Kabanata 33
Kabanata 33
Sabi
Pilit kong itinatago ang ngiti dahil nahihiya ako sa mga kabanda niya. I know Elgene is aware of his band's presence, too, but it seems to me that he's okay with it!
Malawak ang ngiti ni Elgene nang hapitin niya ako sa bewang at pinagasalikop ang aming kamay. Bahagya siyang lumayo at sinilip ang mukha ko.
"Princess, how are you?" he asked in his softest voice.
Narinig ko ang pag-whoo ni Cloud sa gilid at pinagti-tripan si Elgene. Elgene, on the other hand, doesn't seem to be bothered with it!
Suminghap ako nang inilapat niya ang palad sa aking pisngi habang ang isa ay sa ilalim ng baba, itinataas ang ulo ko. Dumaloy ang kuryente mula sa kan'yang palad papunta sa aking katawan.
Mabilis na tumibok ang aking puso nang unti-unti kong maintindihan na malala na 'to—na malalim na 'tong nararamdaman ko at hindi ko dapat nararamdaman 'to. Dahil hindi pwede. Dahil napapagod ako. At dahil nasisira ko ang pagpapahalaga sa sarili ko.
His chinky eyes stared at me with a hint of curiosity. "Namumugto mata mo. Umiiyak ka pa rin ba?"
My heart swelled because of the attention he's giving—I am in awe because of this fact. Parang sasabog ang puso ko dahil sa kasiyahan ngayon.
He sighed and stroked my cheeks. "Come on, princess. Pasasayahin na lang kita. Nagpaalam na ako kay Tita Octavia na ilalabas kita ngayon."
Using his warm fingers, he tucked a stray hair at the back of my ears. Mahinang kaba ang nagbabanta sa likod ng aking puso nang maalala ang isyu sa kanilang pamilya.
Does he know any of this? Alam ba niya ang tungkol kay Eleardo Genovio Jr. at Sr.?
I listened for the beat of my heart, swaying with the utmost observation of rationality. Because if I won't move on and continue this, my succeeding choices will be stemmed from my irrationality.
"Pumayag si Mommy?" I asked, shocked.
Alam kong ayaw ni Mommy si Elgene para sa 'kin kaya naguguluhan ako.
His cheeks melted his eyes when he smiled.
"S'yempre, ako pa?" pagmamayabang niya sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit. "Let's go, my princess. Tutugtog din ako sa gig para sa 'yo."
"Woot, PDA!" rinig kong sabi ni Cloud.
Zecharaiah hissed at him. "Panira ka sa kalandian ni Elg! Palibhasa inggit ka."
Natawa ako dahil sa bangayan ng dalawa at sumunod kay Elgene paglabas. Sa sasakyan niya ako sumakay samantalang ang mga kabanda niya ay may sari-sariling sasakyan.
Dumungaw si Sebastian sa driver's seat at mukhang disappointed sa nangyari.
"Dapat pala nag-van tayo. Baka kung anong gawin ng Elgene na 'to kay Brella," nakangiwing sabi ni Sebastian.
Tumango si Zake at sumama kay Sebastian. "P're, tama 'yan! Bakit 'di tinuloy? Dapat pala nag-van tayo. Baka kung anong gawin ng Elgene na 'to kay Brella."
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Cloud sa gilid ko dahil nakababa rin ang bintana. Ipinatong niya ang braso sa mismong sulputan ng bintana at inulit ang sinabi ng dalawa.
"Dapat nga talaga nag-van tayo. Baka kung anong gawin ng Elgene na 'to kay Brella."
Ang tatlo ay tumingin sa direksyon ko, partikular kay Cloud. Sa mukha nila ay parang nagtitimpi sila sa kalokohan ni Cloud.
"Inulit!" sabi ni Sebastian at ngumiwi pa lalo.
Natawa si Cloud at Zake bago kumalas sa pagkadudungaw. Lumapit sila sa sasakyan at doon sumakay. Binuhay na ni Elgene ang makina ng sasakyan habang nakikipag-usap kay Sebastian.
"Sino sasakay sa sasakyan ko?" sigaw ni Cloud habang binubuhay ang makina.
"Mama mo!" sigaw ni Zake at sumakay sa kotse yata ni Dos.
"Mama ko 'di mo mama!" sagot ni Cloud.
Mahinang natawa si Eros na kapapasok pa lang sa sasakyan ni Yuan.
"Mama mo 'di ka mahal!" sabi ni Zake.
"Mama ko... ano... babae, hehe." Napakamot si Cloud sa batok. Natawa ako dahil do'n.
Umalis si Sebastian at sumakay sa kotse ni Cloud. Sumakay rin doon si Zake.
"Binabara-bara mo 'ko tapos sasakay ka sa kotse ko? Ulol," sabi ni Cloud.
"Gago, ang damot!" natatawang sabi ni Zake at sa sasakyan ni Eros sumakay.
Lumugdo ito pababa, senyales na kumpletong nakasakay si Zake. Naglabas siya ng middle finger na nakadirekta kay Cloud. Hindi nakaangal si Cloud dahil humarurot na ang sasakyan ni Yuan paalis.
"Ang gulo," komento ni Elgene at natawa na rin.
Napasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang kumindat siya bago magmaneho.
"Elg!" I scolded. "Ang landi mo."
"Sa 'yo lang," he said and winked.
Wala akong ibang nagawa kun'di ngumiti... dahil hanggang kailan ko na lang ba mararamdaman 'to?
The whole ride, I was busy with my rationality. I kept on thinking about what's going on but I ended up with a rational answer—to leave him and let him settle his issues. He needs understanding the most that's why I kept on holding on.
Tingin ko ay napaka-irasyonal kung iiwan ko na lang siya basta-basta dahil nahihirapan na ako. But why am I thinking about this, again? I'm so confused. I don't even know what's the rational thing to do.
Unang dumating sa Beats sina Yuan at Cloud. Tsaka lang kami nakarating ni Elgene dahil pinabagal pa niya ang takbo ng sasakyan. Kahit na pinagsasabihan ko siya na dalawang oras lang ang gig nila ngayon, hindi pa rin siya nakinig sa 'kin. Tsaka lang niya binilisan noong malapit na!
Nakasimangot ako nang makababa ng sasakyan. Hindi niya 'yon pinansin dahil balewala niyang hinapit ang bewang ko nang makalapit sa 'kin.
"O, see? Hindi naman tayo late!" natatawa niyang sabi, kinukuha ang bag ko mula sa 'kin.
I rolled my eyes at him and looked at the now-familiar sight of the building. The lights are still glamorous and the ambiance is still as comforting as before.
Habang papunta sa loob ay hapit niya ang aking bewang. Kahit anong pilit kong tanggalin ay ibinabalik niya. Hanggang makarating sa stage ay hindi pa rin niya ako binibitawan.
"Elgene..." pagtatawag ko ng atensyon niya ngunit hinapit na naman ako palapit sa katawan!
Ang clingy! Hindi 'man lang pinapansin ang sinabi ko kahit na may kausap na organizer.
"Uy, hindi ba talaga kayo pwede mag-extend? Hinahanap-hanap kayo lagi, e."
Napangiti ako sa narinig. I wonder when will they be big with their career—slaying the charts, topping every rank, and gathering a lot of love and awards.
Umiling si Elgene. "Sorry, 'di po pwede. May lakad po kasi mamaya," sagot niya at pasimpleng tumingin sa 'kin.
Lumaki ang aking mata. "Lakad? Elg, bakit nadamay ako? Okay lang na mag-extend kayo kasi—"
Elgene chuckled and ruffled my hair. "It's not my girl's fault. Ako ang nag-aya. Wala siyang alam tungkol do'n."
Natawa ang organizer sa sagot ni Elgene. "Ah, gano'n ba? Sige, next time na lang ulit. Kaya ba mag-three hours sa susunod?"
"Iyon lang po ang hindi ko sure, pero itatanong ko po sa kanila kung gusto nila. Medyo busy rin po kasi sa univ."
Tumango ang kausap niya. "Bale ire-reserve ko na lang kayo ng slot. Text niyo na lang ako kung tuloy, ha? Malakas kayo sa 'kin," nakangising sabi ng organizer at umalis na.
Bumaling ako kay Elgene nang nakasimangot. "Parang lumabas na kasalanan ko!"
Tumaas ang kan'yang kilay bago ako tinawanan. Itinuro na lang niya ang pwestong ookupahan ko habang tumutugtog sila sa stage. Malapit iyon sa kanila kaya kitang-kita ang kanilang mukha.
"Hatid kita sa upuan mo," saad niya at dinala ako sa pwesto.
Pinaupo ako ni Elgene sa stool at umupo sa katabi ko. Humarap siya sa 'kin at ipinatong ang isang braso sa lamesa, ang isa ay sa aking bewang. Napasinghap ako nang ilapit niya ang mukha sa akin.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng sakit habang iniisip kung hanggang kailan na lang 'to.
I blinked when his hot breath fanned my neck. Mabilis ko siyang naitulak dahil ang landi-landi niya!
"Elgene! Ang daming tao," paninita ko sa kan'ya nang pabulong.
He chuckled before he kissed my cheeks. Nanatili ro'n ang mukha niya kaya kung babaling ako'y matatagpo ang pisngi niya.
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi. "Elg, stop!"
"Ano ngayon? Para alam nilang akin ka..." He nuzzled my cheeks with his nose before he dropped a kiss. Naging sunod-sunod 'yon kaya sunod-sunod din ang tuwa't takot sa puso ko.
"Elg naman," I pleaded when I felt some of the stares.
Imbes na lumayo ay inilapit niya ang upuan sa 'kin at umakbay. Ang isa niyang kamay ay nasa gilid ng aking hita at binuhat iyon palapit sa kan'yang tuhod. Iniapak niya ang paa sa metal na nakaikot sa baba ng upuan at ginawang dahilan para makulong ang hita ko.
I felt my cheeks heating up.
"Ang PDA mo!" nahihiya kong bulong habang hinahanap ng mata ang mga kabanda niya.
Nasaan ba sina Cloud? Aware ba sila sa kalandian ng kabanda niya?
Kinilabutan ako nang lumapat ang kan'yang labi sa gilid ng aking tenga at humalik saglit.
"Miss na miss na miss na miss na miss na kita..." bulong niya gamit ang mababaw na boses. "Ikaw? Miss mo ba 'ko?"
My heart hurt when his tone reminded me of his youthful days.
"Of course..." pag-aamin ko, nakatingin sa kan'ya.
Ang isa niyang mata ay sumilip. Nang matagpo niya ang aking tingin ay kumindat siya at nanggigigil na pinisil ang aking ilong. Ngumiwi ako habang pinagsasalikop niya ang aming kamay. Nang matapos ay naramdaman ko kung gaano kainit at kasarap sa pakiramdam ang kamay ni Elgene.
How his warmth spread throughout me is a feeling that I'll forever treasure because it pains me—so much—that I'm hurting this much. I just want to be with him but I realized it was too complicated to ask especially when he has problems as complex as this.
Iniisip ko pa lang kung gaano kagulo at kabigat sa dibdib 'yon, bumibigay na 'ko. Paano nakakayanan ni Elgene 'yon?
But my worries were immediately replaced when I saw how his eyes twinkled. Kung makatitig siya sa kamay namin ay parang isang regalo na dati pa niyang inaasam-asam. At sa paraan ng paninitig niyang 'yon ay naiintindihan kong matagal na niyang hinihingi.
"Umbrella... akin ka lang ha? Akin ka lang." Tumingin siya sa aking mata. "Kasi... hindi ko alam ang gagawin kung wala ka sa 'kin."
Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ang pagpisil sa aking puso.
What will he feel after he knew about his family? What will he feel if he knew that I was with him before because of my guilt? I started this wrong but I want to correct it by how—by being rational? Isn't what I'm doing is irrational?
With a heavy heart, I smiled at him and kissed his cheeks. Kumalma siya roon bago ipinikit ang mata.
Mayamaya pa ay hinubad niya ang suot na asul na bomber jacket at ipatong sa aking hita. Naagaw ng aking pansin ang gummy bear patch doon. Marahan ko iyong sinalat at pinakiramdaman ang kagaspangan ng emburda.
My heart ached when I remembered my youth that is filled with deceits, selfishness, and childish wants. I remembered how I wanted to be at the top because that's what I'm all worried about. I remembered how I wanted to see the array of the certificates that I received because it made me so happy.
Then I remembered how I wished to stay as a child so I wouldn't worry this much, and that I'll only worry about my studies and which game that I should play.
But I can't return to that now—the now that is fucked up and complex. Magulo na ngayon, hindi katulad noon na simpleng pag-aaway lamang ay bati na.
We grew up so fast that's why we forgot the changes.
"Princess, you're tearing up again..." Ang mahinang boses ni Elgene ang humila sa 'kin mula sa pag-iisip. Mahigpit niya akong niyakap bago ihele na parang isang sanggol upang patulugin.
If only I can lull to sleep my sadness and yearning for a clear and valid perception...
"I'm sorry..." was the only thing I can say to repent for my sins.
Nang matapos ang gig ay tuluyan na siyang humiwalay sa kabanda. Ang takot na nararamdaman ko kanina na panandaliang nawala ay bumalik nang tumigil kami sa isang field. Idiniretso niya ang pick-up do'n bago itigil sa isang tabi.
"D'yan ka muna," saad niya pagkapatay ng makina.
He grabbed a lot of things from the back before he laid a wide piece of fabric on the grass. May dala siyang ibang ilaw at isang basket ng pagkain. Kahit naguguluhan ay nagpahila ako noong bumalik siya sa 'kin na may malawak na ngiti.
"Saan 'yan nakalagay?" tanong ko nang makaupo sa tela. "Ano 'to, Elg?"
He laughed at me and lit a small lantern-like flashlight between us. "Maghintay ka ng dalawang oras."
Nanlaki ang mata ko. "Two hours?! Bakit? Anong meron? Alam ba 'to ni Mommy?"
He chuckled when he saw me panic. "Of course, my princess. Nagpaalam ako kay Tita. To waste time, you can ask me questions..."
He initiated my thirst for answers. Magtanong daw ako, hindi ba? Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako.
Nag-indian sit ako at humarap sa kan'ya. Humalumbaba si Elgene at itinukod ang braso sa naka-bend na hita.
"Hm... storytell ka about what happened after Graduation noong Grade 6," seryoso kong tanong habang nakatingin sa kan'ya.
May bahid ng gulat sa kan'yang mata ngunit itinago niya agad 'yon. Lumakas ang kaba ko habang hinihintay ang sagot niya.
Malalim siyang napabuntong-hininga at hinawakan ang aking daliri. Malungkot niya iyong tinitigan bago ibinalik ang mapanuring tingin sa 'kin.
"S-Sabi mo noon, tumigil ka sa pag-aaral?"
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mag-iwas niya ng tingin.
"I... didn't." He breathed out his answer.
My heart ached. "Then... what happened, Elg?"
I don't know if I am being sensitive by asking him these questions. I know this is a heavy topic, but why can't I drop it?
Panandaliang umigting ang panga niya. "Naging magulo ang relasyon nina Mama't Papa. Hindi ko na sila maintindihan. My father divorced with my mom, itinigil niya ang lahat ng mayroon sa kanilang dalawa. pero inaasikaso pa rin niya ang ARCHDonovan. Inaalala ko noong oras na 'yon si Elisha dahil may sakit siya dahil hindi na kami sinusustentuhan ni Papa."
Gusto kong tanongin kung ano ang sakit ni Elisha, ngunit nang makita ang nasasaktan niyang reaksyon ay pinigilan ko ang sarili na magtanong pa.
This is... too much.
"Grade 9, I met Quinley. Nalaman ko na may ospital sila kaya kumapit ako sa kan'ya." Pagak siyang natawa. "Sabi niya kaya niyang gamutin ang kapatid ko at kaya niyang gawin 'yon sa murang halaga dahil kaibigan niya 'ko. Sabi ko, sige papayag ako. Ayon, pinagamot namin si Elisha sa ospital nila at totoo ngang may discount 'yung bill. Medyo madali na rin siyang bayaran dahil mine-maintin ko grades ko dahil scholar... hindi ko na kasi alam kung saan ako kukuha ng pantustos sa sarili ko."
My heart swelled by hearing the truth.
I don't know which side to look on—the greed and the selfishness or the want to save a family. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman dahil sa murang edad ay nasasaktan na siya at nadagdagan pa noong lumaki na.
"Kumapit ako sa kan'ya para sa kapatid. Ginagamit ko siya magpa-hanggang ngayon." Sa huli niyang sinabi ay tinitigan niya ang aking mata.
"You're using Quinley—you're taking advantage of her and she isn't aware of that?"
Napa-iwas muli siya ng tingin. "Alam ko... alam kong napakasama ko para gawin 'yon, pero ano pang magagawa ko? Ano pang magagawa ko kung noong oras na 'yon ay binabaon kami sa utang ni Papa dahil sa pag-aayos ng papel nila? Nagsampa pa ng adultery kahit na si Papa ang nambababae. Pero ayos lang! Ayos lang... dahil nanlalalake rin naman si Mama at suportado ko siya roon. Suportadong-suportado dahil iyon lang ang maisusukli ko sa kan'ya..."
Marahas na tumutulo ang luha mula sa kan'yang mata, binabakas ang hinagpis.
"Nagpapadala naman ng malaking pera ang magulang ni Mama. Nagbibigay rin namin si Mama sa 'kin pero hindi ko kinuha para sa sarili. Iniipon ko 'yon para pambayad sa tubig, kuryente, at kay Elisha. Pati 'yung kinikita namin sa pagbabanda, napupunta halos lahat sa 'kin. Nahihiya nga ako e—hiyang-hiya. Sabi ko, 'di naman nila kailangang gawin. Sabi nila, wala naman silang magagawa sa pera dahil nagbabanda sila para tumugtog, hindi para kumita ng pera."
Hindi ko makayanang makita si Elgene na umiiyak nang ganito.
I know that he sacriced a lot for his family. He even tarnished his dignity and his image. Naiintindihan ko kung bakit siya ganito umakto kaya iyon ang matagal ko nang ginagawa. Ipinagpapatuloy ko kasi alam kong iyon ang pinakakailangan niya.
Kahit naluluha ay pinunasan ko ang luha niya. Mariin siyang napapikit nang hawakan at damhin niya ang kamay ko.
"Sobrang unfair sa 'kin ng mundo, alam ko 'yon, pero bakit dinamay pa kita kung may malay naman ako? Ang gago-gago ko pa sa 'yo. Tuwing magkasama kami ni Quinley, nakatitig ka lang. Kitang-kita ko kung gaano ka nasasaktan pero wala akong ibang magawa kun'di mag-iwas ng tingin."
Humugot siya ng malalim na hininga. "Brella, ang sakit na. Ang sakit-sakit na. Sobrang sakit na 'di ko na kaya."
The intensity of his words brought a hidden meaning for death and it scares me—so much—because of the things that he can possibly do. Dahil kaya niyang masira ang sarili para sa pamilya niya at alam kong sirang-sira na siya.
Hinaplos ko ang kan'yang pisngi. Dinama niya ulit iyon habang umiiyak. Mahigpit pa ang pagkahahawak sa kamay ko na parang doon kumukuha ng lakas.
Punong-puno ng pagsubok ang aking puso na huwag sabihin sa kan'ya ang tungkol sa ama dahil ano ang maidudulot no'n sa kan'ya?
"Ang gago-gago ko, Brella. Hindi ako karapat-dapat sa 'yo. Ibabalik na kita kay Corinthian kasi 'di ba siya naman ang nauna kaysa sa 'kin? Sa kan'ya ka nauna magka-feelings dahil ang gusto mo ay siya at ang pananatili mo sa ranggo mo? Ngayon, Brella, ibabalik na kita. Bumalik ka na sa kan'ya dahil hindi ako karapat-dapat sa 'yo. Gago ako, Brella. Gago ako kaya—"
Pinutol ko ang kan'yang sasabihin dala ng inis.
"Gago ka? Oo, gago ka. Alam mo sa sarili mo 'yon at bibihira lang sa mga tao ang umaamin na gago sila. Elg, you didn't realize that you're strong? Na sa likod ng pinagdaraanan mo, ginagawa mo ang lahat para lang maisalba ang mahal mo! Napaka-selfless mo, Elgene, at hindi masama 'yon. Ayos lang 'yon pero 'wag mong sobrahan. Matuto kang magtira sa sarili mo!"
He looked at me, teary-eyed. "Hindi ako worthy para sa 'yo."
Nahigit ko ang hininga dahil sa narinig. Mabilis na kumulo ang aking inis dahil sa sinabi niya.
"Huwag mo sa 'kin i-base ang worth mo— 'wag mo i-base sa tao ang worth mo. Elg, hindi maganda sa pakiramdam na kinukwestiyon mo ang kahalagahan mo dahil lang sa isang tao! Hindi gano'n! Maging selfless ka pera 'wag na 'wag mong kalilimutan ang sarili mo! Mahalin mo ang sarili mo dahil hindi ka makapagmamahal ng ibang tao kung hindi mo gagawin 'yan!"
Mariin kong hinawakan ang kan'yang kamay at umaasang makuha noon ang atensyon niya.
He is plunged under the water, swirling into the vortex of confusion and madness. Gulong-gulo na siya dahil patong-patong na ang problema sa kan'ya. Naiintindihan ko pero sana huwag niyang i-base ang kalidad niya sa opinyon ng tao dahil iba't iba ang opinyon ng mga 'to!
Pero bumigat muli ang dibdib ko nang umiling siya—hindi naiintindihan ang sinasabi ko.
"Hindi ko kaya. Sa sobrang gago ko sinasaktan ko na ikaw—kayo. Kaya hindi ako worthy sa pagmamahal niyo. Huwag kang mag-aalala, kapag magaling na ang kapatid ko, magpapakamatay na 'ko para hindi na kayo masaktan—"
Sinampal ko siya. Nangangalaiti ang galit na umaapaw sa aking sistema.
"Naririnig mo ba 'yang pinagsasabi mo, ha?!"
Nilunok ko ang sakit. Hindi ko mapigilang taasan ang aking boses.
"Alam mo ba ang nangyayari sa mga mahal mo sa buhay kapag namatay ang mahal nila? Sa tingin mo ba hindi sila masasaktan do'n, ha? Tanga ka kung ang sagot mo ay oo. Hindi gano'n, Elgene! Patuloy silang nasasaktan at iniisip kung saan sila nagkamali!"
"'Di mo 'to alam kaya 'di mo maiintindihan!" Medyo tumataas ang kan'yang boses, ang mata ay galit na galit na nakatingin sa 'kin. Para siyang pinagkaitan ng kung ano.
Hindi ko mapigilang mapatayo sa pwesto.
"Naiintindihan kita! Pero hindi porket naiintindihan na kita ay alam ko ang eksaktong nararamdaman mo. Nakisisimpatya ako sa 'yo, oo. Nakiraramdam ako sa 'yo, oo, pero kahit na anong gawin ko—kahit anong gawin ng ibang tao—iba-iba ang intensidad na nararamdaman ng bawat isa!"
Sinubukan kong habulin ang hininga habang nakatitig sa kan'ya.
Pigil na pigl ay itinuro ko siya. "Sinasabi ko sa 'yo, kapag natapos 'tong gulong 'to, huwag na huwag kang magtatangkang magpakamatay dahil ako mismo ang susunod sa 'yo!"
Inaalab ako ng galit. Wala akong maramdaman kun'di iyon.
Dahil kung wala, ano pa ba dapat ang mararamdaman bukod sa sakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro