Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 37

Kabanata 37

Gulo

Nakatitig ako kay Elgene habang tumutugtog siya sa keyboard sa loob ng studio nila sa Trinity. Umaalingawngaw sa pader ng kwarto ang malumanay at malambing na himig ng piyesa na kan'yang tinutugtog.

I couldn't help staring at him as he played with the keyboard.

He is one with the keys that he's maneuvering. I saw how his passion dripped from the tunes that he's creating. And when he closed his eyes tightly, savoring the arrangement of rhythm in his heart, I could only worry about the destruction he's going to fill.

What will he feel once he knew the wickedness of their heart? How can I break the news without breaking anything in him?

Malungkot ang aking puso kahit na buo ang kan'ya habang tinutugtog ang piyesa. His fingers kept on pressing on the keys as if he memorized the whole piece with his heart.

He is very dedicated with what he's doing. Pansin ko iyon tuwing naggi-gig sila. Lahat ng mga kabanda niya mula kay Cloud hanggang kay Zake ay halata ang puso habang tumutugtog.

"Just a little change, small to say the least. Both a little scared, neither one prepared. Beauty and the beast..." I sang.

Nakahalumbaba ako habang nakatitig sa kan'yang likod. Gumagalaw ito tila isang enggranahe na inaangat at dinedepina ang bawat sulok ng kan'yang braso. Natatawa pa rin ako kapag naaalala kong hindi ko siya gaanong mamukhaan noon.

Puberty hit him as much as I could remember. The image of him being a lanky and a fragile kid is the only thing that remained is a bit of his youth. Since the world is so complex that it is cruel for the youth to survive, he is forced to throw away whatever innocence that he has.

I can't blame him for that because to adapt is to survive. Iniaakma lang niya ang sarili sa kapaligiran para makipagsapalaran... katulad na lang ng pangangailangan ng irasyonalidad sa ating rasyonalidad.

Habang abala si Elgene sa pangingialam sa mga piyesa upang makagawa ng tunog, abala ako sa pag-iisip ng paraan upang sabihin sa kan'ya ang tungkol kay Elisha. Pero hindi ko kayang sabihin sa kan'ya ang plano ni Andrea Carbajal lalo na kung hindi pa nakukumpirma.

He loves his mother and sister so much that if ever he lost one of them, he'll be so broken that he'll be render unable to move.

Bumungad sa aking paggising ang malambot na unan at marahang paghaplos sa aking buhok. Tahimik ang studio room nila at nakababahalang mukhang hindi nagpunta ang ilan niyang mga kabanda rito.

Did Elgene asked for privacy at this time? Natawa na lang ako sa naisip.

"Come stop your crying, it will be alright. Just take my hand and hold it tight. I will protect you from all around you. I will be here, don't you cry."

He's singing Tarzan's soundtrack and it felt heartwarming to hear him singing a song like this. Nakapaglagay pa siya ng sariling arrangement at estilo kaya lalong naging emosyonal ang kanta.

How beautiful it is to hear the comfort in his voice and the affection in his gentle strokes. Malumanay ang kan'yang boses, iniingatan ang aking paggising. Sasabog ang puso ko sa sobrang kasiyahan sa kan'yang ginagawa.

This is too much for me and I think that I deserve him.

"This bond between us can't be broken. I will be here, don't you cry..."

Tumagilid ako at humarap sa kan'ya.

His hot breath fanned my face. Rinig ko ang mahina niyang pag-ismid sa aking ginawa kasabay ng paghalik sa aking pisngi. Doon naman ito lumipat mula sa paghaplos ng aking buhok.

Pasimple kong idinilat ang mata at sinilip ang kan'yang itsura. Nawasak ang aking puso nang makita ang mariin niyang pagpikit kasabay ng pagtulo ng luha mula sa kan'yang mata.

Naalarma ako ro'n at hinaplos ang kan'yang pisngi. Bumungad sa 'kin ang namumula niyang mata tila kanina pa umiiyak.

"You're the one who's crying!" natatawa kong sabi.

Nagpilit ng ngiti sa 'kin si Elgene at ipinatong ang noo sa akin.

Nagpakawala siya ng nahihirapang buntong-hininga bago ipinagsalikop ang aming kamay. Nakapikit ang kan'yang mata at sinusubukang pakalmahin ang hininga.

"Natatakot ako na malapit ka nang mawala sa 'kin..."

My heart beated in nervousness. Binabalot ako ng kaba sa kan'yang sinasabi.

"What are you saying?"

Umiling siya at bumuntong-hininga muli. "Don't worry about this..."

I caressed his cheeks. "Elg, you've been suffering ever since you were young. Why can't you let me help you with this? Kahit maliit na bagay lang para matulungan ka."

Pinilit niya muli ang ngiti at tumabi sa pagkakahiga sa sofa. "Madawit ka na naman. Ayoko no'n."

"But I am already in it, Elg. Nadawit na 'ko—isagad na natin 'to. Hindi ako papayag na ikaw lang mag-isang naghihirap dito kung ako ang isa sa kasalanan noon."

Pumulupot ang kan'yang braso sa aking bewang. Ang dibdib niya ang nakaharap sa aking mukha habang ang baba ay nakapatong sa aking ulo.

"You're not at fault," he said. I could feel how breaking this is for him.

I sighed. "Elgene, come on. Imagine this: paano kung alam ko ang issue mo noon? Maybe I should've stepped down since I became your classmate. Siguro naman ay mabait na ako noon."

I heard him chuckle. "I don't need pity to get what I want, princess. What I need is perseverance. Alam kong hindi awa ang nararamdaman mo sa 'kin kun'di inis. Marunong akong makaramdam pero hindi ko sinasabi."

Hinalikan ko ang kan'yang panga at sininghot ang kan'yang amoy. Bumungad ang matapang ngunit hindi masakit sa ilong na kan'yang pabango. Humahalo ito sa sarili niyang amoy.

Lalo akong sumiksik sa kan'yang dibdib at pinakinggan ang ritmo ng kan'yang puso.

"At Brella, tingin ko talaga 'di ka mabait noon. Ang sungit-sungit mo kaya!"

Ngiti na lang ang isinagot ko dahil kuntento na sa katahimikang ibinigay ng kapaligiran.

"I'm sorry I didn't know," he said, breaking the silence.

Tumingala ako para ipakita na naguguluhan ako sa sinabi niya.

Nag-iwas siya ng tingin. "'Yung nangyari kahapon... Kung alam ko lang, e 'di sana napagtanggol kita."

"You've done enough with your part, Elg. Hindi mo na ako kailangang ipagtanggol pa. Si Elisha ang dapat pagtuonan mo ng pansin dahil sa gagawin ni Andrea Carbajal."

Natakpan ko ang bibig dahil sa nasabi. It's not yet the right time to tell him but I have no choice. Besides, it's his duty to know.

Bumuntong-hininga ako at nagpaliwanag tungkol sa nangyari kahapon—na kung paano lumabas ang mararahas na salita mula sa kanilang bibig at ang kagustuhang manira ng buhay.

Nasilip ko ang kan'yang reaksyon. Mariing nakapikit ang kan'yang mata tila hirap na hirap sa nararanasan.

Hindi ko mapigilang magmakaawa na huwag nang maramdaman ang pamimigat ng dibdib.

Hirap na hirap na si Elgene at hindi ko alam kung paano siya tutulungang umalis mula roon. Magulo ang estado ng pamilya niya. Magulo rin ang estado nila ni Elisha. Sa sobrang daming gulo na nararanasan niya mula pagkabata, inaasahan kong bibigay na siya.

Pero hindi. Patuloy pa rin siya sa pakikipaglaban at hindi ko mapigilang maiyak dahil do'n.

"E-Elg, if it's not too much to ask... may I know Elisha's sickness?"

Naramdaman ko ang paninigas niya. Aagawin ko na sana muli ang salita ngunit nagbigay siya ng sagot sa aking katanungan.

My heart broke into pieces, yet again.

"Congenital heart disease," he answered, his voice shaking. "M-May butas ang puso niya mula pagkabata. We tried a lot of treatments for it such as catheters, medications, implantable heart devices... Sinubukan na ang lahat pero may dalawa pang options na ayaw gawin ni Elisha. She said that she's too tired to perform an open-heart surgery or a heart transplant. Hindi rin naman umeepekto ang ginawang procedures kaya pabalik-balik ang butas sa puso niya."

Kumirot ang dibdib ko. Wala akong ibang nagawa kun'di palisin ang luha mula sa kan'yang mata. Mariin siyang napapikit dahil do'n.

Sobrang hirap ng dinaranas niya. Sobra-sobra. Hindi ko na alam kung paano siya matutulungan dito.

"Since birth ba ang butas?"

He shook his head. "Late na nag-develop. Gano'n 'din ikinamatay ni Lolo, e."

Napalunok ako sa narinig. Pagkamatay, isang bagay na ayaw nating lahat ngunit hindi mapipigilang danasin.

"And what about the loads of money you've been paying to the hospital? Saan napupunta 'yon kung ayaw namang gumaling ng sakit ni Elisha?"

I am starting to get worried every minute. Kinakabahan ako sa mga salitang lalabas sa kan'yang bibig na lingid sa aking kaalaman.

"Hindi ko na alam..." Humigpit ang kapit niya sa 'kin. "P-Pero nagbabayad naman ako. 'Di ko na nga ginagamit allowance ko para sa sarili kasi kay Elisha na napupunta. But I somehow manage to slice through college with my fucked-up life. Graduating na nga, e."

"Elgene, come on. Don't say that..."

Dinama niya ang kamay ko sa kan'yang pisngi. "Pagod na 'ko... pagod na pagod na 'ko... hindi ko na alam ang gagawin... ginagago yata ako ng mga Carbajal."

Hindi ako makaimik.

Naalarma ako nang manginig muli ang balikat niya.

"Ayaw—" Marahas siyang suminghap. "A-Ayaw na ni Elisha... ayaw na raw niya, Brella. Sawang-sawa na raw siya. Ayaw na niyang makitang naghihirap ako. Gusto na niyang tapusin buhay niya dahil masyado na siyang nagiging pabigat."

Hindi ko na alam ang gagawin sa pinipigilang luha. Pilit ko na lang na huwag ipaalam sa kan'ya na umiiyak ako.

Ganito rin ba ang nararamdaman ni Elgene? Sobra-sobrang emosyon ang nararamdaman niya at hindi na niya alam ang tama at mali?

"Bakit parang inaayawan ako ng mga tao? Si Papa, ayaw sa 'kin. Si Mama, nangangaliwa. Suportado ko nga siya ro'n pero pakiramdam ko ako ang pinaparusahan sa aming apat. Pero sino ba ako para magduda sa mga desisyong inilalahad sa 'kin? Wala na talaga..."

I let out a tired and heavy sigh.

Nauubos ang nararamdaman ko sa sarili at napapalitan ng sakit.

He is suffering way too much from his limit. He is straying away and I don't know if he can still find his way back because he's too lost... too lost that he might lose himself.

"S-Sabi ni Mama, may kikitain daw siyang lalake ngayon. Tunay na tatay ko raw. Ewan. Naguguluhan na 'ko."

He sounded so lifeless. Kinabahan ako.

"Thomas is not your father, isn't it?" tanong ko kahit na alam ko ang sagot.

He is too tired to comprehend what I know.

"Siguro. Baka. Nahihirapan na akong intindihin." Pagak siyang humalakhak.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sobrang sakit na ng puso ko. Hinayaan ko na lang siyang tahimik na umiiyak habang nakayakap sa 'kin. Tahimik ko na lang ipinagdarasal na hindi niya maramdaman kung gaano ako nasasaktan.

A point of no return—that's what he's portraying right now. Parang kaonting kalabit na lang ay bibigay na siya.

"Regionals ni Freesia, 'di ka pupunta?" he mumbled.

"Elg, I'm here for you," pagpapaalala ko.

"Nanonood sila ro'n. Lungkot nga ni Cloud noong isang araw dahil sa ginawa ni Quinley pero bati na sila ni Freesia. Nga lang, 'di pa gaanong maayos. Pero nag-explain naman si Cloud na ginawa niya 'yon para sa kaligtasan ni Freesia..."

Malakas ang tibok ng puso ko habang hinahaplos ko ang buhok niya.

"And Quinley... I am taking steps to break this news to her, pero natatakot pa rin ako, Brella. Idadamay niya ang kapatid ko."

Kinagat ko ang ibabang labi. Kinukurot ang aking puso sa naririnig ko. Naiiyak ako sa sinasabi niya. Lubos na sakit ang dumadaan sa bawat daluyan ng aking puso at hindi ko alam kung paano ito tugunin.

"Nakararamdam yata na ginagamit ko siya," bulong niya.

Hinaplos ko ang kan'yang pisngi at nag-aalalang tinignan. "Paano 'yan? Anong gagawin mo?"

Kung may kapangyarihan lang ako. Kung kaya ko lang ilipat si Elisha sa ospital namin.

But I know my mom—she's too busy to go on with my request because she's busy with the issues that she's facing. Idagdag pa na mukhang hindi pa rin niya gusto ang mga Donovan.

"Sana malutasan na agad ito ni Mama. Nahihirapan na akong mag-adjust..."

Magsasalita pa sana ako pero pinigilan ako ng malakas na katok mula sa pinto.

"Si Quinley!" naghuhumingos na sabi ni Sebastian.

Bigla akong nilamon ng takot kaya marahas akong napaalis mula sa pwesto.

"What... ano ang dapat kong gawin?" taranta kong tanong dahil naubos na ang tamang oras ko para mag-isip.

With his alarmed green eyes, he looked at me. "You need to get out of here immediately. Once she confirmed this and all—"

The devil left no room for informations. Pumasok ito sa loob ng studio na parang pagmamay-ari niya ito. Hinanap ng kan'yang mata ang taong maaari niyang pagbuntungan ng galit. Matagumpay niya itong ginawa nang dumapo ang tingin niya sa 'kin.

Tila isang nag-aalab na apoy ay lumiyab ang galit sa kan'yang mata.

"Hindi ako tanga, Elgene," bungad niya, ngisi ay nakabalandra sa kan'yang mukha. "'Yang ginagawa mo? Alam ko 'yan! At nang malaman ko na sumasama ka kay Brella, sinisira ko naman ang relasyon nina Cloud."

Pareho kaming napasinghap ni Sebastian. Napansin ko pa kung paano gumaan ang galit sa kan'yang mukha bago lumaya kay Quinley. Masama siyang nakatingin sa kan'ya habang pinipigilan ang galit sa pamamagitan ng pagkuyom ng kamao.

Nagpunta siya sa harapan ko at hinarangan ako mula sa tingin ni Quinley.

Naningkit ang mata ni Elgene. "Ano ang sinabi mo?"

Ngumisi siya. "Elgene, my dear Elgene. I played with Freesia and Cloud not because I like or love Cloud, but because I want to destroy their lives! Hindi nga ako naging successful do'n pero si Madison? Madison will be so good at it that they'll be destroyed!"

Napalunok ako sa narinig.

She is evil. Sobra-sobra ang kademonyohang umaaligid sa kan'ya!

"Naninira ka ng relasyon ng iba!" galit na sabi ni Sebastian kay Quinley.

Quinley didn't look shocked at the sudden outburst of his anger. Parang niliyaban pa nito ang apoy sa kan'ya at nagbigay pa ng satispaksyon.

"Hindi ba gano'n din ang ginawa ni Brella? Sinira niya rin ang relasyon namin ni Elgene."

"Pero alam kong alam mo na ginagamit lang kita!" hindi mapigilang sigaw ni Elgene.

Nagulat ako sa sinabi niya.

He shouldn't tell it today! Hangga't hindi pa naililigtas si Elisha mula sa mga Carbajal, hindi pa dapat niya sabihin!

Umawang ang bibig ni Quinley, hindi inaasahan ang sinabi ni Elgene. Sa reaksyon ni Quinley, halata sa kan'ya na hindi niya alam 'yon!

"Sumama ako sa 'yo noon kasi alam kong may ospital kayo at alam kong maisasalba no'n ang kapatid ko. Ano pa ba ang natitirang gawin ng isang desperadong katulad ko? Ang manggamit ng tao. Oo, manggamit ako, pero sa tamang paraan! Ginawa ko 'yon para maisalba ang buhay ng kapatid ko pero mas napalala pa yata!"

Punong-puno ng galit ang boses ni Elgene. Sa sobrang galit ay namumula na siya kasabay ng pagiging prominente ng ugat sa kan'yang leeg.

"Ano ba ang makukuha mo sa ginagawa mo, Quinley?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Ang paraan ng pagtingin niya sa 'kin ay parang nanunuya. "Simple lang—atensyon at ang taong gusto ko. I realized that I can't get you with this, so I'm going to spin my attention to the weak and the graved one instead. Hindi ko makuha si Elgene? Fine! Sa 'yo na siya. Ang importante, nasa akin ang huling halakhak."

Umabante siya at lalapit sana sa 'kin ngunit humarang sa kan'ya si Elgene.

Umismid siya at nagkibitbalikat. "Oh, and Elgene? If that's how you want it, tandaan mo, hindi pa natatapos dito ang galit ko."

Iyon ang huli niyang sabi bago umalis.

Wala akong ibang nagawa kun'di mapaupo hindi lang dahil sa takot kun'di dala ng iba't ibang emosyong nararamdaman. Dahil pagkatapos ng araw na 'yon, nasira ang buhay ng lahat. Idagdag pa na nagdesisyon silang pansamantalang itigil ang banda.

Wala nga talagang makukuha mula sa mga irasyonal na paraan kun'di pagkasira.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro