Kabanata 3
Kabanata 3
Blue
"'Wag ka na ngang sumimangot! Papangit ka."
Sinamaan ko ng tingin si Rafaela dahil sa sinabi niya. Ininda ko na lang kahit na buong Linggo na niya akong inaasar. At tsaka kahit mainis ako, alam kong hindi siya titigil.
"E kasi naman!" pagrereklamo ko. "Ang daya-daya ni Teacher Lala! Sabi niya last year, ako raw ang lalaban sa Math Wizard. Tapos ngayon, bakit 'yung Eion Jessie ang pinanlaban?! Kinuha na nga niya 'yung title ko na magaling na Mathematician, pati ba naman sa Math Wizard?"
Naiiyak na 'ko dahil sa inis.
"Hindi naman sinabi nina Tita Octavia na sumali ka r'yan kaya okay lang siguro kina tita 'yon—"
"E sa gusto kong sumali, e!" Ang tangi kong nasabi dahil sa inis.
Sa pakwan ko na lang ibinuntong ang inis at galit dahil sa nangyari. Hindi ko na lang din pinansin si Raf kaya inikot ko na lang ang tingin sa paligid. Maswerte ako at hindi niya alam na kaya ako bumibili ng fruit mix dito ay para makita ang crush ko.
Si Corinthian Escobar! Mathematician Master siya noong Grade 7, tapos Secretary naman siya ng SSG ngayong Grade 8 siya. Nakaupo siya ngayon sa isang lamesa habang tumatawa kasama ang mga kaibigan niya.
Hay nako! Ang galing-galing talaga niya sa Math kaya crush na crush ko siya.
"Crush mo?"
Nanlaki ang mata ko. Hala nahuli ako! "H-Hindi 'no!"
"Ba't namumula ka?"
Inirapan ko siya at kinain ang pinya. "W-Wala!"
Ngumuso muli ako at pasimpleng sinulyapan si Corentin na natatawang nakaupo sa lamesa. Hindi ko napansin na ang lapit pala ng table nila sa 'min! Ang saya-saya naman ng araw na 'to kahit na nabubwisit ako kanina kay Eion Jessie.
"Rafaela!"
Napairap ako sa ere nang marinig ang boses ni Cassian, ang maingay at makulit na pinsan ni Raf.
Patakbo siyang nagpunta sa pwesto namin habang hawak ang mansanas na may malaking kagat. Mabilis siyang umupo sa bakanteng upuan, umaaktong "cool" habang hinahagis-hagis 'yung mansanas sa ere.
Hmp! Feeling niya ang cool-cool niya tingnan? P'wes, mukha siyang shunga! Mahulog sana ang hawak niya.
"Ba't ka nandito?" tanong ni Raf.
Presko niyang inayos ang buhok. "Tinatanong ni Mommy kung tuloy birthday party mo."
Tumingin ako kay Cassian para samaan ng tingin kasi hinaharangan niya si Corentin. Lalo akong nainis kasi nag-pogi sign pa siya!
Wala akong nagawa kun'di batuhin siya ng ubas. Bwisit talaga!
Pasimple akong umayos sa pwesto para masulyapan si Corentin na kumakain ng fruit mix. Favorite niya 'yon?
"Birthday parties are for bata."
"Pero bata ka pa rin kaya!"
"Grade 5 na 'ko," sagot ni Raf.
"O? E ano ngayon? Ako rin naman! Kids pa rin tayong tatlo, 'di ba, Brella?" Inirapan ko siya. Binelatan lang ako. "Ang hindi na kids ay sina Kuya Zigzag!"
Suminghap si Raf. "Isusumbong kita kay kuya. Tinawag mo siyang Zigzag!"
Ngumiwi si Cassian. "Ano ngayon? 'Yon naman talaga pangalan ni Kuya! At ikaw, isusumbong din kita! Bakit kayo nandito sa canteen ng high school e hindi kayo high school?"
Sumimangot ako nang umalis si Corentin sa pwesto nila at pumalit do'n si Eion Jessie.
Bakit siya nandito sa canteen ng high school? Hindi siya pwede rito!
"Ang ingay," reklamo ko, naiinis. Hindi ako napansin kasi nagtalo pa sila!
"Hindi ka rin naman high school. Ba't ka nandito?"
"Kasi kuya ko Grade 8 na! Sina Kuya Zag mo naman sa ibang school nag-aaral."
Napakamot ako sa ulo nang mapansing hindi matatapos ang away nila. Dala ng inis ay inubos ko ang natitirang prutas.
"Hoooy! Bakit kayo nandito? Bawal Grade 5—"
"Grade 5 ka rin," sabi ni Raf.
"Bumili ako ng fruit mix kasi wala sa canteen," naiirita kong sagot.
Nakita ko ang pag-boo ni Raf sa pinsan. Bumelat ulit si Cassian at kinurot ang pisngi ni Raf. Nakatanggap siya ng tampal sa kamay.
"Ano ba! Alis ka na," pagtataboy ni Raf.
Dahan-dahang tumayo si Cassian at bumelat kay Raf bago bumaling sa 'kin. "Basta, Umbrella Izidara Garceron, isasama ko si Elliot sa birthday party ni Raf."
"Hindi ako mag-bibirthday party!" reklamo ni Raf.
"Bakit full name ko?!" naiirita kong sabi. "At sino 'yang Elliot na 'yan, ha? Tunog idiot!"
Pinaningkitan ko ng mata si Cassian nang lumapit siya sa table ni Eion Jessie. Kinausap niya 'yon saglit bago ituro ako. Hindi umimik si Eion kaya hinatak siya ni Cassian papunta rito.
"Idiot ka raw, Elliot!" sabi ni Cassian, akay-akay si Eion o Elliot o kung sino 'mang idiot na kasama niya!
"Wala akong sinasabi!" Napatayo na ako dahil sa inis.
"Meron!" Bumaling siya sa idiot. "Sabi ni Brella, 'yung 'Elliot' daw tunog idiot. Papayag ka ro'n? Papayag ka ro'n?"
Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. "A'a naman 'yan!"
Naramdaman ko ang paghatak ni Raf. Iminumwestra ang daan paalis ng canteen. "'Wag mo nang pansinin 'yan, Brella. Papampam lang 'yan."
"Hala! Isusumbong kita kay Tita Zara gumagamit ka ng bad word."
Naiirita nang bumaling si Raf sa pinsan niya. "Papampam ka talaga, Cassian. Sasabihin ko sa Mommy mo na kuhanin na 'yung mga gadget mo nang manahimik ka."
Nanlaki ang mata ng pinsan niya. "E basta! Mag-bibirthday party ka at isasama ko 'tong si Elliot!"
Nagpupuyos sa inis ay lumapit na si Raf kay Cassian. Halata ang takot sa mukha niya nang mapaatras.
"Hindi kita nanay para sabihin kung mag-paparty ako o hindi!" naiinis niyang sabi bago hatakin ako paalis.
Iniwan naming sila ro'n sa canteen.
Napaka-epal talaga nitong pinsan ni Raf! Isusumbong ko siya kina Mommy at tita.
Pagkauwi ko, nakasimangot kong sinalubong si Mommy na kagagaling lang sa ospital. Katatanggal pa lang niya ng puting coat mula sa balikat.
Nakanguso akong lumapit at tumabi sa kan'ya. Hinaplos ni Mommy ang buhok ko kaya napaiyak na lang ako. Tinanong ni Mommy kung bakit. Naiiyak na sinabi ko sa kan'ya ang tungkol sa contest dahil masama ang loob ko ro'n!
"Tinawagan ako ni Miss Lala noong isang araw tungkol do'n," sabi ni Mommy, malumanay ang boses. "I told her not to include you in the contest and give it to—"
Suminghap ako. "Bakit hindi niyo po ako sinama?"
My mother looked at me worriedly. Hinaplos niya ang aking pisngi at tumingin sa 'kin. Pilit kong pinapalis ang luhang lumalabas pero sunod-sunod silang lumalabas.
"Masyado kang naii-stress, anak. Masyado kang nag-fofocus sa Math, nag-aalala na kami ng Daddy mo."
"Pero hindi naman po bumababa ang grades ko sa ibang subjects, e!"
She let out a sigh. "Ginagawa lang namin kung ano ang tama para sa 'yo. Oo, natutuwa kami kasi ang dami-dami mong achievements at proud na proud kami ro'n. Kaso nga lang, anak, alalang-alala ang Daddy mo kaya pinagpasiyahan namin na huwag ka munang sumali ngayon."
Umiling ako, hindi natanggap ang narinig.
Hindi ko maintindihan! Gustong-gusto kong lumaban sa contest tapos ibinigay lang ni Mommy sa iba. Napaka-daya talaga!
Suminghap ako upang tulungan ang sariling magsalita. "Mommy naman e! Ang daya niyo po!"
Pinigilan ko ang sarili na lalo pang umiyak.
Dala ng sama ng loob ay umalis ako sa harap ni Mommy at nagpunta sa kwarto ni Ate Mika. Tinatawag pa ako ni Mommy pero hindi ako lumingon dahil ang sama-sama ng loob ko!
"What's wrong?" bungad sa 'kin ni ate pagkarating ko sa kwarto niya.
Ibinaon ko ang mukha sa unan ni ate at mariing niyakap 'yon. Hinagod niya ang likod ko kasabay ng pag-alis ng medyas sa aking paa.
"Stop crying, Izidara," saad ni Ate Mikaela, pilit akong pinauupo.
Sumunod ako at naiiyak na yumakap sa kan'ya. Punong-puno ng pawis ang mukha ko dala ng pag-iyak.
"H-Hindi nina Mommy na-aappreciate 'yung efforts ko..."
She sighed. "Ano ba ang sinabi ni Mommy?"
Nag-iwas ako ng tingin. "Proud daw sila p-pero hindi nila gusto."
"Naintindihan mo ba sinabi ni Mommy?"
Umiling ako at napaiyak lalo.
"E-explain ko ha..." Pinalis ni ate ang luha ko. "You shouldn't overwork yourself, Izidara. Kahit na mataas ang grades mo sa ibang subjects, don't forget that you have a life, too. Bata ka pa. I-enjoy mo 'yan kasi pagdating ng high school at college, doon ka dapat maging sobrang seryoso."
"S-So dapat hindi ako nagseseryoso lalo na kung super-duper?"
She nodded. "Oo. Hindi lang naman kasi sa Mathematics nag-rerevolve ang buhay mo. Dapat naglalaro ka rin sa labas o kaya nag-eenjoy kasama ang friends mo. Wala ka bang friends?"
"Meron. Kaso busy si Rafaela e..."
"Hanap ka na lang ng ibang kalaro, gano'n," saad ni ate. Unti-unti nang humuhupa ang iyak ko.
"P-Paano kung ayaw nila sa 'kin? At tsaka g-gusto ko si Rafaela lang 'yung friend ko!"
"Hindi pwede ang gano'n, Izidara. Dapat matuto kang makipagkaibigan sa iba. Paano kung next year ay biglang lumipat ng school si Rafaela? E 'di wala ka ng kaibigan no'n, 'di ba? Kaya mo 'yan. 'Wag kang mahihiyang makipagkaibigan sa kanila."
Kahit ayaw ko ay sinunod ko ang sinabi ni Ate Mika. Sinubukan kong makipagkaibigan sa iba kong kaklase pero mas gusto ko pa ring sumama kay Rafaela.
Napansin din ni Rafaela na hindi na ako gaanong sumasagot sa Math recitation. Nang tinanong niya kung bakit, sabi ko ay nag-aalala sina Mommy sa health ko kaya gano'n.
"Okay lang naman sa 'yo?" tanong ni Raf sa 'kin.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Okay lang," sagot ko, mabigat ang dibdib.
Dumating ang araw ng birthday party ni Rafaela. Ginanap 'yon sa isang malaking venue na pagmamay-ari yata nila. Tawang-tawa ako kasi habang nagpapa-games 'yung host, ang lalim ng simangot ni Raf. Halatang ayaw na ayaw niya sa party.
Nang matapos naman 'yon ay dumiretso siya sa sweet corner na nakapwesto malapit sa swimming pool. Sabay kaming nagpalit ng one-piece na swimsuit na may parehong style, magkaiba nga lang ang design at kulay.
"Ininvite mo si Corentin?" tanong ko kay Raf habang nagpapakuha ng ice cream sa isang staff. Suot-suot niya ang galaxy-themed na one-piece swimsuit habang kulay pink naman ang sa 'kin.
"Crush mo, 'no?"
Ngumuso ako. "Hindi kaya!"
"E ba't mo tinatanong?"
"Kapag tinatanong ko crush ko na agad?" nakanguso kong sabi at nagpasalamat sa ice cream na iniabot ni kuya. Naglagay ako ng sprinkles bilang toppings bago nagsubo ng malaking piraso. Napangiwi ako dahil sa brain freeze!
"'Yan! Ang takaw kasi," singit ni Cassian.
Pa-epal talaga 'tong pinsan ni Rafaela!
"Isusumbong kita!" naiinis kong sabi. Gusto kong ibato sa kan'ya 'tong ice cream kaso sayang.
"Sumbungera!"
Hahatakin ko na sana si Rafaela pero lumapit si Tita Farryn para magbigay ng regalo. Binati ako ni tita bago siya bumaling kay Raf.
"Happy birthday, Raf!" sabi ni tita nang bumaling kay Raf.
"Thank you po, Tita Farryn!" Rafaela exclaimed and accepted the gift. Panandaliang umalis si Rafaela para ilagay ang regalo sa pwesto.
Bumaling sa 'kin si tita. "Congratulations, Izidara! I heard you're doing well in class. Sana'y gano'n din ang anak ko. Hindi ba nangungulit si Cassius sa inyo?"
Napangiti ako sa tanong ni tita. Sinulyapan ko si Cassian na nagmamakaawang nakatingin sa 'kin. Inirapan ko lang siya.
"Ang kulit-kulit po ni Cassian, tita! Palagi pong nanggugulo sa 'min ni Raf."
Natawa si tita. "Really? O siya, sige, pagsasabihan ko si Cassius. I'm sorry for that, Izidara. Papaluin ko 'yon sa pwet!" pabirong sabi ni tita.
Tumawa ako. "Opo, Tita! Tama po 'yan!"
Narinig ko ang pagdadabog ni Cassian. Nakangiwi siya nang lumapit sa Mommy niya.
"Mama! Nagsumbong na naman si Umbrella?"
Binelatan ko siya. Hindi siya nakabelat pabalik kasi makikita siya ni tita. Inasar ko muli siya bago umalis at nagpunta kay Rafaela na kumukuha ng ice cream. Sumunod ako sa kan'ya nang dumiretso sa swimming pool.
Halos lahat ng kaklase namin ay nasa swimming pool na. Si Cassian na lang ang hindi dahil kaaalis pa lang niya mula sa panenermon ni Tita Farryn. Nakabusangot tuloy siya nang lumublob sa swimming pool.
"May kinonfiscate si Tita?" tanong ni Raf.
"Nintendo, PSP, Xbox, tsaka Wii!" nakasimangot niyang sabi.
"'Yan kasi ang kulit!" pang-aasar ko. Palihim akong tumawa at tinalsikan ng tubig si Raf.
"Sumbungera ka kasi!" May ibinulong pa siya sa huli.
Nag-make face ulit ako bago kumuha sa ice cream ni Raf. Naubos na kasi 'yung kinakain ko kanina.
Lalong lumalim ang simangot niya. "Aalis ako rito! Inaaway niyo 'ko."
Nang umahon si Cassian ay sinundan ko siya ng tingin. Naningkit ang mata ko nang lumapit siya kay idiot.
"Raf!" Bumaling siya sa 'kin. "Sino nag-invite sa idiot na 'yon?!"
"Idiot ba ang tawag kapag matalino?" nagtataka niyang tanong.
Sinimangutan ko siya. "Naman kasi! Kinakausap ka nang matino."
"Naman kasi!" she mocked. "Ano ngayon kung nandito si Elliot—"
"Idiot 'yon!"
"—e hindi ka naman niya inaano. Baka crush mo siya, ha?"
I groaned. "Lahat na lang!"
Winisikan niya ako ng tubig. Ginantihan ko siya ng mas malakas. Lumawak ang ngiti ni Rafaela at nilakasan ang pagwisik niya. Nilakasan ko rin ang akin.
Ngumiwi siya. "Uy, tigil na! Nababasa ako!"
Umirap ako. "Duh, Raf, duh."
Tinigil ko ang "pagbasa" sa kan'ya dahil sa ngalay na naramdaman. Nagkwentuhan na lang kami ni Raf. Nang mapagod ay iniikot ko na lang ang tingin sa paligid at tiningnan ang mga bisita. May mga bata na nagtatakbuhan, ang isa ro'n ay umiiyak dahil nadapa. Sa isang banda naman ay nakita ko si Cassian na kausap pa rin si idiot kasama ang isa pang lalake.
Itinuro ko ang lalake kay Raf. Sabi niya, si Griffin daw 'yon.
"Griffin? 'Di ba nasa Harry Potter 'yon?"
"Gryffindor kaya 'yon! Bobo-bobo nito."
Nanlaki ang mata ko. "Isusumbong kita kay tita nagmura ka!"
"'Di naman daw mura 'yon sabi ni Kuya Ulysses. At tsaka, hindi naman 'yon nabibili sa tindahan, ah?"
Ngumiwi na lang ako kay Rafaela at umahon mula sa swimming pool. Basang-basa akong nagtungo sa pangalawang sweet corner sa loob ng venue.
Humingi ulit ako kay kuya ng isang cup ng ice cream. Kukuha rin sana ako ng isang gummy bear ngunit pinigilan ko ang sarili nang makita na paparating si idiot.
Naningkit ang mata ko sa mukha niya. Bakit wala siyang salamin? Parang nanliit tuloy mata niya.
"Hi, Brella!"
Tipid akong ngumiti kay Georgia pagkadating niya kasama si Courtney. "Hello."
Nasa likod na nila si idiot kaya siya na ang kinausap nina Georgia. Katulad ko ay napansin niya ring walang salamin si idiot.
"Bakit wala kang salamin?" tanong ni Georgia.
"Hindi ko na kailangan."
"Ha? E ano 'yung suot mo rati?"
"Trip lang," he said with a shrug.
I groaned because of what I heard. Pabida lang pala siya para magmukhang matalino!
Dumaan si idiot sa gitna at kumuha na ng bowl. Itinuro niya sa staff ang flavor na gusto niya habang kinakausap siya nina Georgia.
"Magaling ka sa Math, 'di ba?"
Kibit-balikat lang ang isinagot ni hindi suso.
"Pero nanalo ka sa Math Wizard."
Nagkibit-balikat muli siya. "Ewan."
Nalaglag ang panga ni Courtney sa narinig. May binulong siyang kung ano kay Georgia bago sila umalis.
Siguro na-realize nila na walang kwentang kausap si idiot kaya umalis na lang sila. Tama 'yan!
Pinanood ko siya hanggang sa matapos sa ginagawa. Inabangan ko siya sa dulo habang naka-crossed arm.
"Ang weird mo," komento ko pagkakuha niya ng ice cream niya.
Napasinghap ako dahil sinilip lang niya ako bago ibalik kaagad ang tingin sa lamesang puno ng candy. Ano ba 'yan? Parang hangin lang ako!
"Huy!" pagtatawag ko ng atensyon niya.
Hindi pa rin niya ako pinapansin at binuksan ang glass jar na naglalaman ng gummy bears. Gumamit pa siya ng plastic tongs para malipat mula sa jar papunta sa mangkok niya.
Humugot ako ng malalim na hininga.
"Bakit wala kang friends?" tanong ko bago isubo ang ice cream.
Naubos ko na ang isang scoop at naubos na ang nginunguya ko pero hindi pa rin siya tapos mamili ng gummy bears.
"Huy!" pagtatawag ko ulit. Inilagay ko na nga ang gamit kong bowl sa isang gilid at kumuha pa ng isang mangkok.
Nakahingi pa ulit ako ng isang scoop mula kay sa staff. Pagbalik ko sa may gummy bears ay hindi pa siya tapos!
Ano ba 'to? Ano ba ang problema niya at parang may pinipili siyang colors? Sa pagkatatanda ko, pare-pareho lang ang flavors ng mga gummy bears.
Tahimik ngunit napupuno ng inis ay pinanood ko siya habang ginagawa 'yon.
Napunta ang tingin niya sa 'kin bago binitiwan ang plastic tongs. Kinuha ko 'yon at maramihang nilipat ang gummy bears sa mangkok ko. Pagtingin ko sa mangkok ko ay napasimangot ako. Bakit kulay blue ang lahat ng nakuha ko?
"Kasi..." dinig kong sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "May sasabihin ka?"
Ngumuso siya. "Pinauna kita kasi natatagalan ka yata sa ginagawa ko. Tinataas ko kasi lahat ng kulay blue para isang bagsakan kong makuha..."
"E ano ngayon?" Umirap ako sa kan'ya at pinili ang isang gummy bear. Ibibigay ko na lang kay Rafaela 'yung kulay blue.
Paalis na ako habang pinipisil ang kulay orange na gummy bear nang mapansin ko ang titig ni idiot.
"Ano?" panghahamon ko kahit na medyo puno ang bibig.
Napunta ang tingin niya sa mangkok ko bago dahan-dahang lumapit sa 'kin. Hindi pa ako nakagagalaw ay kinuha niya ang hawak ko at umalis!
Napaawang ang bibig ko dahil sa mabilis na nangyari. May laman ang bibig ko kaya hindi ko siya nasita agad.
"Akin na lang!" sigaw niya nang makalayo sa 'kin.
Muntik na akong mabulunan nang pinilit kong lunukin ang nasa bibig. "M-Mang-aagaw!"
Ngumisi siya, ngayon ay malayo na sa 'kin. "Gusto mo ba ang blue?"
Umiling ako.
"Hindi naman pala! Akin na 'to."
Suminghap ako. "Bawal 'yan dalawang mangkok hawak mo!"
"Hawak ko na!" pang-aasar niya, tumatawa pa.
"A'a 'yan!" naiirita kong sabi. "Sana maging Smurf ka!" At tuluyan na siyang umalis.
Bwisit naman 'to. 'Yung ice cream ko!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro