Kabanata 29
Kabanata 29
Excuses
"Yung gown niya, ready na? Yung make-up artist, nandito na 'di ba?"
Ang kaguluhan ang bumungad sa 'kin ngayong umaga. Sinulyapan ko ang oras at nakitang alas nuebe na ng umaga. May dalawang malaking plastic ang nakasabit sa clothing rack malapit sa pinto.
"Maria! Pakigising naman si Izidara, sabihin mo may laban siya ngayon," rinig kong sigaw ni Mommy.
Kunot-noo akong bumaba ng hagdan at nilapitan na si Mommy. Tinapik ko siya sa balikat at nagtatakang tinignan.
"My? Anong meron?"
My mother's worried face greeted me. Medyo stressed siya sa oras na 'to at hindi ko alam kung bakit. "Today's your contest, Izidara! Nakalimutan mo na ba?"
Nanlaki ang aking mata nang matandaan iyon. Of all the things to forget, iyong contest pa!
Dali-dali akong kumain at naligo't gumayak. Alas sinko ng hapon ang simula ng pageant sa ibang university ngunit kailangan ko na agad pumunta bago sumapit ang alas dose para sa rehearsals. Magba-blockings pa dahil ito lang ang oras na makapagre-rehearsal ako dahil busy sa schedule.
Basa pa ang buhok ay pumasok na ako sa loob ng SUV. Nasa isang van ang evening gown at high fashion casual wear na susuotin ko. Nakasakay rin do'n ang ilang make-up stylist at hairdresser na susunod mamaya. Mauuna ako dahil kailangan sa rehearsals.
Kinatok ni Mommy ang bintana ng sasakyan. Ibinaba ko ito.
"Did you bring your things already?"
I nodded. "Mamaya pa naman po dadalhin ang gown. Bakit nagmamadali po kayo?"
"I just want to make sure that everything's in place," nakangiting sabi ni Mommy.
She told me some precautions of things I should do. Tango lang ang naisagot ko at nagpaalam na dahil mala-late na ako.
"Galingan sa rehearsals, okay?"
"Yes po."
From: Therese
Girl, good luck sa pageant today! I'll try to go. Pipilitin ko talaga!
Kailangan kong makapunta kahit na mag-cutting pa ako. Haha.
To: Therese
'Wag kang mag-cutting!
May pasok si Therese ngayon ngunit kaonting subjects lang naman ang nasa schedule. I won't miss that much, kung mayroon 'man, kay Therese ako manghihingi ng dapat gawin.
From: Corinthian
Ano oras laban mo?
To: Corinthian
Mga 5. Bakit, pupunta ka?
His reply was instant.
From: Corinthian
Sheperd. Ako pa! sa RCA, 'di ba?
To: Corinthian
Yep! Siguraduhin mong hindi ka magcu-cutting ha.
From: Corinthian
Yes, ma'am! Masusunod!
The university allowed me to rehearse for today. Ngayon lang kasi ang libre kong oras dahil naging abala ako sa mga nakaraan. Habang nng ibang contestants mula sa universities dito sa Pampanga ay nakapag-rehearsal na dahil hindi naman daw gaanong ka-tight ang schedule nila.
Sa Royal Colleges for the Arts, na siyang under sa Kingston, ang venue ng rehearsals at mismong pageant. Arts & Design ang mga kurso rito kaya kahit ang gate ay may mahusay na architecture.
There are different forms of painting and style for each building within the vicinity. For the Fashion Design building, its façade is in the form of a classy exterior with glass walls. Ginto ang disenyo sa labas nito at siyang pinakakulay.
Sa Performing Arts building, ang pinakababang palapag ay ang malawak na dance studio nila. Meron ding studio for ballet dahil isa ito sa specialties ng RCA. Visual Communication building is focused on the advertisement, website design, and editorial products. Focused ito sa mga magazines, articles, at photojournalism.
May malaking function hall para sa mga ginaganap na contests dahil madalas dito dahil sa Fashion Design.
Pangalawang beses ko na ang pagpunta rito ngayon ngunit lagi akong namamangha. There's something about this university that brings me back to the fresh and nostalgic era of the 20th century, lalong-lalo na kung makapapasok sa museum ng Painting and Sculpture building.
I followed the instruction the guards gave me. Hindi rin naman ako nahirapan sa paghahanap ng mismong function hall dahil naglagay sila ng directions para rito.
"Miss University 2018?" the staff asked.
Tumango ako at pinakita ang ID. May sinilip siya sa listahan bago ako pinayagang pumasok.
"Diretso lang po sa backstage."
There are small hustlings inside the hall. Dumiretso ako sa backstage at hindi nag-abalang tanungin ang mga tao rito dahil halatang busy sila.
May ilang minuto pa bago sumapit ang alas dose kaya hindi naman ako late. Nanghingi ako ng number sa kanila at ikinabit ito sa damit. Inabutan ako ng t-shirt na nakalagay ang pangalan ng pageant bago igiya sa mismong likod ng stage.
We are asked to fall in line. Number 9 ang nakuha ko. Ang mga nauna sa 'kin ay medyo pamilyar dahil nakikita ko sa ilang pageants na sinasalihan ko noon.
Rampa at blockings ang ginawa sa loob ng dalawang oras. Thirty minutes before three p.m. na ako nakakain. Dinalhan ako ng pagkain nina Mommy dahil nagpunta na rin ang stylist at make-up artist. Alas tres ako sisimulang ayusan bago pagsuotin ng casual wear na siyang binubuo ng t-shirt at pantalon.
"Darling, you look gorgeous!" puri ng make-up artist.
I smiled and said my thank you.
My heart clamored against my chest minutes before the pageant started. Nag-retouch ako bago pinapila na sa linya ng mga contestants. I didn't get the chance to check my cellphone for messages because I was so nervous.
I chanted a short prayer in my mind before flashing my greatest smile and forwarded my feet to grace the stage. The different colors of spotlight greeted me once I entered the stage. Hiyawan mula sa ibang mga tao ang bumalot sa aking pandinig kasabay ng upbeat na tunog mula sa sound system.
I stopped in the middle and put both of my hands on my waist before looking at the judges. Sinadya kong makipag-eye contact sa kanila bago kumindat at maarteng umikot at dumiretso sa linya.
I never got the chance to scan the entire sea of people on my first ramp on the stage. Kahit na binabalot ako ng kaba ay nasiyahan pa rin ako sa ginawa. May maliit na segment na ipe-perform ang students ng Performing Arts bago kami bumalik sa stage.
Eksaktong pagkababa ko mula sa stage ay inabutan ako ng stylist ng cellphone.
"Kanina pa tumatawag..." she said before I grabbed the phone.
A wave of cold breeze shone upon my body when I read the caller's name. Binalot ako ng kakaibang pakiramdam mula sa puso bago nagkaroon ng buong lakas na sagutin ito.
"My princess..."
Ayokong banggitin ang pangalan niya.
Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ang panibagong bugso ng sakit sa aking puso. Napapikit ako roon kaya't nadama ko ang kaonting init sa aking puso. Hindi ako makaimik habang nananatili siya sa kabilang linya.
It's been weeks since the last time I saw him but I didn't expect my heart to ache this much. The pain enveloped my entirety and pulled me from the comfort of rationality.
Ito yung oras na gusto ko siyang puntahan ngayon ngunit bakit ako pupunta kung hindi naman niya ako kailangan?
Marahas akong napalunok at sinulyapan ang make-up artist na tinitignan ako. She is motioning me to remove my clothes to prepare for the High Fashion Casual Wear.
I removed my clothing and wore my dress. I got no chance to adore the structure of my dress because of the throbbing of my chest.
"Hija, stop crying," the make-up artist murmured. I felt a tissue touching my eyes.
Napadilat ako ng mata at direktang nakita ang repleksyon sa salamin. The stylist is busy on creating forms on my hair while I am busy conforming to the edges of my despair.
"Sorry po," mahina kong sabi.
Kahit sa likod ng tunog mula sa speakers ay naririnig ko pa rin ang paghinga niya mula sa kabilang linya. My heart is constricting so much.
"Princess, I know I've been an ass to you, but I'll make sure that I'll do everything to win you back. Gustuhin ko 'mang pumunta ngayon para sa pageant mo..."
Suminghap ako nang malamang alam niya ang event ngayon.
Somehow, my heart forced me to stop being rational and just accept him back, because, what would I do without him? Nasanay na ako sa presensiya niya ngunit nahihirapan pa rin akong bumalik.
There's something about my guilt and the complexity of his issues that forces me to reel back and watch.
"May tune up kasi ng swimming team ngayon at hindi ako makakasama, pero promise, babawi ako. Is that okay?"
Tumingin ako sa taas at ginawang excuse para pigilan ang pagtulo ng luha. Nilagyan ako ng kung ano sa ilalim ng mata at hinayaan itong patuyuin.
"Ipikit ang mata," saad ng makeup artist.
The booming of sounds from the speaker was overcomed by the sound of his voice. Something about it pains me. How the stroke of his mouth greatly affects the pulse of my veins.
"Susubukan kong makapunta r'yan, prinsesa ko. Maniwala ka sa 'kin." Tahimik akong humugot ng hininga. "I love you..."
And he ended his call.
Nilunok ko ang malaking bloke sa aking lalamunan. Sa paglunok ay ramdam ko ang tinik na dumidiin sa paligid nito.
"Brella, okay ka lang?"
I sighed and nodded. "Okay lang po ako."
Ilang minuto pa ang itinagal ng pag-aayos sa 'kin bago ako natapos.
Bagsak ang aking buhok at sa dulo ay wavy ito. Sa kaliwang balikat ay mayroong kulay berde na parang loofa na naka-attach sa pula kong damit. Long sleeves ang aking dress at may belt sa bewang. Habang itim na heels ang ipinares.
I stood up when the stylist asked for a picture. Malawak na ngiti ang ibinigay ko sa buong durasyon ng pagkuha ng litrato. Nagpakuha rin ako mula sa sariling cellphone at pinost sa Instagram.
Therese DMed me at Instagram. Muntik ko nang mahulog ang cellphone nang mag-redirect ang sinend niyang link sa pinost ni Elgene.
Oh, come on! I don't need this distraction right now...
elgened I miss my umbrella princess.
It's a candid picture of me sleeping at his unit.
Matagal na pala niya itong pinost, noong isang buwan pa. Matagal na ring tambak sa inbox ko dahil hindi ako mahilig mag-check ng Instagram.
"Contestants, pila na!"
Come on, Brella. Bitawan mo muna 'yan...
I focused my mind throughout the whole contest. Hindi ko muna inintindi si Elgene. If I'm distracted, I am sure that I can't bring out my best. I need to remember that I am representing Kingston Colleges.
Sa buong oras ng contest ay kontento ako sa ginagawang pagrampa at sa naging sagot sa Q&A. The last and final ramp is for the Evening Gown competition.
I wore a deep red beaded mermaid gown. The straps are made up of embroidered lace fabric, attached to the the edges of the dress. May slit ang neckline ngunit umabot lamang hanggang sa midriff. Floor-length ito at medyo masikip sa bandang bewang dahil niyayakap nito ang aking pigura. Medyo lumuwag naman ito pagdating sa may hita.
The swatch painted on my lips matched the swatch of my gown. Smokey eyes complimented my look.
"Hija, you look gorgeous! Ready to slay!"
Ngumiti ako nang malawak dahil pati ako ay kuntento sa ayos. I really look like I am ready to slay.
"Backless pa 'yan, o 'di ba? Daig! Collarbone mo pa lang pamatay na. Ganda pa ng posture mo!"
"Walk in an 'x' manner, ha? It really brings out your figure lalo na sa bawat pag-abante mo."
Inalalayan nila akong umakyat ng stage dahil sa kitid ng gown sa ibaba. Nang tinawag ako ay nagpunta ako sa gitna. Pagkatutok ng spotlight sa 'kin ay nagsigawan ang mga tao at binanggit ang pangalan ko.
"Go Brella! Ang ganda mo!"
"Brella, you're slaying this!"
"Brella, I love you!"
"Ate, akin ka na lang!"
I walked in a sultry manner following the beat of the music. Nag-pose ako sa bawat tigil at pumwesto muli sa gitna.
I looked for familiar faces in the crowd and saw Corinthian and Therese's faces. Napilitan din yatang sumama si Virgil at Zyrell dahil nando'n din sila. Hinigit siguro ni Corinthian.
Lalong lumawak ang aking ngiti nang makita ko si Yates at Rafaela.
Ano ang ginagawa ni Yates dito? Hindi na ba siya pupunta sa Araceli? The thought of it itches me to finish this contest. Gustong-gusto ko nang kausapin ang lalakeng 'yon dahil sa mga impulsive niyang desisyon!
Ang pangsampung contestant ay natapos na rumampa kaya bumalik muli kami sa stage at pumila. This is the last wave of the contest before proceeding to the awards.
I am confident of my performance tonight. Hindi ko nga lang ine-expect na maraming awards ang makukuha ko ngayon!
Two out of three major awards ang nakuha ko. I won the "Best in High Fashion Casual Wear" and "Audience Favorite". Ang major award na "Best in Evening Gown" ay nakuha ng ibang contestant. I am okay with what I have. Nakakuha rin ako ng isang minor award. Naka-ooverwhelm lang talaga dahil nag-pay off ang pagrampa ko ngayon.
What shocked me more is I got the title! Ang babaeng "Best in Evening Gown" ay first runner up. Malaking korona ang ipinatong sa 'kin ng Miss University 2017. Inabutan din ako ng bouquet at pinapunta sa gitna para litratuhan.
"Miss University 2018, what can you say?" tanong ng emcee sa 'kin.
Tumigil ang sigawan para bigyan ako ng espasyo magsalita.
"I am overwhelmed, so much. Hindi ko po ine-expect na mapapanalunan ko 'to. Thank you so much!"
Sina Mommy ay nandito rin pala, tsaka ko lang nalaman nang umakyat sila sa stage at nag-picture rin.
"Izi, congratulations!" sabi ni Ate Mikaela sa 'kin bago ako yakapin.
Nakangiti akong yumakap sa kan'ya. "Thank you, Ate!"
Kinumpulan ako ng mga taga-Kingston pagkatapos akong alalayan ni Corinthian na bumaba ng stage. Nagulat pa ako dahil sa inabot niyang bouquet sa 'kin.
"Really, Cori? Nag-abala ka pa!" natatawa kong sabi.
"May teddy bear ka pa sa kotse, courtesy of Raf. Tinext niya ako na bilhan ka raw kasi siguradong mananalo ka," saad niya sabay sulyap kay Raf.
Rafaela rolled her eyes at him. "Of course, she will win. Best friend ko 'to e. I believe in her!"
Hinawakan ni Ate Mikaela ang bouquet mula sa organizer at pinilit na hawakan ko na lang ang kay Corinthian.
"Lahat para sa 'yo, Brella! Napaka-supportive ko kaya. Dapat thankful ka!" natatawang sabi ni Corinthian.
"Lumuluwas talaga ako mula Makati for her. Super worth it kaya ang pag-absent ko ngayon! Nanalo naman si Brella. Pinapagalitan na nga ako ni mommy, e," natatawa niyang sabi.
Rafaela is the type of girl to leave the house anytime she wants. Hindi ko lang alam kung napagagalitan siya ngunit nakababalik pa rin siya rito nang madalas.
Nagbigay ng regalo si Freesia. Nandito siya kasama ni Cloud. Sinabihan siguro ni Therese.
"Huy, congrats!" bati ni Cloud sa 'kin habang nakaakbay kay Freesia.
Tsaka lamang bumalik sa isipan ko na wala nga pala si Elgene ngayon.
Maliit na ngiti ang pinakawalan ko kahit na pinilit kong maging malawak ito. "Thank you!"
Students from Kingston asked me to take a picture with then. Pati na rin ang ibang estudyante ng RCA ay nagpalitrato rin sa 'kin.
Their appreciation towards me is enough. Sobra-sobra na ang naging awards ko ngayong gabi.
Bumalik ako sa kanila pagkatapos kong magbihis dahil nahihirapan akong maglakad gamit ang mermaid gown. Imbes na heels ang suot ko ay nagtsinelas na lamang ako. Nag-alis na rin ako ng make-up.
"Si Elgene?" tanong ni Cloud sa 'kin kaya nakakuha siya ng kurot kay Freesia.
"Cloud!" sita ni Freesia.
I laughed at them. "He called earlier. 'Di raw siya makakapunta."
Both of Cloud's eyebrows rose. Nagulat pa siya sa sinabi ko. Bakit? Hindi ba niya alam?
"Bakit daw hindi?"
"May tune up daw," sagot ko.
Inakbayan ako ni Corinthian.
"Ikaw, Cori, bakit nandito ka ngayon? Tapos na tune up?" tanong ko naman sa kan'ya.
Corinthian's brow met. Nagtataka niya akong tinignan.
Nasagot ang tanong ko nang dumating si Kirk Figueroa, isa sa mga team mate nila. Kirk smugly smiled at Corinthian before leaving a greeting to me. Kahit nagtataka sa presensiya ay nagpasalamat ako.
"Pinsan ni Quin," bulong ni Corinthian sa aking tenga.
"Galing mo rumampa," komento ni Kirk.
I smiled at him. "Salamat..."
I found it awkward to talk to him, hindi ko alam kung bakit.
"Si Elgene?" tanong din niya sa 'kin ngunit pansin ko sa mata na may alam siya.
The first time I saw him, I questioned his deeds. Sa paraan pa lamang ng pakikipag-usap niya kay Elgene o 'di kaya kay Cori ay ipinagtataka ko.
His presence right now is too much of a mystery. Sure, he just wants to go, but the hidden smirk between the strokes of his mouth says a lot.
"Tune up niyo raw. Tapos na?" tanong ko, kinukwestiyon ang presensiya niya. "Anong oras ka ba nakarating?"
Sa pagbanggit ko pa lamang ng "tune up" ay nagtaka na siya. Palihim akong humugot ng hininga.
"Walang tune up ngayong araw."
Pinilit kong lunukin ang sakit sa aking lalamunan. Nagtatanga-tangahan lang ba ako at tahimik na umaasa? Na kaya dumating dito si Cori at Kirk dahil tapos na ang tune up?
That is his alibi, then? I felt trashed.
"Sabi niya kasi may tune up..." Humihina na ang boses ko.
It really pains me how he's keeping secrets from me. Why does he find telling the truth hard to reveal? Does it tear him up to pieces? May nawawala ba sa kan'ya kapag nagsasabi ng totoo? Alam kong wala akong karapatang magalit o kung anoman pero bakit hindi na lang niya sinabi ang totoo?
I find him so complex yet why am I so eager to solve him?
"I don't actually know. Siguro kasama si Quin—"
Napigilan nga ni Corinthian si Kirk ngunit hindi nito napigilan ang sakit sa aking puso. Bakit ba pinagkakaitan ako ng katotohanan? Ano ba ang mali na ginagawa ko para maramdaman 'to?
"Gutom ka na ba, Izi?" tanong ni Ate.
It's almost eight in the evening and it felt like something's missing.
"'Lika, Brella, ililibre kita," biglang sabi ni Corinthian pagkalapit sa 'kin ni Ate.
Maybe she knows. Naike-kwento ba ni Rafaela?
Sumunod sa 'min si Rafaela sa labas. Makahulugan niyang tiningnan si Corinthian.
Their eyes are speaking to each other and I am aware of it. What I'm oblivious of is the message between their gazes.
Ang mabigat na pagbitaw ng hininga ni Rafaela ang senyales.
"We can't have you this night, but tomorrow we will," makahulugan niyang sabi at niyakap ako.
There's something hidden between the weight of her words that I found it hard to believe.
"Raf," pagtawag ko, natatakot sa susunod na mangyayari.
She heaved a sigh. "Your prince returned."
My eyes started to water because of the weight of my feelings. Bumibigat ang bawat sandaling tinititigan ko si Rafaela dahil sa imaheng nabubuo sa kan'yang mata.
She placed her hands on my shoulders. "Bagong payong ka. Bagong payong ka. 'Wag kang papayag na gagamit-gamitin kahit na sira ka. 'Wag kang papayag na ipa-repair kahit na sira na."
Hindi ko namalayan ang pagbigay ng distansiya ni Corinthian sa aming dalawa.
"My wish for you is to stop being selfless, Brella. Bumalik ka sa kan'ya nang buo, 'wag kang papayag na sisirain ka niya. Naaawa ako sa 'yo, please lang."
Nilunok ko ang nakabara sa lalamunan. "Hindi ko naman birthday para mag-wish ka para sa 'kin..."
Naramdaman ko ang pag-iling niya sa aking leeg. "Hindi lang naman tuwing may birthday pwedeng mag-wish, pero sana malaman at maintindihan mo na ang kahalagahan ng disiplina."
I am feeling that I am about to tear up a lot, and that my tear will not only symbolize my pain but also the heartache of the past.
Naninikip ang dibdib ay umiling ako. "W-Why, Raf? Why? Bakit ganito?"
"There are laws that he's going to destroy," she explained. "With the rebirth of this, be aware that this will change you, B. You're going to lose yourself. You're going to question yourself. Hindi ka disiplinado para pansinin 'yon. Gano'n ka na kasira, Brella, kaya hindi mo na alam kung paano disiplinahin ang sarili."
Sa pagkalas ng kan'yang yakap ay siyang pagkalas din ng kung ano 'mang natira sa 'kin. Gulat ang dumaan sa aking mukha nang makita ko kung gaanong luha ang nanggaling mula sa kan'yang mata.
Kahit na puno ng luha ang mata ay nananatili pa ring matalim ang tingin niya. "Disiplinuhin mo ang sarili mo—kailangang-kailangan mo 'yan."
Those were her last words for the night before she disappeared in the dark.
Bumaling ako kay Corinthian. Sa kan'ya ko sana iiiyak ang nararamdaman kung hindi ko lamang narinig ang mahinang hele ng boses. Mayroong tugtog mula sa beatbox at iba pang instrumento na nanggagaling mula sa aking likod.
"Matagal-tagal ding nawalan ng gana, pinagmamasdan ang dumadaan. Lagi nalang matigas ang loob, sabik na ay maramdaman."
Suminghap ako at napatulala sa mukha ni Corinthian. He sadly smiled at me. I tried to reach for him but he stepped back and shook his head.
He's not the one who's singing.
"'Di ka 'man bago sa paningin, palihim kang nasa yakap ko't lambing. Sa bawat pagtago, 'di mapigilan ang bigkas ng damdamin..."
Tinuro ni Corinthian ang tao sa aking likod.
Natatakot ako. Natatakot akong lumingon dahil alam ko ang magiging kahihinatnan nito.
The intensity of Rafaela's words kept on weighing on my shoulders. My heart refrained my rationality from talking.
"Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga. Walang papantay sa 'yo..."
I don't want to break my heart even more. I don't want it to be crushed. I want to retain my fragile heart and retain the walls stooping up. I don't want to fall with one wicked encounter.
I don't want to fall to a heartbreaker with brains, without a heart.
"Brella..."
"Go on, B," saad ni Cori. Umiiling pa rin ako kay Corinthian kahit na tinatawag na ni Elgene ang pangalan ko.
Mahapdi ang dibdib ko habang nakaharap kay Corinthian. Unti-unti niya akong binitawan at pinaharap kay Elgene. Hindi ako makatayo nang maayos ngunit pinilit ko ang sarili.
"Sobrang dami kong kasalanan sa 'yo kahit hindi pa tayo nagsisimula, pero nandito ako't humihingi ng paumanhin sa mga ginawa, ginagawa, at gagawin ko. Hindi ko hihilingin na bumalik ang oras para maitama ang mali ko. Sisiguraduhin ko na lang na sa susunod na bibigyan mo ako ng pagkakataon, mamahalin na kita nang tama."
Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—ang pag-amin niya sa mga kasalanan niya o ang pagbanggit sa mga salitang nabanggit na niya noon.
Sobra na akong nasaktan ngunit gusto ko pa ring bumalik, gusto ko pa ring maghirap, at gusto ko pa ring masaktan.
Nagpapaka-martyr? Siguro. Sabi ni Rafaela, huwag na akong maging selfless, hindi ba?
"I am courting you starting today. I don't accept no or any words synonymous to that. I only accept you in my life. Please hear me out for I am kneeling in front of you..."
Suminghap ako dahil nakita ko ang pagluhod niya sa harapan. Tuloy-tuloy na ang luha mula sa aking mata at natakpan ko na ang bibig dahil sa gulat.
"I am kneeling in front of you to tell that I am willing to die for the sake of your forgiveness. I am willing to tell you everything, just accept me in your life again. Magpapaka-selfless ako para sa 'yo. I will be transparent. I will assure you that I will swear my love upon your trust. I assure you that I will love you with all that I am. Hindi na ako mananakit ng tao—hindi na ako mananakit ng kung sinoman. Tanggapin mo lang ako ulit... please... tanggapin mo ako ulit."
Sobra-sobra na ang sakit sa aking puso lalo na nang makita ang pagmamakaawang nakabalandra sa kan'yang mukha. Ngunit ang sakit no'n ay hindi matutumbasan ang nararamdaman ko.
Punong-puno ng luha ang kan'yang mata nang ipinakita sa 'kin ang malaking bouquet ng bulaklak. "Brella, my umbrella princess. Roses are red, violets are blue; here is my heart, beating for you."
Bakit, Elgene? Bakit ka nagmamakaawa sa 'kin kung ikaw naman ang nananakit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro