Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 32

Kabanata 32

Paalam

Tahip-tahip ang hininga ay namayani ang katahimikan sa paligid. Binubuo ng kaba ang aking puso sa bawat segundo ng paglipas ng katahimikan. Sa pagtingin ko pa lang sa estado ni Mommy ay alam kong nagulat siya mula sa narinig.

I stared at her as I marvel myself for questions and, possibly, answers to my theories. I seized myself for courage and sense of consciousness to be able to speak for my belief.

"My... ano po ang alam niyo?" pagbabasag ko sa katahimikan dala ng takot sa kalabog ng puso.

Namumutla si Mommy nang lumingon sa 'kin. Pansin ko ang bigat sa paglunok at pagkawala niya ng hininga. Mariin niyang ipinikit ang mata bago idilat ang mga 'yon.

Bakit ganito siya kaapektado? Kinabahan ako lalo, ngunit pinigilan ko ang sarili na maghinuha pa kahit na alam ko ang sagot.

"Izidara... kung ano 'man 'yang iniisip mo, huwag na huwag mong sabihin kay Elgene. Naaawa ako sa bata. Hayaan mo siya."

I could only stare at my mother and tried to rationalize with her.

Bakit hindi na lang sabihin kung alam mo naman? Bakit kailangan pang pahirapan ang iba kung pwede mo naman maibigay ang sagot? Ngunit, nang pag-isipan ko nang mabuti, naintindihan ko ang gustong iparating ni Mommy—huwag mangialam sa problema ng iba.

Tahimik ko na lang na iintindihin ang tungkol sa kanila.

Kung si Eleardo Genovio Donovan Sr. ang Lolo ni Elgene, ibig sabihin, si Eleardo Genovio Donovan Jr. ang tunay niyang ama. May ginagampanan si Thomas Donovan ngunit hindi ko pa alam kung ano 'yon.

But the most concerning part is: does Elgene know about this?

I wasn't able to think about it that day because Rafaela visited me. Kung dati ay ako ang madalas na bumisita, ngayon ay hindi ko na alam kung bakit hindi niya ako pinapupunta.

With my heart beating in an unsettling manner, I realized that I could only stare at the marvelous, orange sky. Palubog na ang araw ngunit hindi sumasabay ro'n ang paglubog ng takot ko. Nananatili pa ring nakaangat dala ng salitang ibabato ni Rafaela.

Ano na naman kaya ang lalabas sa kan'yang bibig? The more I realized it, the more I yearned for her philosophy.

"Bumalik ka ulit sa kan'ya?" she asked, her seafoam eyes are filled with curiosity.

The familiar feeling of heaviness lurked in my heart when I heard a familiar tone in her voice— destruction.

Nanatili akong tahimik. Pakiramdam ko ay kaba ang nagsisilbing dugo ko ngayon.

"Brella, I hate to break this to you... pero naaawa ako sa 'yo," sabi niya sa 'kin.

Napalunok ako dahil sa dinala niyang kaba. "Bakit?"

She mockingly looked at me. "Pinanindigan mo talaga ang pangalan mo."

"I stood by my name?"

She looked even more pained. "Umbrella—payong. Kinikimkim mo ang galit na parang isang payong na sinasalo ang lahat ng patak ng ulan at sinag ng araw. Sinasalo mo ang lahat-lahat para maprotektahan ang may-ari sa 'yo. Kahit basang-basa ka na, sinasalo mo pa rin. Ulan o araw, nand'yan ka kaya lagi kang taken for granted. Hindi ka ba naaawa? Hindi mo ba naiisip na nasisira ka na dahil lagi kang ginagamit at hindi 'man lang iniingatan?"

I was in denial—I was scared to know the truth because I was scared to be hurt. I rationalize, yes, but I subsequently disregard it afterwards because I fear the confrontation.

I know that fact, but I am not aware of it. Ganito ako naging katanga pagdating kay Elgene.

"Wala kayong disiplina sa sarili!"

Bigla na lang nagsituluan ang luha mula sa mata ni Rafaela. Naaalarma ay umalis ako mula sa garden seat at lumapit sa kan'ya upang yakapin. Mahigpit ang yakap ay pinakikiramdaman ko ang panginginig ng kan'yang balikat.

Nasaktan ang puso ko nang binalot niya ang braso niya sa aking katawan bago umiyak sa aking balikat.

"Mga wala kayong disiplina! Bakit kayo gan'yan? Gustong-gusto niyo ba talagang masaktan?"

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may ibang ibig sabihin si Rafaela roon. Gustohin ko 'man siyang tanongin, alam kong hindi ito ang tamang oras. Hahayaan kong siya ang magsabi dahil masakit isipin na alam nila ang hinanakit ko pero hindi ko 'man lang malaman ang sa kanila.

"Maawa ka naman sa sarili mo, Brella! Napaka-iresponsable mo! Please, kumalas ka na dahil masasaktan ka lang," nagmamakaawa niyang bigkas.

Bumigat ang aking loob.

Hindi ko maisip na iiwanan ko si Elgene nang gano'n-gano'n na lamang. Marunong akong magpahalaga. Marunong akong umintindi kahit na ang hirap-hirap niyang intindihin. Pero sapat ba na iyon ang palagi kong gawin?

It's the only thing he needs, right? He needs someone to understand him and be with him until he acknowledges and straighten his faults. It's better to be hurt than to hurt others, kind people finds happiness with that.

I'm not kind—I'm rational, but that's what I thought. Because when I believed that an irrational thing can be rational, it's the moment when I become irrational.

"You know what Elgene did but you chose to turn a blind eye. Bakit, Brella? Bakit ka pumayag sa gano'n?"

Humapdi ang dibdib ko. "I thought it's the rational thing to do, Raf! Mali pala ako..."

"Then stop degrading yourself! Matuto kang disiplinahin ang sarili mo. Huwag mong saktan sina Tita sa pagpapakita na hindi ka nila pinalaki nang maayos—na hindi ka nila pinalaki para saktan ang sarili mo. Sobrang sakit no'n sa parte ng mga magulang!"

Buo ang bigat ng kan'yang mga salita, at sa bawat hagod nito ay siyang pag-ukit ng sakit sa aking puso.

Rafaela is willing to do the extremes just to explain. Why can't he do the same?

Tahimik akong nakisimpatya sa kan'yang pighati. Kinagat ko ang aking labi dahil hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha kasabay ng sakit na nananalaytay sa aking puso.

"Brella, ginagawa ko na ang best ko para disiplinahin ka." Naiiyak siyang humalakhak. Totoo ngang kahit gaano ka kagaling magsabi, kung hindi nila susundin, wala rin. Gusto ko lang naman ipaintindi sa 'yo na sobra-sobra ka na niyang sinasaktan, e. Hindi mo ba napapansin?"

Pumungay ang depensa sa aking puso at inamin sa sarili na hindi konsensiya, pagsisisi, o kung ano 'man ang pag-iintindi ko sa kan'ya. Handang-handa akong masaktan para sa kan'ya dahil mahal ko siya, at dahil do'n, sobra-sobra kong nasisira ang sarili dahil sa mali ako nagsimula.

"Mahal ko si Elgene," pag-aamin ko. Sa oras ng pagkawala ko ng mahahalagang salita ay inaasahan ko ang paggaan ng kalooban. Bigo ako nang mapansing lalong bumigat ito.

Malala na 'to.

She mockingly looked at me. "You think that your love is enough? That it's greater than your discipline? Ano ba 'yan, Brella! Pinapahalagahan mo pa ba ang sarili mo? Alam mo ba ang halaga mo? Tell me, do you still understand your mantra?"

My mantra has always been like this: the expediency of my worth is solely based on how I address myself. Ang aking halaga ay base sa pagtrato ko sa sarili. Nang matandaan 'yon ay unti-unti kong nalalaman na nilalabag ko na.

"The expediency of my worth—"

"—is solely based on how I address myself," pagpapatuloy niya sa aking sinabi.

Suminghap ako nang lumayo siya mula sa pagkayayakap at direktang tumingin sa aking mata.

"Alam mo bang ang sakit-sakit sa dibdib na makita ang best friend ko na ganito? She's like this because she wasn't disciplined! And who was the cause of it? A man!" Tumalim ang tingin niya sa 'kin. "You tell me, bagong payong ka ba o paulit-ulit kang pinapaayos at laging ginagamit?"

What pained me the most is I have no answer to her question.

I am open to the fact that I think rationally, but it seems like eversince he returned, I wasn't using it to my extent. Binabalewala ko lagi na pati ang simpleng sakit ay hindi 'man lang umeepekto sa 'kin, bagkus, nagpapagana pa.

Nagbaba ako ng tingin. "I-I don't know..."

Napasinghap si Rafaela dahil sa sinabi ko. I know, Rafaela, I know. I'm a big disappointment.

Umiling siya sa 'kin at lumayo. Sumakit ang puso ko nang makita ang kakaibang reaksyon sa kan'yang mata. "You're losing yourself to a boy—not to a man! Men are grown-up boys—adults; Elgene is a boy—a grown-up child. Hindi mo 'man lang napansin 'yung diperensya? Grabe ka, Brella!"

Sunod-sunod na umagos ang luha ko sa huli niyang salita. Iyon na rin ang huling araw na nakita ko siya sa linggong iyon, at sa mga sumunod na buwan. Sa pag-alis niya sa aming hardin ay parang pagtanggal niya ng papel sa buhay ko.

Parang nakipag-break na sa 'kin si Rafaela.

I crawled myself to silence and listened to the broken pleas of my heart. Kahit na ilang beses akong sinasama ni Elgene sa labas, hindi pa rin ako makuntento dahil hinahanap ko pa rin ang presensiya ni Rafaela.

She means more than the world to me, and I can't bear to lose her.

From: Corinthian

Ilang buwan na. Anong nangyari sa inyo ni Raf?

Isinuksok ko sa bulsa ang cellphone nang mabasa ang text ni Corinthian. Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari noong araw na 'yon, at patuloy ako sa pagsisisi.

Ilang beses ko ba sasaktan ang mga taong nakapaligid sa 'kin dahil sa pagiging hindi makasarili? Gano'n na ba ang katumbas ng pagiging hindi makasarili sa mundong ito? Dahil kung oo, hindi na makamundo ang sakit na 'to. Sobra-sobra na akong nasasaktan dahil sa pagmamahal.

Pero pinili ko 'to—wala dapat ako sisihin kun'di ang sarili. Ako ang pumunta sa estadong 'to.

From: Corinthian

Brella...

Hindi ko mapigilang mapaluha na naman. Hindi nagre-reply sa 'kin si Rafaela. Nang magpunta ako sa kanila sa Makati ay mga pinsan lamang niya ang naroroon. Pinagtataguan ba niya 'ko?

Mariin kong ipinikit ang mata at humilata sa kama. Tinitigan ko ang kisame at pinasadahan ng tingin ang picture frame naming dalawa. Malawak ang kan'yang ngiti, litrato ito noong nag-swimming kami sa isang beach noong bata pa. Parehong naka-swimsuit at naka-peace sign, pareho rin kaming bungi.

She's the sister I never had, and the sister that I lost.

Tatlong katok mula sa pinto ang narinig ko. Nagtalukbong ako ng kumot at nagkunwaring tulog.

"Izidara..." Ang mahinang boses ni Ate ang lumapit sa direksyon ko.

Marahan niyang tinapik ang aking balikat at tumabi sa aking kama.

Niyakap niya ako. "Ilang buwan ka nang umiiyak. Hindi pa rin ba kayo bati ni Rafaela?"

Her name hurts me a lot. "H-hindi pa..."

"I'm sorry if I wasn't there tuwing may problema ka. Sorry dahil sobrang busy ni Ate."

"I-It's fine, Ate. Naiintindihan ko naman," sagot ko.

"But still, it won't change the fact that I wasn't giving you my time. Dapat naaalagaan kita dahil gano'n ang magkapatid, 'di ba? They look after each other. They got each other's backs."

My heart pummeled against my chest. The amount of love they're giving is too much. Parang gusto ko nang mamatay dahil umaapaw ang pagmamahal nila sa 'kin. Sa sobrang dami ay nasasaktan ako sa pag-iisip kung paano ito ibabalik sa kanila.

"Kung ano 'man 'yang problema mo at hindi ka pa handang sabihin ngayon, pwede mong sabihin bukas. There are a lot of times for you to tell, Izi. Nandito lang ako lagi."

Nagsabi pa nang ilang salita sa 'kin si Ate. Lubos akong nagpasalamat dahil sa kaniyang presensiya. She brought a short span of happiness in my heart which temporarily filled the absence of my dearest friend.

"Nga pala, nand'yan si Elgene sa baba kasama ang buong banda. Ang gulo nga nila e."

Bumigat ang dibdib ko. I don't know if I have the heart to face Elgene right now especially that I'm busy dealing with my problems.

Suminghap ako. "Why? W-what is he doing here?"

Bumuntong-hininga si Ate at hinila ako paupo. I lazily forced my body to sit in a positon I am comfortable at before looking at her.

Natatawa niya akong piningot sa tenga at pinikit ang noo. Napa-aray ako dahil doon.

"Ang pangit mo! Mugtong-mugto ang mata mo, o! Freshen up, Izi! Lalabas raw kayo ni Elliot. 'Di ko nakilala ang batang 'yon, ha."

Sa huli niyang sinabi ay bahagya akong natawa. "Bakit sila nandito?"

"Nagpapaalam kay Mommy. Ide-date ka yata?" She wiggled her eyebrows.

Namula ang aking pisngi dahil sa huling sinabi. "Buong banda, Ate?"

"Oo. Kasama ba talaga nila 'yung corny mag-joke?" iyon ang huling tanong niya bago umalis.

Even though with a heavy heart, I have no choice but to go down. Sabi ni Ate ay inaaya raw ako sa gig nila kaya pinagpapaalam ako kay Mommy. Ang tanong lang, bakit kailangang kasama ang buong banda?

Nang makababa ako ay nakita ko ang gulo ng STATION.

Si Cloud ay nag-pose sa gilid ng hagdan at itinuro ang disenyo nito. Suportado siya ni Sebastian at Zechariah. Si Seb ang cameraman habang si Zake ay nagsisilbing tagatawa sa bawat ginagawa ni Cloud. Si Eros ay tinititigan ang mga naka-display na award ng ospital, samantalang si Yuan ay tinitingnan si Cloud na para bang tahimik na hinuhusgahan ang choices nito sa buhay.

"Caption mo, ayusin mo! Makikita ni Freesia 'yan!" natatawang sabi ni Zake nang ibalik ni Sebastian ang cellphone kay Cloud.

Nag-make face si Cloud at nag-chacha. Napangiwi ako dahil sumali si Sebastian doon. Mayamaya ay si Zake naman ay sumali.

Nakita ko ang pagtabi ni Eros kay Yuan, sabay silang napabuntong-hininga at umiling. Aalis na sana sila pero tinawag sila ni Cloud.

"Hoy! Hoy, Eros! 'Wag kayong umalis ni Yuan! May joke ako!"

Tila nag-iipon ng pasensiya ay nakisakay si Eros sa kalokohan ni Cloud.

"Knock, knock!" sabi ni Cloud.

Tumigil sa pag-chacha ang tatlo at inakbayan si Cloud sa magkabilang balikat. Hindi nakatamo ng sagot si Cloud.

"Hoy, Eros! Knock, knock!"

Eros firmly rolled his eyes and sighed.

"Leche, knock, knock. Tangina, 'di ka ba marunong magsalita?!" histerikal niyang banggit pero natatawa pa rin.

Tahimik akong nagmamasid mula sa aming hagdan at pinigilan ang tawa. Ganito ba talaga kagulo STATION o si Cloud lang ang magulo?

"Fine, who's there?" sambit ni Eros.

"Tanga, bakit mo sinagot? Wala namang pinto."

Ngumiwi si Eros. "Tangina?"

Nag-make face muli si Cloud at nag-head bang dahil may dumaan sa labas na malakas ang tunog. Hindi na 'yon pinansin nina Seb kasi sanay na? Hindi ko alam. Nasanay na rin naman ako sa ka-randoman niya.

Kunot-noo akong bumaba at nagulat nang mapansin ni Cloud. Sumaludo pa siya sa 'kin.

"Magandang morning, prinsesa ni Elgene! 'Nyare sa mata mo at mugto? Nilaplap ni Elgene?"

Umawang ang bibig ko. Cloud!

"Cloud, ang bibig!" paninita ni Sebastian at binatukan si Cloud. Dramatikong isinama ni Cloud ang balakang.

"Bastos ng bunganga mo, Brenner!" komento ni Zechariah.

"Hala, bastos ako? Gano'n naman pag mugto, 'di ba? E 'di nilaplap ni Elgene mata niya! Palibhasa kayo single—"

"At ikaw, taken? Ulol, 'di ka mahal ni Freesia!" pang-aasar ni Zake.

Ngumiwi si Cloud. "Tarantado. Kapag kayo nagka-girlfriend, ili-leak ko scandal niyo sa kanila!"

Patuloy ang pagtatalo nilang dalawa hanggang sa mag-give up si Cloud at pasigaw na tinawag si Elgene. Nanggaling si Elgene mula sa kusina at kunot-noo nang makita si Cloud.

"Ano?" bungad niya kay Cloud.

Cloud shrugged and pointed at me.

Kumabog ang aking dibdib nang dumapo ang kan'yang mata sa 'kin.

My pain and worries instantly washed away when he smiled at me. I felt my heart tearing into pieces when he moved and grabbed my hand.

Nginisian niya ako at hinalikan ang tuktok ng noo bago mahigpit na niyakap.

"I missed you..."

I smiled at him. I felt happy but I know that I shouldn't be. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro