwala. Buhay mo naman 'yan. Nanira lang ako ng buhay kaya sinabi ko 'to sa inyo. Adios, lovers."

Sa pag-alis ni Quinley ay hindi ko alam kung paano nadagdagan ang kaba't takot ko.

Wala na rin akong ibang naiintindihan kun'di ang blankong mukha ni Elgene nang tumawag sa nanay niya. Pagkatapos no'n ay ang pagtulo ng luha, sumisimbolo ang bagay na nawala na.

Because that day, both of us knew that his struggle has ended.

"Patay na si Elisha."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro